Kabanata 3
“Ipinadala ako ng pamilya natin para sunduin ka at ipinaalala sa akin na bigyan ka ng magandang impresyon. Kaya nagpahanda ako ng ganito. Kaunti lang ito kaya sana okay lang sa iyo,” sambit ni Hector.
Tahimik na tinignan ni Shannon ang dami ng mga sasakyan na nakaharang sa kalsada. Kaunti… pa ito ng ganitong lagay?
Tinignan niya si Hector na sumenyas sa mga driver at sinabi, “Gumalang kayo.”
“Ms. Gray!” sambit ng mga driver ng sabay-sabay na tila nasa digmaan sila. “Welcome home!”
Hindi makapaniwala si Shannon. Parang nakakahiya ang dating sa kanya. Marahil hindi pa nagiging ganito kabuti ang pamilya niya sa kanya, pero nahirapan siyang iproseso ang bati nila. Sinabi niya kay Hector, “T-Tara na.”
Gusto na niyang umalis agad. Hindi ba nila makita na nakatitig sa kanila ang mga security guard?
Ngumiti si Hector sa reaksyon niya. Bigla sumingkit ang mga mata niya ng may maisip siya. Tinignan niya si Shannon at nagtanong, “Bakit ka nga pala mag-isa dito?”
Bakit siya mag-isa ng ganitong oras sa labas ng mga gate? Hindi naman siguro siya mamamalengke, tama?
Isinara ni Shannon ang bibig niya, hindi gusto sabihin na pinalayas siya ng pamilya Gray. Magbibgiay sana siya ng sagot na hindi malinaw ng may marinig siyang boses.
Medyo malamig pero nakakatuwang marinig. May bakas ng ikli ng pasensya sa boses ng sabihin niya, “Hindi pa ba tayo aalis?”
Tinignan niya ang direksyon ng boses at nakita na may isa pa na tao sa likod ng sasakyan na binabaan ni Hector. Isang tingin lang at nabulag na siya.
Ang haba ng mga binti ng lalake ay nakabaluktot habang nakaupo sa sasakyan. Mula sa anggulo niya, halos kalahati lang ng katawan niya ang kanyang nakikita. Ang braso niya ay nakapahinga sa armrest sa gitna ng sasakyan, may bakas ng pagiging elegante sa kanya. Nagmukhang nakakatuwa ang mga lukot sa damit niya.
Pero kumpara sa lahat ng iyon, ang bumulag kay Shannon ay ang gintong liwanag sa kanya. Simula pa noong bata siya, nakikita niya ang mga bagay na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao. Maraming mga kulay ang nagrerepresenta sa suwerte ng tao, at ang gintong kulay ay nakikita lamang niya sa mga taong may malaking kontribusyon sa nasyon.
Pero, kahit na sa kanila, ang kulay ay maputlang ginto. Ang lalake sa harapan niya ay halos nakakabulag na ginto—isang bagay na hindi pa niya nakikita kailanman. Hindi naman niya siguro ninakaw ang suwerte ng buong nasyon, hindi ba?
Sa oras na nagsalita ang lalake, hindi na nagtanong pa si Hector. Ngumiti siya at sinabi, “Sige, sige. Aalis na tayo.”
Umakbay si Hectork ay Shannon at isinama siya pasakay sa sasakyan. Noong ginawa niya ito, yumuko siya at sinabi, “Tsk. Wala talagang pasensiya ang demonyong ito.”
Dinala siya sa parehong sasakyan ng demonyo. Isinakay siya ni Hector sa backseat, pinaupo siya tabi ng demonyo. Ngayon at magkalapit na sila, mas kapansinpansin ang gintong suwerte niya. Halos mabulag siya para lang makita kung anong itsura niya.
Bagay ang boses niya sa kanyang itsura. Guwapo siya kahit na malamig ang ugali. Ang nakasarado niyang bibig ay nakadadag sa malamig niyang dating, at malalim ang mga mata niya.
Matapos mapansin na nakatitig siya sa kanya, humarap ang lalake kay Shannon. Napapaisip si Shannon sa gintong suwerte niya, pero nag-aalala siya na baka hangal ang tingin sa kanya. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, nagtanong siya, “Kapatid din ba kita?”
Si Hector na nakaupo sa passenger seat ay napasinghal. Ang lalake sa backseat ay tinignan siya ng malamig bago tinignan si Shannon at sumagot, “Hindi.”
Iyon lang ang sinabi niya. Wala na siyang sinabi pa. Mabuti na lang, nandoon si Hector. Sinabi niya, “Ito si Benjamin Cooper; hindi mo siya kapatid. Ako lang ang nag-iisa mong kapatid na lalake.”
Hindi mapigilan ni Shannon isipin na pamilya ang pangalan ni Benjamin. Hindi niya maalala kung saan niya ito narinig. Pero naalala niya na kabilang sa apat na pinaka prestihiyong mga pamilya sa Seastone City ay ang oamilya Cooper at pamilya Jensen. Nagkataon lang ba ito?
Nagpatuloy si Hector, “Nakisakay lang siya noong sinundo kita.”
Iyon ang paliwanag. Tatango sana si Shannon ng tignan ni Benjamin si Hector at sinabi, “Ginagamit mo ang mga sasakyan ko.”
Siya ang pinuno ng pamilya Cooper—hindi niya kailangan sumabay kahit na kanino. Hindi natinag si Hector sa pagiging malamig niya at itinaas ang mga kamay ng parang wala lang. “Well, anong gagawin ko? Ginagamit ang entourage ng kumpanya, at ikaw lang ang kilala ko na puwede magsetup ng entourage gamit ang mga sasakyan niya.”
OCD patient nga naman si Benjamin na gusto na pare-pareho ang mga brand at kulay na suot ng mga tauhan niya tulad niya, lalo na ang entourage niya. Kahit ang loob ng sasakyan ay pare-pareho.”
Habang nag-uusap sila, ang mga Maybach ay nagsimulang umandar. Pinagitnaan ng mga Maybach ang sasakyan nila para sa proteksyon at nilsan ng engrande ang neighborhood.
Sa oras na wala na ang mga sasakyan, ang mga security guard na nakanganga at tulala ay nagkatinginan at nagbulungan.
“Ang babaeng kinuha nila ay ang nakatatandang anak ng pamilya Gray, hindi ba?”
“Oo, siya iyon. Ilang araw na ang nakararaan, narinig ko na hindi pala siya talaga kadugo nila. Tapos tignan mo ngayon—pinalayas na siya! Narinig ko na nakatira sa bundok ang tunay na mga magulang niya.”
“Bundok? Nakita mo naman ang entourage, hindi ba? Anong parte doon ang nagsasabi na nakatira sa nbundok? Anong malayo natin baka ang mga tunay na magulang niya ay mga bigatin.”
“Ha! Kung ganoon, nagsisisi siguro si Mr. Gray at pamilya niya!”
Ang mga security guard ay may mahigpit na mga batas na sinusunod, pero kapag sila-sila lang, gustong- gusto nilang pinagchichismisan ang mga mayayamang tao na nakatira sa neighborhood.
Kapag pinaguusapan nga naman at nagpapakita—ang sasakyan ay pagmamayari ng pamilya Gray. Nasa loob sina Sheila at Rachel, at hindi nila tinignan ang mga security guards. Bilang mga elite sa neighborhood, ang mga security guard ay mas mababa sa kanila.
“Ang final list ng city image ambassador ay nafinalize na, pero hindi pa nasusumite. Nagtanong-tanong na ako—ang namumuno sa Jensen Corporation ang magsusumite ng huling listahan,” sambit ni Sheila.
Ngumiti siya at sinabi, “Nagkataon na kakasecure lang ng deal ng ama mo sa Jensen Corporation ilang araw na ang nakararaan. Puwede tayo magsabi sa kanila para magawan nila ito ng paraan.”
Nagulat at natuwa si Rachel sa narinig niya. “Jensen Corporation? Isa iyon sa pinakaprestihiyosong pamilya! Ang galing ni Ama dahil makakatrabaho niya ang mga katulad nila!”
Yumabang si Sheiela pero nagkunwaring wala lang sa kanya, “Oo, ang tinutukoy ko ay pamilya Jensen na nagmamayari ng Jensen Corporation. Hindi mabilang na dami ng mga tao ang handa pumatay para lang magkaroon ng pagkakataong makatrabaho sila, pero sila ang lumapit sa ama mo para sa kooperasyon.
“Ipinapakita nito kung gaano tayo kahalaga sa Seastone City. Mas marami pang mga pamilya ang gugustuhin tayo na makatrabaho sa hinaharap!”
Malinaw na nasasabik si Rachel sa narinig niya. Kung makakatrabaho ni Francis asng Jensen Corporation, hindi ba’t ibig sabihin nito kabilang ang pamilya sa nakatataas na lipunan? Ibig sabihin, magkakaroon siya ng mga eligible bachelors na pagpipilian sa hinaharap. Tulad ng inaasahan, ang pamilya Gray ay nagsisimula na maging mas mabuti ngayon at wala na si Shannon!
“Mabuti iyon,” sambit niya. Pagkatapos, inayos niya ang kanyang sarili at nagtanong, “Pero sasangayon ba sila na tulungan tayo kung didiretso tayo sa kanila?”
Kumpiyansang sinabi ni Sheila, “Siyempre! Sila ang lumapit mismo sa atin para sa kooperasyon. Dahil magkatrabaho tayo, hindi ba’t tama lang na tulungan nila tayo sa isang simple na bagay?”
Hinawakan niya ang kamay ni Rachel. “Huwag ka mag-alala. Sisiguraduhin ko na makukuha mo ang ambassador slot! May kinalaman nga naman ito sa imahe ng Seastone City—dapat tumigil ang inggratang iyon para malaman niya kung nararapat ba siya na agawin ang posisyong ito mula sa iyo!”
Natutuwa si Rachel dito. Pakiramdam niya ang slot para a city image ambassador ay kanya na, pero masunurin pa din ang dating niya. Pagkatapos, nagtanong siya, “Pupunta ba tayo sa Jensen Corporation headquarters ngayon?”
“Hindi,” sagot ni Sheila. “Pupunta tayo sa Jensen residence.”