Kabanata 9
Umupo si Lily malayo kay Hazel na nanenermong nakipagusap sa kaniya at tumingin sa kaniya ng matalim.
Dito na siya nagtanong ng, “Paano kung may kinalaman dito si Xavier?”
“Huwag ka ngang magisip bata.” Tayo ni Hazel para istriktong magsalita.
“Ilang beses ko nang sinasabi sa iyo, masyadong mahirap ang pinagdaraanan ng mga lalaki sa kanilang mga trabaho. Kailangan mong maging maintindihin habang hinahabaan mo ang pasensya mo sa kanila. Huwag kang magtatantrums sa bawat sandaling umiinit ang ulo mo sa kanila.”
Tahimik na tiniis ni Lily ang kawalan ng pakialam at panlalamig ni Xavier sa kaniya ng dalawang taon. Nagawa niyang magreklamo noon pero agad siyang pinapatahimik ni Hazel gamit ang mga salita niyang ito.
Ang bagay na nagpapatagal sa kaniya sa dalawang taon na ito ay ang pagmamahal niya kay Xavier—isa itong emosyon na lumalalim sa paglipas ng oras.
Dito na biglang naisip ni Lily ang isang bagay—kung hindi siya niloko ni Xavier, mahuhulog din ba siya sa pananaw ni Hazel na isang submissive na asawang nakuntento sa one sided na pagsasama?
Isang tinitingalang babae pagdating sa pagiging elegante si Hazel na nasa kaniya ng 50s na may itsurang nasa 30s. Maraming mga babae sa tuktok ng lipunan ang naiinggit sa bata niyang itsura at sa perpekto niyang katawan.
Pero ito lamang ang mga bagay na nakikita ng mga tao sa paligid.
Pero sa tahanan ng mga Joyner, nakita ni Lily ang ibang bahagi ni Hazel—ang side na wala siyang lakas habang ginagawa niya ang lahat para maipatupad ang mga rules sa kanilang tahanan.
Hindi kailanman kinainggitan ni Lily ang pagtingala ng publiko kay Hazel dahil alam niya na hindi nito magagawang manindigan sa loob ng kanilang tahanan.
“Umuwi ka na at humingi ka ng tawad kay Xavier. Huwag mo siyang hayaang magalit,” sabi ni Hazel habang umuupo ito sa sofa. Tiningnan niya si Lily gamit ang nagaalala at puno ng frustration niyang mga mata.
Sabagay, anak niya pa rin si Lily kaya agad na huminahon ang kanyiang boses. “Nakadepende ang buhay ng isang babae sa kaniyang asawa. Hindi ba’t naging maganda naman ang buhay mo nang dahil kay Xavier?”
Pinaalala ng mga sinabing it oni Hazel ang inis na mga mata ni Xavier.
“Binibigyan kita ng 500,000 dollars kada buwan bilang pocket money at wala ka ng ibang gagawin kundi magdilig ng halaman at matulog kasama ko. Hindi ka pa rin ba natutuwa rito?”
Nararamdaman niya ang napakatinding sakit na tumutusok sa kaniyang puso sa bawat sandaling maaalala niya ito.
Walang problema sa kaniya na maging asawa ni Xavier o kunsintihin ang pagiging superior nito sa kanilang tahanan pero hindi na niya magagawa pang manatili roon sa sandaling malaman niya na hindi siya nito mahal.
Napakagat sa kaniyang labi si Lily habang hinahawakan niya ang dulo ng kaniyang damit at tumitigas ang naninindigan niyang mga mata.
“Mom, masyado ba talagang maliit ang tingin mo sa mga kababaihan?”
Nang marinig nila ang boses ni Hayden mula sa hagdanan. Itinaas nito ang kaniyang manggas habang dahan dahan siyang bumababa sa hagdan. “Hindi ba’t pinaguusapan na ngayon ng lahat ang equality ng mga kalalakihan at kababaihan?”
Naging mahinahon ang tono ng boses ni Hazel nang kausapin niya si Hayden na nahaluan ng pagmamahal. “Hayden, hindi ito tungkol sa iyo.”
Mas bata ng dalawang taon kay Lily ang kapatid niyang si Hayden Joyner. Siya ang paboritong miyembro ng kanilang pamilya.
Narinig ni Lily na sinasabi ni Hazen ng ilang ulit sa buong pamilya na nadidismaya ang pamilya Joyner nang isilang siya bilang isang babae.
Nainis nang husto si Hazel kaya hindi niya ito pinapainom ng gatas mula sa kaniyang dibdib, at isang buwan pagkatapos niyang isilang si Lily, agad siyang nagsimula sa paghahanda para sa susunod niyang pagbubuntis.
At sa kabutihang palad, pagkatapos ng isa’t kalahating taon, isinilang niya si Hayden. Dito na niya tuluyang nakuha ang kaniyang titulo bilang Mrs. Joyner.
Nakaramdam ng sakit si Lily sa kaniyang puso pero hindi niya nakitaan ng pagsisisi si Hazel sa kaniyang mga sinasabi o itsura. At sa halip ay nabalot siya ng pride—pride na si Hayden ang lalaki nilang anak na magdadala sa pangalan ng kanilang pamilya.
Hindi pareho ang pananaw sa buhay nina Lily at Hazel, at kahit na sabihin pa ni Lily ang ginawang pagtataksil ni Xavier ngayon, siguradong hindi pa rin siya kakampihan ng sarili niyang ina.
“Bakit ako pinapunta ni Dad dito?” Tayo ni Lily ngayong pagod na siya sa pakikipagusap kay Hazel.
Natatakot siya na baka mapilitan na siyang sabihin kay Hazel na makikipagdivorce siya kay Xavier sa sandaling magpatuloy pa sila sa kanilang paguusap.
“Nagdala siya ng ilang mga local specialties mula sa kaniyang business trip. Pupunta ka sa tahanan ng mga Fulton mamaya hindi ba? Dalhan mo nito ang mga biyenan mo.”
Nakita ni Hazel ang itsura ni Lily nang subukan nitong umalis kaya agad niya itong pinaupo para muling sermonan. “Dalawang taon ka ng kasal pero hindi pa kayo nagkakaanak. Iniisip ng dad mo na ipatingin ka sa doktor.”
Ilang araw na ang nakalilipas mula noong makita ng ama ni Lily na si Bobby Joiner ang pagpaplano ni Xavier ng napakalaking birthday bash kay Sarah kaya agad itong nagalala na baka bumagsak ang pagsasama nina Lily at Xavier na siyang magpapabagsak sa posisyon ni Lily sa pamilya Fulton.
Pero nang mabanggit nito ang tungkol sa pagbubuntis, naramdaman ni Lily na para bang gustong kumawala ng kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan na magpapakita sa sariwa niyang sugat sa kaniyang puso.
Binibigyan siya ni Xavier ng birth control pills at pinapanood din siya nito na inumin ang mga ito sa bawat sandaling may mangyayari sa kanila dahil sinasabi nito na masyado siyang abala para magkaanak ngayon kaya kailangan muna nilang maghintay ng ilan pang taon.
At kung titingnan ang mga pangyayari sa kanilang buhay ngayon, kahit na masyado itong masakit, gumaan naman ang pakiramdam ni Lily—atleast ay walang bata na magtatali sa kaniya kay Xavier sa sandaling mapagdesisyunan niyang lumayo rito.
“Mamaya na natin ito pagusapan,” sabi ni Lily, tumayo siya para pagmadaliin si Hazel na ihanda ang mga regalo.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Hazel habang inaayos niya ang mga regalo.
“Huwag mo itong maliitin, Lily. Masyadong kahanga hanga si Xavier. Napapaligiran siya ng mga babaeng gustong mapalapit sa kaniya. Siguradong makukuha mo ang posisyon bilang kaniyang asawa para opisyal na ianunsyo ang inyong kasal sa sandaling magkaroon kayo ng anak. Mapapatigil nito ang sinumang babae na hahadlang sa inyong pagsasama!”
Nanatili namang tahimik si Lily pero agad na binawi ni Hazel ang mga regalo nang hindi niya makita ang reaksyon sa mukha ni Lily. “Hahanap ako ng mahusay na doktro at hindi mo ako matatanggihan!”
“Ayusin natin ito kapag nagkaroon tayo ng libreng oras.” Sabi ng nagbabalak nang tumakas na si Lily.
Hindi ibibigay sa kaniya ni Hazel ang mga regalo sa sandaling hindi siya sumama sa doktor.
Nagdadalawang isip namang sumangayon dito si Lily. “Sige, magusap tayo kapag nakakuha ka na ng appointment. Mauuna na ako.”
Agad namang kinuha ng oportunistang si Hayden ang kaniyang jacket pera sundan si Lily palabas.
“Hindi ka ba nagdrive papunta rito kanina, Lily?” Tanong ni Hayden habang sumasakay ito sa itim niyang sports car.
Pangkaraniwang ipinaparada ni Lily ang kaniyang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Hayden sa bawat sandaling uuwi ito sa tahanan ng pamilya Joyner. Pero hindi ito nangyari ngayong araw, hindi lang walang laman ang puwesto niya sa garahe dahil wala ring kahit na anong sasakyan sa garahe ng pamilya.
Naglakad si Lily papunta sa passenger side ng sasakyan. “Hindi ako nagdrive. Ibaba mo ako sa may bus stop.”
Pinaingay ni Hayden ang makina ng sasakyan habang tinitingnan niya si Lily sa gilid ng kaniyang paningin.
Habang lumalabas ang sasakyan sa driveway papasok sa trapiko, nagtanong si Hayden ng, “Mayroon bang nangyari, Lily?”
“Bakit mo naman natanong iyan?” Sagot ni Lily habang nagkukunwari siyang walang pakialam. “Ano ba sa tingin mo ang puwedeng mangyari?”
Kahit na walang pakialam si Hayden masyado pa ring matalas ang instinct nito. “Pangkaraniwan na sandali ka lang makipagtalo kay Mom kapag kinukulot ka niya pero nagawa mong iwasan ang lahat ng sinasabi niya ngayong araw. Habang mas iniiwasan mo ito ay mas napapansin ko na mayroong problema.”
Hindi napagtanto ni Lily na masyado siyang naging transparent.
Umangat ang pagsisisi sa kaniyang dibdib sa loob ng sasakyan ng kaniyang kapatid. Dito na nyia naramdamang wala siyang maitatago na kahit ano sa kaniyang pamilya.
Nang makita niya ang naging reaksyon ni Lily, hindi na siya pinilit pang sumagot ni Hayden pero tumagos pa rin ang mga sinabi nito sa puso ni Lily.
“Naalala ko noong gumraduate ka ng college at nakakuha ka ng trabaho sa isang napakagandang design firm. Tuwang tuwa ako para sa iyo pero mas pinili mo pa ring magpakasal at maging maybahay. Kahit na hindi mo ito sabihin, alam ko na hindi ka masaya.”
Napakamot na lang si Hayden sa kaniyang ulo habang sinusubukan niyang pagaanin ang mga bagay bagay. “Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at hindi ko rin sinusubukan na pilitin kang sabihin sa akin ang lahat. Gusto ko lang na malaman mo na—mayroon kang buhay sa labas ng inyong pagsasama.”
Naintindihan ni Lily ang sinusubukang sabihin ni Hayden.
Nakafocus ang buo niyang lakas kay Xavier at ito ang nagiging dahilan ng pagsama ng kaniyang mood.
Sinusubukan siyang sabihan ni Hayden para itigil niya ang pagpapaikot kay Xavier sa kaniyang mundo.
“Grabe! Tingnan mo nga ang mga sinasabi mo, Hayden,” Sagot ni Lily habang sinusubukan nitong iwasan ang topic na iyon, “Naisip mo na ba ang magiging future mo?”
Sumandal naman si Hayden sa kaniyang kinauupuan. “Gusto akong ilagay ni Dad sa mga negosyo ng pamilya pero wala ang puso ko rito. Nakikipagcollaborate ako sa ilan kong mga kaibigan para magdevelop ng isang laro. Huwag mong isipin na hindi ako seryoso rito.”
“Nagboboom ang gaming industry ngayon, ako na ang bahala sa iyo sa sandaling maging successful kami rito. Hindi na natin kailangan pang tisiin ang wala sa lugar na si Xavier. Bakit mo ba kasi kailangang isuko ang mga pangarap mo nang dahil sa kaniya?”
Passionate na nagsalita si Hayden, nagliwanag ang kaniyang mga mata na parang mga mat ani Lily noong makuha niya ang job offer pagkatapos niyang gumraduate.
Malinaw na makikita ang gender bias sa pamilya Joyner. Palaging tinuturing ng pamilya si Lily bilang inferior nilang anak.
Pero naging malapit pa rin ang relasyon niya kay Hayden.
Si Hayden lang ang binibilhan ni Bobby ng paborito nitong mga snack noong mga bata pa sila. Hindi ito naintindihan noon ni Hayden pero habang lumalaki ito, pasimple na niyang tinatanong si Lily kung ano ang gusto nitong kainin para sabihan si Bobby na bilhin ito para sa kaniya.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Lily kay Hayden ang napakaraming bagay, kabilang na ang pangarap nito na maging isang kilalang designer.
Habang nasa daan, naramdaman ni Lily ang pag gaan ng kaniyang loob sa mga sinabi ni Hayden. Ito ang unang beses na napangiti siya pagkatapos ng napakahabang panahon.
Nang makarating sila sa isang lugar malapit sa apartment ni Maryanne, bumaba si Lily ng sasakyan bago niya panoorin ang pagalis ni Hayden bago siya magpunta sa tahanan ng kaniyang kaibigan.
Naglalakad siya nang magring ang kaniyang phone. Numero sa tahanan ng pamilya Fulton ang tumatawag sa kaniya.
“Mayroon pong problema. Mrs. Fulton. Nasusunog po ngayon ang tahanan ng mga Fulton… Ang nakakatandang si Mrs. Fulton, siya—” Sabi ng isang nagpapanic na boses sa kabilang linya.
Hinawakan niya nang maigi ang dala niyang regalo. “Ano ang nangyari? Hindi ba’t umakyat ng bundok ngayon si Lola?”
“Huwag na po kayong magtanong… Sabihan niyo po si Mr. Fulton na pumunta rito sa lalong madaling panahon!”
Ang nakatatandang si Mrs. Fultor ay ang Lola ni Xavier na si Edith Miller.
Dali daling ibinaba ni Lily ang tawag bago siya tumawag ng uber habang dinadial niya ang number ni Xavier nang paparating na ang kaniyang Uber.