Kabanata 3
Nagmadali akong magbihis habang nagmula ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa banyo. Pumili ako ng tracksuit para hindi aksidenteng magpakita ng balat—ito ang pinakamabisang suotin ngayon.
Lumabas si Elijah ng banyo nang walang suot maliban sa tuwalyang nakatapis sa baywang niya. Namula ulit ang mukha ko.
Basa ang buhok niya, at tumulo ang mga parak ng tubig sa pisngi niya. Tumulo ang mga patak sa dibdib niya pababa sa katawan niya at papunta sa ibabaw ng umaalon na kalamnan niya.
Tinitigan ko siya hanggang sa suminghal siya. Pagkatapos, lumingon ako palayo nang naiilang.
Nakaramdam ako ng init sa likuran ko at hinipan niya ang tainga ko. “Magpakabait ka at wag kang magwawala ngayong nagbalik ka na.”
Para bang nag-aalo siya ng bata. Napatalon ang puso ko—pinatunayan ng katawan ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
Iniwasan ko ang hininga niya at sinubukang panatilihing malamig ang boses ko. “Nawalan ako ng alaala, Elijah.”
“Ha.” Niyakap niya ang baywang ko at marahan itong hinaplos gamit ng hinlalaki niya. Tamad ngunit naiinis ang boses niya nang nagtanong siya, “Ariana, alam mo namang naiinis mo ko, tama? Sinabihan na kitang tigilan yang kalokohan mo.”
Bumugso ang mga apoy ng galit sa loob ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko, pero tinulak ko siya palayo. “Nagwawala pala ako, ha? Naospital ako nang tatlong araw pagkatapos malaglag mula sa ikalawang palapag, pero hindi mo ko binisita kahit isang beses!”
Kalmado siyang tumingin sa'kin. “Uh-huh. Ano naman ngayon?”
Halos matawa ako sa inis. Kahit gaano ako kasaklap noon, iniligtas ko pa rin ang kumpanya niya. Sapat na iyon para bisitahin ako sa ospital para tignan kung buhay pa ako.
Ngunit mukha siyang kalmado, at nagmukha akong isang masyadong emosyonal na baliw. Sa pinakaunang pagkakataon, namilipit ang tiyan ko habang tumingin ako sa gwapong mukha niya.
Pagkatapos, kumaway ako. “Wala. Mag-divorce na tayo, Elijah.”
Tumawa siya. “Hindi ka pa sumusuko, ha? Matagal na kitang sinabihang hindi tayo kailanman magdi-divorce. At saka, wag ka nang magselos kay Jocelyn. Hindi ka maikukumpara sa kanya—hindi sa tanang buhay na ito.”
Gusto kong masuka. Sumama ang ekspresyon ko at sumagot, “Hindi ka naman bingi, di ba? Sinabi ko na sa'yong nawalan ako ng alaala at hindi na kita mahal. Gusto kong makipaghiwalay. At saka, hindi ko naaalala kung sino si Jocelyn, kaya hindi ako nakikipaghiwalay dahil sa kanya.”
Tumigas ang ekspresyon ni Elijah. Hinablot niya ang pulso ko at diniin ako sa pader. Napangiwi ako sa sakit at namula ang mga mata ko.
Sa sobrang lapit niya sa'kin ay naramdaman mo ang mainit na hininga niya sa mukha ko. Ang nakakahiya roon, nagsimula na naman akong mamula.
Nakadikit ang dibdib niya sa'kin at natalo ako ng mataas niyang tindig. Naamoy ko ang bahagyang bango ng cypress wood sa kanya at ang panlalaking pheromones niya.
Muli, trinaydor ako ng katawan ko. Nagsimula akong manginig at nanghina ang mga binti ko. Sa isang segundo, gusto ko pa ngang ilapat ang mga labi ko sa kanya.
Tumawa ulit si Elijah. Ngayon, sinipsip niya ang dulo ng tainga ko, at nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
“Wag mong isiping magagalit mo ko sa pagsasabi ko ng ganyan, Ariana. Hindi mo naaalala si Jocelyn, ha? Hindi mo ba napansin na kitang-kita sa bawat isang insultong sinabi mo para sa kanya sa nagdaang dalawang taon na nababahala ka sa kanya?”
Pinagngitngit ko ang ngipin ko. “Bitawan mo ko, Elijah. Walanghiya ka!”
Kinagat niya ang tainga ko na para bang pinaparusahan ko. “Bakit ka nakasuot ng ganito? Nasaan na ang mga uniform na tinago mo? Naaalala kong mahilig na noong magsuot ng hindi ko pa nakikita habang naliligo ako… Pagkatapos, aakitin mo ko gamit ng mga bagay na natutunan mo sa mga video na pinanood mo.”
Bumigat ang paghinga niya. “Tatlong araw na, Ari…”
Kinilabutan ang anit ko at natuyo ang bibig ko. Dalawampu't anim na taong gulang ako sa panlabas, pero panglabing-walong taong gulang pa rin ang isip ko.
Hindi ko alam kung paano “ako” naging ganito kabukas pagdating sa pagtatalik, lalo na't hindi maganda ang relasyon namin ni Elijah. Hindi kaya ako ang nauunang magyaya? Diyos ko!
Tinulak ko si Elijah. Nabigla siya at muntik nang tumumba. Dumilim ang tingin niya habang tinitigan niya ako nang masama. “Ang lakas ng loob mong itulak ako, Ariana! Ano bang problema mo?”
Ayaw ko na siyang kausapin, kaya nagmadali akong buksan ang pinto ng kwarto. “Bababa ako para kumain. Gawin mo ang kailangan mong gawin.”
…
Bumaba ako at nakita ang napakaraming pagkaing nakahanda sa mesa. Mukhang hindi nabawasan ang niluto ng kusina dahil sa kawalan raw ni Elijah. Tumingin ako sa mga pagkain at napansin kong wala roon ang gusto ko. Ibig sabihin ay mga paborito siguro ito ni Elijah.
Ha. Napapagod na ako.
Umupo ako at nagsimulang kumain. Nagutom ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kumain ako nang walang pakialam. Bumaba lang si Elijah pagkatapos ng ilang sandali.
Halatang galit siya dahil sa nangyari at umupo malayo sa'kin. Hindi niya ako tinignan nang nakuha niya ang pagkain niya. Ayaw ko rin naman siyang tignan.
Napakatahimik namin habang kumain kami. Bigla na lang, nagtanong si Elijah, “Bakit walang pumpkin soup ngayon, Wanda?”
Si Wanda Jones ang medyo may edad na katulong na kumausap sa akin kanina. Tumingin siya sa'kin, naninisi ang boses niya nang sinabi niya, “Kasi di nagluto si Ms. York ngayon. Hindi mo ko masisisi riyan, Mr. Linden.”
Kumunot ang noo ko sa kanya at sumagot, “Ano namang ibig sabihin niyan? Sinasabi mo bang trabaho kong gumawa ng soup? Kung ganun, ako ba ang may kasalanan rito?”
Bumagsak ni Elijah ang kubyertos niya sa mesa nang mukhang malamig habang sumigaw siya, “Ikaw ang palaging nagluluto noon, di ba? Hindi naman alam ni Wanda kung paano lutuin yun.”
Tumawa ako at nilapag ang kubyertos ko bago eleganteng pinunasan ang bibig ko. “Kailangan kitang diretsuhin, Mr. Linden. Asawa mo lang ako, hindi katulong. Hindi pa ba sapat na magkaroon ka ng mesang puno ng mga paborito mong pagkain? Gusto mo pa ring paglutuan kita ng soup? Sa tingin mo ba may utang na loob ako sa'yo?”
Hindi niya siguro inasahang magwawala ako nang ganito—may bakas ng gulat sa gitna ng pagkamuhi sa mga mata niya. “Wag mong isiping magagalit mo ko dahil lang gusto ko ng pumpkin soup.
“Ikaw ang natuto kung paano ito lutuin mula sa isang chef at nagpumilit na iluto ito para sa'kin, pero ngayon, tumatanggi ka. Anong ibig mong sabihin? Kung tapos ka nang magwala, sa ibang lugar ka magbunton ng galit. Wag kang gumawa ng gulo sa hapag-kainan.”
Ngumisi ako. “Hindi mo ba naiintindihan ang ibig kong sabihin? Hindi na ako magiging sunud-sunuran sa'yo, Elijah!”
Ibinato ko ang napkin sa mesa at tumakbo sa taas. Sawa na ako sa kayabangan at pagiging makasarili niya. Sa totoo lang, paano akong nabulag para mahulog sa kanya noon?
Hindi niya siguro inasahang iiwan ko ang lahat at aalis nang ganun-ganun na lang. Pinanood niya ako nang nakatulala mula sa mesa.
Bumubulong pa rin si Wanda, “Mr. Linden, niluluto dati ni Ms. York ang lahat ng paborito mong pagkain, kabilang na ang pumpkin soup. Ngayon, binitawan niya na ang lahat nang ganun-ganun lang. Sa totoo lang…”
Naririnig ko pa rin siya at nainis ako.
Sa sandaling iyon, tumunog ang doorbell. Lumingon ako para makitang sagutin ni Wanda ang pinto at papasukin ang isang eleganteng babae.
Maganda siya, at mayumi ang itsura niya. Nakasuot siya ng mapusyaw na asul na bestida na bagay na bagay sa kanya, at isang kwintas ng perlas sa leeg niya. Marangya at elegante ang postura niya; mukha siyang naglakad palabas ng isang painting.
Aaminin kong bilang isang babae, nainggit ako sa kanya.
Tumingin siya kay Elijah at malumanay na nagsabing, “Sana hindi kita naistorbo sa pagpunta ko nang ganitong oras, Elijah.”
Ang ekspresyon niya, na matigas at malamig kani-kanina lang, ay kaagad na naging malumanay. Natural niyang kinuha ang mga gamit na hawak niya at naghanap pa nga ng isang pares ng tsinelas para sa kanya.
Malamig ko silang pinanood. Para bang pangungutya ang buong eksenang ito. Nagwala ang asawa ko dahil ko siya pinaglutuan ng paborito niyang pumpkin soup. Pero nandito siya, lumuhod para tulungan ang ibang babaeng magsuot ng isang pares ng tsinelas.