Kabanata 11
"Timothy Tanner?" Umasim ang mukha ni Severin nang tumingin siya sa nakangising lalaki sa harapan niya. Hindi siya gaanong masaya, pero pinilit niyang ngumiti at nagtanong, "Anong nangyari sa inyong dalawa?"
Nagagalak na ngumiti si Quinn, "Hindi mo ba nakikita? Kasal na kaming pareho. Kakakasal lang namin hindi pa ganoong katagal ng graduation! Sayang nga at hindi ka nakadalo sa kasal namin, pero naiintindihan namin. Nasa kulungan ka kasi!"
Mas lalong lumubog ang ekspresyon ni Severin, Kahit na nakangiti sila Timothy at Quinn, pinabulaanan ng kanilang mga salita ang mga pahiwatig ng superiority complex. Marahil ganoon ang naramdaman nila dahil mahusay si Severin noong kolehiyo at naging presidente ng student council!
"Saan ka pupunta, Severin?" Tanong ni Timothy.
"Oh, sa Richmont Hotel!" Kaswal na sabi ni Severin.
"Ah ganoon ba! Dadala ka rin sa kasal ni Lucy? Kung ganoon, sakay na!" Ngumiti si Timothy. "Huwag kang mag-alala, luma nga ang damit mo, pero wala lang naman yan sa akin, Kailangan mo rin makaranas na makasakay at makaupo sa isang Audi!"
"Makaupo sa Audi, huh?" Medyo kumunot ang noo ni Severin nang bahagya at bigla rin siyang naglabas ng isang malamig na ngiti at pumasok sa sasakyan. "Sa totoo lang, hindi pa ako nakakaupo sa Audi noon. Talaga bang gawa sa leather ang mga upuan dito?" Nang nagsalita si Severin, hinawakan niya ang back seat at sumigaw, "Whoa! Ang lambot nga!"
"Hehe, tingnan mo. Parang ngayon ka lang nakalabas sa mundo ah. Magandang uri ang sasakyan na ito, nagkakahalaga ng ilang sampung libo!"
Minaneho ni Timothy ang sasakyan nang taas noo at nagtanong ulit, "Bakit hinahawakan mo pa rin 'yan? Mababayaran mo ba kapag nagalusan mo 'yam?"
Ngumiti si Severin at sabi, "Mas gusto ko pa rin sa helicopter. Iyon ang sasakyan ko nang bumalik ako rito!"
"Ehem, ehem!" Si Quinn na siyang nakaupo sa harap, ay halos mabilaukan sa tubog na ininom niya nang narinig ang mga sinabi ni Severin, Binalik niya ang takip ng bote at inikot ito. "Mahilig ka rin pala magbiro, ano? Isang helicopter? Halos mabulusok ako kakatawa!"
Tapos ay tumingin siya kay Severin, "Naalala ko na nakasuot ka ng ganitong uniporme sa kolehiyo, Severin. Bakit suot mo pa rin ang mga ito? Hindi na sila kasya sayo ngayon, 'no? At hinuhulaan ko kung anong gupit 'yan?"
Tapos ay sumingit si Timothy, "Ang Richmont Hotel ang isa sa mga kilalang magarang hotel sa syudad. Alam mo dapat kung paano pagtuunan ng pansin ang imahe mo, pero ang isang pares ng damit, pantalon at leather na sapatos ay sobrang mahal din, kaya ang ayos ng buhok mo ay maayos na rin, Medyo mura ang mga pagupitan ngayon, no?"
Walang pakialam na tumawa si Severin. "Plano ko nga bumili ng isang pares ng damit, pero medyo nahuli na ako at wala nang oras, kay nagdesisyon na lang ako na huwag na lang muna! Wala rin naman akong pakialam sa mga bagay na ganoon!"
"Haha, aminin mo na lang na mahirap ka. Hindi ba't mas mabuti na 'yon kaysa umarte na parang hindi?" Ngumisi si Timothy.
Sinabi ni Quinn nang nakangisi, "Mas madali ang mga babaeng tulad namin, Hindi na namin kailangang magtrabaho nang mabuti, hangga't maayos ang itsura namin ay makakahanap na kami agad ng mayamang lalaking papakasalan!"
Nang marinig iyon ni Timothy, agad siyang sumagot, "Hindi magandang pakinggan 'yan, Quinn. Ibig sabihin hindi mo ako pakakasalan kung wala akong pera?"
"Duh. Gusto mo ba maging mahirap ako sayo?" Inilibot ni Quinn ang kanyang mga mata kay Timothy at naramdaman niyang matatag ang kanyang paniniwala. Pagkatapos niyang magsalita ay hindi niya maiwasang mapatingin kay Severin at umiling. Malinaw kung ano ang sinusubukan niyang ipahiwatig.
"May punto ka!" Humalakhak si Timothy, at sinabing muli, "Nagsisi ka ngayon, 'di ba, Severin? Alam mo namang mayaman si Easton, pero may lakas ka pa ring loob na kalabanin siya. Nanghihingi lang yan ng gulo. Tingnan mo ako. Ako. umasa sa matagal nang pakikipagkaibigan ni Quinn kay Lucy at nakipag-kumpare kay Easton, at nagtayo lang ang lalaki ng isang maliit na kumpanya para sa akin at binigyan ako ng ilang maliliit na proyekto.
Sa pagkakataong iyon, hindi niya maiwasang magmayabang habang sinasabi, "Malapit nang mabigo ang kotseng ito sa aking net worth. Plano kong magpalit ng A8 sa ibang pagkakataon. Ang pagmamaneho ng ganoong sasakyan ay ang tanging paraan para makapagpakitang-tao ako at mapakita ang aking kayamanan at katayuan!"
Napabuntong-hininga si Severin sa sarili matapos marinig ang palitan nina Quinn at Timothy. Hindi niya inaasahan na naging ganoon kamateryalistiko at ka-snob ang mga kaklase niya sa kolehiyo pagkatapos lamang ng limang taon.
"May naisip lang ako, Timothy. Alam mo, kaklase naman natin si Severin noon, 'di ba? Wala naman siguro siyang trabaho dahil kakalabas lang niya sa kulungan, kaya bakit hindi natin siya bigyan ng trabaho bilang security guard? Okay lang naman yun diba?" Nag-isip sandali si Quinn at sinabi kay Timothy.
"Hindi ko magagawa 'yan, sayang. Dati siyang bilanggo. Kung may makaalam na kumuha ako ng dating bilanggo para maging security guard, pangit ang kakalabasan ng impresyon 'non! At saka, ang payat na tulad niya ay hindi yata kayang lumaban? Kung gusto kong kumuha ng isang tao, ito ay ang mga nakakatakot, tipong mga lalaki na kailangan nilang maging matangkad, malakas, at may kakayahang takutin ang mga tao sa pamamagitan lamang ng pagtayo sa pintuan!" sabi ni Timothy.
"May punto ka!" Tumango si Quinn bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay tinanong niya si Severin dahil sa kuryosidad "Nasubukan mo na bang makuha ang magandang panig ni Lucy? Maaaring nakipaghiwalay siya sa iyo at pinakasalan si Easton, ngunit ikaw at siya ay minsan nang magkasama sa loob ng tatlong taon! Sa palagay ko ay walang anumang isyu kung tanungin mo siya kung mabibigyan ka ni Easton ng pera para makayanan mo."
Kinuyom ni Severin ang kanyang kamao nang narinig 'yon. "Nakakatawa! Bakit ako hihingi ng tulong sa g*gong 'yon? Hindi rin karapat-dapat si Easton na dalhin ang mga sapatos ko!"
"Alam kong gakit ka, pero hindi ko masisisi si Lucy sa nangyari. Isipin mo, bakit ka hihintayin ni Lucy kung mayaman naman at makapangyarihan si Easton?" Kinampihan ni Quinn ang matalik na kaibigan niya at siya ang nagsasalita para sa kanya.
Kinuyom ni Severin ang panga niya at galit na sinabi, "Hindi ko na iniisip na hindi niya ako hinintay. Ang sentensiya ko ay hindi lang naman isa o dalawang taon. Ang nagpaparindi sa akin ay ang piliin ang lalaking pinilit ang kanyang sarili sa kanya noon."
Nang binuksan ni Severin iyon, kinuyom niya ang kanyang kamao at sinabi, "Ang pinakakasuklam-suklam na bagay na ginawa niya ay ang pagtanggi na ibalik ang aking dote, ibinenta ang aking matrimonial na bahay kay Easton sa kalahati ng orihinal na presyo, ipinadala ni Easton ang kanyang mga tao upang takutin ang aking mga magulang... at pagkatapos ay hiniling sa aking mga magulang na magbigay ng isa pang malaking halaga para bayaran siya! Maglalaan ako ng oras para makaganti sa kanila, dahil gusto kong maunawaan nila ang mga kahihinatnan ng pagkakasala sa akin!"
"Naku!" Medyo natakot si Quinn nang narinig iyon. Napalunok siya at nag-iingat siyang nagtaning, "Umm... hindi mo naman sisirain ang kasal nila, 'no, Severin?"
Natakot din si Timothy na baka may posibilidad na sirain ni Severin ang kasal ng dalawa. Tinigil niya ang sasakyan at inikot, "Talaga ba, Severin> Sabi mo ay dadala ka ng kasal, hindi ba? Pupunta ka ba para sirain ang kasal? Kung totoo 'yon, natatakot ako na baka hindi na kita maihatid doon, akala ko talaga ay pupunta ka dahil gusto mong mamaalam nang huling sandali kay Lucy."
Malabong ngumiti si Severin. "Kumalma kayong dalawa. Hindi ako pupunta sa kasal niya. Makita lang ito ay mandidiri na ako. Bakit ko magpapaka-martyr 'ron? Pupunta ako roon dahil naimbitahan akong kumain, at ang tao ay mukhang nag-reserve ng pribadong kwarto sa Richomont Hotel!"
"Sino naman 'yan? Nagsisinungaling ka ba sa amin? Sino naman ang mag-iimbita sa'yo sa isang magarang hotel?" Nagtatakang tumingin si Timothy kay Severin. Sa karagdagang pag-iisip, napagtanto niya na si Severin ay nililigawan si kamatayan sa pamamagitan ng pagdudulot ng kaguluhan sa kasal, dahil ito ay katumbas ng pagkakasala sa mga Lough. Pagkatapos ay ibabalik si Severin sa bilangguan ilang araw lamang pagkatapos mapalaya, dahil ang kanyang impluwensya ay namutla kumpara sa mga Lough.
Tsaka, kahit na patayin si Severin doon, ang mga Lough at hindi haharapin ng simple ang birtud kung sino sila. Ilangmga tao ang namatay dahil lang binangga ang mga Lough!
"Ang pangalan niya ay Henry o ano. Henry...uhh...Henry Longhorn!" Nablangko si Severin ng ilang sandali at agad na kalmadong sabi,
"Henry Longhorn?" Tumingin sa isa't isa sina Timothy at Quinn at agad na napasigaw, "Nagbibiro ka, hindi ba? Henry!"
"Oo. Isa siyang matandang lalaki. Bakit gulat na gulat kayong pareho?" Nanatiling kakaiba pa rin si Severin, na parang may sinabi siyang kung ano na parang klima.