Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Nang simulan ni Rose na magtawag ng taksi sa gilid ng kalsada, lumapit si Jay sa kaniya kasama ang magandang dalaga sa kaniyang tabi. “Tabi.” Nagsalita siya nang may malalim, malambing, at mala-cello na boses na kayang magsanhi sa obaryo ng babae na pumutok. Gayunpaman, naglalaman pa rin ito ng bakas ng pagmamataas na mayroon ang mga mayayaman. Biglang napagtanto ni Rose na siya at ang kaniyang mga anak ay nakaharang nga sa kanilang daanan—sila ay nakatayo sa harap ng isang Rolls-Royce na mayroong Spirit of Ecstacy na ornamento sa takip ng makina nito. Hinila ni Rose ang kaniyang bagahi sa isang kamay at ang kaniyang mga anak sa kabila. Nang makita niya si Jay, si Rose ay tila hindi mapakali, at natatagalan na tumabi— Napasalita ang seksing babae sa isang nangungutyang tono, “Siguro ay may iniiwasan kang malaking gulo kaya balot na balot kang ganyan. Sige, magsuot ka ng salamin kung gusto mo, nugnit bakit mo pupuwersahin ang mga anak mo na magsuot din habang naglalakad? Hindi ba iyon delikado, hindi ka ba nag-aalala na baka madapa sila o kung ano?” Nainis si Rose. ‘Hindi naman ako magsusuot nang ganito kung hindi ko kailangang iwasan ang mga salot na tulad mo.’ Ang mga salita ng babae ay ikinagalit ni Zetty—Para sa kaniya ay laging tama ang kaniyang Mommy. Ang sinumang magsalita ng masama kay Mommy ay magdudulot ng galit kay Zetty at agad siyang magbabago mula sa isang batang anghel sa isang batang demonyo. Sa sandaling iyon, binangga ni Zetty ang kaniyang sarili sa babae. Ang pagbangga na iyon ay nagsanhi ng paglaglag ng kaniyang salamin. Dali-dali na napaatras ang babae, at ang maliit na katawan ni Zetty ay napabangga kay Jay. Sinimulang atakihin ni Zetty si Jay gamit ang maliliit niyang mga kamay, sumisigaw gamit ang kaniyang kaaya-aya ngunit galit na boses, “Nag-aalala lamang si Mommy na dadakipin kami ng mga taong tulad mo. ‘Yon ang dahilan kung bakit pinagsusuot niya kami ng salamin upang protektahan ang aming mga sarili. Hindi ko hahayaan ang mga masasamang tulad mo na pagsalitaan ng masama si Mommy, siya ang pinakamagaling na mommy sa buong mundo.” Napatingin nang masama si Jay kay Rose. “Sinabi mo ba sa kaniya na nandadakip ako ng tao?” Nang makaharap ang nang-aakusang tanong ni Jay, ang utak ni Rose tila naubusan ng hangin. Siyempre, ang sagot ay oo. Sa totoo lang, para sa kaniya ay mas nakatatakot pa si Jay kaysa sa sinumang masamang tao. Kapag nalaman ni Jay na si Zetty ay ang kaniyang anak, malamang ay magsasanhi siya ng malaking eksena ngayon, baka humingi pa ng proteksyon ng bata. Hindi naglakas-loob si Rose na magsalita dahil natatakot siya na baka makilala ni Jay ang kaniyang boses. Ang kaniyang katahimikan ay walang nagawa kung ‘di kumpirmahin lamang ang asumpsyon ni Jay. Naging seryoso ang mukha ni Jay. Tinatawag ba siya ng babaeng ito bilang isang mandadakip ng tao? “Ito ba ang itinuturo mo sa iyong mga anak?” Wika niya. Nanliit si Rose na parang isang pugo ngunit hindi niya mailabas ang kaniyang tapang na harapin si Jay dahil ang kaniyang isipan ay nagkakagulo. Kamukha ni Zetty ang kaniyang ina, kaya baka hindi ito makilala ni Jay. Gayunpaman, si Robbie ay tila isang maliit na bersyon ni Jay. Kahit anong mangyari ay hindi dapat maipakita ni Robbie ang kaniyang mukha kay Jay. Niyakap ni Rose si Robbie at hinawakan siyang maigi; siya ay nag-aalala na baka siya ay mawalan din ng kontrol tulad ni Zetty. Tinulak palayo ni Jay si Zetty at pinagpagan ang parte ng kaniyang damit na hiawakan ni Zetty, bakas sa mukha ang pandidiri. Pagkatapos no’n ay binuksan niya ang pinto sa harap para sa babae, at sumakay silang dalawa at umalis nang wala nang ibang sinasabi. Si Robbie, na siya pa ring yakap-yakap ni Rose, ay tumingin sa numero sa plaka ng lisensya nito at tinandaan ito. Ang lalaking iyon ay kamukhang-kamukha niya. “Mommyyy, bakit wala kang sinagot kanina?” Sa sobrang galit ni Zetty ay napapaluha siya. Sa tuwing siya ay nakukutya dati, ang kaniyang Mommy ay haharapin ang mga mapang-api na iyon upang bigyan sila ng laksyon. “Mommy, para kang lampa ngayong araw.” Ang kaniyang anak na si Robby ay tinanggal ang kaniyang salamin at inirapan ang kaniyang ina na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon. Walang masabi si rose. Pinapagalitan siya ng dalawa niyang anak ngayon? Si Jay ay ang kaniyang kalaban, kahit anupaman ang ibig sabihin ng salitang iyon. Sa sandaling siya ay lumitaw, hindi na siya tinitingala ng kaniyang mga anak. Mukhang hindi talaga naiiwasan ang mga peste. Tulala, nagtawag si Rose ng isang taksi at ang talo ay nagtungo sa distrito ng Splendid Town sa Third Ring Road ng City North, sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang kaniyang ina. ... Sa loob ng mamahaling Rolls-Royce. Nakahalukipkip ang mga braso ni Josephine Ares habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana upang obserbahan ang pamilyang puro nakasuot ng salamin hanggang sa makasakay sila sa taksi at umalis. Ang pangyayari kanina ay tila isinawalang-bahala niya lamang. Gayunpaman, nang pagmasdan niya ang batang babae, isang pamilyar na mukha ang pumasok sa kaniyang isipan. “Jay, hindi ba mukhang pamilyar ang batang babae na iyon? Ang mga mata niya ay parang... parang kay hipag!” Napahigpit ang hawak ng kuya niyang si Jay sa manubela nang siya ay sumagot, “Hipag? Sino’ng hipag?” “Kuya, hindi ba nagpakasal ka dati, tanda mo?” Pinaalala sa kaniya ni Josephine. Ang imahe ni Rose ay pumasok sa isipan ni Jay, at pinagkumpara niya ang mukha ng batang babae kay Rose. Biglang tumigil ang Rolls-Royce. Si Rose? Ang babaeng iyon, ang taong nagpapagalit sa kaniya kahit isipin niya lamang siya? “Aray!” Nasubsob si Josephine mula sa pwersa at ang kaniyang noo ay tumama sa likod ng upuan. “Kuya, ba’t mo nagawang saktan ang maganda mong kapatid nang ganoon? Paano kung may nangyari sa akin? Aalagaan mo ba ako habang-buhay?” Tumigil ang Rolls-Royce sa gilid ng kalsada. Agad-agad na lumabas si Jay at tumingin sa direksyon ng paliparan. Binaba ni Josephine ang binata at mahinang sinabi, “Hayaan mo na. Nakita ko silang sumakay sa isang taksi kanina lamang. Papunta tayong timog at sila ay papuntang hilaga. Hindi mo sila mahahabol kahit na bumalik ka ngayon.” Dahan-dahang bumalik si Jay sa kaniyang upuan at sinara ang pinto. Nananabik na nagsalita si Josephine, “Si Rose ba talaga ang babae na iyon kanina, Kuya?” Inayos ni Jay ang salamin sa ibabaw niya para siya ay direktang nakatingin kay Josephine. Mula sa salamin, malinaw na nakikita ni Josephine ang yelo na nakabalot sa mukha ng kaniyang kuya. Hindi mapigilan ni Josephine na matawa. “Oo nga, si Rose nga lang talaga ang magpapabaliw sa ‘yo nang ganito. Oo nga pala, tinawag ka pa niyang masamang tao." Pinag-isipan itong mabuti ni Jay at napagtanto na iyon ay isang bagay na gagawin ng mga taong tulad ni Rose. Ang rasyonal na pag-iisip ng mga lalaki at ang emosyonal na pag-iisip ng mga babae ay dalawang magkaiba at magkalayong mga bagay. Napakunot ang noo ni Jay at nag-isip kung ano ang tsansa ng paglitaw ni Rose sa parte na ito ng siyudad. “Hindi maaaring siya ‘yon. Limang taon na siyang patay.” Kahit na iyon ang sinabi sa kaniya, hindi siya makahanap ng paliwanag sa pagkabalisa na nararamdaman niya. “Jay, sa tingin mo ba hindi kataka-taka ang paraan ng pagkamatay ni Rose?” Sabi ni Josephien. “Wala sa ‘tin ang nakakita ng litrato niyang talagang patay. Ang isang litrato ay hindi sapat para patunayang patay na siya. Isipin mo. Araw-araw gumaganda ang mga teknolohiyang tulad ng Photoshop.” “Nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Kung hindi pa siya patay, bakit walang taong nakakahanap sa kaniya?” Inapakan ni Jay ang akselerador, pinabilis ang makina, at namaneho palayo. Umangat ang mga kilay ni Josephine at matagal itong pinag-isipan. “Ang tracking system ng Pamilya Ares ay kahanga-hanga, pero baka nakahap pa rin siya ng paraan upang makatakas sa lambat.” Malamig na sinabi ni Jay, “Masyado mong minamalaki ang probinsyana na iyon.” Nagkibit-balikat si Josephine. “Kahit na nanggaling si Rose sa probinsya, hindi mo maitatanggi na ang galing ng paraan kung paano ka niya pinaglaruan.” Sa sobrang higpit ng hawak ni Jay sa manubela ay namumutla na ang kaniyang mga buko-bukong.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.