Kabanata 2
“Ano?” Bahagyang nakaramdam ng galit si Xavier sa kaniyang dibdib. “Gumastos ako ng ilang daang libo para sa kaniya. Inaasahan mo ba na magpapaalam pa ako sa iyo para rito? Nagawa mo bang kwentahin ang bilyon bilyong pera na nakuha ng pamilya Joyner mula sa akin?”
Kahit na nanatiling lihim ang kanilang pagsasama, alam ni Lily na walang tigil ang ginagawang paghigop ng resources ng kaniyang pamilya kay Xavier nang maikasal silang dalawa.
Pero hindi pa rin niya naintindihan ang naging rason nito. “Magkaiba iyon! Magasawa tayong dalawa. Paano mo ako nagawang ikumpara sa kaniya?”
“Ikaw ang walang kakayahan na pumantay sa kaniya!” Parang isang matalas na blade ang naiinis niyang mga mata na sumaksak sa puso ni Lily hanggang sa tumulo ang dugo nito. “Wala pa sa one fourth ng kaniyang mga naabot ang perang ginastos ko para sa kaniya kahapon. Kaya paano mo magagawang pumantay sa kaniya?”
Naramdaman ni Lily ang pagdurugo at pagkawasak ng kaniyang puso.
Ipinakita ng walang pakialam nitong mga mata ang isang bagay na hindi niya nagawang makita noon.
Parang hindi na niya kilala ngayon ang lalaki na dating nawalan ng kontrol sa kaniyang pagkakayakap at bumubulong sa kaniyang tainga ng matatamis na salita.
“Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo kung mas angat pala siya sa paningin mo?” Nanginig ang boses ni Lily habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. “Hindi ba’t pinili moa ko dahil mahal mo ako?”
Dahan dahang lumabo ang paningin ni Lily nang dahil sa luha. Tanging gilid na lang ng mukha ni Xavier ang kaniyang nakita pero naging malinaw pa rin sa kaniya ang kawalan nitong pakialam sa kaniya. Malinaw na malinaw niya itong nakita sa kaniyang asawa.
Parang minaliit ni Xavier ang kaniyang pagkainosente at pagkamangmang nang maniwala siya na mahal siya nito.
Dito na nagdilim ang naiiritang mukha ni Xavier. “Tapos na ba tayong magusap?”
Wala sa lugar ang ganitong klase ng babae para sa kaniya. Naglakad siya sa tabi ni Lily para umakyat sa itaas.
Tuluyan nang winasak ng pagiwas ni Xavier ang natitirang bahagi ng postura at pagpipigil ni Lily.
“Magdivorce na lang tayo!” Napapikit ang kaniyang mga mata habang kumakawala ang mga salitang ito sa kaniyang mga labi. Ginamit niya ang natitira niyang lakas para sabihin ito kay Xavier.
Ang pagsasama na walang pagmamahalan ay isang bagay na hindi niya gugustuhin kailanman!
Hindi kailaman dinala ni Xavier si Sarah sa ganitong klase ng usapan habang sinisisi nito ang lahat ng kanilang issue ni Lily sa wala sa lugar nitong ugali. Hindi na ipinakita ni Lily ang video dahil alam niya na wala rin naman itong magagawa.
Hindi niya ito magagawang aminin sa kaniya. Magdadala lang ang video na ito ng kahihiyan sa kaniya nang abandonahin siya ni Xavier para sa ibang babae!
“Mayroon kang 500 thousand dollars kada buwan na pocket money mula sa akin. Wala ka ng ibang dapat gawin kundi magalaga ng mga halaman sa hardin at matulog kasama ko. Hindi pa ba ito sapat sa iyo?” Huminto si Xavier bago siya magpatuloy sa kaniyang pagsasalita habang nakakunot nang husto ang noo niyang wawasak sa isang langaw na lalapag dito, “Kaya ano pang sinisigaw sigaw mo riyan?”
Wala sa lugar ang mga hinanakit na nilalabas ni Lily para sa kaniya.
“Trato?” Tumulo ang mainit na mga luha sa pisngi ni Lily habang tinititigan niya ang nanlalamig na mga mata ni Xavier. “Asawa ba talaga ang kailangan mo o isang punching bag?”
Sapat na ba ang pera at ang ilang gabi nilang magkasama para mailarawan ang isang magandang pagsasama bilang magasawa?
Paano ito naiba sa isang babaeng binabayaran para makasama ng isang lalaki sa isang gabi? Isa lang piraso lang ng papel ang pinagkaiba nilang dalawa ni Lily. Isa ba itong kontrata na pinatibay ng kasal?
Ito ba ang ibig sabihin ng kasal kay Xavier?
Pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan nang maisip niya ang engrandeng birthday surprise na siguradong iinggit sa kahit na sino. Ito ang uro ng kasal na nararapat para sa kaniya sa mga mata ni Xavier.
Nagpakita ang isang nangiinis na ngiti sa mga labi ni Xavier habang nagpapakita ng gigil ang madilim niyang mga mata. “May mali ba akong nasabi sa iyo? Iniisip mo ba na makakabalik ka bilang pinakaiingatang anak ng pamilya Joyner sa sandaling magdivorce tayong dalawa? Itigil mo na ang pagiging inosente mo, Lily. Lumagay ka sa lugar mo!”
“May mga kamay at paa ako. Kaya kong mabuhay nang hindi bumabalik sa kanila.” Pilit na linunok ni Lily ang kaniyang mga luha bago siya maunang umakyat sa hagdan para hatakin ang isang puting suitcase mula sa isang kanto ng kanilang kuwarto na nilagyan niya ng kaniyang mga damit.
Walang point ang pagbalik sa pamilya na may ama na walang pakialam sa kaniyang pamilya at ina na wala nang ginawa kundi sumunod sa kaniyang asawa. Matagal na siyang pagod sa mga ito!
Nanigas ang mukha ni Xavier sa kaniyang narinig. Sinundan niya paakyat si Lily pero hindi niya ito pinigilan. Nanlalamig niyang pinanood ang pagiimpake nito ng gamit.
Alas kwatro na ng umaga. Balot ng dilim ang paligid habang nagliliwanag ang kuwarto ng dalawa na para bang nasa gitna itong umaga. Namumutlang isinara ni Lily ang zipper ng kaniyang suitcase bago siya maglakad palabas ng kwarto.
Tumayo lang doon si Xavier habang naglalakad papunta sa kaniyang tabi si Lily. “Lily, huwag mong asahan na hahabulin kita. Hindi ganoon kahaba ang pasensya ko.”
“Magkita na lang tayo sa korte bukas ng umaga.” Nanginig ang dibdib ni Lily nang sabihin niya ang mga salitang iyon kay Xavier.
Naramdaman niya ang pagkairita at inis sa boses ni Xavier.
“Busy ako sa mga susunod na araw. Magschedule ka ng appointment sa assistant ko kung gusto mong makipagdivorce. Huwag mo akong sisihin sa kawalan ko ng puso sa iyo. Kaya ko namang kalimutan ang lahat ng nangyari ngayong gabi kung magbabago ang isip mo bago maging final ang divorce nating dalawa.” Tumingin pabalik si Xavier nang makita niya na punong puno ang dalang suitcase ni Lily.
Pinagkukuha nito ang mga nakaframe nitong litrato sa lamesa na nasa tabi ng kama at dalawang maliliit na mga stuffed toy.
Nakaramdam siya inis sa kaniyang sarili. Naramdaman niya na para bang nagreresign ang isa sa mahahalagang empleyado ng kaniyang kumpanya. Wala siyang utang na loob!
Hindi ba’t binigay naman niya ang lahat ng gusto nito? Hindi niya pinigilan si Lily sa paggastos at pinagkatiwala niya ang lahat ng gawaing bahay sa dalawang taon nilang pagsasama.
Hindi niya maisip kung ano ang nagdala sa kaniya sa puntong ito pero sigurado siya sa kaniyang sarili na babalik ito sa kaniya.
Hindi hahayaan ng pamilya Joyner na magdivorce silang dalawa kaya mapipilitan itong bumalik sa sandaling umuwi ito sa kanila.
Hindi niya sineryoso ang mga sinabi ni Lily nang sabihin nito na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Paano nito magagawang magtrabaho ng 9 to 5 ngayong lumaki ito sa isang napakakumportableng buhay?
Mas sumama ang kaniyang mood nang maisip niya ang mga bagay na iyon habang pinapanood niya ang papalayong imahe ni Lily.
Naglakad si Xavier palabas ng kwarto para tumayo sa railing ng ikalawang palapag. Nakita niya ang pagkuha ni Lily sa mga susi ng sasakyan sa foyer nang mahina niyang sabihin na, “Binili ko ang sasakyang iyan para sa iyo.”
Hindi mamahalin ang sasakyang ito na nagkakahalaga lamang ng 200,000 dollars. Binili nga ito ni Xavier para kay Lily.
Binili ito ni Xavier noong unang magaral si Lily na magmaneho. Hindi niya nagawang magmaneho ng mamahaling sasakyan sa takot na baka magasgasan o mabangga niya ito. Ito ang dahilan kung bakit pumili si Lily ng mas murang model na binayaran ni Xavier gamit ang sarili niyang pera.
Nakahanda siyang bilhan si Sarah ng regalong nagkakahalaga ng daan daang libo pero hindi niya nagawang ibigay kay Lily ang sasakyang nagkakahalaga lamang ng 200,000 dollars.
Ito na ang huling mga araw ng taglagas. Malakas na umihip ang hangin sa bintana at nagkalat ang mga dahon sa lupa na nagbigay ng impresyon na abandonado ang lugar sa paligid.
Nakaramdam ng panlalamig si Lily sa kaniyang dibdib. Hinawakan niya nang mahigpit ang susi ng sasakyan habang inaayos niya ang kanyiang paghinga bago niya itapon pabalik sa foyer ang mga susi. Dito na siya umalis dala ang kaniyang suitcase.
Umihip ang malamig na hangin sa labas nang humakbang siya mula sa mansyon, ginulo nito ang mahaba niyang buhok. Dahan dahang nawala ang maganda niyang katawan sa dilim.
Tinitigan ni Xavier ang imahe hanggang sa magsara ang pinto. Nanginig nang bahagya ang kanyiang mga mata bago siya bumalik sa kuwarto para tumingin sa floor to ceiling window nito para titigan ang imahe ni Lily sa ilalim ng streetlight.
Nasa bungad na bahagi ng siyudad ang kanilang villa na may layong isang oras mula sa city.
Hindi ito makakalayo nang hindi ito sumasakay ng sasakyan o bus.
Hindi mapapantayan ang kanyiang paniniwala. Pero nagsimula na itong magpakita ng bitak bago ito tuluyang mawasak.
Hinarap ni Lily ang nangangagat na hangin para maglakad dala ang kaniyang suitcase bago siya mawala sa paningin ni Xavier.
Suminghal dito si Xavier. Hindi lang ito walang utang na loob dahil masyado na ring wala sa lugar ang pride ni Lily.
…
Tinawagan ni Lily ang kaniyang bestfriend na si Maryanne Deveraux nang makapaglakad siya palayo sa villa.
Isang oras na siyang naglalakad sa gitna ng malamig na hangin. Namuo na ang yelo sa kaniyang mga kilay nang makarating si Maryanne.
Namumula naman ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa suitcase.
Agad na bumaba si Maryanne ng sasakyan para isakay dito si Lily at ibato ang dala nitong suitcase sa trunk ng kaniyang sasakyan bago siya bumalik sa driver seat.
Wala ng ibang sinabi si Lily sa kaniya sa phone maliban sa pakikipagdivorce nito kay Xavier kaya halos umabot sa isang milyon ang mga nabuong tanong sa isipan ni Maryanne.
Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula nang makita niya ang wasak na itsura ni Lily.
Itinodo niya ang heater ng kaniyang sasakyan. Agad na tinunaw ng init ang yelong namuo sa kilay at pilikmata ni Lily.
Nabuo ng isang layer ng hamog sa paligid ng kaniyang mukha. Ang puso na inakala niyang hindi matitibag ng kahit na sino ay agad na gumuho habang walang tigil na bumubuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata.
Tumulo ang naglalakihan niyang mga luha sa namumula niyang mga kamay na kumalat sa kaniyang balat.