Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 15

Nakamamangha ang itsura ni Gu Ruruo tulad ng kanyang suot kanina na itim na gown, pero ang pumukaw ng atensyong ng lahat ay ang kwintas na nagpapahinga sa kanyang leeg. Isa itong brilyante na dark-blue na napapalibutan ng maliliit na dyamante. Natatangi ang disenyo nito, at ang napakahusay na pagkaukit nito ay nangahulugang ito’y isang napakamahal na alahas. Walang ibang mas nakakakilala sa kwintas na ito maliban kay Tang Ruochu. Ang ina niya ang nagmamay ari nito noon, at inihanda niya ang kwintas na ito para maging dote ng kanyang darating na asawa. Hindi siya makapaniwala na may lakas ng loob si Gu Ruoruo na suotin ang kwintas na ito. Umaapaw siya sa poot at ang galit niya ay sinimot ang kabuuan ng kanyang pag iisip. Naglakad siya nang may galit sa gitna ng madla papunta kay Gu Ruoruo. Binigyan niya ng nanggagalaiti na tingin si Gu Ruoruo bago niyang sinabi, “Sino ang nagpahintulot sayong magsuot ng kwintas na yan? Ibalik mo sa akin ‘yan! Pagmamay-ari nang nanay ko ‘yan!” “Pumanaw na ang nanay mo. Ngayon na ang mama ko na ang tunay na maybahay ng pamilya Tang, siya na ang bagong nagmamay ari ng kwintas na ito. Parte na ito ng mga dote ko!” sinabi ni Gu Ruoruo ng may malamig na ngiti. Malinaw na wala siyang balak ibalik ang kwintas. Dumilim ang mukha ni Tang Ruochu at sinabing, “Regalo ito mula sa nanay ko. Minsan ko lang ito sasabihin, ibalik mo sa akin ang kwintas!” “Anong gagawin mo kapag tumanggi ako? Aagawin mo ba ang kwintas na ito sa harap ng publiko?” matapang na sinabi ni Gu Ruoruo habang nakaliyad ang kanyang dibdib. “Sa tingin mo ba hindi ko gagawin yon?” ang sabi ni Tang Ruochu nang inabot niya ang kwintas. Bago maabot ng kamay niya ang kwintas, nadapa patalikod si Gu Ruoruo na para bang tinulak siya. Nawalan siya ng balanse at nalaglag sa sahig. Napuno ng katahimikan ang ballroom at tumingin ang lahat sa kanya. Umupo siya sa sahig at sinabi ng may pekeng pagkagulat, “Ruochu, alam kong may damdamin ka parin para kay Yinfeng, pero bayaw mo siya. Kahit na… kahit na may nasabi akong masama sayo, bakit mo ako tinulak? Paano kung… nasaktan mo ang anak kong hindi pa sinisilang? Anong gagawin mo?” “Hindi…” tumigil si Tang Ruochu sa pwesto niya at namutla ang kanyang mukha. Alam niyang nahuli siya sa patibong ni Gu Ruoruo. Tumakbo palapit si Ji Yinfeng, tinulak patabi si Tang Ruochu, at tumingin sa kanya at sinabing, “Tang Ruochu, gaano ka kasama para saktan mo ang ate mo na alam mong buntis siya? Wag mo na kailanman isipin na makukuha mo ang puso ko. Ang ate mo na ang minahal ko simula pa noon. Wag mo na akong guluhin at wag mo nang ipagmukhang tanga ang sarili mo!” Manhid na sa sakit si Tang Ruochu pero tila may taong sumampal sa mukha niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Ji Yinfeng. Sa sobrang galit niya ay ginusto niyang bigyan sila ng palakpakan. Bagay talaga sila sa isa’t isa. Napakagaling nila sa pagkukunwari na karapat-dapat silang manalo ng Oscar! Sabik na nagdaldalan ang mga bisita sa isa’t isa. “Wow, siya ba ang kapatid ng ikakasal? Ang lakas naman ng loob niyang subukang agawin ang nobyo ng kapatid niya?” “Hindi ba siya nahihiya? Ang malas naman ni Gu Ruoruo na nagkaroon ng kapatid na tulad niya.” “Hindi na nakakagulat. Ang young master ng pamilya Ji ay katangi tangi kaya’t di ko siya masisisi kung nahulog siya para sa kanya. Pero hindi ba’t sumosobra na siya at inaakit niya si Ji Yinfeng kahit na siya ang nobyo ng sarili niyang kapatid at ang malala pa ay sinaktan niya ang kapatid niya.” Mapang-hamak na tumingin ang mga bisita kay Tang Ruochu at hindi nila tinago ang kanilang mga panlalait. “Haha, bagay talaga kayo para sa isa’t isa!” maputla ang mukha ni Tang Ruochu nang siya ay nagsalita. Galit siyang tumawa bago nagpatuloy, “Ji Yinfeng, sino ang nagbigay sayo ng tapang para sabihin ang mga salitang iyon? Paano mo ako aakusahan ng panggugulo kung mag nobya at nobyo tayo ilang araw pa lang ang nakalipas? Nakalimutan mo ba ba? Ipapaalala ko pa ba sayo na ngayong araw na to ang araw dapat ng kasal natin? Haha, alam kong walang hiya ka pero dapat mo malaman ang hangganan nang kawalanghiyaan mo!” Hindi inaasahan ni Ji Yinfeng na ilalantad niya ang katotohanan. Namutla ang mukha niya at sinabi, “Tang Ruochu, tumigil ka sa kalokohan mo! Kailan mo ako naging nobyo? Tumigil ka sa pagpapantasya mo!” “Ruochu, paano mo nakuha sa sarili mo para sabihin lahat ng ito? Mula pa noon ay nagmamahalan na kami ni Yinfeng. Hindi ako mabubuntis kung hindi yun totoo. Sumosobra ka na sa mga paninirang puri mo,” ang sabi ni Gu Ruoruo na may mapait na tingin sa mukha. Matalas niyang iniwasan ang katotohanan na inagaw niya lamang si Ji Yinfeng at pilit na sinabing dati pa sila nagmamahalan, kaya’t ang mga sinabi niya ay madaling tanggapin ng mga tao basta basta. Nag uusap ang mga bisita ng pabulong. Ang engrandeng engagement party ay bigla naging isang malaking pagtatalo ng kanilang pamilya. Pakiramdam ng lahat na para bang mas nakakasabik pa ito kaysa sa mga primetime melodrama. “Ruochu, ikaw ang nasa mali ngayon. Alam kong gusto mo si Yinfeng, pero ngayon na pinili niyang pakasalan si Ruoruo, pakiusap tigilan mo na ang paninirang puri mo,” ang ina ni Ji Yinfeng, Qin Silian, ay nagsalita at ipinagtanggol ang kanyang anak. Ang mga salita niya ay banayad pero ito’y nakakasira pa rin sa reputasyon ni Tang Ruochu. Namutla ang mukha ni Tang Ruochu. Nadama niya na iba na ang tingin sa kanya ng lahat matapos magsalita si Qin Silian. Mas mapahamak siyang tinitingnan ng lahat, at ang bawat tingin ay parang bala na tumagos sa kanya. Tumayo siya ng mag isa sa ballroom at pakiramdam niya na siya ay lubos na walang laban.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.