Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Sinagot ni Skylar ang tawag. “Mr. Martin.” “Gusto kang makita ni Lola ngayong gabi. May oras ka ba?” Umalingawngaw ang malamig na boses ni Joe mula sa kabilang dulo ng phone. Sasagot pa lang si Skylar, nakarating na ang taksi sa Galaxy Villa. “Nakarating na ako sa Galaxy Villa. Gusto ko rin makita si Lola Gloria.” Nagpakasal lang siya kay Joe para sa kapakanan ni Gloria. Ngayong gusto na siyang makita ni Gloria, tiyak na isasantabi niya ang iba pang mga bagay para makipagkita sa matanda. Natahimik ang tawag ng ilang segundo bago muling tumunog ang boses ni Joe. “Maghintay ka sa bahay ng mga kalahating oras. Susunduin ka ni Paul.” “Sige. Salamat.” Binaba ni Skylar ang tawag at pumasok sa villa. Ibinigay sa kanya ni Joe ang password ng villa, kaya hindi siya nakatagpo ng anumang mga isyu. Pagpalit pa lang niya ng tsinelas ay biglang tumunog ulit ang phone niya. Sa gitna ng katahimikan na bumabalot sa villa, nakakabingi ang ingay ng kanyang ringtone. Kinuha ni Skylar ang phone niya at napagtantong tawag iyon galing kay Sadie. Ngumisi siya at dinedma ang tawag nito. Sa totoo lang, wala siyang gana na kausapin ang mga hamak na iyon dahil makikipagkita siya kay Gloria ngayong gabi. … Nang mapagtantong hindi sinagot ni Skylar ang kanyang tawag, nagdilim ang ekspresyon ni Sadie. “Jeff, hindi talaga sinagot ni Skye ang tawag ko!” Nawala agad ang katinuan ni Jeffrey. Galit na galit, sumigaw siya, “Bakit mo ba siya tinatawagan? Dapat hinayaan mo na lang siya! “Tatlong buwan na siyang nakapagtapos ng kolehiyo, at wala pa rin siyang trabaho. Literal na dukha siya. Huwag mo rin siyang bigyan ng pera. Tingnan natin kung gaano siya tatagal!” “Tama ka. Hindi naman siya lumaki sa piling natin, kung tutuusin. Ipinapaliwanag niyon kung bakit hindi siya malapait sa’tin at hindi niya tayo naiintindihan. Mas matino si Maisy.” Sa palaisipang iyon, mas lalo pang napamahal si Sadie kay Maisy. “Pinaputol ko na ang card niya. Huwag mo siyang pansinin, at babalik siya sa loob ng dalawang araw.” “Pagbalik niya, tuturuan ko talaga siya ng leksyon.” … Madilim na sa labas. Huminto ang isang Maybach MPV sa harap ng Pearlhall Residence, ang tirahan ng pamilyang Martin, at lumabas si Skylar mula sa kotse. Mabilis siyang nagpasalamat kay Paul. Bahagyang nagulat si Paul. Sa kanilang paglalakbay sa Pearlhall Residence, hindi nagtanong si Skylar tungkol sa kinaroroonan ni Joe. Kakarehistro lang ng dalawa ng kanilang kasal kaninang hapon. Kung tutuusin, natural lang para kay Skylar na magtaka kung nasaan si Joe. Ang mga kababaihan sa Jipsburg ay kinababaliwan si Joe sa loob na ng maraming taon. Sa totoo lang, inisip ni Paul na ginagamit ni Skylar si Gloria para mapalapit kay Joe. Ang ibang mga babae ay hindi kasing swerte ni Skylar pagdating sa pagkuha sa pabor ni Gloria. Ngayon, naintriga siyang malaman kung magtatanong si Skylar tungkol sa kinaroroonan ni Joe. Habang sinusundan ni Skylar ang mayordomo, si Edgar Quinn, na bumati sa kanya sa pasukan, tumaas ang mga kilay ni Paul dahil sa gulat. Gayunpaman, tinawag siya ni Skylar nang tumalikod siya para umalis. “Mr. Ziegler.” Napahinto si Paul sa kanyang mga hakbang. Gaya ng inaasahan, magtatanong siya tungkol sa kinaroroonan ni Joe. “Minana mo ba sa pamilya mo ang emerald charm na ‘yan, o regalo ba iyan mula sa iba?” Tinitigan ni Skylar ang esmeraldang anting-anting na nakapatong sa leeg ni Paul, kumikislap ang mga mata niya. Natigilan si Paul. Napatingin siya sa esmeraldang anting-anting na suot niya, sumagot siya, “Regalo ‘to. Medyo gusto ko ito, kaya madalas ko itong suot nitong mga nakaraang araw. Nabalitaan ko nang nagmula ito sa 1368 hanggang 1644 AD.” Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa mukha ni Skylar. Maliwanag pa nang dumating si Paul para sunduin siya, kaya nakita niya nang malinaw ang anting-anting. Ang ukit dito ay kahawig ng istilo ng impresyonistang pintor, si Clyde Monet. Naglabas ito ng aura ng pagiging sopistikado. Dahil kinailangang gantihan ni Skylar ang pabor ni Gloria at ikinasal na siya kay Joe, hindi niya kayang tumabi at panoorin si Joe na sinasabotahe ng mga tao sa paligid nito. Pagkatapos ng lahat, pumasok sila sa kontrata. Ang kanyang tingin ay tumama sa isang panig sa anting-anting. May maitim na marka doon, na nagpapahiwatig na pinasukan na iyon ng dugo. “Ang charm ay talagang mula 1368 hanggang 1644 AD.” Tumango si Skylar. Gayunpaman, hindi suwerte ang dinadala nito. “Hindi ko mabaling ang mga mata ko mula nang makita ko ito. Ms. Williams, ito ba ang forte mo?” Hinaplos ni Paul ang kanyang anting-anting. Totoo nga, ang anting-anting ay makapigil-hiningang napakarilag. “Oo, pero hindi ako eksperto,” sagot ni Skylar. “Nabanggit ng taong nagbigay nito sa akin na ito ay inukit ng sikat na pintor mula 1368 hanggang 1644 AD. Talagang sulit itong kolektahin.” “Pasensya na sa pagiging prangka ko, pero sa tingin ko, ang charm mo ay malamang na ninakaw mula sa patay. Magdadala iyan ng kasawian sa nagsusuot at sa mga nakapaligid sa kanya. “Mr. Ziegler, wala pang sampung araw mo itong sinusuot, tama?” Sinabi ni Skylar, hindi nababahala sa katotohanan na malamang na matatakot si Paul. Lagi niyang kasama si Gloria. Dahil sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni Gloria, ang matanda ay madaling kapitan ng sakit. Si Paul ay nabigla. “Ninakaw mula sa patay?” Nanginginig ang kanyang mga kamay niya na nakapulupot sa anting-anting. “Paano mo nalaman, Ms. Williams?” Hindi kaya sinusubukan ng babaeng takutin siya? Dahil lang ba sa hindi niya ipinaalam sa babae ang tungkol sa iskedyul ni Joe? Gayunpaman, malamang na hindi ganoon ang kaso. Napatingin si Skylar sa kanyang relo. “Kailangan kong makipagkita kay Lola Gloria ngayon. Kung may tiwala ka sa akin, tanggalin mo at ibalik mo iyan taong nagbigay sa’yo. Kung hindi, hindi mo makikita si Lola Gloria ng isang buwan.” Siya ay natural na maniniwala sa babae pagkatapos ng isang buwan. Kahit na si Joe, na madalas kasama ni Paul, ay magkakaroon ng bahid ng malas, si Skylar ay hindi natinag. Makukuntento ang babae hangga’t nananatiling maayos si Gloria. Kasabay nito, agad niyang sinundan si Edgar sa mansyon. Si Paul naman ay naiwang tulala sa bukana. Paikot-ikot pa rin sa kalituhan, siya ay napadpad sa problema kung itutuloy pa ba niya ang pagsusuot ng anting-anting o hindi. … Sumilay ang mainit na ngiti sa mukha ni Gloria habang lumalapit siya kay Skylar. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Skye, hindi ako nakatulog buong gabi pagkatapos mong tanggihan ang proposal ko kahapon. Buti na lang nagbago ang isip mo! Bilisan mo at ipakita mo sa akin ang marriage certificate mo.” “Pasensya na po, Lola Gloria.” Sumakit ang puso ni Skylar nang makitang umiiyak si Gloria. “Huwag mo na akong tawaging ‘Lola Gloria’. Apo na rin kita ngayon, kaya ‘Lola’ na lang.” Pinunasan ni Gloria ang kanyang mga luha, nananangis na hindi na niya napigilan ang kanyang damdamin dahil sa katandaan. Inabot ni Skylar ang marriage certificate kay Gloria. “Sige po, Lola.” Kinuha ni Gloria ang sertipiko mula sa kanya, napangiti si Gloria. “Mainam ito,” bulong niya. “Skye, malalaman mo na talagang maaasahang tao si Joe. Hindi ka magsisisi na pinakasalan mo siya.” Pinagmasdang mabuti ni Gloria ang sertipiko, na para bang hinding-hindi niya ito masulit tingnan. Tumango si Skylar bilang pagsang-ayon. Kahit na dalawang beses pa lang niyang nakita si Joe, masasabi niyang isa itong maaasahang lalaki. Ang katotohanan na isinakripisyo pa nito ang sariling kasal para sa kapakanan ni Gloria ay sapat na pruweba para sa respeto niya. “Ay nga pala, Skye. Naalala ko na may iniwan pala na liham si Viola sa akin noon. Sinabi niya sa akin na ibigay ko sa’yo kung ikinasal ka sa loob ng isang taon. “Kung hindi, magpapanggap dapat ako na parang hindi ko natanggap iyon. Dahil kasal ka na ngayon kay Joe, oras na para ibigay sa’yo ang liham na iyon.” Kumuha si Gloria ng liham sa katabi niyang mesa at ipinasa ito kay Skylar. Nang marinig ang tungkol kay Viola, mabilis na nagtanong si Skylar, “Lola, meron ka bang balita tungkol kay Lola Viola?” “Hindi mo siya mahahanap kung ayaw niyang matagpuan. Tinawagan niya ako isang taon na ang nakalipas, bago siya umalis, sinasabihan tayong huwag mag-alala sa kanya.” Napabuntong-hininga si Gloria, umiling-iling. Naramdaman ni Skylar na may bukol na bumara sa kanyang lalamunan. Nang maalala niya kung gaano siya naging hindi masunurin kay Viola noong nakaraan niyang buhay, nakaramdam siya ng pagkabalisa.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.