Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Nang hindi na niya ito natiis, binuksan ni Cyrus nang malakas ang pinto. Lumabas siya, dinampot ang order form mula sa lapag, at nagtanong, “Magkano ang pinautang ng tatay mo para kay Zoey?” “Dalawandaang libong dolyar. Lahat ng iyon ay para gamutin ang anak mo. Hindi mo ba alam yun? Kaya mo ba tong mabayaran?” Sunod-sunod na bwelta no Phoebe. Halata ang pangmamata niya. Ang taong pinakaminamata niya ay si Cyrus. Sa umpisa, binalak ng mga magulang niya na gumawa ng marital alliance sa Johnson family, na makakatulong sa herbal medicine business ng pamilya nila. Gayunpaman, sa huli, gumastos sila nang napakalaking halaga. “Dalawandaang libong dolyar lang, tama? Babayaran ko yan sa loob ng tatlong araw. Wag ka nang pupunta rito at gagawa ng gulo,” walang pakialam na sagot ni Cyrus. “Iuukit ko ang pangalan mo sa lapida ko kung magawa mo tong bayaran sa loob ng mga araw na yun.” “Wala akong pakialam kung saan mo isusulat ang pangalan ko. Kapag nabayaran ko na ang utang, tratuhin mo nang maayos ang asawa ko. Malaki ang magiging kapalit kapag sinaktan mo siya ulit. Seryoso ako,” babala ni Cyrus. Habang nakatingin sa mga pasa sa maputing leeg ni Zoey, nakangising nagsabi si Phoebe, “Ha, kakabugbog mo nga lang sa kanya, tapos nagpapanggap kang mabuting asawa ngayon? Sige, gusto kong makita kung paano babayaran ng isang walang kwentang basurang kagaya mo ang perang yun.” Kumaway si Cyrus at nagsabing, “Umalis ka na lang, o sisipain kita palabas.” Pagkatapos umalis ni Phoebe, hindi siya pinasalamatan ni Zoey. Sa halip, malamig siyang nagsalita, “Wag kang gumawa ng mga pangakong di mo kayang tuparin. Sa huli, ako ang mapapahamak.” “Kung talagang may pera ka, gamitin mo muna yun sa chemotherapy ni Mira. Kinuha nila ang bilyon-bilyong halaga ng assets ng tatay ko. Hindi wala sa katwiran na kumuha sila ng dalawa o tatlong daang libo sa kanila.” “Maghahanap ako ng paraan para sa sakit ni Mira,” sabi ni Cyrus, pagkatapos ay tumingin sa nadumihang order form na hawak niya. “Wala na rin ba ang perang pambili ng produkto?” Maingat na umatras si Zoey hanggang sa narating niya ang sulok ng counter at gumawa ng distansya sa pagitan nila. Habang ginawa niya ang lahat ng ito, bahagya siyang nanginginig. “Kahit na patayin mo ako, wala akong pera para sa'yo. Dalawang buwan nang di nababayaran ang renta para sa shop, halos paubos na rin ang gamot ni Mira, at kinuha ng stepmother ko ang nakatagong ipon ng tatay ko. Hindi ako makakahiram ng ni-isang singko sa hinaharap.” Takot na takot siya dahil kailangan niyang tiisin ang pambubugbog sa tuwing umuuwi si Cyrus para manghingi ng pera. Nakaramdam ng magkahalong emosyon si Cyrus at di siya sigurado kung anong sasabihin. “Ako nang bahala sa pera.” Pagkasabi niya nito, tumalikod siya para umalis. Nagtapang si Zoey at sumigaw, “Kung gusto mong magsugal, mambabae, at mapagkaruan nila, wala akong pakialam. Pero kapag sinubukan mo kong saktan ulit, kukunin ko si Mira at tatapusin ko na ang lahat ng koneksyon ko sa'yo.” Nang nakatingin sa kanya, tumango si Cyrus at nagsabing, “Mula ngayon, hindi ako manghihingi ng kahit isang barya, at hindi rin kita sasaktan. Wala nang makakapanloko sa'kin mula ngayon.” Gusto niyang humingi ng tawad, pero hindi niya ito magawa. Hindi siya ang gumawa ng lahat ng mga iyon noon. Ang paggawa ng napakawalang hiyang pag-uugali kagaya ng pambubugbog ng asawa ay hindi gagawin ng isang marangal na medical saint. Nang naglaho ang anino ni Cyrus mula sa pinto, nakaramdam ng kakaiba si Zoey. Para bang naglaho ang mabangis at malamig na tingin sa mga mata ng asawa niya at napalitan ng mas malumanay na pakiramdam. “Zoey, wag kang magdelusuon. Hindi na siya magbabago. Hindi pa ba sapat ang mga pasakit na ginawa niya sa'yo sa mga nagdaang taon?” ... Ang flagship storefront na nakaharap sa masiglang kalye ng Herbal City ay pagmamay-ari na ng Innerzen Medical Center na pinamumunuan ni Rachel. Isa itong pinaparenrahang lugar tatlong taon ang nakaraan, pero natalo si Cyrus kay Rachel, at tumaas sa 35 million dollars ang kasalukuyang market value nito. Ang una at pangalawang palapag ng medical hall ah para sa outpatient services, habang ang third floor ay isang teahouse. Ang totoo, ang teahouse na ito ay isa ring gambling den. Naipatalo ni Cyrus ang higit isandaang milyong assets dito. Sa pharmaceutical realm, may natatanging paraan ng pagsusugal ang mga prominenteng tao rito, hindi lang mahahalagang herbs ang pinupusta nila kundi pati diagnostic skills. Sa umpisa, nagsusugal lang ang mga tao para magsaya, at hindi tumataas sa limandaang libo ang mga pusta nito. Gayunpaman, dahil sa galing ni Cyrus sa pagwawaldas, tinaasan niya ang pusta sa nakakagulat na 30 million. Simula noon, sumikat ang Innerzen Medical Center sa Jorsproburgh at sumigla ang negosyo nito. Syempre, ang sikat na reputasyon ni Cyrus nilang isang mapagwaldas ay kumalat din. Mapangutya siyang tinawag na “Ang Pilantropo.” Kagabi, nagsugal si Cyrus para sa pulse diagnosis at nawalan na naman siya ng isandaang libong dolyar. Nang lumapit siya sa entrance, nakilala siya ng dalawang receptionist at sarkastiko siyang binati, “Nandito na naman si Lord Cyrus.” “Gusto kong makita ang boss mo.” “Nasa Serenity Suite siya sa third floor. Umakyat ka mag-isa mo. Naroon rin si Mr. Wright, hinihintay niyang bayaran mo ang utang mo.” Si Rachel, na isang socialite na may katamtamang kaalaman sa medisina, ay nagsimula noon bilang isang nars. Ngunit ang kakulangan niya sa medical skills ay binawi niya sa estratehiya at karisma. Nakikita niya ang intensyon ng mga lalaki at magaling niyang tinatahak ang sari-saring sitwasyon. Nakita ni Cyrus ang sarili niyang nakatali sa sapot, dahil lang sa impluwensiya niya. Nang naupo si Cyrus sa posisyon ng chairman sa Herbal City ng Jorsproburgh, walang kwenta ang tingin sa kanya ng iba, at si Rachel lang ang nagpalaki sa ego niya. Habang ang asawa niyang si Zoey ay nanatiling mapag-isa at walang pakialam, naging malumanay at masunurin naman si Rachel. Nang napaikot na siyang maigi ni Rachel sa mga daliri niya, hinila niya ang malaking isda papunta sa patibong na inihanda niya para sa kanya. Sa umpisa, nagsugal si Cyrus at nanalo ng higit sampung milyong dolyar. Napuno siya ng kayabangan dito at tinignan niya ang sarili niya bilang isang medical prodigy na nakatakdang maging matagumpay. Ang pekeng pagmamalaki ng ito ang naging dahilan ng pagwaldas niya sa buong yaman ng pamilya niya sa loob lang ng maikling panahon. Nakipagtulungan si Rachel sa Wood family para lokohin si Cyrus at kamkamin ang yaman niya. Kapag nakuha na niya ang gusto niya, bigla na niya lang siyang bibitawan. Kakatok na sana si Cyrus sa pinto ng kwarto nang hindi niya inaasahang marinig ang usapan sa loob tungkol kay Zoey. “Mr. Wright, nagsugal ka kasama ng walang kwentang taong yun kahit na alam mong hindi niya kayang maglabas ng isangdaang libong dolyar. Mukhang gusto mong makuha ang asawa niya,” nagmula ang boses ni Rachel sa likod ng pinto. “Haha, napakaperpekto ng ugali, katawan at mukha ng asawa niya. Sayang lang at nakukulong lang ang kagandahang iyon sa bahay ng walang kwentang lalaking yun,” nasasabik na sagot ni Benedict Wright. “Mas maganda ba siya kaysa sa'kin?” tanong ni Rachel. “Magkaibang klase kayo ng ganda ni Zoey. Kung isa kang mapang-akit na sirena, isa naman siyang dalisay na diwata.” “Sa pagkakaalam mo, maraming lalaki ang gustong makuha si Zoey. Baka hindi sapat ang isandaang libong dolyar lang,” sagot ni Rachel. “Isang beses lang, kung kaya ko siyang makuha kahit isang beses lang sa buhay ko, sapat na yun,” deklara ni Benedict. “Gago ka, akala ko gusto mo siyang pakasalan,” biro ni Rachel. “Gusto ko nga, pero kakagatin ng tigre sa bahay ang ulo ko kapag ginawa ko yun.” Mula sa likod ng pinto, isang makamundong tawanan ang narinig sa hallway. Si Cyrus, na nakarinig sa buong usapan, ay sinipa ang pinto pabukas. Sa gulat, naaalis si Rachel sa mainit na tsaa niya at naluha ang mga mata niya. Sa inis, sumigaw siya, “Baliw ka ba? Solidong kahoy ang pintong yan. Kaya mo bang bayaran yan kapag nasira yan? Napaso pa ang dila ko nang dahil sa'yo.” Sa sandaling ito, alam ni Cyrus, na mas kalmado kumpara sa kahit na sino, na tinatrato siya ni Rachel nang parang isang tanga. Sumakay siya, nagpanggap na uto-uto, at nakangiting nagsalita, “Saan ka napaso? Tulungan kitang palamigin yan.” Pinalo ni Rachel ang kamay niya at nagsabing, “Layas! Nawalan ka na ng pagkakataon.” “Hoy bata, umayos ka,” sigaw din ni Mr. Wright. Ang lahat ng mga lalaking nagpunta rito para maglaro ay lumuluhod sa paanan ni Rachel nang parang mga matapat na tuta. Si Cyrus, na kilalang bulagsak sa lungsod, ay pangkaraniwang itinuturing na madaling kalaban sa kahit na sino para tapak-tapakan hanggang sa gusto nila. “Mr. Wright, para sa sampung libong dolyar na naitalo ko sa'yo kagabi, pwede tayong magsugal ulit o isipin mong wala na yun,” deklara ni Cyrus. “May kapital ka ba para makipagsugal sa'kin? Kakalimutan mo ang utang mo sa'kin, gusto mo bang ihatid kita nang maaga sa libingan mo?” Sigaw ni Benedict habang hinampas ang mesa. May hawak siyang note na kinikilala ang utang ni Cyrus at hindi siya natatakot na makakatakas si Cyrus mula rito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.