Kabanata 4
“Pagsilbihan mo ako.”
Nagpahiwatig si Perseus ng makapangyarihan at dominanteng aura sa sandaling iyon.
Siya ay pumatay at lumigtas sa hindi mabilang na mga buhay sa nakalipas na tatlong buwan. Sa oras na naiusad niya ang kanyang kasanayan sa panggagamot at pakikipaglaban sa advanced na yugtong Ultimate Immortal Realm, ang kanyang mentality ay dumaan sa malalim na pagbabago.
Sa sandaling nalaman ni Perseus ang tungkol sa mga trahedyang bumabangungot sa mga Caitford, ang kanyang puso ay naging kasing lamig ng yelo.
Kailangan niya ng tapat na alipin na hindi natatakot na mag-alay ng dugo para mapanatiling ligtas ang kanyang pamilya. Pasok si Tom ang lahat ng pamantayan na nasa isip niya.
“Sige po, sir.”
Kinuha ni Tom ang inisyatiba upang lumuhod at pasalamatan si Perseus sa hindi pagpatay sa kanya.
Nang umalis si Perseus sa Firethrone Organization, pumara siya ng taksi at nagtungo sa Crowndel. Ang Crowndel ay sikat na distrito na kilala sa mga mayayaman at maimpluwensya lamang. Doon nakatira si Rochelle.
Gayunpaman, walang nagbukas ng pinto para kay Perseus matapos niyang pindutin ang doorbell. Naghintay siya doon ng halos kalahating oras bago umalis.
“Tulong! Nawalan ng malay ang lolo ko! May makakatulong ba sa’kin?”
Nang makarating sa look ng ilog, narinig ni Perseus na may humihingi ng tulong mula sa malayo. Agad na sumipa ang likas niyang asal bilang manggagamot, na nagresulta sa kanyang haripas na pagtakbo patungo sa pinanggalingan.
Lumalabas na isang matandang lalaki ang nahimatay.
“Pakitawagan ang emergency hotline! Kukunin ko ang sasakyan!”
Ang dalaga na humingi ng tulong ay may utang na loob kay Perseus sa paglapit niya sa oras ng kanyang pangangailangan.
“Hindi tayo pwedeng pumunta sa ospital,” deklara kaagad ni Perseus matapos masulyapan ang matanda.
Agad siyang yumuko at hinawakan ang pulso ng matanda gamit ang isang kamay habang tinataas ang mga talukap ng mata nito sa kabila. Napakunot ang noo niya sa naobserbahan niya.
“Bakit?” Si Nancy Jagger, ang dalaga, ay naguguluhan.
“Dahil mamamatay na siya sa loob ng limang minuto.”
“Gusto... Gusto mo bang mamatay na ang lolo ko? Inaatake lang siya ng high blood pressure niya! Gano’n ba talaga kaseryoso?”
“Tumayo ka na lang diyan. Huwag mo akong istorbohin habang ginagamot ko siya.”
Walang oras si Perseus para intindihin ang galit ni Nancy. Tinanggal niya ang pilak na singsing sa daliri niya bago niya ito pilit na hinila. Dahil dito, ang singsing ay naging siyam na pulgadang pilak na karayom.
Dahil sa nakita ay hindi makapagsalita si Nancy.
Ang sumunod niyang nalaman, tinusok ni Perseus ang karayom sa puso ng matanda. Malamang ay nagpasok siya ng hindi bababa sa tatlong pulgadang haba ng karayom sa dibdib ng pasyente.
Naging tensiyonado rin ang puso ni Nancy na para bang siya ang nasaksak sa puso. Hindi niya maiwasang magduda kung doktor ba talaga si Perseus.
Nang maipasok na ang karayom, binunot ni Perseus ang punyal na lagi niyang dinadala sa tabi niya. Pagkatapos, hiniwa niya ang hinlalaki ng matanda, hinahayaan ang makapal na itim na dugo na mabilis na lumabas mula sa sugat.
“Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang lolo ko? Itigil mo ‘yan!”
Sinubukan ni Nancy na pigilan si Perseus nang mapansin niya ang ginawa nito. Ang pribadong doktor ng kanyang pamilya, pati na rin ang mga eksperto at espesyalista sa ospital, ay hindi kailanman ginamot nang ganoon ang kanyang lolo.
Siguradong sinusubukan ni Perseus na patayin ang kanyang lolo! Maaaring isa itong tulisan na binayaran ng karibal ng kanyang lolo sa negosyo!
“Mas mabuti pang manahimik ka na lang kung ayaw mong mamatay ang lolo mo!”
Tinulak ni Perseus si Nancy palayo bago niya ito sinamaan ng tingin. Kinasusuklaman niya sa tuwing iniistorbo siya ng iba kapag may ginagamot siya.
“Ikaw...” napipikon na si Nancy.
Ngunit nang makita niya ang nanlalamig na titig ni Perseus, agad siyang natahimik.
Matapos mahiwa ni Perseus ang lahat ng sampung daliri ng matanda, hindi siya tumigil doon. Sa halip, hinawakan niya ang mga kamay ng lalaki at sinimulang pisilin ang dugo. Hindi nagtagal ay nabahiran ng dugo ang lupa sa loob lamang ng ilang minuto.
Gayunpaman, nanumbalik ang kulay sa mukha ng matanda. Maging ang kanyang paghinga ay naging mas pantay at regular.
Maingat na nilapitan ni Nancy ang kanyang lolo. Nag-aalala siya sa kalagayan nito dahil hindi pa ito nakakabawi ng malay sa kabila ng pagiging mas mabuti ang hitsura nito.
“Kamusta ang lolo ko—”
“Katahimikan!”
Sinamaan siya ng tingin ni Perseus, dahilan para mapanguso siya ng galit.
Si Perseus ay nanatiling nakayuko sa tabi ng matanda, ang kanyang mga galaw ay sadya habang marahang iniikot ang karayom sa pagitan ng mga daliri ng matanda. Sabay idinikit niya ang kanyang tenga sa dibdib ng matanda para pakinggan ang pintig ng puso nito.
Biglang sumigaw si Perseus, “Bumangon ka!” habang binawi niya ang karayom.
Iyon ay kung kailan may nangyaring milagro. Sa sandaling binawi ni Perseus ang kanyang karayom, nagmulat ang mga mata ng matanda.
“Ugh... Muling nanumbalik ang sakit ko.” Mukha siyang pagod at mahina, ngunit nagawa niyang bigkasin nang maayos ang bawat salita.
Hindi man lang nagulat si Perseus sa paggising ng pasyente.
“Sir, bawasan mo ang cholesterol sa diyeta mo. Kung hindi, baka sumabog talaga ang arteries mo balang araw.”
Habang nagsasalita siya, pinunasan niya ang pilak na karayom bago ito pinitik para ibalik ito sa isang singsing. Pagkatapos, isinuot niya ito pabalik sa kanyang daliri.
Nagulat si Nancy sa nangyari.
“Toto, salamat sa pagligtas mo sa buhay ko.”
Mabagal na umupo si Wyatt Jagger bago pinag-aralan ng ilang sandali si Perseus, may ngiti sa kanyang mukha sa buong oras.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya.
“Ako si Perseus Caitford. Wala lang iyon, talaga. Hindi na kailangang magpasalamat. May iba pa akong kailangang gawin, kaya mauuna na ako ngayon.”
Sa pamamagitan niyon, humakbang nang mahaba’t palayo si Perseus. Nagmamadali siyang makipagtuos kay Rochelle, pagkatapos ng lahat.
Dahil hindi niya ito mahanap sa tirahan nito, nagpasya siyang suriin ang ospital.
“Perseus Caitford... Perseus, huh? Napakagandang pangalan,” bulong ni Wyatt habang inaalalayan siya ni Nancy na tumayo. “Nancy, gusto ko ng malaman ang lahat ng tungkol kay Perseus bago tayo maghapunan. Kailangan kong gantihan siya sa pagliligtas sa buhay ko.”
“Okay,” sagot ni Nancy matapos itipon ang kanyang mga iniisip. “Umuwi na tayo.”
Pareho silang dahan-dahang naglakad pabalik sa isa sa mga mansyon sa labas ng Crowndel.
…
Sa wakas ay nakapara na ng taksi si Perseus. Katatapos lang niyang sabihin sa drayber na pumunta sa ospital nang makatanggap siya ng tawag mula kay Lindsay.
“Hello, Mom. Anong meron? Hindi mo na ako kailangang hintayin diyan sa bahay para sa tanghalian.”
Halos tanghali na, kaya inakala ni Perseus na gusto siya ni Lindsay na umuwi para sa tanghalian.
Gayunpaman, tila balisa si Lindsay.
“Perseus, libre ka ba ngayon? Maghahatid na ako ng tanghalian sa tatay mo ngayon. Kung medyo malapit ka sa eskwelahan ni Vincent, kailangan kong pumunta ka doon ngayon din.
“Ngayon lang ay nakipag-away si Vincent sa ibang bata. Mukhang seryoso ang insidenteng ito. Gusto ng guro niya na nandoon ang mga magulang ng dalawang bata, ngunit hindi ako makakapunta doon ngayon.”
“Nakipag-away siya?” Agad na kumunot ang noo ni Perseus.
Hindi ba’t normal sa mga bata ang makipag-away sa isa’t-isa sa kindergarten? Bakit pinilit ng guro na tawagan ang mga magulang?
Gayunpaman, naalala ni Perseus kung ano ang kalagayan ni Vincent, kaya pumayag siyang pumunta sa kindergarten.
“Huwag kang mag-alala, Mom. Hindi naman ako masyadong malayo sa eskwelahan. Dadaan ako doon ngayon. Tatawagan kita kapag naayos ko na ang sitwasyon.”
Nang matapos na ni Perseus ang tawag, sinabihan niya ang drayber na dalhin siya sa Playtime Academy.
Sa ngayon, sobrang tensyonado at maingay ang kapaligiran sa opisina ng punong-guro sa Playtime Academy.
“Nasaan na ba ang mga magulang ng gremlin na iyon? Bakit wala sila dito? Ang lakas ng loob niyang saktan ang anak ko! Nararapat na mamatay ang punyetang ‘yan!”
Itinuro ni Danim Rogers si Vincent, na nakatago sa kanyang guro, sa mga braso ni Elena Menchez.
Ang kawawang Vincent ay napantalan ng matingkad na pulang tatak ng kamay sa pisngi. Sa sobrang hinanakit niya ay tahimik siyang humagulgol.
“Hindi ko siya sinaktan! Sinubukan niyang agawin ang laruan ko, pero nang hindi ko binigay, natumba siya sa sahig!” tumalikod siya sa pagtatangkang ipagtanggol ang sarili. Siya ay hindi kailanman nanakit ng sinuman.
“Oh?” Hindi inaasahan ni Danim na maririnig ni Vincent ang pagtatanggol sa sarili. “Ikaw talaga, gremlin ka! Papatayin kita, alam mo ba?
“Kung kukunin ng mahal kong anak ang laruan mo, dapat ikarangal mo pa iyon dahil pinaglalaanan ka niya ng oras sa araw niya! Ugh, ang bastos mong punyeta ka!”
“Mr. Rogers, ingatan mo ang ugali mo!”
Hindi maipinta ang ekspresyon ni Elena sa mga sandaling iyon. Siya ang guro, kaya alam niyang mabuti ang personalidad ng bawat bata.
Noon pa man, si Vincent ang pinakamabait at pinakamaalagang bata sa silid-aralan. Paano kaya niya magagawang manakit ng iba?
Sa kabaligtaran, ang anak ni Danim ay nag-aalburoto at nakikipag-away sa ibang mga bata sa kanyang unang araw sa eskwelahan dahil lamang sa nanggaling ito sa mayaman at makapangyarihang pamilya. Ang masama pa nito, hinalikan pa niya ang ibang babae nang walang pahintulot.
Grabeng bata talaga siya!
“Ms. Menchez, linawin mo ‘yang mga detalye mo! May malaking bukol sa ulo ang anak ko ngayon! Siya ang nasaktan dito!”
Pinanliitan ng mga mata ni Danim si Elena nang may pananakot.
“Oo nga, Ms. Sanchez. Hinahayaan mo bang mabulag ng bias mo ang iyong paghuhusga? Alam nating lahat na si Vincent ay salbaheng bata sa unang tingin pa lang. May problema ba sa paghiram ng mga laruan? Nagbibigay ba ito sa kanya ng karapatang itulak ang ibang bata hangga’t gusto niya?”
Pati ang principal na si Liana Amberyn ay pumanig kay Danim dahil sa sobrang yaman ng bata. Iyon, at ang katotohanan na si Danim ang pinuno ng mga gangster sa lugar ay nagbigay-daan para maging katakot-takot siya na hindi dapat galitin sa lahat ng oras.
Sa kabilang banda, si Vincent ay nagmula sa regular na pamilya. Nangangahulugan iyon na pwede siyang itulak ni Liana hangga’t gusto nito.
“Ms. Amberyn, ikaw...”
Galit na galit si Elena. Paano naging punong-guro ng maliliit na bata ang gayong taong walang kabuluhan at irasyunal gaya ni Liana?
Sobrang nadismaya siya kay Liana.
“Tama na. Tapusin na natin ‘to. Bilisan mo at tawagan mo sila, pwede ba? Sabihin mo sa mga magulang ng gremlin na ‘to na pumunta dito sa lalong madaling panahon at bayaran kami! Hindi ako titigil hangga’t hindi sila nag-aabot ng 20,000 dollars! “
Si Liana ay matalinong babae na alam kung kanino papanig. Ang kanyang mga aksyon ay nagpasigla sa pagmamataas ni Danim, na pagkatapos ay itinuro si Vincent. “Nga pala, gusto ko ring ipa-kick out ang batang ‘yan!”
“Sinong tinatawag mong gremlin?”