Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Umiling si Wilbur. "Wala naman." "Bakit mo sinusubukan maging malapit sa tatay ko?" tanong ni Gordon. Sa sandaling yun, tumunog ang isang boses sa banquet hall. “Naririto si General Gordon Grayson ng Kardon Province army.” May malakas na palakpakan dahil dito. Ang isang sikat na tao na may ganitong lebel ng kapangyarihan ay nandito sa kasal nina Blake at Yvonne. Ang lahat ng mga mata ay tumingin ng may respeto kina Gordon at Wilbur. Kumunot ang noo ni Gordon dahil sa inis. Kalmado na sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng mga tao ay gustong gamitin ang pangalan ng pamilya niyo. Wala akong pag gagamitan nito.” Lumamig ang ekspresyon ni Gordon. “Ano pala ang gusto mong makuha sa pagiging malapit sa tatay ko, at sinasadya mo pa siyang lokohin sa cultivation mo? Ano ang pakay mo? Marami na akong nakilala na taong tulad mo.” Uminom ng champagne si Wilbur at sumagot, “Ganun ba? Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na tinutulungan ko lang na humaba ang buhay niya dahil sa ginawa niya para sa bansa?” “Hindi,” malamig na sinabi ni Gordon. Umiling si Wilbur. “Kung ganun, wala akong dapat sabihin.” “Magbabayad ka sa ginawa mo,” sabi ni Gordon. Umayos ng pwesto si Wilbur. “Wala akong nilabag na batas.” “Sa pamilya ang problema na ito, kaya personal ko itong haharapin. Wag kang mag-alala. Hindi ko aabusuhin ang kapangyarihan ko,” sabi ni Gordon kay Wilbur. Hindi napigilan ni Wilbur na tumawa. “Walang magagawa ang kapangyarihan mo, at wala ka ring laban sa akin. Dapat ka nang umalis bago mo pa ipahiya ang sarili mo.” Galit na sumigaw si Gordon kahit sinusubukan maging mahinahon, “Mayabang ka talaga! Nagsasanay na ako simula pa noong bata ako at maraming dekada na akong nasa militar. Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa pagsisinungaling mo?” “Subukan natin,” sabi ni Wilbur, hindi umaatras. Sa sandaling yun, may isa pang announcement. “Ang Weston District Manager na si Xavier Channie ay dumating na.” Nagpalakpakan muli ang mga tao, at naputol ang pag-uusap ng dalawa. Pagkatapos ng palakpakan, huminahon na si Gordon at sinabi niya, “Mukhang kailangan natin humanap ng ibang lugar para sa usapan natin.” Kalmado na sinabi ni Wilbur, “Ayos lang sa akin, pero may personal na bagay akong kailangan kong asikasuhin dito. Bahala ka na sa akin kapag tapos na ako.” “Makakapaghintay ako.” Sumandal sa upuan si Gordon, tumitig siya kay Wilbur. Tila walang problema si Wilbur habang tumitingin nang tahimik sa entablado. Halos tanghali na, at halos lahat ng mga bisita na inimbitahan ay dumating na. May isang local celebrity na naglakad sa entablado at nagsalita sa microphone, “Ladies and gentlemen! Una sa lahat, masaya ako at ikinagagalak ko na maghost sa kasal nina Mr. Blake Woods at Ms. Yvonne Willow. Ibigay niyo sana sa kanila ang inyong mga basbas!” Muling nagpalakpakan ang banquet hall. Nang matapos na ito, sumingit ang host, “Ngayon, gusto kong i-welcome ang ating Weston District Manager, si Mr. Xavier Channier, sa entablado upang magbigay ng isang speech.” Muling nagpalakpakan habang pumunta si Xavier sa entablado at naglakad papunta sa microphone. Sinabi ni Xavier ng nakangiti, “Ladies and gentlemen, ang Woods Corporate ay dati nang kilalang star corporation sa Weston District, at malaki ang naitulong nila sa pag-unlad ng Seechertown. Ngayon, gusto kong batiin ang mag-asawa pati na rin ang Weston District.” Nagpalakpakan ulit ang mga tao na para bang nasa isang concert. Huminto na rin ang palakpakan matapos ang ilang sandali, at lumapit ulit ang host sa microphone. “Ngayon, pakinggan natin ang ilang salita mula sa mag-asawa.” Kasunod nito, sina Blake at Yvonne ay pumunta sa entablado na magkakapit ang mga braso. Ngumiti si Blake at tumango sa mga bisita. “Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa aming kasal. Lubos kaming natutuwa na narito kayo. Ako, si Blake Woods, ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.” Pagkatapos ng palakpakan, ibinigay ni Blake ang microphone kay Yvonne. Sobrang saya ni Yvonne habang bumababa siya sa lahat para magpasalamat bago niya sinabi, “Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng naririto sa pagdalo sa aming kasal. Gusto ko ring magbahagi ng ilang salita mula sa aking puso.” Nanahimik ang lahat, naghihintay sa magandang kwento ng bride. “Sigurado ako na marami sa inyo ang nakakaalam na minsan ay nagkaroon ako ng kasal na hindi masaya.” Sa puntong ito, napuno ng luha ang mga mata ni Yvonne habang nagbulungan ang mga manonood. Kilala rin ang pamilya Willow. Lahat ng nandito ay mula sa parehong industriya at alam nila ang dating kasal ni Yvonne. Umiiyak si Yvonne at nagpatuloy, “Tatlong taon nang nakatira si Wilbur Penn sa pamilya Willow, tamad siya at ayaw niyang kumuha ng trabaho. Hindi niya kayang maging isang tunay na asawa, pati na rin masasabi na hindi siya isang tunay na lalaki. Dahil wala akong ibang magawa kundi kumuha ng divorce. Pero, pinagpala ako ng Diyos at hinayaan niya akong makilala si Blake. Si Blake ay responsable, mapagkakatiwalaan, at isang perpektong asawa.” Pagkatapos, naging emosyonal si Yvonne, ang boses niya ay naging malakas habang nagsalita. “Buong buhay kong mamahalin at aalagaan si Blake upang umangat siya sa mas mataas na punto ng buhay niya. Ito ang pangako ko kay Blake, at gusto kong maging saksi kayong lahat dito.” Ang mga salita ni Yvonne ay parang isang paputok para sa mga manonood, kaya nagpalakpakan ulit sila ng malakas. Nang matapos ito, nagbulungan ang lahat tungkol kay Wilbur Penn, na narinig na nila kanina. Samantala, kalmado lang na umiinom ng champagne si Wilbur. Malamig na sinabi ni Gordon, “Mukhang tama ako na isang sinungaling ka.” “Wag kang masyadong sigurado. Hindi laging ang nakikita mo ang totoo. Bukod pa dito, sabi-sabi lang ito,” sagot ni Wilbur na kalmado. Ngumisi si Gordon. “Nirerespeto kita sa pagiging kalmado mo sa ganitong sitwasyon.” Pagkatapos, nagsalita ulit ang host, “Ngayon, nais kong imbitahan ang CEO ng Cape Consortium headquarters sa Kardon Province, si Faye Yves, na umakyat sa entablado para magbigay ng basbas sa bagong kasal.” Muling nagpalakpakan ang lahat. Alam ng lahat na powerful ang Cape Consortium. Kahit CEO lang si Faye ng isang branch, mas mataas pa rin ang posisyon niya kaysa sa Weston District Manager pagdating sa kapangyarihan at impluwensya. Batid ng lahat na noong magplano ang Cape Consortium na mag-expand sa Seechertown, ginamit ng district manager ang kanyang koneksyon upang tumulong sa pagtatag ng branch ng Cape Consortium sa Seechertown. Talagang napakalaki ng kapangyarihan at impluwensya ng Cape Consortium. Dapat unang magsalita si Faye sa kasal, pero naunahan siya ni Xavier dahil sa posisyon nito sa gobyerno. Sa sandaling iyon, naglakad si Faye papunta sa entablado, nakasuot ng kanyang ivory evening dress. Nagpalakpakan ng malakas sina Blake, Yvonne, Xavier, at iba pang bisita. Mas malakas pa ang palakpakan kaysa nang nasa entablado sina Blake at Yvonne. Matapos humupa ang palakpakan, ngumiti ng bahagya si Faye at nagsalita sa mikropono, “Salamat sa inyong lahat para sa suporta. Sa totoo lang, bisita lang ako, at hindi ko talaga nararamdaman na kwalipikado akong magsalita para sa kasal ng mag-asawa.” May bahagyang tawanan ang mga tao sa kanyang sinabi. Masyadong mabait si Ms. Yves. Baka siya ang pinakakwalipikado sa kanilang lahat. Gayunpaman, nagpatuloy si Faye, “Sa tingin ko, dapat nating ipakilala ang tunay na boss, ang may-ari ng Cape Consortium, si Mr. Wilbur Penn, para siya ang magsalita dito.” Nabigla ang lahat at akala nila ay mali ang kanilang narinig.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.