Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

”Bwiset! Nasa department natin ang dating preso na ‘yon! Makita ko pa lang siya ay naiirita na ako! Ugh, nakakayamot!” Galit na galit si Catherine. “May hindi tama.” Nagsindi ng sigarilyo si Raymond at hinithit ito. “Isipin mo. Medyo nauna sa atin yung dating preso papasok sa kumpanya. Bakit sabay sila ni Faith papasok sa sales department?” “Sinasabi mo bang baka magkakilala sila ni Faith?” tanong ni Catherine. Mariing tumango si Raymond. “Medyo malaki ang posibilidad. Una sa lahat, palaging nangangailangan ng mga tao ang sales department. Pangalawa sa lahat, kilalang-kilala mo si Faith. Wala siyang pakialam sa background ng mga empleyado; ang gusto niya lang ay kumita. “Hindi ba nabanggit mo noon na sobrang husay ni Perseus sa kabila ng pagiging dating preso niya? Valedictorian din siya dati, kaya naman makatuwiran lang na nakitaan siya ni Faith ng talento.” “Tama ka.” Tumango rin si Catherine, kahit na mas naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Bahagya niyang itinulak si Raymond bago sinabing, “Bilisan mo at magmaneho. Kailangan na nating magsimulang magbenta. Basta mahuli si Perseus o hindi makapagbenta sa susunod na tatlong buwan, kailangan pa rin niyang magbitiw sa kumpanya kahit na ano pa ang relasyon niya kay Faith. “Ibig sabihin, dapat ay magtrabaho ka nang husto sa susunod na tatlong buwan. Huwag mo nang aangkinin yung mga nasara kong transaksyon, narinig mo? Kung hindi dahil sa pagkaladkad mo sa akin pababa, katumbas sana ng kay Pete ang aktwal na sales ko!” “Sige, sige. Naiintindihan ko.” Bahagyang tumango si Raymond habang pinaandar muli ang sasakyan. “Oh siya nga pala, dapat ibigay mo sa akin ang bonus mo. Kailangan pa nating mag-ipon para sa bahay natin,” dagdag ni Catherine. … Ginugol ni Perseus ang buong araw sa Quantum Innovations. Nang malapit na siyang makaalis sa trabaho, nakatanggap siya ng tawag mula kay Nancy. Humingi ito ng paumanhin dahil kinailangan nitong umalis sa kalagitnaan ng kanilang pagkikita kahapon, at niyaya siya nitong maghapunan mamaya. Tinanggap ni Perseus ang imbitasyon. Kailangan niyang magsimulang gumawa ng mga koneksyon at gumawa ng aktwal na gawain na makakatulong sa kanya na makabawi sa kanyang tatlong taong pagkawala sa lipunan. Sa ganoong paraan, hindi na mamaliitin ng sinuman ang kanyang mga magulang. Pagkatapos ni Perseus sa trabaho, pumara siya ng taksi at nagtungo sa Calantha Hotel. Ang Calantha Hotel ay sikat na four-star hotel sa Neptuna na may malinis na reputasyon. Napakaberde at nakakapresko ang kapaligiran sa Calantha Hotel, dahil puno ito ng mamahaling mga halaman. Ang kasalukuyang panahon ay nagkataon na ang panahon ng pamumulaklak para sa mga water lily. Paminsan-minsan, may magandang isda na tumatalon sa tubig bago kumagat sa tangkay ng water lily. “Perseus? Naku, ikaw nga!” Nagkataon na tinatangkilik ni Perseus ang magagandang tanawin nang marinig niya ang pamilyar na boses na nagmumula sa kanyang likuran. Lumingon siya para makita si Camilla. Si Camilla ay dating kaklase ni Perseus noong hayskul at kolehiyo. Nagkaroon siya ng pangmatagalang titulo na tinaguriang “Forever Number Two” dahil palagi siyang natatalbugan ni Perseus sa kanilang akademya. Pareho silang nagbahagi ng medyo nakakailang na relasyon. Ngunit pagkatapos ng nangyari kahapon, tumanaw ng malaking utang na loob si Perseus kay Camilla. “Tingnan mo nga naman.” Ngumiti si Perseus at lumapit kay Camilla. “Salamat sa ginawa mo para sa pamilya ko sa nakalipas na tatlong taon.” “Wala iyon. Magkaklase naman tayo dati eh.” Isang bahagyang ngiti ang ipinukol ni Camilla kay Perseus habang sinusuklay ang kanyang buhok na ginulo ng hangin sa likod ng kanyang tenga. Sa pamamagitan niyon, nalantad ang maganda niyang mukha. Sa totoo lang, napakaganda ni Camilla. Iba ang kagandahan niya kay Rochelle. Si Camilla ay likas na tahimik na tao. Siya ay kasing-elegante gaya ng ipinanukala ng kanyang pangalan, kahit na ang kanyang kakisigan ay may kasamang lamig at pagiging suplada. Walang nangahas na lumapit sa kanya noon. Ang kanyang ngiti ay nagdulot ng paglitaw ng kanyang dimples, na naging sanhi ng kanyang hitsura na lubhang kaakit-akit. “Nga pala, nandito ka ba para umattend ng university reunion natin?” Gusto ni Camilla na baguhin ang paksa noong una, ngunit pinagsisihan niya kaagad ang bagong paksang napili niyang sabihin. Paano posibleng maimbitahan ng taong iyon si Perseus sa reunion? “Reunion? Anong reunion?” Sumimangot nang malalim si Perseus. Walang nagsabi sa kanya na may university reunion. “Ayos lang. Ngayong alam mo na, hindi ko na itatago sa’yo.” Bumuntong-hininga si Camilla bago nagpatuloy, “Si Rochelle ang nag-organize ng reunion. Baka gusto niyang makita ang lahat bago siya ikasal.” “Si Rochelle ang organizer? Ayos. Nagkataon na gusto ko rin siyang makita.” Hindi na naintindihan ni Perseus ang alinman sa mga sinabi ni Camilla pagkatapos. Kailangan niyang tanungin si Rochelle kung anong dahilan ng pagtataksil nito. “Huwag kang padalus-dalos, Perseus. Hindi ka dapat basta-basta magdesisyon. Kailangan mong magbayad para doon.” Hinawakan ni Camilla si Perseus na nag-aalala. Naiintindihan niya kung bakit nagalit si Perseus, ngunit bilang matanda, kailangan nitong managot sa mga kahihinatnan. Pakiramdam niya ay hindi sulit para kay Perseus na muling makulong dahil sa pambubugbog kay Rochelle kung sakali. “May balak ka pa bang pag-alalahanin ulit ang mga magulang mo?” Dagdag ni Camilla. Ang kanyang mga salita ay napatunayang lubos na epektibo, dahil ang poot sa mga mata ni Perseus ay agad na nawala. Nawala na rin ang nakaumbok na ugat sa kanyang noo. Huminga nang malalim si Perseus para ayusin ang sarili. “Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama, pero kailangan ko pa ring klaruhin ang ilang bagay sa kanya. Dalhin mo ako sa venue. Nangangako akong hindi ako magpapadalus-dalos.” “Sige.” Nag-aalala pa rin si Camilla tungkol kay Perseus, ngunit naisip niya na hindi ito magiging malaking problema dahil naroroon din siya para mamagitan sa mga bagay-bagay. Kaya naman, dinala niya si Perseus sa hotel. Gumastos si Rochelle ng malaking halaga para magrenta ng medyo malaking pribadong silid na kilala bilang Chrysanthemum Hall. Maaari magkasya dito ang higit sa 20 katao. Meron pa ngang karaoke machine at mesa para sa billiards. “Hello sa inyong lahat,” bati ni Camilla matapos dahan-dahang buksan ang pinto. “Oh? Ikaw pala Camilla! Pasok ka, pasok ka!” “Sa wakas nandito ka na, Camilla!” Kahit na mahiyain si Camilla noong nag-aaral pa sila, sikat pa rin siya dahil sa kanyang kagandahan. Sa sandaling nagsimula siyang magtrabaho, siya ay nagmukhang mas blooming at mature. Hihilahin na sana ni Rochelle si Camilla sa mainit na yakap nang pigilan siya ng nasa likod ni Camilla. “Matagal-tagal na rin ano, Rochelle?” Nang marinig ni Rochelle ang boses, napawi ang kanyang ngiti. Nagtataka niyang tinitigan si Camilla, na para bang tahimik niyang tinatanong ang babae kung bakit nito napiling isama si Perseus. “Tatlong taon na, Rochelle. Hindi mo na ba ako nakikilala?” Malamig na tiningnan ni Perseus si Rochelle, isang malamig na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. Mas lalong gumanda si Rochelle kaysa tatlong taon na ang nakararaan. Nakasuot siya ng masikip na dilaw na dress na nagbigay-pansin sa kanyang hubog na pigura. Ang kanyang buhok ay nakatali sa kanyang mga balikat gamit ng mga gintong bilog. Dumampi pa ang ilang hibla sa kanyang malalim na cleavage. Hindi siya eksaktong matangkad, ngunit tiyak na kaakit-akit siya. Ang kanyang katawan ay makurba, inilababas ang kanyang alindog. Gusto ng mga lalaki ang mga babaeng may ganoong uri ng katawan. Mabilis na inayos ni Rochelle ang sarili pagkatapos ng ilang sandali ng pagkabigla. Humalukipkip siya sa harap ng kanyang dibdib, kaya mas lalong pinagdikit ang kanyang mga suso. “Ah. Ikaw pala, Perseus. Akala ko nasentensiyahan ka ng limang taong pagkakakulong. Bakit ka nakalabas kaagad? Nakalabas ka na ba sa kulungan?” “Hindi na mahalaga iyon. Hindi ba alam na alam mo ang dahilan kung bakit ako nakulong?” Bahagyang ipinikit ni Perseus ang kanyang mga mata, na may malamig na kislap. Kasabay nito ay ang pagkuyom ng mga kamao nang mahigpit. Talagang kalmado si Rochelle, ha? Walang pusong babae! “Siyempre,” nakangiting sagot ni Rochelle. “Totoo naman na nag-date tayo tatlong taon na ang nakararaan. Pero naghiwalay na tayo pagkatapos ng graduation, natatandaan mo ba? Hindi naman kasi ako karapat-dapat sa’yo. “Pero patuloy mo akong ginugulo dahil hindi mo makayanang mawala ako. Kaya naman naglabas ka ng galit sa fiancé kong si Gilbert. Hindi ba’t iyon ang dahilan kung bakit mo siya binugbog? Ano, sinusubukan mo bang makipagbalikan sa akin?” Malamig na tumawa si Rochelle habang nagkibit-balikat. “Hindi ko isasapuso ang mga aksyon mo, dahil naging magkaklase tayo. Kalimutan mo nang makikipagbalikan ka pa sa akin. Ikakasal na kami ni Gilbert. Sana ay tanggapin mo ang katotohanang ito sa lalong madaling panahon.” “Tanggapin ang katotohanang ito? Makipagbalikan sa’yo?” Tanong ni Perseus habang tumatawa sa saya. Tatlong taon na ang nakalipas mula noong huli silang magkita. Ang kawalanghiyaan ni Rochelle ay tiyak na lumaki nang husto sa panahong ito. Akala ba talaga ng babaeng ito ay tulak-tulakan siya?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.