Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Sa Hilagang-Kanluran… Humupa na ang digmaan sa pagitan ng Nine Provinces. Bantay-sarado ang mga gusali. Ang bawat isa sa pambihirang mga gusali na ito ay nagdudulot ng takot sa mga kalaban. Sa sandaling iyon, sa loob ng isa sa malalaking gusali, inusisa ng pinuno ang isang binata. Sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Talaga bang nagbabalak kang bumalik sa Middle Province? Gusto mo munang ilihim ang posisyon mo bilang Supreme Warrior?" Bilang pinuno, tumingin ang matanda sa mga mata ng binata. Makikita ang respeto sa kanyang mga mata. Nasa likod ng binata ang mga bagong talagang Nine Great Gods of War. Tunay na kahanga-hanga ang Nine Great Gods of War. Sa loob lamang ng limang taon, malaki na ang naging kontribusyon nila. Nagdudulot sila ng matinding takot sa kanilang mga kalaban. Ang Nine Great Gods of War ay opisyal na binansagang mga Diyos ng Digmaan. Tinatamasa nila ang walang kapantay na kapangyarihan at karangyaan, at nalalapit na ang kanilang pagbabalik sa Nine Provinces. Ang bawat isa sa kanila ay may pamumunuang probinsya. Dito, sila ang pinakamakapangyarihan. Subalit, sa sandaling iyon, tahimik na nakatayo sa likod ng binata ang Nine Great Gods of War. Si Fane Wood, ang pinagkalooban ng Daxia ng titulo ng Supreme Warrior. Higit siyang mas nakakataas sa mga Diyos ng Digmaan. Siya ang pinakamakapangyarihan. Nagulantang ang Daxia. Noong una, plano ng midya na ibunyag ang katauhan ng Nine Great Gods of War kasabay ng Supreme Warrior. Ngunit, sa di malamang kadahilanan, tanging ang katauhan lamang ng Nine Great Gods of War ang ibinunyag nila. Naging isang misteryo ang katauhan ng Supreme Warrior. “Hmmm... Kamusta na kaya si Selena ngayon? Tutal maayos naman na ang lahat dito, hindi na nila ako kailangan!” Sa wakas ay napangiti rin ang lalaki. Si Selena ay ang kanyang asawa. “Master, maaari ba kaming sumama sa’yo upang makita ang asawa ng aming master?” Ang tanong ni Abner Young, na isa sa Nine Great Gods of War. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila na ang Nine Great Gods of War na nasa likuran ni Fane, ay mga disipulo niya?! “Saka na natin pag-usapan ‘yan!” Bumuntong hininga si Fane, tila malalim ang kanyang iniisip. Limang taon na ang nakalipas mula noong umatake ang mga kalaban. Nakaranas ng matinding pinsala ang Daxia at maraming mandirigma ang kanilang kinuha mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang lumaban. Ang pamilya ng mga Taylor, na mula sa Middle Province, ay naipit sa isang kautusan, na nagtulak sa kanila na ipalista bilang mandirigma ang isa sa nakababatang miyembro ng kanilang pamilya upang magsilbing halimbawa sa lungsod ng Middle Province. Si Old Master Taylor ay matanda na, kailangang mamuno ni Master Taylor, at tanging si Young Master Taylor lamang ang nabibilang sa nakababatang henerasyon. Siya ang nag-iisang tagapagmanang lalaki. Hindi sang-ayon si Old Master Taylor na lumaban ang nag-iisa niyang apo na lalaki dahil sa takot na hindi na madugtungan pa ang kanilang angkan. Subalit… Hindi maaaring tumanggi ang pamilyang Taylor sa kautusang ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumulpot ang delivery boy na si Fane. Biglang may naisip si Old Master Taylor at ginawa niyang miyembro ng kanilang pamilya si Fane sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang pekeng kasal sa pagitan ni Fane at ng ikalawang anak na babae ng pamilyang Taylor. Dahil dito, ipinadala si Fane bilang kapalit ni Young Master Taylor sa digmaan at bilang miyembro ng pamilyang Taylor. Syempre, may sarili ring mga kundisyon si Fane. Ito ay ang pagbabayad sa kanya ni Old Master Taylor ng isang milyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Agad-agad na ipinakasal sa delivery boy, na si Fane, ang ikalawang anak na babae ng pamilyang Taylor. Dahil sa kasal na ito, naging isang malaking katatawanan si Selena Taylor. Sa gabi ng kasal, si Selena mismo ang nang-akit kay Fane at nagsimula ng pakikipagtalik matapos siyang malasing ng husto. Kinabukasan, iniyakan ni Selena ang lahat nang nangyari. Noong araw din na ‘yon, sumali sa hukbo si Fane. Limang taon silang nagkahiwalay. Sa loob ng limang taon, ilang ulit na nanganib ang buhay ni Fane. Subalit, nagawa niyang malampasan ang lahat ng kanyang paghihirap dahil naisip niya na hinihintay siya ni Selena. Sa loob ng limang taon, mula sa pagiging bastardo ng pamilyang Taylor, naging isa siyang pambihira at iginagalang na indibidwal. “Huwag kang mag-alala Selena, sisiguraduhin kong gagampanan ko ang responsibilidad ko sa’yo!” Kinuyom ni Fane ang kanyang mga kamao. Nakaramdam siya ng pagkagalak at pananabik dahil malapit na silang magkita muli ni Selena. … Paglipas ng apat na araw, lumapag ang isang private plane sa Middle Province International Airport. “Ang Middle Province! Nakaka-miss ang lugar na ‘to!” Sa muling pagbabalik ni Fane sa lugar na ito, bahagya siyang napangiti. Tumingin si Fane kay Lana Zechs at marahang nagsalita. “Mula noong lisanin ko ang labanan sa Hilagang-kanluran, hindi na ako ang Supreme Warrior. Mula ngayon, maaari niyo akong brother!” “Masusunod, mas—Brother Fane!” Tumango si Lana. Siya ay naatasang mamahala sa Middle Province kung saan siya mananatili. Masaya siya na kasama niya ang kanyang master sa pagbalik niya dito. Isang agaw pansin na Rolls-Royce Phantom, na may plakang A99999, ang nakaparada sa labasan ng paliparan. May isang bodyguard na nakasuot ng sunglasses ang marahang nagbukas ng pinto ng kotse kasabay ng paglabas ng isang lalaki. Siguradong maglalaglagan ang mga panga ng mga tao kapag nalaman nila na ang taong ito ay si Mason Drake, ang pinakamayamang tao sa Middle Province. Siguradong hindi pangkaraniwan ang taong nagawang pilitin si Mason na personal siyang sunduin sa paliparan. “Magiging sulit ang araw na ‘to kapag nakita ko ang mukha ng Queen of Hell!” Ang pagtangis ni Mason. Alam niya kung ano ang sinisimbolo ng isang Diyos ng Digmaan. Lumapit sa kanya ang isang lalaki at babae pagkatapos niyang magsalita. “Nandito na ang Diyosa ng digmaan, ang Queen of Hell, si Lana Zechs!” ang magalang na pagsigaw ng isa sa mga bodyguard noong makita niya sila. “Tara na!” Inayos ni Mason ang kanyang damit. Sa unang pagkakataon, dahan-dahan siyang lumapit kay Lana. “Ako si Mason Drake, ng pamilyang Drake na mula sa Middle Province, ikinalulugod namin ang pagbabalik ng Diyosa ng Digmaan! Inihanda na namin ang War God’s Residence para sa’yo. Ito ang isang black card. Sana ay magustuhan ito ng Diyosa ng Digmaan!” Pinangunahan ni Mason ang kanyang mga tauhan palapit kay Lana, at yumuko siya habang iniaabot ang black card kay Lana. Subalit, sumimangot si Lana at mahinahong nagsalita, “Mahusay ang pagkalap mo ng impormasyon. Gaya ng inaasahan sa pinakamayamang tao sa Middle Province!” Pagkatapos nito, tumingin siya sa black card at tinawanan ito. “Dahil naglaan kayo ng lugar kung saan ako maaaring manirahan, tatanggapin ko iyon. Para naman sa card na ‘to, saýo na yan!” “Masusunod!” Pinunasan ni Mason ang malamig niyang pawis bago niya iangat ang kanyang ulo at pagkatapos ay itinabi niya ang black card. “Ikaw ay?” Ang tanong ni Mason habang nakatingin kay Fane. “Magkakilala lang kami na sabay na sumapi sa hukbo.” “Nagkataon lang na pabalik din ako sa Middle Province at sinamahan ko lang siya! Mauna na kayo. Sasakay na lang ako ng taxi!” Ngumiti si Fane at tumingin kay Lana. “Usap na lang tayo sa phone!” “Sige!” Ang sagot ni Lana. Kinabahan si Mason noong marinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Iyon ang pribadong eroplano ng mga Diyos ng Digmaan. Para sumabay ang taong ito sa Queen of Hell, siguradong espesyal ang taong ito. Higit pa dito, nakita niyang puno ng paggalang ang pagtingin ni Lana sa taong ito. Di nagtagal, pumarada ang isang taxi sa gate ng isang villa. Dito nakatira ang pamilyang Taylor! Hindi mapigilan ni Fane na mapangiwi habang tinitingnan niya ang gate ng villa dahil sa mga paghihirap na kanyang naranasan. Noon, kung hindi dahil sa pagbabanta ni Old Master Taylor sa sarili niyang buhay, hindi sana siya pakakasalan ni Selena. Dahil din sa kawalan ng pagpapahalaga ng pamilyang Taylor sa kanyang kasal kaya nadismaya si Selena. Ito ang nagtulak sa kanya na magpakalasing at magkaroon ng relasyon sa isang hamak na delivery boy na gaya ni Fane. Kahit na peke ang kanilang kasal, nakuha ni Fane ang kanyang puri. Bago siya umalis, sinabi sa kanya ni Selena na hihintayin niya ang kanyang pagbabalik. Sumaya ng husto si Fane dahil dito. Sa sandaling iyon, sa wakas ay nakabalik na si Fane! —
Previous Chapter
1/2505Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.