Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
By: Webfic

Kabanata 6

Humikab si Xavier. “Jonas, huwag ka na umiyak. Hindi itutuloy ni Daddy ang divorce. Matulog na lang tayo. Sobrang pagod ako.” Dahil wala ang mga staff sa bahay, pinaliguan ko ang mga bata at pinatuyo ang buhok nila bago pinahiga sa kama. Patuloy na hinahawakan ni Jonas ang kamay ko habang nakahiga siya sa kama, natatakot siya na iiwan ko siya agad. Nadudurog ang puso ko sa nakakaawa niyang ekspresyon. Habang nakabalot ang kamay mo sa kaniya, mahinahon ko siyang pinakalma, “Matulog ka na, Jonas. Nandito lang ako—hindi kita iiwan nang mag-isa.” Kumalma ang mukha ni Jonas at pinikit ang mata niya. Napagod siguro sila ni Xavier sa ginawa nila sa labas nang buong araw kaya nakatulog sila agad. Lumabas ako sa kwarto at nakasalubong si Yvonne na katatapos lang maligo. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko siya at nagpunta sa guest room. Dahil magdi-divorce na kami, wala ng rason para magsama pa sa iisang kama. Ayaw ko na siya makita at naaalala ko kung paano niya tinalikuran ang pagiging mag-asawa namin. “Cole!” biglang sigaw ni Yvonne, hinarangan niya agad ang dadaanan ko. Hinaplos niya ang kaniyang noo at sinabing, “Buong gabi kang may problema. Hindi pa ba sapat sa'yo ‘yon? Wala akong ideya sa ikinagagalit mo. Dahil ba inilabas ko ang mga bata kasama si Jared? “Kung gusto mong lumabas, magbo-book ako ng tatlong araw na bakasyon para sa ating apat. Pwede kang pumili ng gusto mong puntahan. Isipin mo na lang na pambawi namin ‘yon sa anniversary natin. Hindi inamin ni Yvonne na mali siya. Kahit na nagbibigay siya ng pambawi, para pa rin siyang nag-uutos. Hindi niya makuha ang punto. Hindi outing ang inaalala ko—ang harap-harapan nilang pagpapakita nang panloloko at pagta-traydor. Pero syempre, hindi ako mahalaga sa kaniya. Hindi niya iisipin ang nakikita at nararamdaman mo. Sa puntong ‘yon, mas mabuti pang ilabas ko na lahat. Hindi ko na kayang lunukin nang tahimik ang pang-aapi. Inilabas ko ang aking phone at pinindot ang trending news. Ang hashtag na “#LangleyCEOKissingHubby” ay nasa pangatlo pa rin sa trending topic at naging matinding usapin. Pinuri ng mga tao kung gaano ka-perpekto ang mag asawa, hindi nila alam na hindi ako ang lalaki. Pinakita ko ang video sa harap ni Yvonne at nagtanong, “Humahalik ka sa ibang lalaki sa loob ng isang minuto sa kalsada. Ano pa ang dapat mong sabihin?” Nang manganak si Yvonne sa hospital, may kumuha ng litrato niya. Doon nalaman na ang businesswoman na si Yvonne Langley ay kasal at may anak. Naging malaki ang usapin at naging trending pa online. Hindi sumagot si Yvonne. Sa halip, nagbayad agad siya ng tao para alisin ang trending na balita. Pumunta ako sa hospital para sunduin siya at ang mga baby at nakunan din ng litrato ang likod ko. Hindi alam ng publiko na kasal kami. Pero ngayon ay hinayaan ni Yvonne ang balita tungkol sa kanila ni Jared ma maging trending ng ilang oras. Wala siyang ginawa tungkol doon. Nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya ang video. Habang binabalik ang phone sa akin, walang ekspresyon niyang sinabi, “Mahilig lang magpalaki ng mga bagay ang media. Huwag kang mag-alala sa balita. Walang magbibigay pansin tungkol diyan kapag lumipas na. Kahit ano pa ang sabihin nila, hindi nito maaapektuhan ang posisyon mo bilang asawa ko.” Tiningnan mo siya at natawa ako sa galit. Nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Nang kunan ako ng litrato, ibang-iba ang reaksyon niya. Sinisi niya pa ako sa hindi pag-iingat, nag-aalala siya na lalabas ang relasyon namin. Para bang mali ang relasyon namin kahit na legal kaming kasal. Ang relasyon niya kay Jared ang mali. Pero ngayon, hindi siya nagmamadali na alisin ang trending news—hinahayaan niya itong lumaki.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.