Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Tiningnan ni Celine si Adam. Mahinhin ang boses niya pero malamig habang inuulit niya na, “Mag-divorce na tayo, Adam. Gusto mo ba ang ganitong birthday gift?” Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Adam. “Bigla mo bang gusto na makipag-divorce dahil hindi ako nag-birthday kasama ka?” “Bumalik na si Carly, hindi ba?” tanong ni Celine. Sa pagbanggit kay Carly, kumurba ng ngisi ang labi ni Adam. Lumapit siya kay Celine gamit ang mahabang hakbang. “Naaabala ka ba sa kaniya?” Bilang pinakabatang business mogul sa Mercity, may makapangyarihan na dating si Adam mula sa yaman, estado at impluwensya niya. Habang palapit siya rito, umaatras si Celine. Tumama ang likod niya sa pader. Sa oras na ‘yon, parang madilim ang paligid niya. Malapit na si Adam, inilagay nito ang kaniyang isang kamay sa pader na nasa gilid ni Celine, ikinulong niya ito sa pagitan ng kaniyang dibdib at ng pader. Tiningnan niya ito nang may nangungutya na ngiti. “Alam ng lahat sa Mercity na si Carly ang dapat na pakakasalan ko. Hindi ba't alam mo ‘yan nang pinili mo na maging asawa ko? Wala kang pakialam noon, kaya bakit inaalala mo ngayon?” Namutla ang mukha ni Celine. Oo, si Carly dapat ang ikakasal kay Adam. Kung hindi dahil sa aksidente, hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na pakasalan siya. Hindi niya makakalimutan ang araw na nagising si Adam. Nang makita niya na si Celine ang nasa tabi niya, bakas sa mata niya ang pagkadismaya at lamig. Mula noon, natulog sila sa magkaibang kwarto at hindi siya nito hinawakan. Mahal niya si Carly. Alam ‘yon ni Carly, pero… Tiningnan niya nang mabuti ang mukha ni Adam. Nagsimula itong bumalik sa batang lalaki na nakasama niya noon. “Adam, hindi mo ba talaga ako naaalala?” inisip ni Celine. Mukhang nanatili lang siya sa nakaraan. Hindi na mahalaga ‘yon. Tatanggapin niya na ang tatlong taon bilang pagtatapos ng taliwas niyang pag-ibig. Pinigilan ni Celine ang pait at sakit na nasa puso niya. “Adam, tapusin na natin ang platonic marriage na ‘to “ Biglang inangat ni Adam ang kilay niya. “Platonic?” Puno ng pangungutya ang malalim niyang boses. Lumapit siya at hinawakan ang baba ni Celine. Humaplos ang daliri niya sa malambot nitong labi, hinahaplos ito sa panunuksong galaw. “Kaya ba gusto mo ng divorce? Gusto mo ba na may mangyari?” Namula ang mukha ni Celine na parang kamatis. Hindi ‘yon ang ibig niyang sabihin. Ngayon, nakadikit ang daliri nito sa pula niyang labi, humahaplos na may mapanuksong pwersa. Hindi inaasahan si Celine ang mapang-akit na parte sa isang lalaki na sobrang masigasig at dalisay. Pinaglalaruan niya ang labi nito gamit ang daliri niya. Hindi pa naging ganito kalapit si Adam kay Celine noon. Lagi siyang nagtatago sa malaking black-framed na salamin, nakasuot ng simpleng damit, pinagmukha niyang matanda ang kaniyang sarili. Pero sa malapitan, napansin ni Adam kung gaano kaliit ang mukha nito. Sa likod ng salamin na ‘yon, maganda at kapansin-pansin ang feature niya at nakakalunod ang kaniyang mga mata. Malambot din ang labi niya. Bahagyang nawala ang pula kung saan nakadikit ang daliri niya, at bumalik din sa bahagyang galaw. Hindi lang malambot ang labi niya kundi makinis din. Nakakaakit ‘yon tingnan na para bang gusto niyang halikan si Celine. Nagdilim ang mata ni Adam. “Hindi ko inakala na may ganoon ka na kagustuhan. Gusto mo ba ng lalaki na makakapiling?” Biglang narinig sa villa ang malakas na sampal. Malakas siyang sinampal ni Celine sa mukha. Tumagilid ang ulo ni Adam. Nanginginig sa galit ang mga daliri ni Celine. Masyado siyang naging masunurin sa pagmamahal niya, hinayaan niya na tapakan ang puso niya. Ang lakas ng loob niya na maliitin siya nang ganito? Habang galit, sinabi niya, “Alam ko na hindi mo talaga binitawan si Carly. Ngayon, hindi na kita pahihirapan. Ibabalik ko na sa kaniya ang posisyon bilang Mrs. Alavarez!” Naging malamig agad ang ekspresyon ni Adam, parang may yelo na bumagsak sa gwapo niyang mukha. Hindi pa siya nasampal noon—hindi pa kahit sino. Malamig niyang tiningnan si Celine. “Celine, akala mo ba ay kaya mo na pakasalan ako sa gusto mo at hiwalayan ako kapag gusto mo? Anong tingin mo sa akin?” Ngumisi si Celine. “Laruan, syempre.” Hindi makapaniwala si Adam sa narinig niya. Nilabanan ni Celine ang sakit sa puso niya a nagsinungaling, “Isa kang laruan na inagaw ko kay Carly. Ngayon na pagod na akong paglaruan ko. Gusto na kitang itapon.” Nagdilim ang ekspresyon ni Adam. “Sige, Celine. Gusto mo ng divorce? Sige. Pero huwag kang babalik sa akin at magmamakaawa na magbalikan tayo!” Pagkatapos non, umakyat siya at galit na isinara ang pinto sa kaniyang study. Mukhang naubos ang lahat ng lakas ni Celine. Ang maliit niyang katawan ay mabagal na dumulas pababa sa pader. Yumuko siya sa carpet, nakabalot ang braso sa kaniyang sarili. “Hindi na kita mamahalin, Adam,” pinangako niya sa kaniyang isip. … Kinabukasan, pumasok si Sofia sa study ni Adam. Nakaupo si Adam sa mesa niya, nagbabasa ng mga dokumento. Kilala siya sa pagiging workaholic. “Mr. Alvarez,” tawag ni Sofia. Hindi tumingin si Adam. Napansin ni Sofia na bad mood ito. Mukhang nagyeyelo ang hangin sa paligid niya. Maingat niyang inilagay ang kape sa mesa. “Mr. Alvarez, ginawan ka ng kape ni Mrs. Alvarez.” Natigil ang kamay ni Adam na may hawak na pen. Bahagyang huminahon ang malamig na ekspresyon sa kaniyang mukha. Nakikipag-ayos ba si Celine? Para maging patas, mabuti siyang asawa. Nagluluto siya ng gusto ni Adam, nilalabhan nang gamit kamay ang mga damit nito at inaayos ang lahat ng detalye nito sa pang araw-araw. Kinuha ni Adam ang kape at sumimsim. Si Celine nga ang gumawa nito. Ito mismo ang gusto niya. Pero, galit pa rin siya. Sinampal siya nito kagabi at hindi agad huhupa ang galit na ‘yon. Hindi ito maaayos dahil lang sa isang tasang kape. Tinanong ni Adam, “Napagtanto na ba ni Celine ang mali niya?” Nagtataka siyang tiningnan ni Sofia. “...Umalis na si Mrs. Alvarez.” Natigil si Adam, nagmamadali siyang tumingin kay Sofia. Biglang may inilabas ito. “Umalis siya dala ang kaniyang suitcase, Mr. Avarez. Inutusan niya ako na ibigay ito sa inyo bago siya umalis.” Nang kinuha ni Adam ang papel at binuksan, ang salitang “Divorce Agreement” ang gumulat sa kaniya. Natahimik si Adam. Inisip niya na nakikipag-ayos na si Celine. Nagdalawang-isip si Sofia. “Sinabi ni Mrs. Alvarez na dapat niyo raw ubusin ang kape at pirmahan ang papel agad.” Tiningnan ni Adam ang tasa ng kape. “Itapon mo ‘yan! Lahat ng ‘yan!” Inakala ni Sofia na nagustuhan nito ang kape kanina. Bakit ayaw na nito ngayon? Pero, hindi niya na sinabi ang iniisip niya. Agad niyang kinuha ang kape at umalis sa kwarto. Nagdilim si Adam. Tiningnan niya ang divorce agreement at napagtanto na pumayag si Celine na umalis nang walang kahit ano—walang alimony, walang ari-arian. Mapait siyang ngumisi. Mayroon siyang lakas ng loob. Ayaw niya nang kahit anong kayamanan na mula kay Adam. Paano mabubuhay ang babaeng lumaki sa siyudad na tulad niya nang walang pera? Naalala niya noong nakaraang tatlong taon, kung paano ginawa ni Celine ang lahat para maging asawa niya. Hindi ba't para sa pera ‘yon? Pagkatapos ay dumapo ang tingin niya sa rason na isinulat ni Celine nang maayos para sa divorce. “The husband's health does not allow him to fulfill his marital duties.” Natahimik si Adam. Namumula sa galit ang mukha niya. Ang babae na ‘yon! Kinuha niya ang kaniyang phone at agad na tinawagan ang numero ni Celine. Ilang sandali na nag-ring ang phone bago narinig ang malinaw at kalmado nitong boses. “Hello?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.