Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Naghabol ng hininga si Cyrus, pumintig ang ulo niya nang dumilat siya. Sa gulat niya, isang magandang babae ang nakahiga sa mga bisig niya. Ang makapal at umaalong buhok niya ay nabigay hugis sa mukha niya at nakaamoy siya ng nakakaakit na amoy sa ere. Parapang huminga ang babae nang may namunulang mga pisngi. Dahil nasa mga yakap niya siya, naramdaman ni Cyrus ang maganda at makurbang katawan niya. Habang tinignan niya ang hindi pamilyar na kwarto na puno ng kalat, at hindi umakma sa nakakalat na designer clothes sa paligid ng babae, hindi napigilan ni Cyrus na magtaka kung nasaan siya at kung sino ang babaeng yakap niya. “Mira, wag kang pumasok diyan! Wala siya sa bahay. Halika, kailangan nating magmadali sa school.” “Ma, namimiss ko na si Papa. Bakit ayaw niya sa'kin? Dahil ba palagi akong may sakit at masyado kong ginagamit ang pera ni Papa?” malungkot na tanong ni Mira. “Oh, Mira. Wala kang ginastos mula sa kanya. Mahal ka ni Mama. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ni Mama?” Hala, bakit biglang may asawa at anak? Sa gitna ng pagtataka niya, dalawang magkaibang alaala ang mabilis na naghalo sa isipan ni Cyrus. Mukhang nabuhay siyang muli sa katawan ng isang alibughang anak. Dating mayaman, minana ng isa pang Cyrus na ito ang medicinal herb business ng pamilya niya na nagkakahalaga ng bilyones. Kinasal pa siya kay Zoey Clarke, ang pinakamagandang babae sa Jorsproburgh. Gayunpaman, hindi lang niya sinayang ang lahat ng family assets nila at nagkaroon ng tambak-tambak na utang, inabuso niya rin ang asawa niya. Sa papel lang sila kasal, at kahit pagkatapos ng tatlong taon, hindi nakaranas ang alibughang si Cyrus ng pisikal na intimasya sa asawa niyang si Zoey. Prinotektahang maigi ni Zoey ang pagkabirhen niya at nangakong hindi niya ito ibibigay sa kanya. Ang anak niyang si Mira Johnson ay bunga ng isa sa mga relasyon niya bago siya ikasal. Ngayon, bumagsak ang Cyrus na ito. Nagrenta at nabuhay siya sa isang maliit na tindahan sa Herbal City at nagtitinda ng mga halamang gamot na may mababang kalidad. Hindi lang iyon, dinala niya rito ang babaeng yakap niya para lang galitin ang asawa niya. Uminom siya ng aphrodisiacs habang lasing at namatay sa katangahan niya. Bumuntong-hininga si Cyrus habang tinitigan ang gumuguhong kisame. “Hindi ko inakalang ako, ang tagapagmana ng divine medicine lineage, ang young lord ng Hippocrates Sect, na dating kilala sa mundo para sa husay ko sa singing ng medisina, ay mabubuhay muli bilang isang basura ng lipunan. Mukhang nasa panganib ang reputasyon ko,” naisip niya. Ito ang umpisa bagong buhay niya at mukhang mahirap na kaagad ang sitwasyon. Sa harapan ang asawa at anak niya, nakita siyang nakikipagharutan sa ibang babae—hindi ito pag-uugaling nababagay sa isang lalaki. Nang naisip niya iyon, sinipa niya ang natutulog na babaeng nasa mga bisig niya. Bumagsak nang malakas ang babae at napasigaw nang malakas. Galit siyang sumigaw, “Ba't mo ginawa yun?” Maituturing na nakakaakit ang babae sa harapan niya, pero ang sobra-sobrang pang-aakit niya ay wala lang kundi mababaw na pang-aakit sa mga mata niya. Higit pa roon, nagkagulo ang isipan niya at kailangang-kailangan niya ng oras para pag-isipang mabuti ang sitwasyon. Simple siyang sumagot, “Rachel, gising na ang bata. Magmadali ka nang magbihis.” Pero nang marinig iyon, ngumisi lang nang mapang-akit si Rachel at hindi nagpakita ng senyales ng kahihiyan. Niyakap niya siya nang parang isang magandang sawa. “Alam mo, ang dami mong nainom kagabi at natulog ka nang parang bato, Cyrus. Dahil doon, hindi tayo nakaabot sa mahalagang parte. Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon ngayon. Maganda ba yun para sa'yo?” Natulala si Cyrus. Higit talaga sa inasahan niya ang kakapalan ng mukha ng babaeng ito. Sa isa pang mabilis na sipa, pinatalsik niya siya sa malayo. “Ano ba! Baliw ka ba?” Hinimas ni Rachel ang masakit na puwit niya nang may galit at bahid ng pagtataka sa ekspresyon niya. Noon, ang tingin niya lang kay Cyrus ay isa sa maraming manliligaw niya na pinaikot niya sa daliri niya. Bakit bigla siyang nagbago? Kagabi, nabanggit ni Cyrus na gusto niyang ipahiya si Zoey. Ang tanging dahilan kung bakit hinayaan siya ni Rachel na makatikim ng pambihirang sarap ay dahil mayroon siyang personal na sama ng loob kay Zoey. Ang away niya kay Zoey ay nagsimula tatlong taon ang nakaraan kung saan pinuna siya ni Zoey, ang mistress ng Jorsproburgh noon, na may ginagawa siyang kabalbalan sa isang business conference. Pagkatapos magbihis, napikon si Rachel, “Kung hindi ko lang gustong gumanti sa asawa mo, hindi ko man lang papansinin ang isang walang kwentang hayop na kagaya mo.” “Pasensya na, magkita na lang tayo ulit,” sabi ni Cyrus. “Tama na ang kalokohan mo. Hindi ka na makakakuha ng isa pang pagkakataon sa buhay mong to. Sa tingin mo ikaw pa rin ang tagapagmana ng isang prestihiyosong pamilya? Talunan ka lang.” Nang makauwi si Zoey mula sa kindergarten, nagkataong nakasalubong niya si Rachel na paalis na. Nang walang masyadong ekspresyon, nagsimulang ayusin ni Zoey ang order forms sa likod ng counter. Habang nakasandal sa counter, nagsindi ng sigarilyo si Rachel at nagkomento, “Aba nga naman, ang kagalang-galang na si Ms. Clarke. Bakit di mo na lang iwan ang walang kwentang lalaking ito? Hindi rin naman sa'yo ang sakiting batang yan.” Sumagot si Zoey, “May moral ako, isang bagay na mukhang wala ka.” “Nagmamataas ka pa rin kahit napakababa mo na ngayon. Mas malala pa sa manok ang isang bumagsak na phoenix. Kahit bumalik ka pa sa pamilya mo, magiging alipin ka lang ng stepmother mo, di ba?” Tumingala si Zoey at kalmadong sumagot, “Wala ka nang kinalaman dun. Wag mo kong istorbohin sa trabaho ko.” Bumuga ng pabilog na usok si Rachel sa kanya at nagsabing, “Kapag masyadong naging mahirap ang buhay para sa'yo, pwede kang dumaan sa clinic ko. Narinig ko mula sa isang maliit na ibon na may ilang maiimpluwensyang tao ang naghahangad sa'yo. Pwede kitang ipakilala sa kanila. Mapag-uusapan natin ang presyo.” “Layas!” Nagpatuloy siya Rachel at nagsabing, “Alam mo ba kung bakit ako natulog kasama ang isang talunang kagaya ni Cyrus? Pumayag siyang gamitin ka bilang pusta, at makikipaglaro siya sa mga maiimpluwensyang taong yun. Gusto mo bang hulaan ang halaga mo?” “Mamamatay muna ako,” sagot ni Zoey. Nagawa na ni Rachel ang layunin niyang ipahiya si Zoey at umalis siya nang kuntentong-kuntento. Habang lalo itong inisip ni Zoey, mas lalo niyang naramdamang hindi patas ang sitwasyon niya at naluha siya. Kahit maraming beses na niyang gustong makipag-divorce, nagmatigas na tumanggi si Cyrus. At hindi naman pwedeng umalis na lang si Zoey dahil kay Mira, na isang masunurin at matalinong bata na trinato si Zoey na parang tunay niyang ina. Natuklasang may leukemia si Mira nang isang taong gulang pa lang siya. Inabandona siya ng tunay niyang nanay at iniwan siya sa ilalim ng alaga ng Johnson family. Ang tunay niyang amang si Cyrus ay nanantiling walang pakialam sa buhay at kamatayan ng anak niya. Si Zoey ang personal na nag-alaga kay Mira mula sa umpisa, at nagkaroon ng malalim na koneksyon ang dalawa. Hindi niya kayang makitang mamatay sa sakit ang kawawang bata. Kung wala ang metikulosong pag-aalaga ni Zoey, hindi mabubuhay ang batang ito lampas sa edad na tatlo. Nang sumilip siya sa pintuan, hindi napigilan ni Cyrus na maakit sa matinding kagandahan at kadalisayan ni Zoey. Ang mga mata niyang makislap dahil sa mga luha at ang mahahamis niyang mga kamay na pinunasan ang mga luha sa pisngi niya, isa nga itong maganda ngunit malungkot na eksena. Sa mga pasyente ng Hippocrates Sect, may mga tagapagmanang babae mula sa mga prestihiyosong pamilya, mga pinakamagagandang babaeng artista, at mga modelong sikat sa buong mundo. Ngunit wala sa kanila ang maikukumpara sa dalisay at perpektong kagandahan ni Zoey. “Kung ganun, asawa ko siya mula ngayon? Natural ang ganda niya at kasing hinhin siya ng isang jade. Kahit na hindi siya pinahalagahan ng basurang iyon, pano niya nagawang gumamit ng dahas laban sa isang taong kagaya niya?” bumuntong-hininga si Cyrus. Bilang isang pangkaraniwang lalaki, hindi nga niya alam kung paano harapin si Zoey, lalo na sa kung paano siya trinato ng isa pang Cyrus noon. Sa sandaling iyon, isang Mercedes ang huminto sa harapan ng shop at isang babaeng may mahabang binti ang bumaba mula rito. Nakialam siya ni Cyrus nilang half-sister ni Zoey, si Phoebe Clarke. Padabog na nilapag ni Phoebe ang susi ng kotse sa counter at seryosong nagtanong, “Nanghihiram ka na naman ba ng pera mula kay dad?” “Hindi ba tatay ko rin siya?” sagot ni Zoey, sabay nagmadaling pinunasan ang mga luha niya. “Anong karapatan mong manghingi ng pera? Pinakasalan mo ang isang walang kwentang basura. Isa kang kahihiyan sa Clarke family. Iginigiit ng nanay ko na bayaran mo ang bawat isang sentimong inutang mo.” “Tumatanggi ako.” “Sa tingin mo di kita sasampalin?” tinaas ni Phoebe ang kamay niya at handa nang umatake. Mula sa murang edad, palaging inaapi ni Phoebe si Zoey. Gamit ng paboritismo ng nanay niya, hindi niya kailangang respetuhin si Zoey bilang ate niya. “Tigil!” Sigaw ni Cyrus.
Previous Chapter
1/200Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.