Kabanata 6
Dumating sa bahay si Nelson pasado hating gabi. Ang mga bagahe niyang dala ay hindi nagalaw sa isang sulok ng living room. Naisip niya si Sabrina.
Sa nakaraang tatlong taon, lagi niyang binabati si Nelson habang nakangiti kapag umuuwi siya galing abroad. Petite siya at laging humihinga ng malalim habang binubuhat ang mga mabibigat niyang bagahe sa second floor.
Halong saya at hiya ang nararamdaman niya sa tuwing tumitingin siya sa kanya, kontra ito sa trato niya ngayon sa lakad nila.
Sinuri niya ang mga missed calls sa kanyang phone—ang karamihan ay mula kay Ronaldo. Hindi siya tinawagan ni Sabrina kahit isang beses.
Tinawagan niya si Ronaldo. Natagalan si Ronaldo bago suamgot. “Nel, magtatrabaho ako ng overtime.”
“Nagtatrabaho ka ng overtime kasama si Sabrina?” hindi makapaniwala si Nelson na magtatrabaho sila kahit na gabi na dahil sa problema sa factory, dahil madali lang solusyunan ang mga problemang ganoon.
“Oo. Nasa industrial park ako.”
Sumimangot si Nelson at nagreklamo, “Bakit ang tagal bago masolusyunan ang problema? Hindi ba marunong si Sabrina?”
Kahit si Ronaldo at naisip na hindi tama ang pamumuna niya kay Sabrina. “Well, ang manufacturer ang nagkamali, kaya pina reprint namin ang package. Kung mangyayari ang pinakamasamang sitwasyon, mag-iiba na lang kami ng manufacturer.
“Planado ito, para isabotage tayo at pigilan ang pag-export ng unang order. Mababaliw na sana kami kung hindi dahil sa pamumuno ni Sabrina.”
Kada taon ,a nag Slitton ay nag-eexport ng dalawang bilyong dolyar na halaga ng traditional preserved foods mula sa Javerston at Koranthia. Sa taong ito, ang isa sa mga kumpanya ng Tucker Group ay nanalo para sa isang bilyong dolyar na order.
Ngayon, ang kumpanya ay kailangan na mag-export ng first batch ng mga order nito. Pero, isang daang libong mga packets ng preserved fruits ang nabigong na umabot sa standards. Nawawala ang designer, at ang manufacturer ay isinisisi ang responsibilidad sa iba.
Dahilang ibang mga kumpanya ay walang sapat na materyales para likhain ang mga packages sa maikling panahon, ang exporting company ay walang paraan para palitan ang maling packaging.
Noong dumating si Nelson sa industrial park, agad na nagreklamo si Ronaldo sa kanya, “Nel, naiimagine mo ba ito? Ang lahat ng trabahador sa industrial park ay nag-oovertime para lagyan ng mga label ang daang libong mga piraso ng packaging. Hindi pa ako dumaranas ng ganitong torture buong buhay ko!”
Naghanap si Nelson kung saan-saan, nakasarado ang bibig niya. Sawakas, nakita niya si Sabrina, na nagbihis mula sa kanyang protective gear.
Nakatayo siya sa pinto ng maliwanag na kuwarto sa malayo, ang mukha niya ay kita sa liwanag. Nakita siya ni Nelson mula sa malayo.
Maganda ang jawline niya, at ang mukha niya ay makinis. Malamig ang gabi kaya balot si Sabrina ng grey wool blanket, pero nagagawa niyang magmukhang maganda.
Kausap niya ang general manager. Ang lalake na nasa kuwarenta na ang edad ay matangkad, pero buo ang pag galang niya sa babae.
“Nel, nakarating lang si Sabrina sa kinalalagyan niya dahil sa tulong ni Jackson at Shannon. Hindi ba?” biro ni Ronaldo, ipinapaalala kay Nelson ang kawalan niya ng alam at maling panghuhusga kay Sabrina.
…
Nilampasan ni Sabrina si Nelson, nagkunwaring hindi siya nakita. Hindi siya umaarte. Matapos manatiling gising buong gabi, pagod na pagod na siya.
“Mali ang panghuhusga ko ngayon. Pasensiya na,” sambit niya.
Nabigla siya sa hindi inaasahan niyang paghingi ng tawad, tumagilid ang ulo ni Sabrina at tinitigan siya.
“Narinig ko mula kay Ronaldo ang mga effort mo ngayon. Iniligtas mo ang kumpanya mula sa trahedya.”
Ang pagpiprint ng mga label ng manual at pagdidikit sa mga package ng mano-mano ay matrabahong paraan, pero ito lang ang solusyon na gagana.
Ipinakita niya ang karunungan niya sa pagreresolba ng problema sa pananatiling kalmado at mabilis na pagdedesisyon.
Sa unang pagkakataon, inacknowledge niya at pinuri si Sabrina, napalitan ang karaniwang panlalait. Nasamid siya at napagtanto na nakita niya sawakas ang mahinhin niyang side sa gabi ng kanilang paghihiwalay.
Umiwas siya ng tingin at bumulong, “Trabaho ko ito. Hindi ako sumasahod ng walang ginagawa.”
Natahimik sila. Pinanood ni Nelson ang lamig ng malamig na hanging ng gabi na pinasayaw ang mga hibla ng buhok ni Sabrina. Nilamig siya at nagkumot.
Idinagdag niya, “Hindi kita kilala ng buo, pero alam ko na magaling kang tao dahil mahal ka ng mga magulang ko.
“Pero may iba akong mahal na babae. Nangako ako sa kanya na pakakasalan ko siya at hindi ako aatras sa pangako ko. Poprotektahan kita bilang kapatid kung magkakaroon ka ng problema.”
Tumayo siya sa hangin. Naamoy ni Sabrina ang amoy ni Pamela mula sa hangin, kung saan nakaramdam siya ng sakit na tila tinutusok siya sa puso.
Maluha-luha siya at humihikbing sinabi, “Ang hiling ko… ay maging masaya kayo ni Pamela.”