Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Habang sinimulan ni Gaston na kilalanin ang matandang nakatayo sa likuran, nagbago ang husto ang kanyang facial expression. Ang matandang lalaki ay ang chief ng Thousand Miles Conglomerate, at ang alpha ng underground word, si Lord Lex—si Lex Gunther! Wala siyang lakas ng loob na kagalitan si Lord Lex. Pagkatapos ng lahat, pinapahalagahan pa rin niya ang kanyang buhay. Sandaling nanigas si Gaston, habang tinipon niya ang kanyang iniisip, agad siyang ngumiti at humihingi ng paumanhin. "Lord Lex, I'm so, so, so sorry, hindi ko alam na ikaw pala iyan! Kalimutan na sana natin ang lahat. Patawarin mo sana ako sa kung anong sinabi ko. Alam kong malaki ang puso mo. Oh, ako si Gaston, nagpadala ka ng tatawag sa akin? Ang layunin ba ng meeting na ito ay para bigyan ako ng dagdag na tasks? Marahil para i-promote ako bilang manager? Nangangako akong magpe-perform ako sa abot ng aking makakaya." Medyo lumubog ang mukha ni Lord Lex. Madilim at malamig ang kanyang mga mata. Sinabi niya sa isang monotone na boses, "Pag-usapan natin ito sa meeting room." Nang makita ni Gaston na hindi siya binatukan ni Lord Lex, labis siyang maligaya. Hindi maitago ni Lord Lex ang kanyang galit. Umaapoy siya sa galit at kita ito ng lahat sa mukha niya. Hula ni Gaston ay may kinalaman ito kay Alex na nakatayo sa tabi ni Lord Lex. Naisip ni Gaston sa kanyang sarili, 'Tapos na ang lokong ito!' Kinausap ni Lord Lex ang isa sa mga tauhang nakatayo sa pintuan, "Pakidala siya sa meeting room." Nagulat ang lalaki ngunit tumango pa rin siya nang may respeto bilang pagsang-ayon. Dahan-dahang bumaling ang tingin ni Lord Lex kay Alex at tawag niya, "Master!" Hindi malakas ang boses, ngunit ang taong nakatoka sa pintuan ay may mahusay na kasanayan sa martial arts at may mahusay ding na pandinig at paningin. Nang marinig niya kung paano lamang tinawag ni Lord Lex si Alex, sandaling nanigas ang kanyang katawan. Naisip ng security personnel sa kanyang sarili, "Master? Kailan pa nagkaroon ng master ang makapangyarihang si Lord Lex? Mukhang pambihira ang taong kayang mag-utos ng ganoong paggalang mula kay Lord Lex." Nang maalala niyang inutusan niya ang binata na lumuhod at humingi ng tawad, natakot siya para sa kanyang buhay. Tapos na ang lahat. Mamarkahan ang petsa ngayon bilang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ganoon din ang masasabi kay Gaston na naglalakad sa tabi niya. Ang nakakatawa ay, walang ideya si Gaston kung anong nangyari at masaya pa rin siyang nagtanong sa kanya, "Hoy, anong pangalan mo? Ako si Gaston Gates. Tiyuhin ko ang may-ari ng Rainbow City. Hindi ako makapaniwalang tumawag sa akin si Lord Lex ngayon. Mukhang nagawa ko nang makuha ang atensyon niya. Sa palagay ko ay madalas akong nandito sa hinaharap." Naisip ng security personnel sa kanyang sarili, 'Magiging madalas dito? May question mark pa rin kung makakaaalis ka p nang buhay sa lugar na ito!' Patuloy si Gaston, "Alam mo ba kung sino ang lokong iyon na nakatayo sa pintuan? Anak siya ni William Rockefeller, ang dating boss ng Rockefeller Group. Nasa nakaraan na ang mga masasayang araw niya at isa na lamang siyang lampang umaasa sa mga babae ngayon. Kasal na siya sa loob ng isang taon, pero virgin pa rin ang asawa niya. Sa katunayan, malapit na siyang agawin sa kanya. Hindi ba nakakatawang kwento ito?" Nanatiling tahimik ang security personnel. Mahinang humuni si Gaston at hindi na nagsalita pa sa kanya. Nagmura siya sa kanyang isipan, 'Bloody fool,isa pang tanga ang lalaking ito. Sa suporta ng tiyuhin ko, malapit na akong mapunta sa upper management ng Thousand Miles Conglomerate, at pagdating ng oras na iyon, isang titig ko lang at madudurog ka na!' ‘Di nagtagal, nakarating sila sa meeting room. May nakaluhod na doon habang naglalakad sila papasok. Natatawang sinabi ni Gaston, "Sino itong lalaking itong nakaluhod dito? Tinawagan ba ako ni Lord Lex para sipain ang... ” Hindi natapos ni Gaston ang kanyang sinasabi bago lumingon ang taong nakaluhod sa sahig. "Uncle! Ikaw? Bakit ka nakaluhod?" Ang taong nakaluhod ay si John Gates, ang may-ari ng Rainbow City. Siya ang pumirma sa kasunduan kasama si Lady Dorothy, na kumakatawan sa Assex Constructions. "B*stardo ka!" Napasigaw si John Gates nang tumalon siya, lumakad sa kwarto at malakas na sinampal si Gaston na nagsimulang dumugo ang ilong nito. Galit na galit siyang makita si Gaston. Pagkakita kay Gaston, agad na nagalit si John Gates, tumalon, at sinampal siya nang napakalakas. Nagulat si Gaston at sinabi niya, "Tito, bakit mo ako sinasaktan?" "Papatayin kita!" Sumigaw si John habang sumugod, sumuntok at sumipa. Sa sandaling ito, magkasamang lumalakad sina Alex at Lord Lex. "Luhod!" sabi ni John. "Lumuhod ka agad sa master, gumapang at humingi ng tawad! Sampalin mo ang iyong sarili habang ginagawa iyon!" Malakas na sinipa ni John Gates si Gaston na halos mahati siya sa dalawa. Sinilip ni Gaston ang walang ekspresyong mukha ni Alex. Naguluhan siya. Tinuro niya si Alex at sumigaw, "Tito, baliw ka ba? Wala lang sa akin kung saktan mo ako nang walang dahilan, ngunit bakit mo ako hinihingi ng paumanhin sa asong ito? Alam mo ba kung sino siya? Isa lamang siyang lampa, isang walang kwentang basura. Hindi siya karapat-dapat na luhuran ko!" Hindi nagbago ang facial expression ni Alex. Sanay na siya sa mga ganitong insulto mula kay Madame Claire sa nakaraang sampung buwan. Madalas niya itong narinig mula sa bibig ni Madame Claire sa nakaraang sampung buwan, at nasanay na siya. Pinakita ni Lord Lex ang hangarin niyang pumatay at malamig na sinabi, "John Gates, nakatulong ka sa pagpapalaki ng isang kahanga-hangang pamangkin!" Habang nagsasalita si Lord Lex, nanigas ang paligid. Sumakit ang puso ni John at kailangan niyang magpasya agad-agad. "Master Lex," sabi ni John, "Kasalanan kong hindi ko siya tinuruan nang mabuti. Ako nang bahala sa hayop na ito." "Ano?" Hindi makapaniwala si Gaston na ipinagkanulo siya ng kanyang tiyuhin. “Uncle John! Huwag ka sanang mabaliw! Ako lang ang pamangkin mo!" Sigaw ni Gaston. Bumuntong hininga si John. Sinasaktan niya talaga si Gaston para protektahan siya. Nais niyang magpakita siya ng pagsisisi at baka kaawaan siya ni Lord Lex. Subalit, hindi nasunod ang kanyang plano—ang kanyang matigas na pamangkin ay hindi naintindihan ang sitwasyon at si John lamang ang makakaligtas sa kanyang sarili. "Marumi kang hayop ka!" sigaw ni John. "Hindi mo dapat ginawang kaaway si Master Alex at pinagnasaan ang kanyang asawa! Ngayon ang magiging huling araw ng buhay mo!” "Ano?" Gulat na sumagot si Gaston, "Hindi siya master. isa lang siyang basura!" Biro ni Lord Lex. "Anak siya ng isang kaibigan ko. Itrato mo siya tulad ng pagtrato mo sa akin. Sa palagay mo ba basura din ako?" Nanlaki ang mga mata ni Gaston at ang kanyang bibig ay nakangangang parang isang patay na goldfish. Sa wakas ay napagtanto niya ang kanyang pagkakamali. Magbabayad talaga siya gamit ang buhay niya para sa kanyang katangahan! Mabilis na lumuhod si Gaston at sinabi, "Sorry po Master Alex! Nagpapakitang gilas lang ako para sa pera. Master Alex, hindi ko talaga pinagnanasaan ang asawa mo." Sandali napatigil si Alex, at naisip niya si Spark Rockefeller. "Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang nasa likod ng lahat ng ito?" Tanong ni Alex habang tinutusok niya si Gaston sa kanyang tingin. Alam ni Gaston ang kaguluhang kinasangkutan niya at hindi na siya naglakas-loob na itago ang anumang bagay kay Alex. Sinabi niya, " Si Spark, sinabi ng b*stardong iyon na basta’t gawin ko ang pabor na ito para sa kanya, bibigyan niya ako ng 10 milyong dolyar at tatlong dilag! Nabulag ako ng kasakiman ko. Nangangako akong hindi ko na ito gagawin ulit. Master Alex, maawa ka sana sa akin! Sinusumpa ko, mula ngayon, handa akong maging lap dog mo. Tamaan na ako ng kidlat kung nagsisinungaling ako sa iyo." Napusno si Alex ng hangaring pumatay. Talagang ang anak ng p*tang si Spark na nasa likod ng lahat ng ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.