Kabanata 226
Nagulat si Frank. “Hindi ka ba muna magpapahinga?”
“Hindi na, hindi naman ako nasaktan.” Umiling si Helen at nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto.
Tumingin si Vicky kay Helen at sinabing, “Sasamahan na kita.”
Biglang hinawakan ni Frank ang kamay ni Vicky noong sandaling iyon—baka may mangyaring masama kapag naiwang magkasama ang dalawang ‘yun!
Gayunpaman, nginitian ni Vicky ng mahinahon si Frank. “Huwag kang mag-alala. Sasamahan ko lang talaga siya.”
Pagkatapos nun, naglakad siya kasama si Helen sa may pasilyo ng Flora Hall.
Si Vicky ang naunang nagsalita. “Kung ganun, Ms. Lane… Ang dinig ko naipit sa malaking gulo na ‘yun si Frank para iligtas ka.”
Tumango si Helen ng diretso. “Oo. Ganun na nga ang nangyari.”
“At dahil matatanda na tayo, gusto kong tandaan mo kung ano ang ibig sabihin ng pananagutan para sa sarili mo sa halip na humingi ka ng tulong sa iba para patuloy na linisin ang mga kalat mo,” sabi ni Vicky.
Sumimangot si Helen—yung totoo, siya ang biktima dahil si
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link