Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Nang matanggap ni Gaston ang tawag, nagpapagamot siya sa kanyang mga sugat sa ospital. Bumuka ang kanyang noo at namamaga ang kanyang mukha. Ang kanyang buong katawan ay kulay asul at lila sa mga pasa. Sa bawat sakit na naramdaman niya, patuloy niyang minura si Spark sa kanyang isipan. Kung hindi niya tinulungan ang baliw na iyon, hindi siya mapupunta sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Halos naiwasan niyang lunurin siya. Nang marinig niya ang mga tanong ni Spark sa kanya, hindi niya maiwasang hindi magmura. Subalit, naalala niya ang mga utos ni Alex at sinabi kay Spark, "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito, wala akong sagot sa iyo. Mag-iibang bansa na ako. Kaya mo na iyan mag-isa." Click! Binabaan ni Gaston si Spark at pinatay ang kanyang phone para hindi na siya ulit tawagan. Galit na galit si Spark. Sasabog na siya sa galit. Kinuha ni Gaston ang kanyang pera ngunit hindi ginawa ang pinagawa sa kanya. Subalit, si Gaston ang pamangkin ng makapangyarihang si John Gates, isang taong may mataas na katayuan sa loob ng Thousand Miles Conglomerate at hindi nangahas si Spark na gumawa ng anumang bagay kay Gaston. Di nagtagal, nakauwi siya. Ang tahanan ng pamilya Rockefeller ay isang malaking manor. Sa ikapitong kaarawan ni Alex, gumastos ang kanyang amang si William Rockefeller ng konting kayamanan upang bilhin ang manor na ito bilang birthday gift kay Alex. Ang kabalintunaan ay nang lumipat ang natitirang miyembro ng pamilya Rockefeller, pinalayas sina Alex at Brittany. Pagpasok pa lang ni Spark, ngumiti sa kanya ang kanyang lolo, si Bill Rockefeller. “Saan ka nagpunta, Spark? Mukhang malungkot at galit ang mukha mo. May gumugulo baa sa iyo? Hayaan mong tulungan kita." Agad na sumagot si Spark, "Si Alex!" Malamig na ngumisi si Bill Rockefeller. "Ang walang kwentang anak ng p*tang iyon? Paano ka niya guguluhin sa kasalukuyang estado niya?" Napatigil si Spark. "Anak ng p*ta? Lolo, hindi ba si Alex, ay anak ng tiyuhin ko?" Kumurap ang mga mata ni Bill at sinubukan niyang bawiin ang kanyang sinabi, "Ang ibig kong sabihin ay pinalayas ko na sa bahay ang bastardong iyon. Sabihin mo sa akin, paano ka niya ginulo?" Sabi ni Spark, "Ang basurang iyon ng tao ay malinaw na walang kakayahan o kapangyarihan ngunit ayaw niyang sumuko at hiwalayan si Lady Dorothy. Walang hiyang lalaki! Nakakabwisit!" Nagningning ang mga mata ni Bill. "Spark, may gusto ka ba sa Lady Dorothy na iyon?" Inamin ni Spark, "Oo, gusto ko siyang pakasalan." Kung ang pag-uusap na ito ay nangyari sa pagitan ng ibang maglolo, nasampal na si Spark sa pagnanasa niya sa kanyang sariling sister-in-law. Ngunit ibang lolo si Bill at tumawa siya. “Spark, sa wakas ay tumanda ka na. Talagang maganda ang Dorothy Assex na iyon. Sayang at kinasal siya kay Alex. Total at gustong gusto mo siya, pupunta ako sa tirahan ng pamilya Assex at tutulungan kang kumbinsihin ang old lady ng pamilya Assex. Naniniwala akong bibigyan ka niya ng basbas.” "Talaga? Salamat, Lolo!" Natuwa si Spark nang marinig ang sinabi ng kanyang lolo. "Apo kita, bakit hindi kita tutulungan? Basta’t kaya mo akong bigyan ng isang grupo ng apo sa tuhod! Wala talagang silbi si Alex. Siya ang putok sa buho ng aking pamilya Rockefeller. Nadungisan ang ating reputasyon sa kanyang presensya. Hindi siya karapat-dapat na magkaroon ng ganoong asawa." Sa parehong oras, nagpadala ng mensahe si Alex kay Lord Lex, inutusan siyang pirmahan ng isang malaking kontrata kasama si Dorothy sa lalong madaling panahon. Ang Thousand Miles Conglomerate ay bahagi ng halos bawat industriya. Sa pagpirma lamang nila ng isang kasunduan sa kanila, kayang tumayo ni Dorothy nang may pride kasama ang mga family elders. Kung iisipin ito, hindi naging madali ang mga bagay para kay Madame Claire sa pamilya Assex. Ang pinuno ng pamilya ay si Madame Joanne, lola ni Dorothy. Ang old lady ginang ay may tatlong anak na lalaki na sina Benny, Anderson, at Henry Assex. Si Madame Claire ay asawa ng bunsong anak na si Henry Assex. Nang labing anim na taong gulang si Dorothy, nahuli ni Madame Claire si Henry na nangaliwa kasama ang kanyang secretary. Kinabukasan, tinanan ni Henry ang kanyang kabit. Wala na silang narinig mula sa kanya mula noon at walang nakakaalam kung buhay pa siya. Sinisi ng old lady si Madame Claire sa pagkawala ng kanyang anak. Hindi niya kailanman nagustuhan si Madame Claire sa una at lalo lamang lumala ang kanyang opinyon kay Madame Claire. Ayaw din ni Joanne sina Beatrice at Dorothy sa kadahilanang ito. ‘Di nagtagal, nakatanggap si Alex ng sagot mula kay Lord Lex, “Noted Master. Ifa-finalize ang kontratang nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar kasama si Lady Dorothy bukas." Hindi makatulog si Alex habang puno ng panghihinayang ang kanyang isipan. Malaki ang utang na loob niya kay Dorothy at gusto siyang makausap siya. Nag-ipon siya ng lakas ng loob at pumunta sa ikalawang palapag upang hanapin si Dorothy. Hindi naka-lock ang pinto, at nakabukas ito. Sumilip si Alex sa loob. "Dorothy..." Laking gulat niya nang makita niya si Madame Claire na palabas ng shower na may tuwalya lamang na tatakip sa katawan nito. Sumigaw si Madame Claire, “Manyak ka! Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na umakyat dito? Anong balak mong gawin sa kalagitnaan ng gabi? Layas! Lumayas ka agad!" Gumawa ito ng malaking kaguluhan sa Assex’s vila. Tinanggap ni Madame Joanne ang dalawang hindi inaasahang mga panauhin sa lumang Assex manor kinaumagahan. Ang pinuno ng pamilya Rockefeller, si Bill Rockefeller at Spark Rockefeller, ang batang director ng Rockefeller Group ay dumalaw sa kanya. Kung ikukumpara ang napakahusay na maimpluwensyang at makapangyarihang Rockefeller Group, ang Assex Constructions ay isang maliit na kumpanya lamang. Nagulat ang old lady nang malaman niya ang dahilan ng kanilang pagbisita. “Sir Rockefeller, kasal na ang Dorothy namin. Sigurado ka bang gusto siyang pakasalan ng apo mo?" tanong niya. "Oo, si Lady Dorothy ang gusto kong pakasalan!" Sumabat si Spark. "Nahulog ako kay Dorothy sa unang tingin. Bukod dito, sa papel lang sila kasal ni Alex, hindi nga sila pinayagang magkasamang matulog." Sumagot si Madame Joanne, "Masisira ang reputasyon mo. May isa pa akong apo na nagngangalang Emma…” Umiling si Spark at sinabi, "Si Lady Dorothy lang ang gusto ko." Ngumiti si Bill Rockefeller at sumabat, "Madame Joanne, naririnig kong hindi masyadong magansa ang sitwasyon ng Assex Constructions kamakailan. Handa akong tumulong alisin ang mga paghihirap niyo." Nang matapos si Bill sa kanyang sinabi, si Anderson Assex, ang pangalawang anak ni Madame Joanne ay tumakbo at excited na sinabi, "Mom! Nakatanggap lamang tayo ng confirmatino na pipirma angThousand Miles Conglomerate sa isang kasunduang nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar sa atin!" "Oh, magandang balita, magandang balita nga..." Pumalakpak ang old lady at masayang sinabi iyon. Pagkatapos ay nagtataka niyang tiningnan si Bill Rockefeller. "Sir Rockefeller, magaling! Ang galing ng ginawa mo sa Thousand Miles Conglomerate para pumirma sila ng business deal sa amin. Talagang kahanga-kanga ito, old man, salamat! May basbas ko na ang kasal na ito." Nagulat si Bill Rockefeller. Ni wala siyang kilala sa Thousand Miles Conglomerate. Gayunpaman, isa itong kahanga-hangang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kapalaran. Sinabi ni Bill, "Maliit na bagay lamang ito. Personal kong kaibigan si Lord Lex ng Thousand Miles Conglomerate. Humingi lang ako ng isang maliit na pabor, wala iyon basta makatulong kami sa pamilya Assex. " Ngumiti si Madame Joanne at sinabi, “Magaling! Spark, sobrang gusto kita. Bukas ay ang anibersaryo ng aming Assex Constructions. Magho-host kami ng banquet sa pagdiriwang. Bakit hindi ko ibalita ang kasal ni Dorothy sa iyo sa banquet bukas? " Tuwang-tuwa si Spark at sinabi, "Salamat, salamat Grandma!"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.