Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

“Sh*t! Tignan mo naman tong lalaking to. Mukha namang walang binatbat at isa pa, mukha rin siyang mahirap, kaya bakit ako masisindak?” Dumura si Sun Tenyang at agresibong naglakad palapit sa lalaki para suntukin sana ito. Pero bago pa man niya mailapat ang kamao niya sa lalaki, bigla siyang hinawakan nito ay nginudngod ang mukha sa semento. Kawawang Sun Tengyang! Nang makita ito ng mga kaibigan ni Sun Tengyang, nagmamadaling tumakbo ang mga ito papalapit para bugbugin ang misteryosong lalaking bigla nalang sumulpot. Ang sumunod na pangyayari, nakita nalang ni Ling Yiran na walang kahirap-hirap na binugbog ng lalaki ang tatlong kaibigan ni Sung Tengyang. Sa hindi kalayuan, may isang sasakyan na nakaparada sa isang madilim na eskinita. Habang nakaupo sa loob ng sasakyan, kinakabahang nanunuod si Gao Congming sa eksena at pabulong na nagdadasal, “Sana hindi mawala sa sarili si Young Master Yi” Kapag tuluyan ng nawala sa sarili si Young Master Yi, hindi talaga maganda ang mangyayari. Baka makapatay pa siya. Kinikita na ni Gao Congming kung anong kayang gawin ng Young Master kapag tuluyan na itong kinain ng galit, at ayaw na niya itong makita muli sa buong buhay niya. Ngayong gabi, sinadyang ipasara ni Young Master Yi ang kalsada paramakapag-isa ito, at sino ba namang magaakala na may limang tao at isang Ferrari ang magpupumilit pa ring pumunta dito para istorbohin ang Young Master. Taon-taon, sa parehong araw, palaging ipinapasara ni Young Master Yi ang buong kalsada na ito at mananatili at tatambay lang ito rito habang nakasuot ng lumang damit. Wala ni isang nagtanong kung bakit, na para bang illegal itong malaman. Kahit na matagal ng nagtatrabaho si Gao Congming kay Yi Jinli, maging siya ay hindi rin alam ang rason. Kaya sa oras na ito, habang pinapanuod niya ang kanyang amo na binabalibag ang isang matabang lalaki ng walang kahirap-hirap, paulit-ulit niya lang inuumpog ang ulo niya sa bintana dahil hindi niya alam kung aawatin niya ba ito o hindi. Pero biglang huminto ang amo niya kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Sigurado siya na kaya huminto ito ay dahil ang babae na muntik ng gahasain ay may sinabi dito. “Kapag hindi ka tumigil, mamatay na siya”, takot na takot na sabi ni Ling Yiran. “Ano naman ngayon?” Walang anu-anong sagot ni Yi Jinli habang nakatitig kay Ling Yiran, na hirap na hirap na tumatayo. Biglang natigilan si Ling Yiran nang makita ng malapitan ang itsura ng lalaki. Gwapo at matangos ang ilong nito. Maganda rin ang mga labi nito, pero ayon sa awra nito, para bang wala itong puso at pakielam sa ibang tao. Ang mapupungay nitong mga mata ay parang patay na para bang walang halaga rito ang buhay ng iba. Kung ganun, malamang wala rin itong pakielam sa buhay nito. Huminga ng malalim si Ling Yiran at sinabi, “Hindi worth it na makulong ka dahil sa walang kwentang dahilan.” Makalipas ang ilang sandali na nakatingin kay Ling Yiran, binitawan ni Yi Jinli si Sun Tengyang. Nakahinga ng maluwag si Sun Tengyang, at bagamat duguan, kumapiras siya at ang kanyang mga kasama papunta sa sasakyan niya at kumaripas ng alis. “Magdadala ako ng mga taong bubugbog sa lalaking yan!” Nakangising sabi ni Sun Tengayng Habang ang nag iisang babae naman sa grupo ay pinilipilit alalahanin kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Sa isang party na nadaluhan niya dati, nakita niya na ito sa malayuan. Ang lalaking iyon ay…. “Yi Jinli. Si Yi Jinli yung lalaking yun!” Gulat na gulat na tumingan ang tatalong lalaki at hindi makapaniwalang nagtanong, “Si Yi Jinli? Ang pinaka mayamang lalaki sa Shen City? Imposible yun. “Pero kamukha niya talaga si Yi Jinli.” Giit ng babae. Biglang namutla ang grupo at hindi makapaniwalang nagtingin nalang. —— Habang nakatitig sa lalaki, naiilang na sinabi ni Ling Yiran, “Para sa ginawa mo…maraming Salamat.” “Bakit hindi ka humingi ng tulong?” Sagot ni Yi Jinli habang nakatitig sa mga mata ni Ling Yiran. “Akala ko kasi imposible na matalo mo sila, kaya hindi na rin ako humingi ng tulong para hindi ka na rin mapahamak”, sagot ni King Yiran. Hindi sumagot si Yi Jinli, bagkus, naglakad siya papunta sa sidewalk at umupo at sumandal sa pader. “Hindi pa ba siya uuwi? Sobrang lamig ngayon. Sabi sa balita, baka mag negative 10 degrees ngayon. Kaya kung matutulog siya sa kalsada, buhay pa kaya bukas?” Dahil sa konsiderasyon na iniligtas siya ng lalaki, hindi napigilan ni Ling Yiran na maglakad papalapit sa lalaking nakasalampak sa semento. “Hind ka ba uuwi? Nasaan ba ang pamilya mo? May number ka ba nila? Pwede kitang tulungang tawagan sila para sunduin ka dito.” Nag-aalalang tanong ni Lin Yiran. Dahan-dahang iniangat ni Li Jinli ang ulo niya at ang maganda ngunit walang kabuhay-buhay nitong mga mata ay muli nanamang nagkasalubong ng mata ni Ling Yiran, ngunitpero hindi ito sumagot. Dahil dito, pakiramdam ni Ling Yiran ay parang tumigil ang mundo niya. At bigla nalang niyang naalala ang misirable niyang buhay sa kulungan. Para sakanya, yun ang pinaka madilim na yugto ng buhay niya dahil kahit na buhay pa siya ay wala siyang naramdaman noong mga panagong yun na kahit katiting na pag-asa. “Kung wala kang matutuluyan, sumama ka nalang sakin.” Pangungumbinsi ni Ling Yiran. —— Kahit kailan, hindi naisip ni Ling Yiran na magdadala siya ng lalaking hindi niya kakilala apartment niya. Pero siguro dahil iniligtas siya ng lalaking ito o dahil naalala niya ang malungkot niyang nakaraan sa kulungan, napilitan siyang gawin ito. “Dito ako nakatira. Kung okay lang sayo, maglalatag ako ng banig para makatulog ka,” ayon kay Ling Yiran. Dahil hindi umiimik ang lalaki, kumuha si Ling Yiran ng malinis na tuwalya at bagong sipilyo at ibinigay ang mga ito sa lalaki. “Pwede kang maghilamos sa banyo. Pero, ingatan mo lang yung damit kasi wala akong kahit anong damit na maipapahiram sayo” Pagkapasok ng lalaki sa banyo, agad na inayos ni Ling Yiran ang banig at kumuha ng malinis na kumot. Hindi kalakihan ang apartment na nirerentahan ni Ling Yiran. Nasa 10 square meters lang na studio-type na may banyo. Paglabas ng lalaki sa banyo, basa ang buhok nito. Para itong naligo pero hindi nagpalit ng damit. Nang makita ni Ling Yiran na basing basa ang buhok ng lalaki, kumuha siya ng twalya at sinabi, “Yuko.” Gulat na napatingin ang lalaki sakanya. “Gusto lang naman sana kitang tulungang magpatuyo ng buhok. Walang malisya. Kapag hindi mo kasi tinuyo yung buhok mo, baka sipunin ka.” Nanatiling nakatitig ang lalaki sakanya at matapos ang ilang minuto, antipatiko nitong sinabi, “Nag-aalala ka bas akin?” “Oo.” Sagot ni Ling Yiran habang nakatitig sa lalaki. “Dahil dinala kita dito sa bahay ko, ayokong sipunin ka.” Hindi makapaniwala si Li Jinyi sa sagot ni Ling Yiran ngunit dahan dahan siyang yumuko. Habang tintuyo ang buhok ng lalaki, mulingnagsalita si Ling Yiran, “Anong pangalan mo?” Matagal bago sumagot ang lalaki, “Jin.” “Jin.” Inulit ni Ling Yiran ang pangalan na ito sa pagiisip na palayaw ang ibinigay nito. “Ako naman si Ling Yiran. Saan ka nakatira? Eh ang pamilya mo?” “Wala akong pamilya,” sagot ng lalaki. Bigla siyang natigilan. “Mag-isa siya sa buhay? Yun ba ang dahlan kung bakit siya nagging pulubi?” Pero ganun din naman siya… Buhay man ang pamilya niya, hindi naman niya tinuturing na pamilya ang mga ito. Ang pinagkaiba lang nila ng lalaking nasa harapan niya ay may nirerentahan siyang apartment. “Pareho pala tayo eh,” Natatwang sgaot ni Ling Yiran habang nagpapatuloy sa pagtuyo ng buhok ng lalaki. Nang matuyo na ang buhik nito, kinuha niya naman ang suklay. Nang suklayin niya ang buhok nito, hinawi niya ang bangs na nakaharang sa noo nito, at doon niya nakita na mas gwapo pa pala ito kumpara sa inakala niya. Bihira ang ganong itsura sa mga kagaya nilang East Asian at ang mga mat anito ay medyo nagkaroon na ng buhay kahit papaano kumpara kanina kaya mas nagging interesado siya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.