Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Dumating si Celine. Pagkatapos ng buong araw na pag-iikot sa mall, dinala siya ni Robin sa Club 1996 para sa single-woman celebration. Hindi inaakala ni Celine na makakasalubong niya si Adam at ang grupo nito. Syempre, narinig din niya ang panlalait sa kaniya ng mga ito. Nakilala niya ang mga tao na nasa mamahalin na booth. Parte sila ng circle ni Adam. Lalo na si Benjamin dahil siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Adam. Noong mayroon pang relasyon si Adam at Carly, gustong-gusto ng grupo si Carly. Trinato pa siya ni Benjamin bilang asawa ni Adam. Sa nagdaang tatlong taon, hindi nagawa ni Celine na makisali sa grupo nila. Hindi rin nila itinago ang galit nila sa kaniya. Harap-harapan siyang tinatawag na “desperadong kapalit na bride”, “ugly duckling”, at “country bumpkin”. Kapag hindi mahal ng lalaki ang partner niya, hindi rin ito rerespetuhin ng mga kaibigan niya. Agad na nag-init ang ulo ni Robin. “Babasagin ko ang mga mukha nila!” Nagsimula siyang itaas ang kaniyang sleeves. Hinawakan ni Celine ang kamay niya. “Hayaan mo na, Robin. Hiwalay na ako ngayon. Hindi na sila dapat pagsayangan ng lakas.” Nang mapansin ang kalmado at malamig na dating ni Celine. Nagawang pigilan ni Robin ang inis niya. Habang mas maraming mata ang tumitingin kay Celine, tinatawag siyang anghel, sumasaya si Robin. “Tara. Oras na para sa singles’ party!” Naglakad si Robin papunta sa mamahalin na booth sa kabilang banda ng club. Kinaway niya ang kaniyang kamay. “Dalhin niyo sa akin ang lahat ng escort niyo!” Sa booth nila adam, si Benjamin at ang iba pa ay patuloy sa pang-aasar kay Celine nang maramdaman nila ang matalim at malamig na tingin na dumapo sa kanila. Lumingon sila at nakita si Adam sa head ng booth, bagot na inaangat ang matalim niyang mata para tingnan sila. Malamig ang tingin niya, naiinis at puno ng babala. Agad na nawala ang tawanan sa mga mukha nila. Wala na sa kanila ang nagsalita nang tungkol kay Celine. Tiningnan ni Benjamin si Adam. Kahit na hindi tiningnan ni Adam si Celine, walang pagod nitong inalagaan si Adam nang tatlong taon. Siguro ay may kaunting sentiment si Celine kay Adam. Biglang, isang alon ng saya ang nagsimula sa mga tao. “Sobrang gandang anghel!” Anghel? Saan? Sinundan ni Benjamin ang tingin ng lahat at agad na nanlaki ang mata sa gulat. “Holy crap! Isa nga ‘yang anghel!” Namangha rin ang iba na nasa paligid niya. “Kailan pa nakarating ang anghel sa Mercity? At bakit hindi ko pa siya nakita noon?” Hinila ni Benjamin ang sleeve ni Adam. “Adam, tingnan mo ang anghel na ‘yon!” Hindi na kakaiba kay Adam ang babae. Nakita niya na ang lahat ng klase, mula sa mapayat sa kurbada kaya hindi siya interesado sa “anghel” na ‘yon. Pero, nasa harap mismo nila ang booth nila si Celine. Nang tumingin siya, dumapo agad ang mata niya rito. Inalis ni Celine ang makapal niyang salamin, natanggal ang walang dating niya at katigasan niya. Parang niyebe sa puti ang maliit niyang mukha. Ang kapansin-pansin niyang katangian ay nagpapakita ng bago at kakaibang pagka-elegante. Sa maganda niyang buhok na nasa kaniyang balikat, mukha siyang buhay humihinga na anghel. Nagtagal nang dalawang segundo ang tingin ni Adam. Masaya si Benjamin. “Anong tingin mo sa anghel na ‘yon, Adam?” Isa sa kanila ang nagsabi, “Hindi bibilib diyan si Mr. Alvarez. Ang tipo niya ay tulad ng matamis na ganda ni Carly hindi ang cool at angelic vibe.” “Oo, pero tingnan niyo ang legs niya! Kaya niyan tapatan ang kay Carly,” dagdag ng isa. Si Celine ay nakasuot ng chic, maikling tweed dress na makikita ang hita niya sa unang pagkakataon, malayo sa kadalasan niyang konserbatibong pananamit. Maganda ang kaniyang hita, pantay at kapansin-pansin. Ganiyang hita ang nagpapa-isip sa mga lalaki ng ibang bagay. Kapansin-pansin ito tulad nang kay Carly. Tiningnan ni Adam ang “anghel” nang dalawang segundo at hindi niya mapigilan na maramdaman na pamilyar ang babae na ‘yon. Pakiramdam niya ay nakita niya na ito noon. Biglang, isang grupo ng lalaking escort ang pumuno sa kwarto, lahat ay matangkad at masigasig. Pumila sila sa harap ni Celine. Ngumisi si Robin. “Celine, pumili ka ng walo.” Dahil nagdidiwang si Celine sa nahanap niyang kalayaan pagkatapos ng magulong kasal, pinili niya na gawin lahat. “Ikaw, ikaw, ikaw… Dito lang kayo.” Mabilis na binilang ni Benjamin. “Isa, dalawa, tatlo… walo. Pumili siya ng walong escort?” Isa sa mga kasama nila ang nagsalita, “Bakit pa gagastos? Ang kailangan niya lang gawin ay makiusap at masaya tayong papayag.” Malakas ang naging tawanan sa booth. Sa oras na ‘yon, tumunog ulit ang phone ni Adam. Isang bagong transaction message. Kinuha niya ito para makita kung ano ang binayaran ni Celine sa oras na ‘yon. Pero… "Dear VVIP, your card ending in 0975 has been charged 500,000 dollars at Club 1996 for eight escorts.” Kumunot si Adam. Binasa niya ulit ang salitang “eight escort” bago tumingin sa anghel na nasa tapat na kwarto. Si Celine ang anghel na pumili ng walong escort! Natahimik si Adam. Pumalibot kay Celine ang waling escort at isa-isang nagsimulang magsalin ng inumin. “Ladies, maglaro tayo ng drinking game.” Masayang sumagot si Robin, “Hell yeah! Gawin natin ‘yan!” Natalo si Celine sa unang round. Lumapit ang isang escort at hinawakan ang baso palapit sa labi niya. “Ito, tulungan na kita sa inumin mo.” Ininom niya ‘yon pero hindi natuwa ang ibang escort. “Bakit siya? Ininom mo ang alak niya pero hindi ang amin? Hayaan mo na painumin ka namin!” Bahagyang nalula si Celine sa sabik na atensyon. Sa katapat na kwarto, naningkit ang matalim na mata ni Adam. Nag-igting ang panga niya at dumiretso sa booth ni Celine. Nagulat si Benjamin. “Adam! Saan ka pupunta?” Iniinom ni Celine ang inumin niya nang isang malakas at malaking kamay ang lumapit at hinawakan ang braso niya. Itinayo siya nito sa couch na parang isa siyang bata. Gulat siyang tumingin at nakita ang gwapong mukha ni Adam. Natigil si Celine at nagpumiglas sa hawak ni Adam sa kamay niya. “Bitawan mo ako, Adam!” Malamig ang mukha ni Adam habang pinipilit siyang hilain palayo. Tumayo si Robin. “Hey! Adam! Anong ginagawa mo? Bitawan mo si Celine!” Nagulat si Benjamin at ang iba niyang kasama na sumunod kay Adam at hindi makapaniwala ang mga mukha nila. Iniisip nila kung may iba silang naririnig. “Celine? Si Celine… ang anghel?” “Siya ba ang Celine na kilala natin? Yung ugly duckling? Maganda pala siya?” Natigil si Benjamin sa pwesto niya habang pinapanood na tangayin ni Adam ang magandang babae. “Damn… Naging isang anghel si Celine nang iwan niya si Adam.” … Sobrang higpit ng hawak ni Adam sa pulsuhan ni Celine. Parang isang bakal ang malakas niyang kamay. Kahit magpumiglas pa siya, hindi siya makalaya. Nadapa siya dahil sa malalaking hakbang nito. “Bitawan mo ako, Adam!” sigaw niya. Biglang inalis ni Adam ang kamay niya at tumama ang likod ni Celine sa malamig na pader. Nagdilim ang paningin niya habang papalapit ang matangkad para ikulong siya sa pader. Makikita ang galit sa mata niya habang sumisigaw, “Sa tingin mo ba ay patay na ako, Celine Tate? Talagang nandito ka para makipag-harutan sa ibang lalaki?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.