Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

May nakapansin na kay Tang Ruochu magmula noong simula, at hindi natanggal ang tingin niya kay Tang Ruochu habang nananatili sa ligtas na distansya mula sa kanya. Isa siyang makisig na lalaki, at ang puting shirt at itim na tuxedo ay naglabas ng kanyang matangkad at gwapong hugis habang nagmukhang mahaba ang kanyang mga binti. Naging mas malinaw ang itsura niya sa ilalim ng maliwanag na ilaw na marahan na dumaan sa mukha niya. Ang mga mata niya ay kasing dilim ng gabi, at naglalabas siya ng kaakit akit at mahiwagang aura. Maraming mga lalaki mula sa mataas na lipunan ang dumalo sa event, pero lahat sila ay walang binatbat kumpara sa lalaking ito. “Sir, nandoon po banda si misis. Pupuntahan po ba natin siya?” magalang na tinanong ni Mu LIng. “Hindi, dito lang tayo. Kikilos lang tayo kung kinakailangan.” Bagama’t lubos na kaakit akit si Lu Shijin, hindi siya nagpahalata sa mga tao at pinili niya sa sulok ng kwarto upang hindi makakuha ng pansin mula sa iba. “Masusunod po!” tumango si Mu Ling at tumigil sa pagsasalita. Si Gu Ruoruo at Ji Yinfeng ay nasa entablado habang binibigay nila ang kanilang pasasalamat. “Gusto naming magpasalamat sa mga bisita at media na dumalo sa aming engagement party…” Maliliwanag na kislap ng ilaw ang lumabas sa mga camera nang magtipon ang mga reporter sa ilalim ng entablado para manguha ng litrato sa mahalagang sandaling ito. Matapos nila magbigay ng talumpati, ang simpleng engagement ceremony ay natapos agad habang nanonood ang kanilang mga magulang. Naglabas si Yi Jinfeng ng isang mamahaling diamond ring, isinuot sa daliri ni Gu Ruoruo, at ipinangako na pakakasalan siya hanggang tumulo ang mga luha sa mga pisngi ni Gu Ruoruo. Pakiramdam niya na isa siyang prinsesa na kumuha ng attention ng lahat, at nakita niya rin ang mga tingin ng pagkainggit na nakukuha niya mula sa maraming tanyag na tao na dumalo dito sa event. Patuloy na kumukuha ng litrato mula sa likod si Tang Ruochu. May panahong nakukuha niya ang masayang magkasintahan sa mga litrato niya habang pinanatili niya ang kanyang pagiging propesyonal. Lumibot sina Ji Yinfeng at Gu Ruoruo sa ballroom at kaaya-ayang tumanggap sila ng mga pagbati mula sa mga bisita pagkatapos ng seremonya. Sinubukang umiwas ni Tang Ruochu na madawit dito pero wala pang intensyon si Gu Ruoruo na pakawalan siya. “Ruochu, masaya ako at nakarating ka ngayon dito,” ang sabi ni Gu Ruoruo, habang ang boses niya ay puno ng pekeng pagsigasig nang nilapitan niya si Tang Ruochu. Ang braso niya ay nakakawit kay Ji Yinfeng at ang mga mata niya ay puno ng kayabangan. Napahinto si Ji Yinfeng. Ito ang unang beses na muli silang magkita ni Tang Ruochu simula ng masaksihan siya sa kanyang pagtataksil. Hindi niya binigyang pansin ang mga reporter na nagtipon habang nasa stage siya kanina, kaya’t hindi niya nakita si Tang Ruochu. Kumunot ang noo niya at hindi mapigilang itanong, “Ikaw ba ang nag imbita sa kanya?” “Kapatid ko si Ruochu, kaya syempre gusto ko makuha ang basbas niya sa engagement party natin,” ang sabi ni Gu Ruoruo na may kasamang maamong ngiti pero hindi niya maitago ang tingin ng pagkapanalo sa mga mata niya. Napansin agad ni Tang Ruochu na pinapamukha ni Gu Ruoruo sa kanya ang kanyang tagumpay. Kalmado siyang tumingin sa magkasintahan at sinabi niya ng may kasamang malamig na pagtawa, “Mas interesado ako malaman kung paano kayo nagkakilala at nahulog sa isa’t isa!” “Naisip ko kung paano kayo lihim na magkita, magtago ng relasyon mula sa publiko, mag ibigan, at magkaroon din ng anak. Wag kayo mag alala, sisiguraduhin ko na magsulat ng magandang headline para sa article na ito!” Kahit sino ay makakapansin ng uyam mula sa kanyang boses, kaya’t mabilis namutla si Ji Yinfeng at Gu Ruoruo at galit na sinabing, “Tang Ruochu, ang lakas ng——” “Anong problema? Nahihiya ba kayong umamin? Hindi na pala ito kailangan banggitin. Gayunpaman, gusto ko mag iwan ng isang babala—tumigil na kayo sa pagpapahirap niyo sa akin kung hindi ay hindi ko alam kung ano ang susunod ko pang gagawin,” malamig na sinabi ni Tang Ruochu bago siya naglakad palayo ng walang pag-aalangan. “Tang Ruochu!!!” ang pagka gigil ni Gu Ruoruo. May maliit lamang na pagtatalo sa engagement party pero ito’y nakakuha ng atensyon ng marami. “Hindi ba’t sinabi mo sa akin na hindi dadalo si Tang Ruochu sa party? Nandito ba siya para gumawa ng gulo?” ang galit na sinabi ni Zhao Xiaowan sa pagka irita niya nang tumingin siya kay Tang Song na may kasamang pagkunot ng noo. Sinabi ni Tang Song na may bahid ng pagkalito, “Naisipan niyang dumalo, baka ibig sabihin nito’y tanggap niya na ang katotohanan.” “Sana nga, dahil ayaw kong sirain niya ang kasiyahan ni Ruoruo,” ang sabi ni Zhao Xiaowan. Tumawa siguro ng napakalakas ni Tang Ruochu kung narinig niya ang mga sinabi ni Zhao Xiaowan. Paano hinayaan ni Zhao Xiaowan ang sarili niyang anak na sumira ng kasiyahan ng iba, at pagbawalan ang iba na gawin din iyon? Pareho talaga silang mag ina, dahil pareho silang walang hiya. Masama ang loob niya sa mga kilos ni Gu Ruoruo dahil alam niyang talo na siya sa labang ito, pero paulit ulit parin ito pinapaalala ni Gu Ruoruo. May panahon na umiinit ang ulo ng lahat, at lalong totoo ito para kay Tang Ruochu dahil naranasan niya ang pagkabigo ng sunod sunod. Gayunpaman, ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap nila, at ayaw niya ring magagalak sila sa kanyang pagdurusa. Pagkatapos, nasa kalagitnaan na ng engagement party. Si Gu Ruoruo ay nagpalit na ng iba’t ibang mga gown sa kabuuan nitong event, at ang mga damit niya ay nakakuha ng pagpupuri mula sa mga bisita. Hindi interesado si Tang Ruochu sa party na ito. Kaya’t hinihintay niya lamang na matapos ito para siya’y makauwi na. Gayunpaman, napatigil siya sa gulat nang makita niya ang huling suot ni Gu Ruoruo. Pula na lamang ang nakikita niya habang puno ng galit ang kanyang mga mata.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.