Kabanata 15
”Oh. Sa totoo lang, hindi ako karapat-dapat sa kanya.” Sinulyapan ni Perseus si Camilla habang umiiling.
Alam niyang pinahahalagahan nina Egbert at Lindsay si Camilla. Ang paraan ng pagtatanggol nito sa kanya ngayon ay nagparamdam sa kanya ng pagkaantig.
Ngunit sa pagtatapos ng araw, isa pa rin siyang dating preso. Ayaw niyang madamay ang reputasyon nito sa pamamagitan ng pakikipag-date dito.
Ipinakilala ni Perseus ang mga babae sa isa’t-isa.
“Siya ang dati kong kaklase, si Camilla Wagner. Siya ang pinakamagandang babae sa klase namin noon. Camilla, siya si Nancy Jagger.”
“Kamusta.” Bahagyang ngumiti si Camilla, kahit na hindi niya maitago ang kislap ng pagkabigo sa kanyang mga mata.
“Magkakasama na rin lang naman tayo, sabay na tayong maghapunan.” Ipinaabot ni Nancy ang imbitasyon kay Camilla.
“Hindi na, salamat,” nakangiting pagtanggi ni Camilla. “May mga bisita akong darating ngayong gabi, kaya mauna na muna ako.”
Kumaway si Camilla kina Perseus at Nancy bago naglakad palayo. Tila nalulungkot siya dahil sa hindi malamang dahilan.
“Hindi mo ba nasasabi na gusto ka niya, Mr. Caitford?” Makahulugang komento ni Nancy na may kasamang ngiti habang pinapanood si Camilla na umalis.
Umiwas ng tingin si Perseus nang hindi nagsasalita. Bahagyang sumimangot ang ginawa niya bago sumunod kay Nancy sa Water Lily Hall.
Ang Water Lily Hall ay mas malaki kaysa sa Chrysanthemum Hall. Ang mga kasangkapan doon ay mas maganda at masalimuot.
Merong may edad na lalaki na nakaupo sa pribadong silid sa sandaling iyon.
“Dad, siya si Perseus Caitford, ang lalaking milagrosong nagligtas sa buhay ni Lolo kahapon.”
Tumayo si Kent Jagger at nakipagkamay kay Perseus sa palakaibigang paaralan. “Hello, Mr. Caitford. Ako si Kent Jagger. Salamat sa pagligtas sa tatay ko.”
“Hindi na kailangang maging sobrang galang, Mr. Jagger. Trabaho ng doktor ang magligtas ng buhay. Hindi ko kayang panoorin na may mamatay sa harap ko. Hindi mo na kailangang isapuso. Isa pa, galante na akong ginantimpalaan ng pamilya ninyo.”
Kalmadong umiling si Perseus.
“Maupo ka, Mr. Caitford. Mag-usap tayo habang kumakain.”
Tumaas ang isang kilay ni Kent, bakas sa kanyang mga mata ang paghanga. Nagustuhan niya ang prangka at direkto sa puntong personalidad ni Perseus. Masasabi niyang si Perseus ay isang tao ng hustisya.
“Nancy, pakisabi sa mga server na oras na para ihain ang pagkain. Sabihin mo sa kanila na dalhin ang dalawang bote ng pinakamasarap kong alak na inimbak ko sa kanilang cellar.”
“Sige.”
Hindi nagtagal, inihain na ang hapunan. Ang unang baso ng alak ay mabilis na tinagay kasabay ng ilang mga salita ng pasasalamat. Pagkatapos nito, nagsimulang makipag-usap si Kent kay Perseus.
Iniunat ni Kent ang leeg habang nagkukunwaring naiinis. “Mr. Caitford, sinabi sa akin ng tatay ko na meron kang mahusay na mga kasanayan sa medikal. Kauuwi ko lang galing sa business trip kamakailan, at medyo masama ang pakiramdam ko. Maaari mo bang silipin ang kondisyon ko? Hindi ko masabi ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko.”
“Hindi na kailangan gawin ‘yon. Insomnia lang ‘yan.”
Napanatili ni Perseus ang neutral na ekspresyon. Alam na alam niya na pinagdududahan ni Kent ang kanyang medikal na kakayahan, kaya’t nagpasya itong bigyan siya ng pagsubok.
Sa totoo lang, naiintindihan niya ang pagkakaroon ng gayong mga pagdududa.
Malaki ang gantimpala ng pamilyang Jagger kay Perseus para sa pagligtas sa buhay ni Wyatt. Kailangan nilang sukatin ang aktwal na kakayahan ni Perseus. Kung malalaman nila na si Perseus ay talagang mahusay na doktor, tiyak na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang magandang relasyon sa kanya.
Ngunit kung si Perseus ay isang karaniwang doktor lamang na may katamtamang mga kasanayan na naging mapalad noong ginagamot niya si Wyatt, kung gayon ang pamilyang Jagger ay hindi magsusumikap na mapalapit sa kanya. Sa karamihan, babatiin na lang nila siya sa tuwing makakasalubong nila siya o makikipag-ugnayan sa kanya pagdating sa maliliit na bagay.
Pagkatapos ng lahat, ang pamilyang Jagger ay hindi nangangailangan ng mga walang kwentang kaibigan.
“Oh? Insomnia? Paano mo nasasabi?” Mukhang gulat na gulat si Kent.
Tumugon si Perseus sa pamamagitan ng pagbigay kay Kent ng makahulugang tingin. “Doktor ako. At saka, hindi ka galing sa business trip. Kalahating taon kang nasa ibang bansa at kauuwi mo lang dito. May jet lag ka pa rin. Yun lang.
“Hindi naman talaga ‘yan sakit, kung tutuusin. Pwede mong tiisin ang pagod tuwing araw o uminom ng sleeping pills bago matulog. Magiging normal ulit ang iskedyul ng pagtulog mo pagkalipas ng ilang araw.”
“Ikaw talagang kamangha-manghang doktor!” Nag thumbs-up si Kent kay Perseus. “Parang alam mo na ang lahat sa buhay ko! Malamang ay may mahiwaga kang mga mata para masabi ang pinanggagalingan ng pagod ko!”
“Dad, hindi masasabi sa kanya ng mga mahiwagang mata ang tungkol sa pananatili mo sa ibang bansa nitong nakaraang kalahating taon.”
Natigilan din si Nancy.
Hindi man lang pinakiramdaman ni Perseus ang vitals ni Kent, pati na ang pag-diagnose dito nang maayos. Isang sulyap lang ang kailangan para mabatid niya ang ugat ng problema ni Kent.
Talagang isa siyang miracle doctor.
Ngayong napukaw ang kanyang interes, si Nancy ay tuwang-tuwa. “Ako naman ang tingnan mo, Mr. Caitford! May sakit ba ako?”
Binigyan siya ng tingin ni Perseus. “Ikaw? Ayos ka naman.”
“Ayos lang ako?”
“Dapat ko ba talagang sabihin nang malakas?” Bahagyang kumunot ang noo ni Perseus.
“Anong ibig mong sabihin, Perseus? Hindi ko ba pwedeng marinig iyon?”
Sa wakas ay napagtanto ni Kent na may kakaiba. Tumingin siya kay Perseus bago tumingin kay Nancy na kinakabahan. “May sakit ka ba talaga, Nancy?”
“Ayos lang ako!”
Kinagat ni Nancy ang ibabang labi, nakatutok ang tingin kay Perseus. Tumanggi siyang maniwala na masasabi ni Perseus ang sakit na bumabagabag sa kanya sa buong buhay niya. Pangatlong beses pa lang niya itong nakita, pagkatapos ng lahat.
Kahit na may mahiwagang mata si Perseus, hindi nito matutukoy ang sakit. Kahit ang X-ray machine sa ospital ay hindi malalaman ang tungkol sa kanyang karamdaman.
Tumangging paniwalaan iyon ni Nancy.
“Dahil ang iyong anak ay nag-aatubili na marinig ang sagot, wala akong sasabihin.” Walang pakialam na nagkibit-balikat si Perseus.
Ang karapatan sa pagiging kumpidensyal ng mga medikal na rekord ay ipinagkaloob sa bawat pasyente. Kahit na alam ni Perseus na may sakit ang kanyang pasyente, hindi niya pipilitin ang nasabing pasyente na magpagamot kung ayaw nilang pakialaman ito.
Walang silbi ang paggising sa taong nagkukunwaring tulog.
Ito ay hindi binibigkas na patakaran sa larangan ng medikal.
“Anong nangyari sa’yo, Nancy?” Sa sobrang pag-aalala ni Kent ay namula ang kanyang mga mata.
Nagkunwaring hindi napansin ni Nancy ang kalagayan ng kanyang ama. Sa halip, tinitigan niya ng masama si Perseus.
“Eh di sabihin mo sa’kin, Mr. Caitford! Aaminin ko ang mga kahanga-hanga mong kakayahan kung makukuha mo nang tama!”
“Gusto mo ba talagang sabihin ko?”
“Oo!”
“Hindi ka ba nag-aalala na mapahiya ka?”
“Hindi!”
Umiling si Nancy. Kinabahan na naman si Kent.
Bagama’t ayaw ni Nancy na malaman nito ang tungkol sa kanyang karamdaman, kinontra niya ang sarili sa pagsasabing hindi siya nag-aalala na mapahiya siya.
Lihim ba siyang nakipagtalik sa isang lalaki at nabuntis?
“N-Nancy, ikaw! Buntis ka ba?”
Nag-aalalang tinitigan ni Kent ang tiyan ni Nancy.
“Ano ba ‘yang sinasabi mo, Dad?”
Namumula sa galit ang pisngi ni Nancy habang pinaghalong galit at hiya sa kanyang ama.
“Mr. Caitford, sabihin mo na! Kung hindi, baka isipin ng tatay ko na manganganak na ako!”
“Tulad ng sinabi ko, ayos ka lang naman.”
Si Perseus ay nagpatuloy sa pagkain at pag-inom. Nang mapansin niyang nalilitong nakatingin sa kanya sina Kent at Nancy, pinunasan niya ang bibig ng napkin at nagsindi ng sigarilyo bago huminga nang malalim.
“Babaguhin ko ang pahayag ko. Sa sobrang ganda ng buhok mo, hindi ko na makita. Ang totoo, wala ka talagang buhok.”
Namula ang mukha ni Nancy doon mismo.
Tama si Perseus.
“Walang buhok si Nancy?”
Medyo nalilito pa rin si Kent. Iniisip niya kung nagbibiro si Perseus.
“Oo. Walang buhok ang anak mo mula ulo hanggang paa. Naka-wig siya ngayon!”“
“Tumigil ka na! Okay, okay! Naniniwala na ako sa’yo! Miracle doctor ka nga!” Putol ni Nancy, nararamdaman niya ang emosyonal na pagkasira.
Siya ay biniyayaan ng matangkad at magandang pigura pati na rin ang magandang mukha at mayamang background. Ang tanging kapalit sa lahat ng iyon ay hindi siya maaaring magkaroon ng isang ulo na puno ng makapal at malusog na buhok.
Masyadong nahiya si Nancy na magrelaks sa mga sauna o lumangoy kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang mga peluka ay madaling nahuhulog, at saka hindi niya ito maaaring suotin sa mahabang panahon. Napakadali rin para sa kanya na magkaroon ng mga pantal na sumasakop sa kanyang anit sa panahon ng tag-araw.
“Teka. Bakit hindi ko alam na walang buhok si Nancy?” Muling nataranta si Kent.
Hindi makapagsalita, napaikot na lamang ni Perseus ang kanyang mga mata bilang tugon. Nasa edad bandang 20 na si Nancy ngayon. Bakit sisilipin ni Kent ang katawan nito para lang makita kung may buhok ito?
“Mr. Caitford, kailangan mo akong tulungan! Pakiusap! Gusto kong tubuan ako ng buhok!”
Umaasa na napatingin si Nancy kay Perseus.
“Walang problema, ngunit ang paggamot ay maaaring medyo...”
“Gaano ba kahirap?”
“Hindi ganoon. Medyo nakakahiya.”
“Nakakahiya?” Kumunot ang noo ni Nancy. “Anong ibig mong sabihin?”
“Kailangan mong hubarin lahat ng damit mo. Sa madaling salita, dapat nakahubad ka.”