Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 84

Mas maganda siguro kung walang nagbanggit sa pangalan ni Jay. Ang bawat balahibo sa katawan ni Rose ay tumayo nang marinig niya ang pangalan ni Jay. “Hindi, kailangan ko na talagang bumaba para matago ang mga bata. Hindi ko pwedeng hayaan ang kapatid mong mahanap sila.” Gumewang si Rose nang subukan niyang tumayo. Tinapon ni Josephine ang walang laman na bote ng wine sa basurahan at nahihilong sumunod. “Sama ako sa ‘yo.” Ang dalawang lasing na babae ay kung saan-saan tumatama sa daan nila pababa. Hindi nila makita kung alin ang tamang direksyon dahil sa ganoong estado ng kanilang isipan. Sa huli, hindi nila napansing nakalabas na sila sa apartment. Si Jay ay nasa labas, hinihintay ang kaniyang biktima. Nang makita niya ang mukha ni Rose, ang mukha na makikilala niya kahit na maging abo pa ito, agad siyang nabalot ng yelo. ‘Pambihira talaga ang mga taktika ni Rose. Una, ginawa niyang tapat sa kaniya si Josephine. Ngayong naloko na niya si Josephine, nagtutulungan silang dalawa para loko

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.