Kabanata 67
Nakahinga ng maluwag si Ling Yiran. "Mabuti naman at nagising ka na."
Dahan-dahang umupo si Yi Jinli. Napanaginipan nanaman niya kung paano siya lumuhod at nagmakaawang wag iwanan ng babaeng yun...Dahil ba pinagusapan nila ni Ling Yiran ang babaeng yun bago siya matulog?
"Nanaginip ako." Huminga siya ng malalim at yumuko. Nagulat siya nang makita niyang nakatanggal ang mga butones ng damit niya. "Anong nangyari sa damit ko..."
Nahihiyang sumagot si Ling Yiran. "Kasi...sigaw ka ng sigaw na masakit kaya natakot ako....kaya... tinanggal ko yung mga butones mo para makita ko kung ano yung masakit."
Tinitigan ni Yi Jinli ang mga mata ni Ling Yiran, na sobrang namula ang mukha.
"Pero sinisigurado ko sayo na wala...wala akong nakitang kahit ano kasi nagising ka rin kaagad, kaya wala talaga akong nakita." Hindi mapakaling sgaot ni Ling Yiran.
"Walang namang problema kung may makita ka. Pwedeng pwede mong tignan ang katawan ko."
Dahil dito, lalo pang namula ang mukha ni Ling Yiran
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link