Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

"Marangal? Hehe, kung hindi sana ganyan ang suot mo, baka naniwala pa 'ko!" Ngumisi si Cecilia at sinabing, "May ilang damit sa loob niyan. Sa tingin ko, kay Selena yung iba dyan, tama ba? Hula ko nasa sampung libo ang halaga ng lahat ng yan!" Nagkomento si Cecilia habang kinakalkal niya ang laman ng bag. Bigla niyang nakita ang isang damit at nilabas ito sa bag. "Imposible. L-l-limited edition to! Higit pa sa isang daang libo yun presyo nito! Ito yung pinakabagong model sa brand na to!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family sa kanilang narinig. Hindi naman sa di nila kayang bilhin yung damit na yun, pero nakakapagtaka na nabili yun nila Fane. Bukod pa dito, hindi ito isang magandang klaseng relo o mga piraso ng jade, isa lang itong damit. Kahit ang mga taga Taylor family ay magdadalawang-isip sa paggastos ng higit sa isang daang libo para lang sa isang damit. "Ibalik mo yan. Ayaw kong madumihan ng mga kamay mo yung damit ni Selena!" Nainis si Fane nung makita niyang nilabas ni Cecilia ang damit ni Selena. Nagulat si Cecilia, at ibinalik sa bag ang damit. Subalit, ngumiti siya pagkatapos nito. "Hehe, alam ko na. Peke siguro yang binili niyo. Tsk… tsk mukha ngang tunay. Muntik na akong maniwala." Biglang may napagtanto ang iba pa. 'Tama. Paano sila makakabili ng mga gamit na may international brand? Kalokohan. Ano pa bang mabibili nila kung hindi mga high-quality na kopya?' "Wala namang kinalaman sayo kung tunay o peke yan, di ba Cecilia? Regalo to sakin ng asawa ko. Basta galing sa kanya, magugustuhan ko to peke man to o tunay!" Nung marinig niya ang masasamang salita na sinabi ni Cecilia, nang-iinsultong sumagot si Selena, "Di gaya ng iba diyan, na walang boyfriend kahit matanda na. Di kaya, naiinggit ka sakin?" "Ikaw…" Nanggalaiti si Cecilia. Kahit na maganda siya, wala pa rin siyang boyfriend. Napahiya siya sa mga sinabi ni Selena. Pagkatapos, ngumisi si Cecilia kay Selena, "Hehe, ako, inggit sayo? Ayos yan. Dapat ba akong mainggit kasi pinalayas ka sa Taylor family ng parang basura? Wala akong boyfriend kasi gusto kong makahanap ng isang mayaman na lalaki. Di gaya mo, na pumatol sa isang delivery boy." Sa puntong iyon, marami pang masasakit na salitang sinabi si Cecilia. "Bukod pa dun, parang hindi man lang pinaghandaan yung kasal. Wala pa ngang regalo na binigay yung asawa niya. Ang laking kahihiyan nun para sa Taylor family." "Ano ngayon kung pumatol ako sa kanya? Wala ka nang pakialam dun. Desisyon ko to!" Matapang na sumagot si Selena. "Sure, syempre. May mga tao talagang masaya sa kawalan nila ng kwenta, anong magagawa natin di ba?" Sumagot si Cecilia. "Hinding-hindi mararanasan ng isang babae na gaya ko ang paghihirap mo." "Tama na!" Sumigaw ng malakas si Old Master Taylor. Matandang-matanda na ang Old Master, ngunit agad na nanahimik ang lahat nang magsalita siya. Lumipat siya kay Fane at sinuri niya ito. Sa di malamang dahilan, pakiramdam niya ay nagkaroon ng malaking pagbabago kay Fane. Kahit na nakatayo lang siya dito, mararamdaman sa aura niya na hindi siya dapat kalabanin. Siya pa rin ba yung binata na nagmakaawang humingi ng isang milyon sa kanya para sa pagpapagamot ng ina nito limang taon na ang nakalilipas? Nag-isip siya sandali bago siya nagsalita. "Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo para tantanan mo na si Selena?" Alam ng Old Master ang pagkahumaling ni Selena sa kanilang anak. Siguradong dahil sa anak nila kaya ayaw makipaghiwalay ni Selena. Subalit, magagawa niyang paghiwalayin sila kung si Fane ang pupuntiryahin niya. Sumimangot si Selena sa kanyang narinig at puno ng pag-aalala ang tingin niya kay Fane. Kung sa bagay, sa harap ng pera, mahirap malaman kung anong mangyayari. Bukod pa dito, kahit na kasal sila ni Fane, wala naman silang nararamdaman para sa isa't isa. Tahimik si Fane. 'Pera? Hehe, anong silbi nun sakin?' Bukod pa dito, kung hindi dahil sa pagpapagamot sa nanay niya noon, hindi siya magmamakaawa para lang sa isang milyon. "Old Master, pasensya na pero madidismaya ka lang. Asawa ko si Selena. Marami siyang tiniis na hirap para samin ng anak ko. Hinding-hindi ko sila iiwan!" Ang nakangiting tugon ni Fane. Nasiyahan si Selena nang marinig niya ang mga salitang iyon. Hindi nauwi sa wala ang limang taon niyang paghihintay. Agad na naglabas ng tseke ang Old Master at pinirmahan ito, pagkatapos ay iniabot ito kay Fane. "Hindi ka gusto ng Taylor family bilang manugang namin. Noon, nangako ka na pepekein niyo ang kasal mo kay Seleba upang maging kapalit ni Ivan sa digmaan. Hindi kita papatayin dahil sa relasyon mo kay Selena at Kylie. Pero, kailangan mong umalis!" "Isulat mo kahit magkano ang gusto mo! Pwede mo yang ipapalit sa kahit saang bangko sa Middle Province. Bukod pa dun, papalampasin ko ang pambubugbog mo kay Ivan!" Masasabing para sa Old Master, patas na ang binigay niyang kundisyon kay Fane. Nagalit si Ivan sa narinig niya. Agad siyang lumapit at sinabing, "Patayin na lang natin siya lolo. Binali niya yung braso ko…" "Manahimik ka!" Sinong mag-aakala na lilingon si Old Master Taylor para tingnan siya? "Ivan Taylor, tingin mo ba hindi ko alam yung mga pinaggagagawa mo? Ang alam mo lang ay humihina na ang katawan ko at bihira na ako lumabas ng bahay, hindi ba? Ako, si Zeus Taylor, ay matanda na pero hindi ako bulag. Mula noong ikaw ang maging direktor, bumaba ang produksyon ng kumpanya natin. Pagod na pagod na lang talaga ako na pagalitan ka!" Dagdag pa ni Old Master Taylor, "Hindi ako nangialam sa pagpapahirap mo kay Selena dahil galit din ako sa pagbubuntis niya sa anak nila ng lalaking to. Pero, anak ni Selena si Kylie. Apat na taong gulang lang siya. Napaka walanghiya mo para pakainin siya ng tinapay na tinapaktapakan mo. Hindi ko mapapatawad ang pangyayaring yun!" "Dad, ano man ang nangyari, hindi tama na binugbog ni Fane si Ivan dahil lang dun, di ba? Bukod pa dun, walang basehan ang mga bintang sa kanya ni Fane. Anong malay natin kung nagsisinungaling siya?" Sumabat si Theodore Taylor, ang master ng Taylor family at ama ni Ivan. "Ganun ba? Papayagan mo ba akong imbestigahan kung ano talaga ang nangyari?" Natahimik si Theodore dahil sa mga sinabi ni Old Master Taylor. Dinagdag pa ng Old Master, "Malaki ang parte mo sa naging ugali ni Ivan na pakikihalubilo sa mga kahina-hinalang babae na yun. Nasa pangangalaga mo siya. Isa lang tayong third-class aristocratic family. Matinding pagsisikap ang nagdala satin sa posisyon natin ngayon. Hindi ka ba natatakot na baka dumating ang araw na masisira ang Taylor family natin dahil sa anak mo?" "Imposible yan lolo. Lumalabas ako para uminom para makihalubilo sa mga kliyente natin. Parte yun ng trabaho ko!" Natawa si Ivan at sinabing, "Bukod pa dun, maganda ang takbo ng kumpanya natin nitong nakaraang dalawang buwan. Magtiwala ka sakin. Ngayong taon, kikita tayo ng malaki at mapapalitan natin yung mga nawala satin dati." Gumaan ang loob ni Fane nung marinig niya ang mga sinabi ng Old Master. Tila pinalayas lang ng Old Master si Selena dahil sa pagpapakasal nito sa isang mahirap na gaya niya. Subalit, limang taon na ang lumipas. Malamang ay humupa na ang kanyang galit. Bukod pa dito, malamang ay binabantayan niya ang sitwasyon nila Kylie at Selena. Ibigsabihin, nag-aalala pa rin si Old Master Taylor sa kanyang apo. "Heto, pirmahan mo. Ikaw na bahala kung magkano ang gusto mo! Patas na tayo ngayon!"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.