Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Isang malakas na pagsabog ang nagpatalon nang sobra sa dalawang nasa kama. Ang lalaki ay agad agad binalot ng kumot ang kanyang katawan, habang ang babae naman ay namutla sa takot at hinila ang isa pang kumot para takpan ang kanyang sarili. "Sino ka? Isang pulubi sa daan?" Nanihas si Easton nang nakita niya ang gunit-gunit na damit ni Severin. "Sabi mo hihintayin mo ako ng sampung taon. pero limang taon pa lang at meron ka na agad..." kinuyom nang sobrang higpit ni Severin ang kanyang mga kamayo na maririnig foon ang pagtunog ng mga buto roon. Ang dugo ang umusbong sa kanyang utak dahil sa galit ang siyang nagpakibot sa mga ugat niya sa noo. at galit na galit ang kanyang mukha mula kanina. "Severin?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Lucy pagkatapos siyang mamukhaan. "Bumalik ka?! Paano?!" Naramdaman ni Severin ang bayolenteng pagbulusok ng kanyang puso habang ang malabong nanunuyang ngiti ang nagpakita sa kanyang labi. "Talagang sa lalaking 'yan? Sa lahat ng tao siya pa ang napili mo, bakit siya pa?" Ang lakas ng loob ni Easton ay nanumbalik pagkatapos makita na ang pumasok ay si Severin. Habang sinusuot ang kanyang damit at pantalon, sabi niya, "May problema ka 'ron? Sinasabi mo ba na hindi ako bagay sa kanya? May pera ako at kapangyarihan, kaya hindi ba halata na mas mabuti ako kaysa sa isang tulad mo na talunan sa damit ng palaboy?" Hindi na pinansin ni Severin si Easton. Sa halip, ang mapupungay niyang mga mata ay mariing nakatitig kay Lucy. "Hahaha, nakakatuwa diba? Bumalik ako sayo pagkaabot ko sa 'lebel' na yuj dahil ang plano ko ay ibigay ang buong mundo ko sayo. Gusto kitang gawing pinakamasayang babae sa mundo, pero heto ka, nakikitulog sa lalaking pinilit ang sarili sa'yo sa buong taon na 'yon!" Saglit na huminto si Severin at nagpatuloy, "Hindi kita masisisi kung magdesisyon kang hindi na ako hintayin, pero kailangan mo ba talagang makasama ang isang tulad niya?" Dahil sa pagsabi ni Severin, nagsuot si Lucy ng pantulog at tumayo. Tapos ay taas noo niya sinabi kay Severin, "Ikaw ang nakakatawa rito, Severin. Tama ba ang narinig ko noong sinabi mo na ibibigay mo sa akin ang buong mundo mo? Ano ang maibibigay mo kung madumi ka na? Hindi mo maaabot ang mga pamantayan ng mayayamang binata tulad ni Easton. Matapos tapusin ang kanyang sinasabi, umupo si Lucy sa ulo ng kama at pinagkrus ang kanyang mga paa. Kumuha siya ng sigarilyo, sinindihan, at hinihithit habang nagpatuloy siya, "Buong buhay akong magdudusa kung ikakasal ako sa isang talunan na tulad mo. Kung kay Easton, masisiyahan ako sa buong buhay kong may halaga ng kayamanan at kaluwalhatian. Kaya malinaw na dapat kung sino ang pipiliin ko, kahit ang isang tulala ay kayang hulaan kung sino." "Hahaha, narinig mo 'yon? Kahit ang tanga ay hindi ka pipiliin!" Tumungo si Easton kay Severjn na may mapagmataas na ekspresyon at sabi, "Hehe, di-diretsuhin na kita. Halos kalahating taon nang may nangyayari sa amin sa pagkakulong mo. Nakakagulat pa rin para sa akin na ang girlfriend mo ng tatlong taon sa kolehiyo ay mas piniling makasama ako! Tsk, tsk!" Sinampal ni Severin si Easton gamit ang likod ng kanyang palad, na siyang nagpadugo sa gilid ng labi ni Easton dagdag pa ang dalawang nahulog na ngipin niya. "Nababaliw ka na ba, Severin? Gusto mo bang bumalik ng kulungan?" Nagulat si Lucy sa nangyrari at agad na nagmamadaling dumalo. Lumingon siya kay Easton at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Easton?" Ang reaksyon niya ang nag-iwan ng sobrang pandidiri kay Severin. Malakas na tumama sa isip niya na ang taong gusto niyang bigyan ng kanyang mundo ay sa isang babaeng mukhang pera pa. Kinuyom niya ang kanyang panga, tinuro ang pintuan, at sabi, "Lumayas kayo! Lumayas kayong dalawa!" Tumayo si Lucy, at tumatango-tango habang sabi, "Mataba ang pagkajataon, Severin. Ikaw dapat ang umalis dito! Ang bahay na ito ay kay Easton na ngayon! Akala mo ba hindi binayaran ni Easton ang pinsalang dinulot mo sa kanya? Tsaka, kung gustong-gusto mo ang bahay na ito at may pera ka, pwede ko itong ibenta pabalik sa'yo. Lilipat ako sa villa nila Easton pagkatapos kong ikasal sa kanya!" Pagkatapos ng ilang saglit, tumingin si Lucy kay Severin nang may galit at sabi, "Pero base sa itsura mo ngayon, sa tingin ko ay hindi mo kayang bilhin ito kahit kalahati ng presyo nito." Naikuyom ni Severin ang kanyang mga kamao at malamig na sinabi, "Huwag na. Hindi ko kayang tumira sa ganitong karima-rimarim na lugar." "Walang hiya ka..." sabi ni Lucy, sa kanyang galit, naikuyom ang kanyang kamao at itinaas ito habang siya ay humakbang. Parang gusto niyang suntukin si Severin. Pero, napaatras siya sa takot matapos siyang sulyapan ni Severin. Siya ay isang mapusok na tao na gumawa ng mga bagay nang hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan, at hindi siya nangahas na itaya ang kanyang buhay dito. Kung tutuusin, siya ang tatayong matatalo kung pinatay siya ni Severin sa galit. "Nasaan ang aking mga magulang?" malamig na tanong ni Severin. Nakatira sila sa sira-sirang lumang bahay sa labas ng lungsod! Balita ko may tumutulo sa bubong nila tuwing umuulan!" panunuya ni Lucy. Tapos ay pinagpatuloy niya, "Tsaka, gaganapin ang kasal namjn ni Easton sa Richemont Hotel. Hindi mo na rin kailangang magdala ng regalo dahil halata namang hindi mo kaya, pero libre ka na dumalo sa piging kasama ang iyong mga magulang sa ganoong paraan, kayong tatlo ay magkakaroon ng pagkakataon na kumain ng masarap na pagkain, kayo at ang mga magulang mo ay malamang na makakabili ng karne dalawang beses sa isang buwan o tatlong beses sa isang buwan kung sinuswerte ka!" Tapos ay tumingin si Severin kay Lucy ng isa pang huling beses. "Pagsisisihan mo 'to," sabi niya bago umalis nang hindi lumilingon sa kanya. Nakauwi si Severin sa bahay ng kanyang mga magulang at nakarating din sa labas ng pinto. Habang tinitingnan ang sira-sira nitong lumang bahay, sumakit ang kaila-ilaliman ng kanyang puso. Ang akala niya ay hihintayin siya ni Lucy kahit na nakulong siya, at naniwala siyang hindi aabot sa ganito ang mga magulang niya. Tsaka, binili niya ang bahay para sa kanya at kay Lucy para roon sila manunuluyan pagkatapos ng kanilang kasal, at para rin matulungan ng pamilya ni Lucy ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, kung si Lucy ay naging napakasamang tao sa halos kalahating taon ng kanyang pagkakakulong, iniisip niya kung paano ang buhay ng kanyang mga magulang sa mga taon na wala siya. "Ma, Pa... napakasama kong anak. Pasensya na kung kailangan niyong mamuhay ng ganito." Mahigpit na kinuyom ni Severin ang kanyang kamao habanf nakatingin sa inaanay na kahoy na pinto sa harap nuya. Hindi niya papalagpasin itong lahat. Sa pagkakataong iyon, nakita niya ang isang babae na pina-park ang kanyang electric bicycle sa labas lang ng gate. Nakasuot siya ng helmet, at mukha itong tagapag-padala ng pagkain mula sa fast food chain. Pagkatapos pumasok ng babae sa bakuran, naglagay soya ng kung ano malapit sa pinto at kumatok ng maraming beses bago patakbuhin ulit nang mabilis ang kanyang electric bicycle. Sumimangot si Severin at pinanood siya sa malayo habang papaalis ang babae. Ang buhok niya na hanggang balikat ay magandang nililipad ng hangin. Sa wakas ay bumukas ang pinto, at isang babae na maputi ang buhok nang may kulubot sa kahyang mukha ang lumabas. Pagkatapos lumingon sa lahat ng direksyon, pinulot niya ang mukhang envelope mula sa lupa. Naglakad si Severin sa bakuran nang hindi makapaniwala habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Agad na namula ang mga mata niya, at nagsimulang mangati rin ang kanyang ilong habang tumawag sa nanginginig na boses. "Ma..." Nang narinig ang isang pamilyar na boses, ang babae ay humakbang at nilahad ang kanyang nanginginig na kamay para hawakan ang pisngi ni Severin. "Severin, ikaw ba 'yan? H...hindi ba ako nananaginip? Talagang ikaw ba 'yan, Severin? Bumalik... ka?" Hindi kailanman umiiyak ang lalaki hanggang sa maharap nila ang totoong kalungkutan. at pareho iyon sa nararanasan ni Severin. Ang ina niya na may kulubot sa mukha na mukhang tumanda siya ng dalawampung taon sa limang taon, at makita iyon ang siyang nagpaiyak kay Severin. Lumuhod siya at isang beses na sabi, "Opo, Ma. Ako po ito. Pasensya na sa lahat lahat. Pasensya na at nagdusa kayo ni Papa sa loob ng limang taon." "Natutuwa akong nakabalik ka na. May pagkakataon ka nang bumuo ng bagong buhay para sa iyong hinaharap, kumuha ka ng trabaho, at simulan ang lahat ng sariwa." Ang kanyang ina - na siyang nangangalang Judith Feuillet - ay tinulungan siyang tumayo at niyakap siya nang mahigpit dahil natatakot siya na baka panaginip lang itong lahat. "Huwag kang mag-alala, Ma. Ngayon na nakalaya na ako nang maaga, wala nang kahit na sino ang tutulak sa inyo ni Papa!" Pinunasan ni Severin ang kanyang mga luha at sinubukan na ipanumbalik ang ngiti sa kanyang mukha. Sa oras na iyon, ang lalaking may peklat sa kanyang mukha ay sinipa pabukas ang nangangalawang na gate at nagdala ng ilang mga siga sa kanya habang sumisigaw, "May pera ka na ba, tanda? Huwag mo kaming sisihin kapag naging malupit kami ngayon king maghahanda ka ng hindi hihigit pitong daan ngayon!" Sa oras na marinig iyon ni Severin, mahigpit na sinara ni Severin ang kanyang kamao habang ang malamig na liwanag ay kumislap sa kanyang mga mata. Tama na ang paghihirap na dinala niya sa kanyang ina, at mukhang naging magaspang din ang buhay niya. Walang wala nang pasensya si Severin ngayon na nakabalik na siya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.