Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Sa Jipsburg, ang tulad ni Joe ay malayo sa liga ni Maisy. Dahil sa kanilang katayuan sa Jipsburg, ang mga Williams ay mananatili magpakailanman sa anino ng pamilyang Martin. Napabuntong-hininga si Maisy. “Oh, ang mga bagay na gagawin ko para ikasal sa kanya!” Likas siyang tumakbo patungo sa direksyon ni Joe. Nang tatawid na siya sa kalsada, sumakay na si Joe sa sasakyan at agad na umalis. Kumabog agad ang dibdib ni Maisy sa determinasyon. Uutusan niya si Jeffrey na gumawa ng pagkakataon para sa akin. Sa pananaw niya, meron siyang perpektong hitsura at perpektong pigura. Maging ang nobyo ni Skylar ay lubos na nabighani sa kanya. Marahil ay mahuhulog si Joe sa kanya kapag nakita rin siya nito! Nabanggit na rin naman si Christopher, anong nangyari sa kanya? Bakit hindi siya dumating sa oras na pinagkasunduan? Hinanap ba niya si Skylar? Isang kurap ng pagmamataas ang bumakas sa mukha ng babae. “Naiintriga akong malaman kung anong gagawin ni Skylar sa lahat ng ito!” Ngumuso siya. “Ang lakas naman ng loob niyang pahirapan ako sa ospital kahapon? Ang kapal!” Dahil sa pagkabagot habang naghihintay, kinuha ni Maisy ang kanyang phone at tinawagan si Sadie. “Mom, tinawagan ko si Skylar kanina. Hindi pa rin niya ako sinasagot. Dapat ko na ba siyang hanapin at personal na humingi ng tawad sa kanya?” “Huwag mo na siyang alalahanin. Pinaputol ng dad mo ang card niya, kaya malamang uuwi rin siya sa loob ng isang araw o dalawa. Perwisyo talaga siya! Kung mas katulad mo lang sana siya, mas magkakaroon kami ng utang na loob. Ang pag-aalala tungkol sa mga aksyon ni Skylar ay nagpakulo ng dugo ni Sadie. Sa sobrang galit niya ay hindi siya makatulog kagabi. Mabilis na inaliw ni Maisy si Sadie at tinawagan ang kanyang panganay na kuya matapos ibaba ang tawag. Ikinuwento sa kanya ni Maisy ang lahat ng nangyari at humihikbi, “Kenny, dapat bang kayo na lang ni Peter ang tumawag sa kanya? Hindi makatulog sina Mom at Dad buong magdamag dahil lumayas siya sa bahay. At siya... siya pa rin ang tunay ninyong kapatid, kung tutuusin.” Si Kenny Williams ay abala sa trabaho. Ang kanyang mga eksperimento ay hindi naging matagumpay, at ang marinig ang tungkol sa mga kalokohan ni Skylar ay lalo lamang ikinainis niya. “Ikaw lang ang kinikilala namin bilang kapatid. Kung gusto niyang gumawa ng gulo, hayaan mo siya.” Napabuntong-hininga si Maisy. “Kenny, alam kong abala ka. Tandaan mong magpahinga nang sapat.” “Huwag kang mag-alala, gagawin ko iyon.” … Na kay Skylar ang mga susi ng kanyang tahanan. Sinalubong siya ng mabangong aroma nang buksan niya ang pinto. Ang galing ni Janine sa pagluluto ay banal; nagagawa nitong gawing masasarap na pagkain ang kahit na ang pinakasimpleng sangkap. Parang pamilyar ang lahat ng nasa harap ni Skylar na para bang nasa panaginip siya. Namumula ang mga mata niya habang sinulyapan sina Janine at Steven na abala sa kusina. Maririnig ang kanilang pag-uusap mula sa maliit na kusina. “Paborito ito ni Skye. Ma, magluto ka pa nito.” “Kung natatandaan mo kung anong paborito niyang ulam, siyempre kaya ko rin. Nakaluto na ako ng mas maraming paborito niyang ulam. Kailan kaya babalik sina Charles at Harvey?” “Tumawag sila sa akin kanina, naipit daw sila sa trapiko. Pero parating na rin iyon.” “Ayos. Ang tagal na mula noong huli tayong kumain ng magkakasama.” Lalapit na sana si Skylar sa kanila, nang may lumitaw sa phone niya. Pinindot niya iyon at napagtanto niyang nagpadala ng mensahe sa kanya si Joe. “Mawawala ako ng ilang araw para sa business trip.” Sumagot siya, “Okay.” Pagkatapos, itinago niya ang kanyang phone. Pagpasok sa kusina, napabulalas siya, “Ma, Steven, nakauwi na ako!” Noong nakaraan, isa sa mga dahilan kung bakit siya bumalik sa pamilyang Wiliams ay para humingi ng tulong sa kanila. Alam niya na sina Steven at Charles Sullivan, ang kanyang pangalawang kapatid, ay nakaranas ng ilang mga paghihirap sa nakalipas na dalawang taon, ngunit walang gumagabay sa kanila sa Jipsburg. Gayunpaman, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Skylar na magsalita tungkol dito. Kung tutuusin, hinamak nina Jeffrey at Sadie ang mga Sullivan. “Skye, nakabalik ka na! Umupo ka sa sala at manood ka muna. Malapit nang ihanda ang pagkain,” sigaw ni Janine, puno ng pagmamahal ang mga mata kay Skylar. Talagang nangulila siya kay Skylar. Hinikayat din siya ni Steven, na nagsasabing, “Dalawang tao lang ang kasya sa kusina. Manood ka na lang ng TV.” “Sige.” Tiningnan sila ni Skylar. Ang pagmamahal ng kanyang pamilya ay bumaha sa kanya ng init. … Bahagyang nagulat si Joe sa maikling tugon ni Skylar nang papunta na siya sa airport. Tinaas niya ang kanyang mga kilay. Hindi pinalampas ni Paul ang banayad na aksyon na ito. “Mr. Martin, hindi ka ba kuntento sa plano? Ipapaulit ko na lang sa kanila,” sabi ni Paul, magpapadala na sana ng mensahe sa grupo. Tumingin si Joe kay Paul. “Paano mo masasabing hindi ako kuntento?” Nawalan ng masabi si Paul. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Joe na makakagawa siya ng mga konklusyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga banayad na ekspresyon ni Joe sa mga taon ng karanasan, hindi ba? Kaya naman, nagpakawala siya ng naiilang na tawa. Biglang huminto ang sasakyan na mabilis ang takbo sa kalsada. Ang bagong laptop ni Paul ay nahulog sa kanyang tuhod nang mag kalabog. Kabibili lang niya ng kanyang laptop, at hindi ito yung ordinaryo—nagkahalaga ito ng sampung libong dolyares! Ngunit ang laptop ay nawasak na sa kalahati. Ang mga mata ni Paul ay kasing lapad ng mga platito. Sa sandaling iyon, narinig niya ang drayber, si Lucas Stokes, na sumigaw, “Sunod-sunod na salpukan!” Namutla ang mukha niya sa takot. Muntik nang mabundol ng tanker ang kanilang sasakyan. Napasulyap si Joe, napagtanto na ang sasakyan sa harap nila ay nadurog ng tumaob na tanker. Tanging ang logo ng kotse ang makikita, at ang modelo nito ay halos hindi makilala. Ang mga sasakyan sa kanan at ang mga nasa harap ay naapektuhan lahat. Sa isang iglap, nagsimulang magkaroon ng kaguluhan habang ang nakataas na tulay ay napuno ng mga sasakyan. … Naghain sina Janine at Steven ng mesa na puno ng mga ulam. Sa oras na iyon, nakabalik na rin sina Charles at Harvey. Dinagsa nila si Skylar nang makita siya, ngunit hindi sila nangahas na bombahin siya ng mga tanong. Gusto lang nilang malaman kung maayos ba ang pagtrato ng mga Williams sa kanya. “Skye, sabihin mo sa amin kung nangahas silang maltratuhin ka. Kami ang bahala sa’yo!” Kinasusuklaman ni Harvey ang mga Williams, kasama si Maisy, ang kanyang tunay na kapatid. Sa kanilang unang pagkikita, si Maisy at ang mga Williams ay napakagarbong kumilos, na para silang mga maharlika. Napagdesisyunan ni Harvey na si Skylar lang ang kikilalanin niya bilang kanyang kapatid! “Tama si Harvey. Huwag kang matakot kung may manggugulo sa’yo.” Noon pa man ay pinapaboran na si Charles kay Skylar. Nang makita kung gaano karaming timbang ang nawala sa babae, masasabi niyang hindi ito naging masaya kasama ang mga Williams. “Huwag kayong magsalita ng ganiyan. Pamilya niya iyon. Bakit naman nila siya sasaktan?” Kumuha si Janine ng ilang bote ng inumin sa ref. Alam niyang hinahamak ng kanyang mga anak ang mga Williams, ngunit sila ay pamilya ni Skylar, kung tutuusin. Ang pag-insulto sa kanila ay malamang na maglalagay kay Skylar sa mahirap na lugar. Ngumiti si Skylar. “Luamayas na ako sa paamamahay ng mga Williams at nakahanap na ng matutuluyan. Hindi na ako babalik pa.” “Lumayas ka?” Lahat ng apat na pares ng mga mata ay nakatingin kay Skylar na may pag-aalala. Bakit siya biglang lumayas? Hindi kaya pinagmalupitan siya ng mga Williams? Kung hindi, bakit siya lilipat? “Hindi ligtas para sa’yo na mamuhay nang mag-isa. Bakit hindi ka bumalik at tumira ulit kasama namin? Kami lang ni Harvey ang laging nasa bahay. Lagi namang abala sina Steven at Charles. Puwede naman akong matulog sa sala, “ nagmamadaling sabi ni Janine. Masyadong mahal ang upa sa Jipsburg, kaya isang dalawang-kwartong apartment lang ang kaya niyang bilhin. Sina Steven at Charles ay palaging abala, at meron din silang mga tutuluyan na binigay ng kani-kanilang kumpanya. Paminsan-minsan, ang tatlong magkakapatid na lalaki ay kailangang magsiksikan sa isang silid kapag umuwi silang lahat. “Lalaki ako kaya sa sala nalang ako matutulog. Skye, sa’yo na ang kwarto ko!” Walang pagdadalawang-isip na inalok ni Harvey ang kanyang silid. Akmang tatanggi na sana si Skylar, nang tumunog ang kanyang phone. Balak pa sana niyang tanggihan ang tawag, ngunit agad niya itong sinagot nang mapagtanto niyang galing iyon kay Gloria. “Lola.” “Skye, naaksidente si Joe!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.