Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

“Kasi…” Nilunok ni Ling Yiran ang natitirang siopao na nasa kamay niya habang hinihintay si ‘Jin’ na matapos sa sinasabi nito. Hindi ganun kasarap ang siopao na dala ni ‘Jin’. Siguro kung ang dating Ling Yiran ang tatanungin, hindi niya talaga ito magugustuhan, pero ngayon, pwede ng pagtiyagaan. Ang importante sakanya ngayon ay ang malamanan ang kanyang sikmura. “Marami kasi tayong pagkakapareha. Pareho tayong inabanduna at ang mga kabuhayan natin ay mas mababa pa sa pinaka mababa sa lipunan. Wala ng gugusto at magaaruga sa atin, pero ngayon kapag kasama na natin ang isa’t-isa, maalagaan kita at maalagaan mo rin ako, tama?” Magkakahalong pag-asa, pangungumbinsi, at pag-aalangan ang mababakas sa ngiti ni Ling Yiran kay ‘Jin’. “Ah ganun ba? Marami pala tayong pagkakaparehas….” Pabulong na sabi ni *Jinli* Habang nakatitig kay Ling Yiran, napangiti siya na para bang isang tigre na nagaantay na malaglag sa bunganga niya ang kanyang biktima nang marinig niya ang sinabi ni Ling Yiran. Siguro masyado ng naging pangkaraniwan ang mga araw niya dahil madali niyang nakukuha lahat ng gusto niya sa isang kumpas lang ng kamay niya, pero ngayon, sobrang nagiging interesado siya sa larong ito. “Ate”. Mahinahon niyang sambit, gaya ng gusto nitong marinig. Nang dahil lang sa simpleng sinabi ni ‘Jin’, abot tenga ang ngiti ni Ling Yiran. — Pagkatapos nilang kumain, sinama ni Ling Yiran si Yi Jinli sa palengke para bilhan ito ng mga bagong damit. Kahit na mura sa ukay-ukay, umabot pa rin sa 500 yuan ang lahat lahat ng nabili nila. Pinasuot ni Ling Yiran ang isang makapal na jacket kay Yi Jinli. “Hindi na ba masyadong malamig?” “Oo. Walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Dahil mas matangkad siya ng di hamak, yumuko siya at tinignan si Ling Yiran ng diretso sa mga mata. “Sa totoo lang, hindi mo naman ako kailangang bilhan ng mga damit. Sanay na ako sa lamig at mas komportable akong suotin ang luma kong damit.” “Hindi ibig sahin na ayos lang na lamigin ka dahil sanay ka na,” sagot ni Ling Yiran. “Wala ako masyadong pera kaya kaunting damit lang ang kaya kong bilhin sayo, pero ang mahala, hindi ka na giginawin.” “Bakit sobrang bait mo sakin?” pabulong na tanong ni ‘Jin’. “Kasi ako ang ate mo.” Nakangiting sagot ni Ling Yiran at aksidente niyang natabig ang kamay nito. Nang mapansin niya sobrang lamig ng mga kamay nito, hinawakan niya ang dalawa nitong kamay at hinipan habang kiinikiskis ang mga ito. “Sobrang lamig ng mga kamay mo kaya kinikiskis ko para medyo uminit,” aniya. Nanlaki ang mga mat ani Yi Jinli dahil hindi niya inaasahan ang mga nangyayari habang ang mga kamay niya naman ay para bang biglang nanigas. Sa tanang buhay niya, wala pang ni isang babae ang kumiskis ng kamay niya para lamg painitin ang mga ito. Sa totoo lang, hindi talaga siya komportable na may humahawak o gumagalaw sakanya, pero bukod tangi noong oras na iyon, hinayaan niya si Ling Yiran na gawin ang gusto nitong gawin dahil para sakanya, mahalaga itong parte para sa laro niya. Nang makita niya na walang reaksyon si ‘Jin’, bigla siyang natigilan at napatingin sa mga kamay niyang puno ng kalyo. “Nasaktan b akita? Medyo magaspang ang mga kamay ko….” Habang nagsasalita, dali-Sali niyang binitawan ang mga kamay nito. Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli nang maramdaman niya na ang init na galing sa mga kamay nito ay biglang nawala. “Palagay ko hindi naman magaspang ang mga kamay mo, pero napansin ko na malamig din ang kamay mo. Ate, bakit hindi mo kiskisin ng mas matagal ang kamay mo sa kamay ko?” Habang nagsasalita, inilatag niya ang kanyang mga kamay sa harap nito na para bang ibinibigay niya ang mga ito kay Ling Yiran. Hindi inaasahan ni Ling Yiran na sasabihin yun ni ‘Jin’, pero masaya niyang hinawakan muli ang mga kamay nito. Kumapara sa maliit niyang mga kamay, parang kamay ng higante ang mga kamay nito. Pero dahil sobrang lamig, mabilisan at paulit-ulit niyang kiniskis ang mga kamay nito gamit ang malilit niyang kamay para gumawa ng init. Yumuko siya at paulit ulit na hiningahan ng mainit na hangin ang kamay nito. Hindi nagtagal, nagumpisa ng mamula ang ilong niya nang dahil sa lamig. Para kay Yi Jinli, ang cute tignan ni Ling Yiran. Hindi sanay si Yi Jinli sa ganitong klaseng mga bagay kaya sobrang nagugulat siya sa bawat ginagawa ni Ling Yiran. Dahan dahan siyang yumuko para tignan ang kamay niya na hawak ng maliliit nito mga kamay. Mukha ngang….pareho silang na ganun kalamig. — Makalipas ang dalawang araw, may natanggap na tawag si Ling Yiran mula kay Ling Luoyin. “Ate, sabi ni papa itatapon niya na raw ang album. Hindi ko siya makumbinsi na wag itapon. Gusto ko sanang ibigay sayo, pero okay lang ba na ikaw nalang pumunta sa akin?” Laking gulat ni Ling Yiran sa balita ni Ling Luoyin dahil ang album na tinutukoy nito ay ang album na puno ng mga litrato nila ng nanay niya bago siya mag tatlong taong gulang. “Kung hindi moa ko pupuntahan, baka tuluyan ng mawala ang album mo,” mahinahong pagpapatuloy ni Ling Luoyin. Sinabi nito ang kumpletong address nito at biglang ibinaba ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot ni Ling Yiran. Natulala si Ling Yiran sa phone na nasa kanyang kamay. Alam niya na hindi basta-bastang ibibigay sakaya ni Ling Luoyin ang album na tinutukoy nito. Malamang, may pinaplano nanaman itong hindi maganda. Pero, ang album nay un ang nagiisang bagay nap uno ng ala-ala nila ng kanyang nanay at literal na lahat ng mahahalagang bagay tungkol sa nanay niya ay nasa album na ‘yun. “Ate?” Isang boses ang biglang gumulat sakanya. Dahil dito, bigla siyang nahimasmasan at huminga ng malalim. “Jin, lalabas lang ako sandal. Matulog ka na.” Habang nagsasalita, nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng kanyang coat, atnaglakad palabas ng kanyang apartment. Sa sobrang pagmamadali, hindi niya na napansin na ang taong naiwan niya sa loob ng apartment niya ay sinusundan siya ng tingin. Pagkarating ni Ling Yiran sa address na ibinigay ni Ling Luoyin, napagtanto niya na isa pala itong clubhouse. Pagkapasok niya sa private room na sinabi sakanya ni Ling Luoyin, nakita niya na hindi lang pala mag-isa si Ling Luoyin dahil may kasama itong lalaki na medyo mataba na sa tantsa niya ay nasa forties na rin ang edad. “Luoyin, yan ba ang ate mo? Diba siya ang dating girlfriend ng Young Master ng pamilyang Xiao?” Tanong ng lalaki habang nakatingin kay Ling Yiran. “Opo, Assistant Director Ge. Siya po ang ate ko. Ate, ito ng apala ang assistant director ng pelikulang ginagawa ko. Matagal ka na niyang gusting makita mula noong malaman niya na naging girlfriend ka ni Xiao Zigi,” nakangiting pagpapakilala ni Ling Luoyin sa kasama. “Nasaan na ang album?” Walang bakas ng kahit anong pakeng sagot ni Ling Yiran. “Kumbinsihin mo muna si Assistant Director He na bigyan ako ng mas maraming screen time. Kapag pumayag siya, ibibigay ko sayo ang album mo.” Pabulong na sabi ni Ling Luoyin na para bang nagbabanta. “Dahil nandito ka, uminom muna tayo.” Kumuha si Assistant Director He ng wine glass at nilagyan ito ng red wine, bilang senyales kay Ling Yiran na uminom din ito. Biglang kumunot ang noo ni Ling Yiran habang nakatitig kay Ling Luoyin. Mukhang balak ng malambing at mabait niyang kapatid na ibenta siya kapalit ang mas maraming screen time nito sa pelikulang ginagawa nito. Kinuha ni Ling Luoyin ang wine glass at iniabot kay Ling Yiran. “Ate, dahil sinira mo ang pagkakataon na sumikat ako noon, hindi naman siguro kalabisan na manghingi ako ng kabayaran ngayon no? Isa pa, kapag nagustuhan ka ni Assistant Director He, Malaki ang posibilidad na gumada rin ang kinabukasan mo. Ginagawa ko rin ‘to para sayo.” “Ngayon lang ako nakarinig ng mga ganyang salita na parang sobrang linis-linis at ang bait-bait ng intension.” Hinawi ni Ling Yiran ang wine glass na hawak ng kapatid na naging dahilan ng pagtapon nito sa sahig. “Ayaw mo ng makuha ang album mo?” Nanggigil na bulong ni Ling Luoyin. “Kahit kalian, hindi ko naisip na maibebenta ko ang katawan ko para sa album na ‘yon,” sagot ni Ling Yiran. Mahalaga sakanya ang album pero alam niya rin na hindi matutuwa ang nanay niya kung gagawinin niya ang gusting mangyari ng kapatid niya. Pero pagkatalikod niya para umalis, biglang nagsalita si Assistant Director He, “Wala ka talagang respeto sa akin, ano? Sa tingin mo ba girlfriend ka pa rin ng young master ng Xiao Family? Ang balita ko kay Luoyin, taga linis ka nalang daw ngayon kaya dapat natuwa ka na inalok pa kitang uminom!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.