Kabanata 14
Ang malamig na dating ng boses ni Nelson ay kontra sa init ng hininga niya na kumiliti sa leeg ni Sabrina. Nanginig siya.
Nahihirapan siya at naiilang sa kanyang buhok, malinaw na hindi sanay sa ganitong gawain. Nadistract si Sabrina sa init ng dibdib niya, na halos nakadikit sa likod niya.
Bumutong hininga siya at inalis ang gloves niya, na madikit dahil sa glutinous rice. “Ako na ang gagawa nito.”
Sumulyap siya mula sa namumula niyang leeg. “Bakit? Hindi ka sanay na mabait ang pagtrato sa iyo?”
Tumitig siya sa kanyang mga mata. “Hindi naman. Huwag ka na lang lalampas sa hangganan mo sa sa susunod.”
Sumuko na si Sabrina sa kanya. Kaya, hindi na siya nakikipaglandian o sumosobra.
Nainis si Nelson. Natahimik siya pero hindi siya makaiwas ng tingin.
Samantala, abala siya sa paglagay ng glutinous rice sa babasagin na mga garapon. Ang mga piraso ng liwanag na tumatama sa mukha niya ay lalong nagpaganda sa kanya.
“Sabrina, tutulungan kita. Gusto ko matuto.” Sumilip si Gerald sa kusina.
“Sige.”
Naglakad palayo si Nelson, pero naririnig pa din niya na nag-uusap sila. Inutusan ni Sabrina si Gerald na diinan ang glutinous rice sa mga garapon, magbutas ng mga takip at ilagay sila sa istante para sa fermentation.
Sinabi pa niya kay Gerlad na ang batch ng tangerine na gawa sa sinwe sa mga panahong ito ay mas masarap sa bagong taon.
Napansin ni Justin na mukhang distracted si Nelson ng bumalik siya sa hall. Pero, hindi siya naawa sa kanyang kaibigan. “Astig. Papanoorin mo ba si Gerald at asawa mo na maging kumportable sa isa’t isa?”
“Gumagawa sila ng tangerine wine.”
“Ooh! Sabihin mo kay Sabrina na magtago ng dalawang bote para sa akin. Hindi sapat ang isa lang!” matapos iyon marinig, agad na tumakbo si Ronaldo apunta sa kusina.
Sumigaw si Justin sa kanya mula sa likod, “Dalawang kahon ng tangerine candies para sa akin!”
Humigop si Nelson ng mapait sa wine niya. Naisip niya na gumagawa si Sabrina ng tangerine cake, pero nagkataon na may alak na tangerine candies pala.
Noon, lagi siyang naglalagay ng lutong bahay na pagkain sa mga bagahe niya kapag uuwi siya ng Bagong Taon, pero hindi niya ito dinadala abroad para tikman.
Lingid sa kaalaman niya na ang pagkaing isinasawalangbahala niya ay mataas ang demand.
…
Masaya ang party sa Tucker manor, habang nag-uusap ang mga bisitang maayos ang pananamit, nagpapalitan sila ng toast.
Ang party ay nauwi sa pagiging welcome home party ni Nelson dahil sa sadyang kawalan ni Sabrina sa buong gabi.
Maraming nainom si Nelson. Bumalik siya sa main house ng 10:30 pm. Inalis niya ang necktie niya, naupo siya ng tinatamad sa couch. Isang plato ng alcoholic tangerine candies ang nasa lamesa, mukha silang masara.
Tumikim siya ng isang piraso. Masarap ito at mabango, matamis pero hindi sobra.
Nadiskubre niya sawakas ang abilidad niya sa pagluluto. Kung hindi nagpakita si Pamela sa buhay niya, hindi niya sana iiwasan ng ganito si Sabrina.
Ganito talaga ang buhay. Ang timing ng presensiya ng isang tao ay mahalga, at huli na ng magpakita si Sabrina.
Isinantabi niya ang mga candy at pumunta sa kuwarto niya. Nakarinig siya ng katok sa pinto matapos maligo. Si Bridget Mitchell, na katulong ay nakatayo sa pinto na may dalang baso ng honey water.
Sinabi ni Bridget, “Inihanda ni Ms. Wyatt ang inuming ito dahil masyado kang maraming nainom na alak. Makakatulong ito sa hangover mo bukas.”
Nagulat si Nelson, at nagtanong, “Gising pa siya?”
“Oo. Gusto mo ba kunin ang inumin?”
Habang nakatitig ng matagal sa baso ng honey water, tinanggap niya ito sawakas. Hindi niya gusto na tanggihan ang kabaitan niya, lalo na at sumangayon silang maghiwalay.
…
Nagising si Sabrina sa tulog niya ng makarinig ng katok sa pinto. Nagising siya at bumangon, nakita niya is Bridget sa labas ng pinto niya. “Anong problema?”
“Hinahanap ka ni Mr. Tucker.”
Mabigat ang mga mata ni Sabrina sa antok. “Bakit niya ako hinahanap ng ganitong oras?”
“Sa tingin ko may mahalaga siyang pag-uusapan.”
Kahit na mukhang okay si Sabrina sa kanyang pantulog, naglagay pa din siya ng shawl sa baliakt niya para maayos.
Pumunta siya sa third floor at naguluhan ng makitang sarado ang pinto ni Nelson. Naisip niya, “Hindi ba niya ako hinahanap?”
Mahinhin siyang kumatok sa pinto, pero walang sumagot. Dahil ayaw niyang aksidenteng pumasok tulad noong huli, kumatok siya muli. “Nelson, nandyan ka ba?”
Binuksan sawakas ni Nelson ang pinto, tila baliw ang dating ng mga mata niya at nakakabutas.
Naramdaman ni Sabrina na may mali, pero kinaladkad siya papasok sa kuwarto bago pa siya makatakas.