Kabanata 44
“Ayaw mo na ba nito?” Lumaylay ang bracelet na hawak ni Elijah na para bang malalaglag ito.
Dumaan ang isang hindi nakikitang patalim sa puso ko sa sandaling iyon.
Dahan-dahan akong lumuhod.
Sa tabi, mapangutyang sabi ni Jocelyn, “Oh, isa ka talagang ulirang apo.” Pagkatapos ay sabi niya kay Elijah, “Elijah, tignan mo kung gaano siya ka-desperadong hiwalayan ka. Siya—”
Biglang nagwala si Elijah sa kanya. “Wala kang kinalaman dito. Labas!”
Nabigla si Jocelyn. Gusto niyang umiyak, ngunit di niya ito ginawa nang nakita niya ang kakaibang ekspresyon ni Elijah.
Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa nang may mga nagdududang mga mata.
Gayunpaman, umarte akong parang di ko nakita o narinig ang kahit alin roon at dahan-dahang gumapang palabas ng kwarto.
Sa ilalim ng tuhod ko ay ang malambot at mamahaling wool carpet. Ngunit para ba akong nakaluhod sa lapag na puno ng bubog.
Ang sakit.
Napakasakit.
Kahit na ganun, gusto kong makuha ang iniwan ni Lola. Gusto kong manatili
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link