Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Walang humpay na tumusok ang building sa mga ulap. Halos sumakit ang leeg ni Lily nang subukan niyang tingnan ang tuktok nito. Hindi pa siya nakakapunta sa Nova Group noon. Alam niya na hindi maikukumpara ang pamilya Joyner sa pamilya Fulton. Tumayo siya sa harapan ng napakataas na skyscraper para panoorin ang walang tigil na paglabas masok ng mga empleyado nang mapagtanto niya na walang dapat ipagkumpara sa dalawang mga pamilya dahil masyado nang malayo ang pagitan nito sa isa’t isa. Maging sa peak nito, hindi magagawa ng pamilya Joyner na pumantay sa pamilya Fulton. Marami siyang mga nakitang babaeng empleyado roon. Maging ang mga receptionist ay nakasuot ng business suit at nagagandahang mga makeup. Hindi na siya nagtaka kung bakit naging mababa ang tingin ni Xavier sa kaniya bilang isang housewife pagkatapos niyang magbabad sa isang lugar na kagaya nito kahit na ginawa niya lang ito dahil sa pakiusap nito sa kaniya. Bahagyang ngumuso ang mga labi ni Lily habang nakakaramdam siya ng kakulangan sa kaniyang sarili. Tumayo siya sa isang tabi para tawagan si Timothy. “Mrs. Fulton.” “Mr. Snyder, nasa baba ako. Puwede bang…” Hindi niya gustong pumasok kaya umaasa siya na kukunin ni Timothy ang mga papel para kay Xavier. Pero agad na pinutol ni Timothy si Lily sa pagsasalita. “Nasa meeting ako ngayon. Magpapadala ako riyan ng tao para samahan ka.” Ibinuka ni Lily ang kaniyang bibig nang sasabihin na niya ang isang bagay, “Hindi, A…” Nang tumunog ang linya na nagpatigil sa kaniya. Nagpakita ang assistant ni Timothy sa loob ng dalawang minuto para imbitahan siya paakyat sa building. “Puwede mo bang dalhin ang mga ito kay Xavier para sa akin.” Bigay ni Lily sa dokumento at sa thermos. “Miss, hindi po kami puwedeng humawak ng kahit na anong dokumento na para lamang kay Mr. Fulton. Dapat niyo po itong dalhin nang personal sa kaniya.” Nagpapasensya ng ngiti ng assistant ni Timothy habang sinesenyasan niya ito na pumasok sa building. Wala na siyang choice kundi sumunod dito. … Katatapos tapos lang ni Xavier sa isang meeting habang nagpapakita ito ng frustration sa kaniyang mukha habang nasa loob ng president’s office. Kumunot ang kaniyang noo habang hinahawakan niya ang kaniyang tie gamit ang maganda niyang kamay. “Mr. Fulton, nandito po si Mrs. Fulton.” Pasok ni Timothy sa opisina para ilagay ang isang dokumento sa lamesa. Napahinto si Xavier sa paggalaw. Gumaan ang kaniyang itsura habang nagpapakita ito ng kaunting pangaasar sa malalim niyang mga mata. Nanindigan ito kagabi pero nagpakita ito sa kaniya ngayong araw nang buong loob. Wala siyang intensyon na ipagtabuyan ito. Hinawakan niya ang kaniyang baba gamit ang kaniyang mga daliri habang tila nawawala siya sa kaniyang sarili. “Dapat ko po bang ireschedule ang meeting na magsstart in ten minutes?” Tanong ni Timothy. Isang sandaling nagisip si Xavier bago ito sumagot ng, “Iatras mo ito ng kalahating oras.” Hindi niya basta bastang mapapatawad si Lily lalo na’t nagpunta ito ngayon para aminin ang kaniyang mga pagkakamali. Siguradong ibababa pa niya ito ng isang lebel para hindi na nito ulitin ang kaniyang mga ginawa, ito ang dahilan kung bakit hindi magiging sapat ang sampung minuto. “Okay.” Agad na inilabas ni Timothy ang kaniyang phone para sabihan ang mga department sa magiging delay. Sinundan ni Lily ang assistant ni Timothy paakyat gamit ang isang standard elevator na humihinto sa bawat floor ng building. Inabot sila ng ilang sandali bago nila marating ang tuktok ng building. “Nasa opisina ba niya ngayon si Xavier?” Tanong ni Lily. “Busy po si Mr. Fulton sa mga araw na ito dahil sa back-to-back niyang mga meeting. Narinig ko mula kay Mr. Snyder na parang nakatira na siya rito dahil nagagawa niyang magsagawa ng mga international conference sa gabi. Hectic ang schedule niya ngayon…” Lumalayo na sa topic ang assistant ni Timothy na hindi sumagot sa mga tanong ni Lily. Pero agad namang nadistract si Lily ng assistant ni Timothy. Kumunot ang kaniyang noo sa mga sinabi nito. Nagkaroon ng problema sa tiyan niya si Xavier dahil sa hindi regular niyang pagkain sa bawat sandaling nagiging abala siya sa trabaho. “Nandito na kami.” Napahinto ang assistant ni Timothy sa paglalakad. “Pasok na po kayo, Miss. Kayo na po ang magabot ng mga ito sa kaniya.” Nawala ito sa hall bago pa man makasagot si Lily sa kaniya. Nabalot ng intimidation si Lily nang makita niya ang mga pintong gawa sa kahoy sa kaniyang harapan. Agad na nagflash sa kaniyang isipan ang mga imahe ni Xavier na nakasuot ng isang sharp na suit at nagpapakita ng matinding confidence habang naglalakad siya papunta sa mga pintong ito. Pinlano niyang iwanan ang mga bagay na ito at maglakad palabas kahit na ano pa ang sabihin nito sa kaniya. Magkukunwari siyang hindi naririnig ang anumang sasabihin nito sa kaniya. Nang maisip niya iyon, itinulak niya pabukas ang mga pinto. Makikita ang dark grey na kulay ng opisina na hindi nagpakita ng sigla habang nagpaparamdam ito ng karangyaan sa sinumang makakapasok dito. Nabalot ng liwanag mula sa araw ang buong opisina na nagmumula sa floor to ceiling na bintana nito. Nabalot din ang hangin ng amoy ni Xavier na kaniyang nalanghap. Dito an bumalik ang mga alaala niya kasama ito noong mga kritikal na sandaling iyon. Naalala niya ang init ng malaki nitong mga kamay sa payat niyang balakang sa bawat sandaling magkakasama silang dalawa. Wala na siyang ibang nakikita kundi ang mga muscle nito na umumbok sa kayumanggi niyang balat at ang hulmado nitong dibdib. Sa mga sandaling iyon lamang niya nararamdaman ang tunay na presensya ni Xavier kasamay ng amoy mula sa kaniyang katawan. Pero kasalukuyang walang laman ang opisina nito. Wala siya roon. Dito na biglang naramdaman ni Lily na para bang hinatak mula sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso habang bumubuhos ang lungkot sa kaniyang sarili. Busy ba talaga siya o alam lang nito na pupunta siya kaya napagdesisyunan nitong huwag makipagkita sa kaniya? Kahit na hindi niya pinaplanong makita ito, nakaramdam pa rin siya ng pagkadismaya noong hindi niya ito makita roon. Huminga siya ng malalim para maibalik ang kaniyang postura pagkatapos niyang tumayo sa gitna ng isang sandali para maglakad palapit sa lames anito. Ibinaba niya ang thermos at ang dokumento sa table. Dito na siya napatingin sa isa sa mga manggas ng sinusuot na suit ni Xavier na nakalaylay sa tabi ng lamesa. Mukhang nagusot nang kaunti ang kaniyang suit na nagkaroon ng kaunting amoy ng sigarilyo. Ayaw na ayaw nito ng maruming damit kaya palagi nitong sinasabihan si Timothy na dalhan siya ng bagong labang mga damit mula sa bahay kahit na gaano pa siya kabusy. Palagi niyang pinaplantsa ang mga damit ni Xavier para ihanda sa mga sandaling kakailanganin niya ang mga ito. Nagdedesisyon pa si Lily kung kukunin niya ang suit para iuwi at labhan nang mahawakan ito ng kaniyang kamay. Sumampay ang suit sa kaniyang braso nang mahimasmasan siya na para bang siya ang nagdesisyon na kumuha nito. Nafufrustrate siya sa naging reflex niya nang biglang bumukas ang pinto papasok sa opisina nang ibabalik na niya ito sa lamesa. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Nakasuot si Sarah ng isang itim na blouse na may dalawang hindi nakabutones na bahagi sa itaas na nagpakita sa nagliliwanag nitong balat at sa cleavage nitong mapapansin ng kahit na sino. Mas mataas din sa kaniyang tuhod ang maiksi niyang palda na nagpakita sa mahaba at balingkinitan nitong mga hita na nabalot ng itim na stockings. Nagmukha siyang kaakit akit at elegante sa kaniyang suot. Nagpakita rin siya ng professional na confidence na kukuha sa atensyon ng kahit na sinong lalaki. “Sino ang nagpapasok sa iyo rito?” Lakad palapit ni Sarah na para bang hindi siya nito kilala bago niya kunin ang jacket sa kamay ni Lily. Tumama ang paningin ni Sarah sa thermos at sa dokumento sa lamesa bago ito magtanong ng, “Isa ka bas a mga kasambahay ng pamilya Fulton?” May katangkaran si Lily kaya kinailangan si Sarah magsuot ng heels para maabot ang taas nito. Naramdaman ni Lily ang pag gaan ng kaniyang kamay habang tumatama ang kaniyang paningin sa jacket na hinugot sa kaniya bago magdilim ang kaniyang mukha. Hindi na siya nakapagpigil pa sa mga sinabi ni Sarah. “Hindi.” Tumingin si Sarah na para bang hindi na niya makakausap pa si Lily. “Wala akong pakialam kahit na sino ka pa. Hindi ka puwedeng pumasok sa opisina ni Xavier o hawakan ang anuman sa mga gamit niya sa susunod.” Dito na siya tumalikod para pumasok sa lounge. Masyadong malapad ang pintuan papasok sa lounge na nagpakita sa isang magulong double bed sa kaniyang harapan. Makikita mula rito ang puting pangitaas ni Xavier, ang itim nitong pangibaba, at dark blue nitong mga boxers na nakakalat sa paligid ng kama. Pinulot ni Sarah ang mga damit bago niya ito ilagay sa banyo bago niya ayusin ang kama. Isang pares naman ng itim na stockings at kulay leopard na bra sa ilalim ng kumot ang biglang nagpakita kay Lily na siyang gumulat sa kaniya. Napabuntong hininga siya habang nauubos ang kulay sa kaniyang mukha. Hindi talaga busy si Xavier. Mayroon pa siyang oras para makipaglaro kay Sarah sa lounge sa bakante niyang oras! “Bakit nandito ka pa rin?” Bato ni Sarah sa stocking at sa bra papunta sa banyo bago siya maglakad palabas. Napasimangot siya nang makita niyang hindi pa umaalis si Lily. Tinuro naan ni Lily ang dokumento. “Kailangan ko itong ibigay ng direkta kay Xavier.” “Puwede mo itong iwanan sa akin.” Nagpakita ng agresyon ang mga mata ni Sarah habang tinitingnan niya si Lily. Malayong malayo na ang version na ito ni Sarah sa mahinahon at mahiyaing babae na ipinapakita niya sa harapan ni Xavier sa entrance noon. Umarte siya na parang mayordoma ng bahay sa opisina ni Xavier na nagpabagsak sa dibdib ni Lily ngayong siya ang tunay na asawa ni Xavier. Agad siyang umabate papunta kay Sarah.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.