Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

Narinig ko ang tunog ng makina ng kotse sa baba. Hindi ko napigilang tumingin sa labas ng bintana at nakita ko si Elijah na iniunat ang braso niya para hilahin si Jocelyn papalapit sa kanya. Para bang gusto niya siyang protektahan. Hindi ko alam kung dahil ba nagkakutob sila, pero nagkataong lumingon rin siya sa ikalawang palapag. Nagtago ang mga titig namin. Nakita kong kumunot ang noo niya habang bahagyang bumuka ang mga labi niya nang parang may gusto siyang sabihin. Siguro hindi niya inasahang napakatahimik ko at kalmado. “Elijah?” Mahina siyang tinawag ni Jocelyn. Sinundan niya ang tingin niya at nakita niya akong nakatayo sa likod ng bintana. “Elijah…” Nalungkot ang tono niya. “Umakyat ka kung gusto mong makasama si Ms. York. Ayos lang akong mag-isa.” Nahimasmasan siya at itinago ang mga emosyon sa mga mata niya at walang pakialam na nagsabing, “Ayos lang. Tara na.” Tumingin ulit sa'kin si Jocelyn. Ngayon, nakita ko ang maliit na ngisi sa labi niya—kinukutya niya ako dahil hindi ko nakontrol ang asawa ko kahit na ako ang ligal na asawa niya. Sa halip, nakikipaglambingan siya sa kanya. Naramdaman kong sumikip ang puso ko. Hindi ito masakit, pero kumirot ito nang kaunti. Sinara ko ang mga kurtina. Habang naglaho ang tunog ng makina sa malayo, pinakalma ko ang sarili ko at nagsimulang mag-impake. Aaminin kong kulang ako pagdating sa materyal na bagay. Bago ako maikasal, nabuhay ako nang komportable bilang heiress ng York family. Pagkatapos kong maikasal… Nagulat akong makita ang hile-hilerang mga damit at bag sa walk-in wardrobe. Sa laki ng wardrobe ay umaalingawngaw ang mga tunog sa loob nito. Napakaraming limited edition na nga bag at damit dito na halos hindi ko ito mabilang. Inisa-isa ko ang mga iyon. Maraming bag ang hindi pa nga nagagamit pati mga damit at sapatos. Sa sobrang bago nito ay hindi pa natatanggal ang mga etiketa nito. Bumukas ang jewelry cabinet sa thumbprint ko. Nakakita ako ng napakaraming alahas at relo sa loob nito. Hindi ko alam kung paano ang naging buhay ko matapos maikasal kay Elijah sa nagdaang limang taon, pero mukhang hindi siya nagtipid. Nang naisip ko iyon, medyo kumalma ako. Bibigyan niya siguro ako ng pera pagkatapos naming maghiwalay kung di siya kuripot. Kung hindi ako makakakuha ng pag-ibig, maganda na ring magkaroon ng pera. Masyado maraming gamit sa wardrobe para maimpake ko. Ang nagawa ko lang ay pumili ng ilang damit na bagay sa pang-araw-araw, isang set ng mukhang mamahaling alahas, at isang mamahaling relo. Babalik na sana ako sa kwarto para magpahinga nang nasipa ko ang isang itim na bag. Binuksan ko ito sa pagtataka, at namula ako nang nakita ko ang nasa loob nito. May ilang hindi pa nabubuksan costume sa loob nito. Mayroong pang-sexy na kuneho, office worker, tradisyonal na kasuotan, at maging maid costume… Habang lalo kong tinignan ang bag, mas lalong tumindi ang pamumula ng pisngi ko. Mukhang hindi nagsinungaling si Elijah. Hindi lang ako nabaliw bago mawalan ng alaala, sumakay din ako sa lahat ng klase ng taktika sa kama. “Ha. Naisip mo na ba sa wakas na gamitin ang mga bagay na'to para iligtas ang kasal natin?” Isang malamig at nangmamatang boses ang umalingawngaw sa likod ko at napatalon ako. Suminghal si Elijah at hinawakan ang panga niya. Nagmadali akong lumayo at nautal, “I-Ikaw… Bakit bigla kang nagbalik?” Mukha siyang nagalit. “Higit kalahating oras na. Syempre, nakauwi na ako.” Doon ko lang napansin kung gaano kabilis ang paglipas ng oras. Halos isang oras na simula nang umalis si Elijah para ihatid si Jocelyn pauwi. Ibinalik ko ang mga costume sa bag at sinipa ito sa isang sulok. Dumilim ang titig ni Elijah. “Mukhang tumalino ka na, Ariana. Akala ko aawayin mo ko nang matindi.” Niyakap niya ako, nang-aamo ang boses niya nang nagpatuloy siya, “Magpakabait ka, ha? Walang namamagitan sa'min ni Jocelyn.” Magsasalita sana ako nang may naamoy akong matamis sa kanya—iyon ang pabango ni Jocelyn. Bigla na lang, parang gusto kong masuka. Tinulak ko siya palayo at sumigaw, “Lumayo ka sa'kin!” Tumigas ang ekspresyon niya. “Wag mo kong subukan, Ariana!” Ngumisi ako. “Amoy na amoy sa'yo ang amoy ng ibang babae. Ang kapal ng mukha mong sabihing walang namamagitan sa inyong dalawa.” Inamoy niya ang balikat niya at bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Kumunot ang noo niya sa'kin, na para bang gusto niyang sabihing alam niyang magwawala ako. Binuksan niya ang bibig niya para magpaliwanag, pero lumingon ako palayo. “Matutulog tayo sa magkahiwalay na kwarto simula ngayong gabi.” Naglakad ako paalis sa wardrobe. Sa likuran ko, sumigaw si Elijah, “Hindi ka pa ba tapos, Ariana?” Ngumisi ako. “Hindi.” Nagmadali si Elijah para hawakan ang braso ko. Napakalakas ng hawak niya at namutla ako sa sakit. “Aray!” Niluwagan niya ang pagkakahawak niya nang nakita niya ang namumula kong mata. Sumuko ang titig niya nang sinabi niyang, “Aksidenteng dumampi sa'kin ang pabango. Wala talagang namamagitan sa'ming dalawa.” Wala akong sinabi. Bigla na lang, lumapit siya para halikan ako. Kinilabutan ako at sinubukan ko siyang itulak palayo, pero hindi siya natinag. Bumilis ang paghinga niya habang hinaplos niya ang baywang ko. Dumaloy ang pamilyar na daloy ng kuryente sa'kin at bumilis ang paghinga ko. Gulong-gulo ang isipan ko—pakiramsam ko ay may ilang alaalang malapit nang lumitaw. Nanlambot ang katawan ko sa mga hipo niya, pero narinig kong umiyak ang puso ko. Masyadong mahina ang katawang ito. Sinubukan kong manatiling gising habang patuloy ko siyang tinutulak palayo. Gayunpaman, para bang imbitasyon para kay Elijah ang panlalaban ko. Inisip niyang parte lang ito ng foreplay namin. Nilalaman niya ang halik niya at pumasok sa ilong ko ang amoy niya, na kumain sa natitirang katwiran ko. Natulala ang utak ko at sumagot sa kanya ang katawan ko nang wala ang permiso ko. Nagpatuloy si Elijah na laliman ang halik niya. Nabalot ako ng amoy niya at nawalan ako ng pakiramdam kung nasaan ako. Nang nakaramdam ako ng lamig, napansin kong dinala ko ni Elijah sa kama. Ginamit ko ang natitirang katinuan ko para itulak siya nang malakas. “Wag mo kong hawakan!” Hinuhubad niya ang damit niya at muntik na siyang tumumba sa tulak ko. Kumalat ang galit sa mukha niya at tinaas niya ang isang kamay niya. Nanginig ako at namaluktot habang sumigaw, “Wag mo kong saktan!” Naging tensyonado ang paligid. Huminto sa ere ang kamay ni Elijah at nanigas ako sa kama. Hindi ko alam kung bakit ako kumibo nang ganito at hindi ko rin naintindihan kung saan nanggaling ang biglaang pagiging brutal ni Elijah. Ang alam ko lang ay sobra akong nanginig. Naglaho ang galit ni Elijah na nakita niya kung gaano ako katakot at kaawa-awa. Tumayo siya sa tabi ng kama na parang gustong magpaliwanag. Sa huli, nanatili siyang tahimik. Nahiya ako habang hinila ko ang kumot sa katawan mo at bumulong, “Lumabas ka. Labas! Wag mo kong hawakan.” Pagkatapos ng isang sandali, sabi niya, “...Magpahinga ka. Matutulog ako sa study.” Tumalikod siya at umalis sa kwarto nang may malamig na ekspresyon. Hindi nagtagal, narinig kong kumalabog ang pinto ng study. Nanaig ang katahimikan at kapayapaan sa kwarto at bumagsak ako sa kama, na parang nawalan ako ng lakas. Basa ng malamig na pawis ang likod ko at pumintig nang masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy akong pinupuntahan ni Elijah kahit na galit siya sa'kin. Hindi ko rin naintindihan kung bakit ako takot sa brutal na parte niya kung mahal na mahal ko siya bago ako mawalan ng alaala. Higit pa roon, bakit siya tumangging hiwalayan ako? Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga iniisip ko. Pagkatapos ng isang sandali, sa wakas ay nakatulog ako.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.