Kabanata 5
Dito na biglang nagpakita ng nangiinis na ngiti si Xavier. Idinikit nito ang kaniyang dila sa kaniyang pisngi sa tuwa. “Nagpapahard to get ka ba? Hindi iyan tatalab sa akin. Pagsisisihan mo ang lahat ng ito Balang araw!”
Inilayo ni Lily ang kaniyang ulo. Nagalala siya na baka mapansin ni Xavier ang namumula niyang mga mata.
Naglakad naman mula sa likod ni Xavier si Henry McKay. “Mr. Fulton, naglolook forward na ako sa collaboration natin.”
Agad na nawala ang sarcastic na itsura ni Xavier sa harapan ni Lily bago siya nakangiting humarap kay Henry. “Ako rin. Magstay ka pa ng ilang araw dito, sasabihan ko si Sarah na ipasyal ka sa city.”
Tuwang tuwa namang tumawa si Henry. “Oh, hinding hindi ko siya aagawin sa iyo. Ikaw na ang bahala sa kaniya!”
Nagmaneho papunta sa entrance ng restaurant si Sarah bago siya maglakad paakyat sa hagdan para tumayo sa tabi ni Xavier. Dito na siya nakipagusap kay Henry. “Mr. McKay, ihahatid na kita sa hotel mo para makapagpahinga ka na.”
Natuwa naman dito si Henry. “Ikinagagalak ko ang paghatid mo sa akin. Maraming salamat, Ms. Lynde!”
Bahagyang sumandal si Xavier kay Sarah habang nilalagay nito ang kaniyang kamay sa baiwang ni Sarah bago ito magsabi ng, “Magiingat ka sa pagdadrive.”
Tumango si Sarah bago siya umalis kasama ni Henry nang hindi tinitingnan si Lily.
Parang hindi nito nakilala si Lily na nagpalit ng damit o maaari ring sinasadya niya lang na magkunwaring hindi niya ito kilala.
Ngumuso si Lily habang pinapanood niya ang papalayo nilang mga imahe.
Ito ang unang beses na makaharap niya si Sarah, at inaamin niya sa kaniyang sarili na isa itong matalino at magandang babae.
Ganito ba ang mga uri ng babaeng gusto ni Xavier?
Hindi pa nakikita ni Lily kailanman ang paghanga sa mga mata ni Xavier nang tingnan nito si Sarah.
Hindi niya magawang maisip mula rito kung ano ba talaga ang tingin nito sa kaniya.
Hindi siya nageffort na itago ang kaniyang paghanga kay Sarah sa harapan niya. Kung ganoon ano na siya sa mata ng mga ito?
Iniyuko niya ang kaniyang ulo nang bahagya na nagpakita sa elegante niyang leeg. Nagkulay pink naman ang kaniyang mga tainga nang dahil sa pagtatalo nilang dalawa kanina.
Naglagablab naman ang mga nauuhaw na mata ni Xavier nang makita niya ito.
Masyadong maganda ang itsura ni Lily ngayong gabi. Nagiwan ito ng isang hindi makakalimutang impresyon kay Xavier.
Napalunok siya sa kaniyang lalamunan bago siya lumapit ng ilang hakbang habang binubunot nyia ang susi ng kaniyang sasakyan mula sa kaniyang bulsa. Nanatili namang naiinis ang kaniyang pakikitungo kay Lily. “Nagdadrive ka na ba rito?”
Sinadya niya itong itanong para subukang alukin si Lily na umuwi sa villa.
Pero hindi kumagat si Lily sa oportunidad na kaniyang ibinigay. “Wala ka ng pakialam kung nagmamaneho na ba ako rito o hindi na ako matigil sa kakaisip tungkol sa nakabinbin nating divorce.”
Agad namang tumigas ang itsura ni Xavier. Nairita siya sa naging sagot ni Lily.
Binanggit niya ang mga salitang ito para subukang bigyan si Lily ng daan para makalabas sa kaniyang ginawa, pero nagawa pa rin nitong labanan ang kabutihang loob niya!
“Inuubos mo ang pasensya ko, Lily. Huwag na huwag mo akong susubukan!” Masyado ng malayo ang tono niya ngayon kaysa sa tono niya kasama ni Sarah kanina.
Nakonsumo si Lily ng negatibo niyang mga emosyon nang makita niya ang pagkakaiba ng trato nito sa kaniya at kay Sarah.
Humigpit ang lalamunan ni Xavier ngayong hindi na makapagsalita si Lily habang nababalot ng luha ang kaniyang mga mata.
“Nasaan na ang daga?” Sumugod si Maryanne sa eksena gamit ang malakas niyang boses na bumalot kay Lily. Nagsalita siya habang nagpapakita siya ng nagugulat na itsura para masiguro na maririnig siya ni Xavier. “Bakit hindi ka lumayo sad aga? Hindi ka ba natatakot na baka kagatin ka nito?”
Bata pa lang ay spoiled na si Maryanne ng kaniyang mga magulang at ng nakatatanda niyang kapatid kaya walang kahit na sino sa business industry ng Jadeford ang hindi niya magagawang kumprontahin.
Kahit na hindi naging kasing impluwensya ng pamila Fultron ang pamilya Deveraux, masyado pa ring malapit ang relasyon ng dalawang pamilya pagdating sa kanilang mga negosyo.
Kaya magpapakita si Xavier ng respeto sa pamilya Deveraux habang hindi nito pinapatulan si Maryanne.
Ito ang ginamit na dahilan ni Maryanne para magawa iyon.
Palagi nitong kinukuha ang bawat oportunidad na mayroon siya para banatan si Xavier sa bawat sandaling naiinis si Lily nang dahil sa kapabayaan ni Xavier dito.
Pero mga simpleng banat lamang iyon dahil hindi niya magagawang bastusin nang direkta si Xavier maging sa mga sandaling iyon.
Natakot si Lily na baka mairita niya si Xavier kaya agad niyang hinila si Maryanne bago siya tumalikod para umalis. “Halika na, Maryanne.”
Tumingin naman si Maryanne kay Xavier. Gumalaw ang kaniyang mga labi pero hindi ito nagbanggit ng kahit na ano. Pero naging malinaw sa kaniyang itsura na nagsasabi ito ng bastos sa kaniya.
Nakarating na ang dalawa sa sasakyan. Sumakay na si Lily pero hindi pa rin kontento si Maryanne sa mga nangyari.
Ibinaba niya ang kaniyang bintana para sumigaw kay Xavier ng, “Tandaan mo ito, Xavier! Magiging isang napakahusay na designer si Lily balang araw! Sisiguraduhin ko na hindi mo na siya maaabot sa sandaling mangyari ito!”
Napabuntong hininga si Lily sa sobrang pagkagulat bago siya yumuko para isara ang bintana habang hinihikayat niya si Maryanne na magmaneho palayo.
Agad na umandar ang sasakyan palayo.
Nagechoa ng mga salita ni Maryanne sa mga tainga ni Xavier na parang nagliliwanag na mga ilaw sa paligid na nagreflect sa tila agila niyang mga mata.
Pagkatapos ng napakahabang sandali, nilabas niya ang kaniyang phone para tawagan si Timothy. “Ano ang major ng asawa ko noong college?”
Lumipas ang ilang segundo bago nakasagot si Timothy, “Interior design!”
“Bantayan mo siya. Siguruhin mo na hindi siya makakakuha ng trabaho sa kahit na anong design firm.”
Hindi naman nakakita ng problema sa kaniyang ginagawa si Xavier.
Masyado nang mayaman at makapangyarihan ang pamilya Deveraux kaya magagawa na nitong suportahan si Lily habangbuhay.
At ngayong hindi sumusunod si Lily sa kaniyang mga gusto, wala na siyang rason para padaliin ang buhay nito.
Hindi niya ito binubully. Tinutulungan niya lang ito na bumalik sa tamang landas bago pa mahuli ang lahat!
…
“Anong ikinatatakot mo?” Nabalot ng galit si Maryanne habang nasa gitna ito ng pagmamaneho.
“Asawa ka niya! Hindi dapat sila magkaroon ng advantage ng kabit niya sa iyo!”
Gustong sabihin ni Lily na nararamdaman niyang isa lang malaking biro ang pagiging asawa ni Xavier. “Hindi magandang banggain si Xavier, para rin ito para sa akin o sa pamilya Joyner.”
Mas magiging kumplikado ang kanilang divorce sa sandaling sumabog ang isang eskandalo sa pamilya Fulton.
Hindi lang ito tungkol sa kanilang dalawa dahil madadamay din dito ang kanikanilang mga pamilya.
“Lily, nasabihan mo na ba ang pamilya mo tungkol sa divorce?” Hininto ni Maryanne ang sasakyan sa traffic light bago siya humarap at magtanong kay Lily.
Iniling naman ni Lily ang kaniyang ulo. “Hindi pa.”
Dumedepende ang kaniyang pamilya sa mga Fulton. Siguradong ang kaniyang ama ang mauunang hindi sasangayon sa sandaling malaman nito ang tungkol sa divorce!
Masunuring asawa naman ang kaniyang ina. Siguradong susundin nito ang kagustuhan ng kanyiang ama para paalalahanan siya na maging mabuting asawa kay Xavier.
Naniniwala si Lily na gusto siya ni Xavier pero hindi lang ito naging magaling sa pagsasalita.
Sabagay, nagawa niyang pagtiisan si Xavier ng dalawang taon nang dahil sa mga payo ng kaniyang ina.
Naramdaman niya na para siyang naging isang mangmang nang madiskubre niya ang tungkol sa pambabae nito!
Walang kahit na sino sa kaniyang pamilya ang makakaintindi sa kaniyang nararamdama kaya kailangan niya munang makipagdivorce bago malaman ng mga ito ang balita.
“Kung ganoon, manahimik na muna tayo ngayon. Tapusin na muna natin ang divorce! Nagawa mo na ba ang divorce agreement?” Hindi pa rin makapaniwala rito si Maryanne. “Huwag na huwag mong iisipin na maghihiwalay kayo nang wala kang makukuha! Magdemand ka ng sasakyan, bahay, at ilang milyong dolyar!”
“Pa…pagiisipan ko iyan!” Hindi ito kailanman naisip ni Lily.
Alam ni Maryanne na magulo ang isip ngayon ni Lily kaya hindi na niya ito pinilit.
Dinala niya ito sa apartment at ipinaghanda niya ito ng hapunan. Nagplano siya na ipasyal ito ngayong gabi para makapaglabas ng sama ng loob.
Pero tumanggi rito si Lily habang nakaupo ito sa sofa hawak ang isang laptop. “Kailangan ko ng magpadala ng mga resume at humanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.”
Nagisip ng isang sandali si Maryanne bago ito magtanong ng, “Kailangan mo ba ng tulong ko rito?”
Siguradong hindi na daraan sa pangkaraniwang application process si Lily sa sandaling tulungan siya ni Maryanne.
“Okay lang ako. Confident naman ako na makakahanap ako ng trabaho nang magisa.” Tumanggi si Lily na gumamit ng koneksyon. Confident siya na makakahanap siya ng trabaho nang magisa.
Hindi siya nagin mayabang pagdating sa mga ganitong klase ng bagay.
Siguradong madadala ng award winning niyang college project ang kaniyang application kahit na wala siyang work experience sa design industry ng dalawang taon.
Ang pagtatagumpay niya sa una niyang hakbang ang pumuno sa kaniyang motivation na bumuo sa kaniyang fighting spirit.
Kinabukasan, sinamahan siya ni Maryanne na bumili ng formal attire para maghanda sa kaniyang mga interview.
Paminsan minsang nagpapakita si Xavier sa kaniyang isipan habang abala siya sa kaniyang pagaapply.
Pero agad itong napapalitan ng imahe ni Sarah kasama nito.
Hindi siya masyadong nakikipagusap kay Sarah pero pinaparamdam nito kay Lily na hindi siya sapat sa bawat sandaling maiisip niya ito.
Nabalot ng mahapdi at walang tigil na sakit ang kaniyang puso. Ito ang nagtulak sa kaniya na pumasok sa workforce sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho na makapagpapatunay sa kaniyang sarili na siyang magpapalaya sa kaniya mula sa anino nilang dalawa. Pero hinid pa rin siya mapakali sa kaniyang nararamdaman noong mga sandaling iyon.
Hindi niya naiwasang isipin kung nagtagumpay na ba siya ngayon kung hindi lang niya pinakasalan si Xavier.
Nagschedule ang ilang mga kumpanya ng interview kay Lily sa Friday.
Dumating siya sa unang kumpanya ng 9:00am. Naghintay siya sa mga tanong ng interviewer pagkatapos niyang ipakilala ang kaniyang sarili.
“Ms. Joyner, ano ang ginawa mo nitong nakalipas na dalawang taon?” Tanong ng interviewer.
Hindi naman nasurpresa rito si Lily. Inasahan na niya ang mga tanong sa malaking gap sa kaniyang resume. Bahagya siyang nahiya habang sumasagot siya ng, “Na…nagpakasal ako.”
Nagpapasensya namang nagsalita ang interviewer. “Mayroong tamang pagkakataon para maghanap ng trabaho. Siguradong iwewelcome ka namin kung nagapply ka lang sa amin pagkatapos ng iyong graduation. Pero ngayon—I’m sorry.”
Isa itong magandang paraan para humindi.
Hinanda na ni Lily ang kaniyang sarili sa mga ganitong klase ng pagtanggi pero naguluhan pa rin siya sa mabilis na paghindi ng interviewer. “Hindi mo pa ako natatanong tungkol sa role. Nirereject mo baa ko dahil lang sa kakulangan ko ng experience at dahil lang sa pagiging kasal ko?”