Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

“Bugbugin niyo siya!” utos ni Fisk. Kaagad na lumusob kay Sebastian ang mga tao niya. “Tigil!” Mabilis na sigaw ni Lillian. Tinanong niya si Sebastian, “Gusto mo bang maging lumpo?” “Iniisip mo ba talagang kaya akong lumpuhin ng mga talunang to?” Singhal ni Sebastian. “Hindi kita maililigtas kapag pinagpatuloy mo to!” reklamo ni Lillian, hindi niya inasahang ganito pala katigas ang ulo ni Sebastian. Ngumisi si Sebastian bago nagsabing, “Hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi ako takot sa mga talunang ito.” “Ang lakas ng loob mo para magpanggap ka pa ring matapang sa huling oras mo, bata. Gusto kong makita kung gaano ka ba talaga katibay kagaya ng sabi mo! Bugbugin niyo siya!” Galit na sigaw ni Fisk. “Sandali, Mr. Fisk. Kakausapin ko siya ulit.” Tumayo si Lillian sa harapan ni Sebastian. Natuwa rito si Sebastian. Pinigilan ni Fisk ang mga tao niya. Kailangan niya pa ring respetuhin si Lillian at hindi galitin ang Smith family, kundi ay magdurusa sila sa magiging kapalit nito. Hinila ni Lillian si Sebastian sa tabi at nagsabing, “Tumutupad sila sa mga sinabi nila, Mr. Wilder. Hindi na talaga kita matutulungan kapag nagpatuloy kang magmatigas.” “Hindi ako nagmamatigas. Hindi lang talaga ako natatakot sa mga lalaking to,” matapat na sabi ni Sebastian. Siya ang Supreme One at kasing lakas ni Hades mismo. Paanong matatakot sa ilang talunan ang isang kagaya niya? “Pwede ba wag ka nang magyabang? Pinakaayaw ko sa mga taong kagaya mo. Wala akong pakialam sa'yo kung hindi lang sa lolo ko,” suminghal si Lillian. “Hindi ako nagyayabang, at hindi mo rin mamagitan rito,” sabi ni Sebastian. “Kung ganun, wag mong pagsisihan ang desisyon mo!” Nagalit si Lillian. Kahit ganun, tinawagan niya ang lolo niya sa halip na umalis. Baka maayos pa ang sitwasyon kapag nagpunta rito mismo si Elijah. Pero naubusan na ng pasensya si Fisk. “Ano pang hinihintay niyong lahat? Atakihin niyo siya!” Sumugod ang lahat ng mga tao ni Fisk kay Sebastian nang sabay-sabay. “Mamatay ka na!” Tumakbo ang isa sa mga lalaki at binalik na sipain ang pagitan ng mga tadyang ni Sebastian. Malalakas at mahuhusay ang mga lalaking ito at binayaran sila ng Cadwell family para magtrabaho para sa kanila. Inisip pa nga ng mga nakikiusyoso ang itsura ni Sebastian na umiiyak sa sakit sa lapag. Wala sa kanila ang naawa sa kanya. Iniisip ng karamihan sa kanila ay nararapat lang sa kanya ito. Si Lillian lang ang naawa para kay Sebastian, pero sa isang segundo lang. Pakiramdam niya rin ay nararapat lang kay Sebastian ang ganitong pangyayari. Isang malamig na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Sebastian habang iniwasan niya ang sipa bago sinampal ang lalaki sa mukha. Sa gulat ng lahat, mabilis na bumagsak ang lalaki sa lakas nito at nawalan ng malay sa lapag. Wala sa kanila ang nag-akalang ganito pala kagaling so Sebastian. Nagulat din ang mga natitirang tauhan, pero nagpasya silang palibutan si Sebastian bago sabay-sabay na umatake. Tumalon si Sebastian nang anim na talampakan sa ere at pinalipad ang mga lalaki habang tumama ng sakong niya sa mga mukha nila. Kaagad na nanahimik ang mga tao habang nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Gulat na gulat din si Lillian. Inisip niyang isang magaling na manggagamot lang si Sebastian. Sinong mag-aakalang magaling din siya sa martial arts? Lumingon si Sebastian kay Fisk at suminghal. “Seryoso ka bang sinusubukan mo kong pabagsakin gamit lang ng mga lalaking to? Walang kwenta.” “Wag kang masyadong magyabang, bata! Papupuntahin ko rito si Mr. Miller ng Shadowtiger ngayon din para bugbugin ka!” “Oo! Dalian mo at papuntahin mo si Mr. Miller para pabagsakin siya!” Sigaw ng nanay ni Tyler na si Daphne Rosewell. “Hindi mo alam na kilala ni Mr. Fisk si Andrew Miller ng Shadowtiger Clan. Si Andrew ang pinakamakapangyarihang tao sa underworld ng Ravenview City.” “Oo. Napakamakapangyarihan ang Shadowtiger Clan at may ilang daang miyembro sila. Narinig kong may koneksyon pa sila sa Supreme Platoon. Kahit ang prestihiyosong pamilya kagaya ng mga Smith ay hindi magtatangkang banggain sila!” Nagpakita ang mga panauhin ng matinding respeto nang nabanggit ang Shadowtiger. Nagbago rin maging ang ekspresyon ni Lillian. Hindi nagtagal ay natawagan ni Fisk si Andrew Miller. “Mr. Miller, ako to, si Fisk Cadwell. May gago ritong nanggulo sa kasal ng anak ko ngayon. Pwede mo ba kaming tulungan? Salamat, maraming salamat.” Mukhang nasabik si Fisk pagkatapos ibaba ang tawag. “Papunta na si Mr. Miller, bata. Wag na wag kang tatakbo!” Nakahanap si Sebastian ng pwesto para maupo. “Hihintayin ko pala siya rito. Pwede mong papuntahin rito kahit ang Diyos mismo, at hindi pa rin ako matatakot!” “Sige. Tignan natin kung paano ka mamamatay mamaya,” singhal ni Fisk habang nakalabas ang mga pangil niya. Galit na galit sina Tyler at Maria. Umuga pa nga ang ilan sa mga ngipin nila mula sa sampal ni Sebastian. Sobrang nakakahiya ito para sa kanila. Tumakbo si Lillian papunta kay Sebastian. “Wag ka lang umupo diyan. Tumakbo ka na! Hindi ka makakatakas pag dumating ang Shadowtiger Clan!” Naantig ang damdamin ni Sebastian. “Hindi ko alam na nag-aalala ka talaga tungkol sa'kin. Hindi talaga ako takot sa Shadowtiger.” Nagkagulo ang mga bisita nang narinig nila ito. “Wala bang hangganan ang batang to? Hindi man lang niya nirerespeto ang Shadowtiger Clan!” “Hambog lang siya. Pusta ko mamaya maihi siya sa pantalon niya pagdating ni Mr. Miller.” Sigurado ang mga panauhin na katapusan na ni Sebastian. Nagalit si Lillian. “Alam ko kaya mong lumaban, Sebastian, pero masyadong maraming tao sa Shadowtiger. Sigurado ka bang kaya mo silang labanan lahat? “At saka marami sa kanila ay mga bihasa sa pakikipaglaban na mas magaling pa kaysa sa'yo. Kailangan mo nang umalis ngayon bago sila makarating sa hotel!” Nakangiting nagsabi si Sebastian, “Alam ko may pakialam ka sa'kin, Lillian, pero hindi mo kailangang mag-alala sa'kin. Hindi ako nag-aalala tungkol sa isang bagay na kasing liit ng Shadowtiger.” “Pwede ba wag ka nang magsinungaling? Hindi ka ba natatakot na mamatay?” Nanginig si Lillian sa galit. Talagang ang tigas ng ulo ni Sebastian!” “Anong nangyayari, Lillian?” Nagmadali si Elijah pagkatapos matanggap ang tawag ni Lillian. Sumama rin ang mga anak niyang sina Ronan, Jamie, at Lucas. “Lolo, Dad, Jamie, sa wakas nandito na kayo!” Mabilis na pinaliwanag ni Lillian ang lahat ng nangyari sa pamilya niya. “Kung ganun, hinukay ni Mr. Wilder ang sarili niyang libingan. Bakit tayo dapat mangialam?” Singhal ni Lucas. “Tama si Lucas. Siya ang may gawa nito sa sarili niya. Pabayaan na lang natin ito,” sabi ni Jamie. Tinitigan nang masama ni Elijah sina Lucas at Jamie. “Iniligtas ni Mr. Wilder ang buhay ko, kaya hindi ko to hahayaang mangyari!” “Iniligtas ka nga niya, pero binayaran rin natin siya ng sampung milyon,” sabi ni Ronan. “Yun lang ba ang halaga ng buhay ko, bata?” sumbat ni Elijah. Kinabahang nagsalita si Ronan, “Syempre hindi, Papa. Nag-aalala lang ako na baka masyadong malakas ang Shadowtiger. Wala rin silang awa. Wala tayong kapangyarihan para banggain sila.” Mukhang kabado si Elijah. Tama si Ronan—hindi nila kayang banggain ang Shadowtiger. Kung kaya't lumapit si Elijah kay Sebastian at nagsabing, “Mr. Wilder, hindi namin kayang labanan ang Shadowtiger Clan. Bakit di na lang tayo umalis sa ngayon?” “Nagpapasalamat ako sa pag-aalala niyo, pero hindi ako aalis ngayon. Gusto kong makita kung anong gagawin ng mga taong to sa'kin,” sagot ni Sebastian. Pagkatapos ay umorder siya ng Supreme Liquor na nagkakahalagang 300 dollars bago ito ininom nang mag-isa. Pipigilan na siya ni Elijah nang nagsabi si Lillian, “Wag ka nang magsayang ng mga salita, Lolo. Sinubukan ko nang pigilan si Mr. Wilder kanina pero walang nangyari.” Bumuntong-hininga si Elijah nang matagal at malakas bago lumapit kay Fisk. “Mr. Fisk, pwede mo bang pag-isipang ayusin ang isyu na'to nang maayos bilang respeto sa'kin?” Mapagpaumanhing nagsabi si Fisk, “Hindi sa hindi kita nirerespeto, Mr. Smith. Masyado lang talagang bastos ang batang to at kailangan niyang maturuan ng leksyong hindi niya makakalimutan.” “Kapag pinalampas mo si Mr. Wilder, handa akong mag-alok sa'yo ng kontrata para sa isang order na nagkakahalagang dalawang bilyong dolyar. Ano sa tingin mo, Mr. Fisk?” pilit ni Elijah. Kaagad na nagdalawang-isip si Fisk. Kikita sila ng ilang bilyon mula sa ganito kalaking kontrata. Magiging malaking dagdag ito sa yaman ng pamilya nila. “Wag mong tanggapin ang alok na yan, Dad. Kung hindi, tayo, kabilang ang mga Lisbon, ay hindi na rerespetuhin rito sa Ravenview City kahit kailan,” sabi ni Tyler. Tumango si Fisk. “Tama ang anak ko. Pasensya na, Mr. Smith.” “Nandito na si Mr. Miller ng Shadowtiger!” Kaagad na lumingon sa pintuan ang lahat at nanood habang isang pila ng lalaki ang pumasok. Isang medyo may edad na lalaki ang nasa unahan. Naglabas siya ng dominanteng ere kahit na hindi siya ang mukhang pinakamalakas sa grupong iyon. “Mr. Miller!” Masayang bati ni Fisk at lumapit para salubungin si Andrew.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.