Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Pagkatapos niyang magsalita, bumukas ang pinto at isang kaakit-akit na secretary ang sumilip sa loob. Magalang na sinabi ng secretary, “Ginoong Ares, mayroong isang magandang babae rito na hinahanap ka.” Ang kaniyang tinig ay tila nananabik. Pinagalitan siya ni Grayson, “Hindi mo ba alam na pinagbabawalan sa opisina ni Ginoong Ares ang biglaang pagpasok ng mga babae? Paalisin mo siya.” Napa-isip nang sandali si Jay kung ang babae bang iyon ay ang sinumpaang si Rose. Gayunpaman, nang marinig niya ang secretary na nilalarawan ang babae bilang maganda, agad na natanggal ito sa kaniyang isipan. ‘Ang pangkaraniwan at walang hugis na Rose na iyon kasama ang kaniyang makalumang istilo ay hindi kailanman mailalarawan gamit ang salitang iyon.’ Isinara ng secretary ang pinto at bumalik sa reception. Mahinhin niyang sinabi, “Pasensya na, binibini. Hindi tumatanggap ng mga bisita si Ginoong Ares ngayon.” Inangat ni Rose ang kulot niyang buhok at huminga nang malalim upang pigilan ang kaniyang inis. Pagkatapos ay nagsalita siya, “Ang presidente niyo mismo ang nagpatawag sa ‘kin dito. Ano’ng ibig niyang sabihin sa pagpapaalis sa ‘kin ngayon? Ginawa ko na ang makakaya ko at sumuko. Bakit ba niya ako tinuturing na mas mababa pa ako sa isang normal na tao?” Natuliro ang secretary. Sa lahat ng taon ng pagtatrabaho niya sa Grand Asia, ito ang unang beses na nakarinig siya ng taong may lakas ng loob na insultuhin si Ginoong Ares. Lumabas sina Jay at Grayson sa opisina at nagtungo sa elevator. Sa daan patungo roon, narinig nila ang matinis na boses ni Rose at napatalikod upang makita kung ano ang nangyayari sa mesa ng secretary. Nang mapansin ng secretary ang naiinis at galit sa mga mata ni Ginoong Ares, mabilis siyang nagpanggap na inaayos niya ang kaniyang mesa. Nakatayo sa likod ni Rose si Jay habang si Rose ay patuloy na sinasabi ang mga kamalian ni Jay. “Palaging tama ang customer. Kung ‘di dahil sa pera namin na ibinabayad sa kaniya, paano niya patatakbuhin ang negosyo niya?” “Oh, Rose…” Nanggigigil na binanggit ni Jay ang pangalan niya. Muntik nang matumba si Rose dahil sa biglaang pagsalita ni Jay. Napatalikod siya at nakita si Jay na nakahawak sa kaniyang mga bulsa, tila sinasaksak siya gamit ang kaniyang mga titig. Ang tanging bagay na nagawa ni Rose ay ang nahihiyang ngumiti sa kaniya. ‘P*ta.’ Punong-puno siya ng galit at kinailangan niyang maglabas ng sama ng loob. Nang malaman niya na hindi hinahayaan ni Jay na lumapit sa kaniya ang sinmang babae ay sobrang nakakainis sa kaniya na hindi niya mapigilan na sabihin ang lahat ng kamalian ni Jay sa secretary niyang ito. Sa kaniyang pagkagulat at dismaya, nahuli siya ni Ginoong Ares sa akto. Iniisip niya kung ang mga kamalasan na nararanasan niya ay naipon dahil hindi siya nagdasal sa mga diyos bago umalis ng bahay. “Ginoong Ares!” Agad na nagbago ang ugali ni Rose. Gayunpaman, ang kaniyang pangangamba ay nagsanhi sa kaniya na hawakan ang kaniyang bag nang hindi sinasadya. “Samahan mo ako.” Tumalikod si Jay at naglakad patungo sa opisina. Naalala ni Rose ang mga kasamaan na nangyari sa opisina kahapon at nag-alinlangan. “Ginoong Ares, paano kung dito na lang tayo sa labas mag-usap? Marami talaga akong ginagawa ngayong araw, pwede bang sabihin mo na lang--” Tumigil si Jay at lumingin upang tignan siya nang masama. “Gaano karami ang ginagawa mo?” Mabilis na binawi ni Rose ang mga sinabi niya. “Hindi, hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, ikaw si Ginoong Ares. Malamang ay milyon-milyon ang mga bagay na ginagawa mo ngayong araw. Ayoko namang sayangin ang oras mo. Bakit hindi mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin sa akin dito?” Tumitig nang maigi si Jay sa kaniyang relo. Sa huli, siya ay nainis at sinabi, “Rose, gusto mo bang makita si Jenson?” Sa isang iglap, tila naging isang hangin si Rose at dali-daling nagtungo kay Jay. Binigyan siya ni Jay ng pangmamaliit na tingin at naglakad patungo sa opisina. Hindi nag-alinlangan ngayon si Rose at masunuring sinundan si Jay sa silid. Umupo si Jay sa kaniyang itim na upuan at tumitig sa mapagpanggap na babae sa kaniyang harapan. Sa totoo lamang ay bahagya siyang nagulat nang makita niya na siya ay mukhang isang tao kapag siya ay may maayos na kasuotan! Nagpatuloy siya na maglabas ng isang kontrata sa harap ni Rose. Nang may isang nangingibabaw na tono, sinabi niya, “Pirmahan mo.” Nag-aatubiling kinuha ni Rose ang kontrata at mabilis na binasa ang mahahalagang detalye dito. Nang maabot niya ang dulo, hindi niya mapigilan na magreklamo, “Isa ‘tong typical na gawain ng isang makapangyarihang kapitalista. Hindi ko ‘to tinatanggap.” Binato niya pabalik ang kontrata kay Jay. Ito ay isang medical exemption contract na nagsasabing humihingi ng pahintulot ang Grand Asia upang gamitin ang kaniyang ina bilang isang guinea pig para sa bago nilang teknolohiya. Kung mamamatay ang kaniyang ina mula rito, magbabayad lamang ang Grand Asia. Dagdag pa roon, walang maaaring ireklamo ang mga kapamilya laban sa kanila. Kung pipirmahan niya ang kontrata, para na ring binebenta niya ang kaniyang ina sa Grand Asia. Hindi tanga si Rose. Naiinis na kinausap niya si Jay, “Gustong-gusto mo talaga akong pinagbabantaan gamit ang aking ina. Ginoong Ares, alam kong gusto mo ng paghihiganti. Kaya ibigay mo ‘to sakin nang diretso! ‘Wag mo idamay ang malapit nang mamatay na matanda. Hindi ka ba natatakot sa impoyerno?” Tumingin si Jay kay Rose at nagtaas ng isang kilay. “Ikaw na mismo ang nagsabing isa akong kapitalista. Mukha bang makabuluhan para sa isang kapitalista na hayaan ang kaniyang sarili na mawalan ng pera habang nagnenegosyo?” Tumindig nang maayos si Rose at sinabi, “Basta’t hindi ko pinipirmahan ang kontrata, wala kang magagawa. Kahit kailan ay ayokong makipagnegosyo sa ‘yo!” Makikita sa mukha ni Rose ang katigasan ng kaniyang ulo. Ang mga sumunod na salita ni Jay ay tila nagsasabi ng isang death sentence. “Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang magbayad para sa medical negligence kapag namatay ang iyong ina sa Grand Asia?” Hic-- Nagising si Rose. Ang buhay ng kaniyang ina ay nasa mga kamay na ni Jay sa sandaling siya ay malipat sa ospital na ito. Kung pipirmahan niya ang kontrata o hindi, ang kapalaran ng kaniyang ina ay hindi maaaring mabago. Ang nag-iisang bagay na maaaring magbago ay kung gaano kataas ang handang ibayad ng kapitalista na iyon. Ayaw ni Jay na nagbabayad. Ang kuripot, na masamang makapangyarihan. Binuklat ni Jay ang kontrata patungo sa huling pahina na hindi nabasa ni Rose at ibinalik ito sa kaniya. Naiinis siyang bumulong, “Pagdesisyunan mo na kung sasang-ayon ka ba o hindi pagkatapos mo itong basahin.” Nag-aalinlangan muli itong kinuha ni Rose, binasa ang mga nilalaman ng kontrata, at nakita ang kaniyang sarili na natigilan sa isang talata. Ayon sa kontrata, ginagamit ni Jay ang kaniyang ina bilang isang hostage upang pwersahin siya na maging tagapag-alaga ni Jenson. ‘Haha!’ Muntik nang mapasingasing si Rose sa sandaling iyon. Naisip niya na iyon ay isang magandang oportunidad. Malamang ay sasang-ayon pa rin siya kung hindi pagbabantaan ni Jay ang kaniyang ina. Sobra niyang namiss ang una niyang anak! Gayunpaman--nasiraan ng loob si Rose nang tumingin siya kay Jay. Bakit siya bibigyan ng lalaking ito ng isang napakagandang bagay nang walang pahabol? Tumingin si Jay sa nagdududang mukha ni Rose, hindi sigurado kung susunod siya sa kaniyang plano. “Hahayaan mo ba talaga akong makita ang anak na ‘tin?” Naghihinala na tinanong ni Rose. “Rose, ayusin mo ang mga salita mo,” naghahamong sinabi ni Jay. “Anak ko siya, at hindi sa ‘yo.” Isa-isa niyang sinabi ang mga salitang iyon. “Hahayaan kitang makita ka, ngunit sa isang kundisyon--” “At iyon ay?” “Kapag wala ang aking pahintuloy, hindi mo maaaring sabihin sa kaniya na ikaw ay ang kaniyang ina.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.