Kabanata 4
Umiyak bigla si Shannon. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw kilalanin ni Nelson ang tulong ni Simon Wyatt.
Hindi gusto ni Sabrina na sisihin siya ni Nelson para sa kasalukuyang gulo. Niyakap niya si Shannon at pinagaan ang loob niya. May binulong siya sa tenga ni Shannon, dahilan para tumawa siya at mabawasan ang tensyon sa kuwarto.
Hindi mapigilan ni Nelson na sulyapan si Sabrina, na nakasuot ng grey pantsuit na may itim na cardigan.
Mukha siyang nakakasilaw sa maganda at kakaiba niyang dating. Ang ngiti niya ay nakadagdag sa nakakatullaa niyang ganda.
Naging madiin ang mga mata niya at umiwas siya ng tingin.
Matapos nilang bumaba ng hagdan, kalmadong sinabi ni Sabrina sa kanya na hindi sila dapat nagpakasal tatlong taon na ang nakararaan. Mukhang sinsero siya sa kalmadong itsura ng mga mata niya.
Napaisip siya, “So, seryoso siya sa paghihiwalay?”
Matapos maramdaman ang mga mata niya, tinignan siya ni Sabrina sa mga mata ng kalmado. Hindi tulad dati, hindi siya nahihiya o namumula.
Si Shannon, na nagustuhan si Sabrina, ay hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “Pagkatapos ng paghihiwalay, bakit hindi kita maging anak ko? Hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo ng pamilya mo.”
Sumangayon si Jackson kay Shannon, hinihiling pa si Sabrina kung anong gusto niya mula sa paghihiwalay.
Nabigla siya sa ideya ng mga biyenan niya, natahimik si Sabrina sa hiya. Mabuti na lang, ang assistant niya ay tumawag sa kanya, ipinaalam na may sitwasyong naganap sa kumpanya.
“Jackson, Shannon, may mga kumplikasyon sa factory. Kailangan ko itong tignan.”
Ang factory?
“Hindi ba’t ang factory ay nasa liblib sa malayo?” aabutin si Sabrina ang dalawang oras para dumating sa factory.
Inudyok ni Shannon si Nelson, “Walang driver si Brina. Bilang kapatid niya, dapat mo siyang ihatid sa factory.”
Habang nakaupo sa couch, idiniretso ni Nelson ang mga binti niya. Hindi siya kumontra kay Shannon, pero batid ng kahit na sino na kontra siya sa ideya base sa kanyang kilos.
Ngunit, hindi nabagabag si Sabrina sa kawalan niya ng pakielam. Maghihiwalay na nga naman na sila.
“Hindi ito malaking bagay. Ako na ang bahala.” Pagkatapos, nagpalaam na siya kay Shannon.
Sinipa ni Shannon ang anak niya at binalaan siya, “Nelson Tucker, kung hindi ka aayos ng ugali, palalayasin kita sa pamilya at doon ka tumira kasama ng kabit mo! Ang pag ampon namin kay Sabrina ay ang pinakamaliit na bagay na puwede naming gawin.”
Nilapitan ni Nelson si Sabrina habang isinusuot ang kanyang coat sa entrance. May dala siyang jacket sa mga bisig niya.
Sa nakaraan, matutuwa na siya ng husto kung magkukumpormiso siya para sa kanya. Ngayon, wala ng silbi ang mga kilos niya para kay Sabrina.
Tumanggi siyang umalis ng kasama siya, pero kailangan niya ng driver. Walang alinlangan niyang iniabot ang susi ng sasakyan sa kanya.
Pumasok sila sa sasakyan ng hindi nag-uusap, tulad ng una silang dumating sa Tucker manor.
Ginugol ni Sabrina ang dalawang oras niyang biyahe sa pakikipagusap sa phone tungkol sa trabaho ng walang pahinga.
Pasulyap-sulyap si Nelson sa kanya. May ilang mga hibla ng buhok sa sentido ni Sabrina. Mula sa angulo niya, humahanga siya sa diretso niyang ilong at mapulang mga labi.
Noong dumating sila sa kanilang destinasyon, bababa na sana si Sabrina ng may ideyang sumagi sa isip niya. Inilagay niya ang kamay niya sa kanyang phone at tinawag siya, “Hoy, salamat. Tandaan mo na ibigay mo sa akin ang brooch, kuyang pinakamamahal!”
Suminghal si Nelson habang maasim ang itsura. Siguradong nagbago agad ang ugali ni Sabrina ng ganoon na lang. Naupo si Nelson sa sasakyan habang pinapanood ang dumadating tao sa paligid ni Sabrina. Pagkatapos, nagsindi siya ng sigarilyo at ipinadala ang geolocation niya kay Ronaldo Bailey.
Gusto niyang sunduin siya ni Ronaldo mula sa pinuntahan nila dahil ayaw niyang hintayin si Sabrina.
Hindi nagtagal, nakatanggap si Nelson ng voice message mula kay Ronaldo. “Nelson, totoo ba na ang asawa mo ay kapatid mo na ngayon?”
“Sinong may sabi sa iyo?” malamig ang tono ni Nelson.
“Sinabi sa akin ni Shannon! Iniisip niya na maghost ng blind date party para kay Sabrina sa manor ngayon Sabado, at sinabihan niya ako na ipakilala siya sa mga maaasahan at guwapong mga manliligaw. Nelson, hindi mo ba naisip na sayang dahil hindi mo ikinama ang magandang tulad ni Sabrina?”
Galit si Nelson na nagsalita. “At paano mo naman iyon nalaman?”
Sumagot si Ronaldo, “Sinabi sa akin ni Shannon. Hindi ka ba nag-iisp, ginawa mong kapatid ang maganda mong asawa?” Ang lahat sa grupo natin ay nagkakalat ng hinihinalang problema mo sa kama. Ano pa nga ba ang maaaring dahilan para tanggihan mo ang maganda mong asawa?”
Ibinaba ni Nelson ang tawag at bumuntong hininga siya.
…
Dumating sawakas si Ronaldo makalipas ang dalawang oras. Gusto matulog ni Nelson sa sasakyan, pero nakakaistorbo ang dami ng mga taong dumadaan sa industrial park.
Inobserbahan ni Ronaldo ang naiinis na si Nelson at napaisip ng malalim. Pagkatapos, nagsalita siya, “Nelson, narinig ng mga tao sa circle natin ang tungkol sa iskandalo ng kumpanya ni Sabrina, at sabik silang magmukha siyang katawa-tawa. Malaking bagay ito. Aalis ba tayo dito ng ganoon na lang?”
Iminulat ni Nelson ang mga mata niya habang nakaupo siya sa passenger seat sa harap. Malamig siyang sumagot, “Sinasabi mo ba sa akin na tulungan siya?”
“Ang factory ay technically pagmamayari ng Tucker Group. Bukod pa doon, si Sabrina ngayon ay… kapatid mo na. Hindi ba dapat tulugnan mo siya?”