Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Napatingin siya kay Joe. Ang kanyang puting kamiseta ay nakasuksok sa kanyang mamahaling pantalon. Mukha siyang matangkad at matayog sa kanyang mahahabang binti. Naglalabas siya ng marangal na aura, at siya ay mukhang astig at guwapo sa ilalim ng kalangitan sa gabi. Napakurap si Skylar. Kailangan niyang aminin na si Joe ay may napakagwapong mukha. Mas may histura pa ito kaysa sa paborito niyang bida sa pelikula. Pinahahalagahan ng lahat ang magagandang bagay. Hindi siya naiiba. Tumingin si Joe kay Skylar habang sinabing, “Gising na si Lola. Tara, maghapunan na tayo.” Hindi niya maiwasang mapangiti nang mapansin niyang nakatingin ito sa kanya tulad ng ibang babae. Sina Skylar at Gloria ba ang nagkutsaba para sa masahe na iyon sa ulo? Sinusubukan ba ni Skylar na ipakita sa kanya ang mga kasanayan nito? Alam niya na isa itong mapanlinlang na babae nang inutusan siya ni Gloria na pakasalan ito. Tumayo si Skylar. “Sige. Pumitas na rin ako ng mga ubas at strawberry.” Natikman niya na ang mga ito noong pinitas niya ang mga ito. Ang mga ito ay napakatamis at mas masarap kaysa sa mga binili niya sa palengke. Sinabi ng mga manggagawa na maganda ang panahon ngayong taon. May sapat na sikat ng araw, kaya ang ani ay mas matamis kaysa sa mga nakaraang taon. Matapos mapagtanto ni Joe na si Skylar ay hindi simpleng babae, naging malamig ang kanyang ugali. Tumango lang siya bilang tugon. Walang pakialam si Skylar. Hindi rin niya ito masyadong inintindi. Nang makitang gising na si Gloria, naglakad si Skylar dala ang mga ubas at strawberry. “Ikaw mismo ang pumitas sa kanila?” Nakangiting tanong ni Gloria. Ipinaalam sa kanya ni Edgar na si Joe, na palaging may problema sa pagtulog, ay nakatulog pagkatapos ng masahe ni Skylar. Malalaman ni Joe ang mga kasanayan ni Skylar sa lalong madaling panahon. Taos-puso ang pakikitungo ni Skylar sa iba. Sampung taon na ang nakalipas, noong bata pa si Skylar, sinabi ni Viola kay Gloria na mabait ang batang babae. Madalas na nakakasama ni Skylar si Viola dahil pakiramdam niya ay maaaring malungkot ang matanda. “Oo, nagtanim na ako ng ubas at strawberry dati noong nasa probinsya ako, pero palaging hindo matamis. May mga maasim pa nga. “Ngayon alam ko nang dahil pala sa kalidad ng binhi at sa liwanag na natatanggap nila. Ang lugar na pinagtaniman ko sa kanila ay may kaunting sikat ng araw. Ako na ang maghuhugas nito, Lola.” Palaging maraming gustong sabihin si Skylar kay Gloria. Siguro dahil kawangis ni Gloria si Viola. Parehas sila nitong sinserong pinapaboran. Humalakhak si Gloria. “Narinig ko nga ‘yan kay Viola. Sinabi niya na palagi mong gustong pumunta sa mga bukirin. Sa murang edad, marunong ka nang magtanim.” Pakiramdam niya ay nakikita niya ang gayong eksena sa kanyang isipan habang sinasabi niya iyon. Ang isang maliit na bata na nagtatrabaho sa mga bukid na parang matanda ay gumawa ng maganda at nakakaantig ng puso na eksena. Sinabi ni Viola kay Gloria na si Skylar ay palaging matinong bata. Nagpunta siya sa bukid upang ibahagi ang pasanin ng trabaho sa bukid kasama sina Janine, Steven, Charles, at Harvey. Nagtaas ng mga kilay si Joe nang makitang tuluyan na siyang nakalimutan nina Skylar at Gloria sa kanilang usapan. Isang kakaibang pakiramdam ang muling lumitaw sa kanyang puso. Si Skylar ay mukhang dalisay at maganda, ngunit siya ay nag-isip nang labis. Kanina pa siya nito tinititigan sa ubasan, ngunit ngayon ay parang nagkukunwaring hindi siya pinapansin. Pagkatapos kumain, nakangiting hinimok ni Gloria sina Skylar at Joe na bumalik sa kanilang silid. “Sa pagsama ninyong dalawa sa akin dito, mabilis akong gagaling! Pero gabi na ngayon; dapat mag loving-loving muna kayo. Magpahinga kayo nang maaga.” Makakabalik lang sa kanilang kwarto sina Skylar at Joe. Nang makita nilang may malaking sign na “married” ang pinto ng kwarto nila, natigilan si Skylar. May inutusan siguro si Gloria na maglagay nito. Mukhang tanda ng pagdiriwang, pero hindi bagay sa kanya at kay Joe. Tumingin siya kay Joe. “Sinong unang maliligo?” Naging abala siya buong araw. Nakatuon siya nang husto noong inaayos niya ang mga painting na hindi man lang siya nakapagpahinga noong tanghalian. Ngayong tahimik na, medyo nakaramdam siya ng pagod. Sumulyap ng masama si Joe kay Skylar. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Hindi natin mahal ang isa’t-isa. Nagpapanggap lang tayo.” “Mr. Martin, masyado ka bang nag-iisip? Hindi ka ba naliligo bago ka matulog? Alam kong nagpapanggap tayo, pero kailangan kong maligo bago ako matulog,” sagot ni Skylar. Saglit na natahimik si Joe. Pumunta si Skylar sa aparador para maghanap ng damit. Sinabi ni Edgar na inihanda niya ang mga damit nina Skylar at Joe, kaya hindi na nila kailangang bumalik sa Galaxy Villa para sa anumang bagay. Lahat ng uri ng damit ay nasa aparador. Si Edgar ay naging napakametikuloso. Inihanda niya ang lahat. Pumili si Skylar ng pantulog. “Mauna na ako, kung ganoon. Huwag kang mag-alala, mabilis lang ako.” Sa lalong madaling panahon, narinig ni Joe ang tunog ng tubig sa paliguan na lumalabas sa banyo. Ito ang unang beses na nakarinig siya ng babaeng naliligo. Nairita siya sa tunog ng tubig. Lalabas na sana si Joe nang makasalubong niya si Edgar sa pintuan. May hawak na mangkok ng sopas si Edgar. “Inutusan ako ni Mrs. Martin Senior na ihanda ang tonic na sopas na ito para sa’yo. Mabuti daw para sa kalusugan mo.” “Tonic na sopas?” Walang magawang sumimangot si Joe. Masyado bang nanonood ng telebisyon si Gloria? Bakit niya ginawa ang lahat ng ito? Hindi siya makapaniwala na inutusan nito si Edgar na dalhan siya ng tonic na sopas. “Ibigay mo sa’kin. Iinumin ko sa loob.” Kinuha ni Joe ang tonic na sopas mula kay Edgar at sinara ang pinto ng malakas. Muli niyang narinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Nagdilim ang mga mata ni Joe. Nang makita niya ang tonic na sopas sa kanyang harapan, nagsisi siya na dinala niya ang kapahamakan na ito sa kanyang sarili. Nagsimula na namang uminit ang ulo niya. Habang nakahawak ang kamay niya sa kanyang ulo, naalala niya ang malambot na mga kamay ni Skylar sa kanyang ulo bago kumain ng hapunan. Bawat puntong idiniin ng babae ay masarap sa pakiramdam niya. Maya-maya lang ay nakatanggap siya ng WhatsApp text sa kanyang phone. Tiningnan niya ito at nakitang si Paul iyon. “Mr. Martin, pwede ko bang i-message si Ms. Sullivan sa WhatsApp?” Napatingin si Joe sa banyo at sumagot, “Oo.” Pagkatapos niyon, nakaramdam siya ng kakaiba dito, kaya nagtanong siya, “Bakit mo siya ime-message? Interesado ka ba sa kanya?” Nanlaki ang mga mata ni Paul habang nakatingin sa dalawang WhatsApp messages. Interesado kay Skylar? Hindi siya maglalakas-loob! Kahit alam niyang peke ang kasal nila, hindi siya maglalakas-loob na mahalin ang opisyal na asawa ng kanyang amo! Mabilis na sagot ni Paul, “Hindi siyempre!!! Gusto ko lang tingnan ni Ms. Sullivan ang emerald charm na interesado ako. Hindi ko alam kung magandang bilhin iyon. Bibilhin ko lang kapag nasuri na iyon ni Ms. Sullivan. Umaasa siyang mapapansin ni Joe ang tatlong tandang padamdam. Sumagot si Joe, “Okay.” Matapos matanggap ni Paul ang pahintulot ni Joe, inilagay niya ang numero ni Skylar at nagpadala kaagad ng mensahe sa kanya. Pagkaraan ng sampung minuto, nakita ni Paul na hindi nabasa ni Skylar ang kanyang mensahe. Nag-alinlangan siya, pagkatapos ay nagpadala ng isa pang mensahe kay Joe. “Mr. Martin, hindi pa binabasa ni Ms. Sullivan ang message ko.” Sa isang sandali, natanggap ni Paul ang tugon ni Joe. “Naliligo siya.” Ito ay isang pahayag lamang. Ngunit hindi napigilan ni Paul ang lubos na pagkabigla na bumalot sa kanya. Magkatabi ba silang natutulog? Hindi ba pekeng kasal lang? Magkatabi silang matulong nang ganoon lang? Kung ganoon, malamang hindi siya sasagutin ni Skylar ngayong gabi. Si Joe ay palaging nag-eehersisyo. Siya ay may mahusay na pinong abs at magandang pigura. Ang kanyang pisikal na lakas ay nasa mahusay na kondisyon. Kaya… Nagpasya si Paul na hihingi siya ng higit pang mga larawan ng iba’t-ibang esmeraldang anting-anting bago matulog para makapili siya ng ilan pang ipapakita kay Skylar sa susunod na araw. Makalipas ang 20 minuto, napansin niyang nabasa ni Skylar ang kanyang mensahe. Kinusot ni Paul ang kanyang mga mata. Nagkakaroon ba siya ng mga guni-guni?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.