Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 17

Napakalakas ng boses ni Scott. Ang lahat sa private room ay narinig ang sinabi niya. Ang mga taong may sama ng loob kay Diana ay nagtawanan. Lalo na si Alice. Malinaw na nagyayabang siya. “Wala kang karapatan magsalita kung nararapat ako o hindi.” Pagkatapos, inilabas ni Yolanda ang acceptance letter na ibinigay ni Harvey sa kanya mula sa bulsa ng jacket niya at inihampas niya sa lamesa. “Ano iyan?” Ang mga kamag-anak ay hindi makapaniwala. “Isang acceptance letter?” Nakilala agad ni Scott na ang inilabas ni Yolanda ay ang acceptance letter ng First Academy Noong marinig iyon, si Diana at Yvonne ay tumingin kay Yolanda, tulala sila. Paano ito nangyari? Paanong nagkaroon ng acceptance letter si Yolana ng First Academy? “Imposible ito! Paano ka nagkaroon ng acceptance letter ng First Academy? Peke siguro ito!” sigaw ni Scott. Kahit na hindi siya makahanap ng mali sa acceptance letter, ayaw niyang maniwala na tunay ito. Kaya, isal ang ang posibilidad---peke ito! Noong marinig ito ng lahat, nahimasmasan sila. Tama! Peke ang acceptance letter. Dahil hindi gusto ni Yolanda na mapahiya, gumawa siya ng pekeng acceptance letter para sa kanyang dignidad sa birthday party. “Ang bobo mo.” Natawa si Scott at kinuha ang acceptance letter habang ipinakita ito sa lahat. “Kung gagawa ka ng acceptance letter ng pangkaraniwang school, maniniwala kami sa iyo. Pero gumawa ka ng pekeng acceptance letter ng First Academy. Sinong maniniwala sa basurang tulad mo na nakapasok ka sa First Academy?” Matapos iyon sabihin ni Scott, pinagtawanan ng lahat si Yolanda. Namutla si Diana. Matapos harapin ang pamamahiya ng mga kamag-anak niya, gusto niyang maghukay ng lupa at ibaon ang sarili niya. Samantala, nakangiti si Yvonne. Noong una, ang akala niya gumaling na si Yolanda at makakahanap ng pagkakataon na ungusan siya. Pero base sa kasalukuyang sitwasyon, mukhang wala na siyang kailangan gawin. Si Yolanda, na nakalabas ng juvenile detention center, ay tanga bago nakapasok ng center. “Philip, tignan mo ang acceptance letter. Peke ito, tama?” Sadyang inabot ni Scott ang acceptance letter kay Philip. Dahil guro si Philip sa First Academy, makikita niya kung peke ito. “Siyempre peke ito!” Dahil minamaliit ni Philip si Yolanda noon, bago niya tinignan ang acceptance letter, inisip na niya agad na peke ito. Ngunit, para ipakita ang awtoridad niya sa lahatm kinuha niya ang acceptance letter para maghanap ng mali dito. “Tignan ninyo ang seal…” Para sa pinekeng acceptance letter, ang pinakamadaling paraan para makita na peke ito ay ang pagtingin sa seal. Gayunpaman, matapos suriin ang seal, walang masabi si Philip dahil sobrang natulala siya at hindi makapagslaita. Tunay ang seal! Ito ay seal na kay Harvey lamang nanggagaling. Hindi alam ng mga outsider kung anong nirerepresenta ng seal pero alam ito ng husto si Philip. Ang pangkaraniwang acceptance letter ay may seal ng academy, pero kapag si Harvey ang naglagay ng stamp niya, ibig sabihin pinahahalagahan ang estudyante ng academy at prioridad para sa cultivation. Kasabay nito, sa oras na pumasok ang estudyante sa academy, diretso na sila sa pinakamagandang klase. Para sa high school entrance exam sa Riverdale City, ang mga estudyanteng nasa top ten at pinili na mag-aral sa First Academy ay magkakaroon ng seal ni Harvey sa acceptance letter nila. “So, peke ito?” Hindi napansin ni Scott ang pagbabago ng ekspresyon ni Philip at patuloy na nagtanong pa. “Tunay ang seal…” naiilang na sinabi ni Philip. Sa isang iglap, pakiramdam ni Scott ay sinampal siya ng hindi nakikitang kamay. Ang ibang mga relatives ay nanigas on the spot din. Paano ito nangyari? Paanong ang isang problemang estudyante na hindi nakagraduate ng junior high at nakapasok sa juvenile detention center ay nakakuha ng acceptance letter ng First Academy? “Philip, tignan mo ito ulit. Baka mali ang nakita mo,” sambit ni Scott, umaasa na may maliit na tiyansa pa na peke ito. Walang duda na nakakailang ang posisyon ni Scott dahil sa sagot ni Philip. Siya nga naman ang unang taon na nagsabing pineke ni Yolanda ang acceptance letter. Anong gagawin niya ngayon? “Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero tunay ang acceptance letter.” Nahiya din si Philip. Pinuna nga naman niya si Yolanda na pangit ang grado niya sa pag-aaral kanina. Sinong mag-aakala na masasampal siya agad sa mukha gamit ang acceptance letter ng FIrst Academy? “Yolanda, ninakaw mo ba ang acceptance letter ng ibang estudyante at ipinalit ang pangalan mo?” bigla, maririnig ang masunurin at nag-aalalang boses ni Yvonne. Bago pa makapagreact ang lahat, ibinuka niya ang bibig niya at lumapit kay Yolanda. Mahinhin niyang sinabi, “Yolanda, alam mo ba na illegal itong gawin? Maaari ka pabalik ng First Academy sa juvenile detention center! “Okay lang kung hindi ka makapasok sa First Academy. Naniniwala kami ni Ina na magbabago ka. Pero hindi ka puwede magnakaw ng acceptance letter. Talagang nagkamali ka! “Yolanda, nandito ang mga kamag-anak natin. Kung hihingi ka ng tawad sa kanila, papatawarin ka nila. Pero kailangan mo tandaan na huwag itong ulitin sa hinaharap.” Napagtanto ng lahat na ninakaw ang acceptance letter dahil sa sinabi ni Yvonne. Hindi ito peke. Kaya, may sense na ang lahat. Ang seal sa acceptance letter ay hindi mapepeke, pero ang acceptance letter ng First Academy ay hardcover. Napakakapal ng papel nito. Sa name section, kung bibili ang isang tao ng stationery na nakakabura ng salita, mapepeke ito. Matapos iyon marinig, suminghal si Scott at sinabi, “Nagkataon na ninakaw mo pala ang acceptance letter ng ibang estudyante. Walang hiya ka! “May kasabihan na ang leopard ay hindi nababago ang mga tuldok sa katawan niya pero hindi ko inaasahan na ganoon pa din ang ugali mo noong bata ka pa. Sa tingin ko dapat nanatili ka na lang sa juvenile detention center hanggang sa namatay ka!” Matapos iyon makita, pinuna si Yolanda ng mga malalayong kamag-anak ng pamilya Henderson. “Ang bata mo pa, pero nagnakaw ka ng acceptance letter. Hindi ka ba magnanakaw sa bangko pagtanda mo?” “Kung ako ang nanay niya, mas pipiliin ko na hindi siya maging anak ko…” “Diba? Napakalaking kahihiyan!” … “Yolanda, ninakaw mo ba ang acceptance letter na ito?” madilim ang ekspresyon ni Diana habang palapit kay Yolanda. Kahit na nagtatanong siya, ang ekspresyon niya ay ipinapakitang may sagot na siya. “Hindi ko ninakaw ang acceptance letter. Bukod pa doon, walang bakas ng pagbabago sa name section. Kung titignan mo ito ng mabuti, mapapansin mo ito,” sagot ni Yolanda. Noong narinig iyon ni Diana, kinuha niya ang acceptance letter sa kamay ni Scott. Sa name section kung saan nakasulat ang Yolanda Henderson, walang malinaw na bakas ng pagbabago. “Diana, huwag ka magpaloko. Ang isang bote ng cheat tool na nabibili online ay kayang burahin ang lahat ng bakas. Bukod pa doon, sa tingin mo ba makakakuha si Yolanda ng acceptance letter ng First Academy? “Kung naniniwala ka talaga, hindi mo sana dinala ang regalong ito para kay Philip at hingin ang tulong niya.” Ang mga tao nila ay sumangayon sa bawat salita ni Scott at nagalit si Diana. Itinaas niya ang kanyang kamay at gustong sampalin si Yolanda. Ngunit, bumukas bigla ang pinto ng private room. Noong nakita ni Diana kung sino ang pumasok, nanigas ang kamay niyasa ere. “Ang pamilya Henderson ba ay may birthday party dito?” isang middle-aged na lalake ang pumasok sa private room. “Mr. Coleman? Bakit ka naparito?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.