Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Hindi makapaniwala si Mable. Tatawagan na niya sana ang lolo niya ng makita niya ang balita sa laptop screen. [Ang unang socialite ng Ashdale, si Marissa Jefferson, ay pakakasalan ang pinakamatandang anak ng pamilya Snyder, kumpirmado na ang araw ng kasal.] Sa ilalim ng headline ay ang wedding photo ni Marissa at Dane. Gulat na tinignan ni Mable ang litrato. Ang isa sa dalawang tao ay pinsan niya, habang ang isa naman ay fiance na inengage sa kanya limang taon na ang nakararaan. Ikakasal sila! Bukod pa doon, may wedding photo na. “Hayop ka! “Sa tingin ba ni Marissa at Dane patay na ako?!” Mabilis na tinignan ni Mable kung anong nangyari sa pamilya Jefferson sa nakalipas na dalawang taon at nalaman ang dalawang mahalaga na bagay. Ang una ay inanunsiyo ng pamilya Jefferson ang pagkamatay niya dalawang taon na ang nakaraaan. Bukod pa doon, naganap ang punerarya para sa kanya. Ang ikalawa ay si Tandang Jefferson ay nasaktan ng husto na naging dahilan para mastroke siya at maparalisa. Ang lolo ni Mable ang isa sa mga tao sa pamilya Jefferson na nakakaalam kung anong kakayahan ni Mable. Malibana na lang kung nakita niya ang kanyang bangkat, hindi siya maniniwala na namayapa na siya. Kung iisipin sa lohikal na paraan, hindi dapat alam ng pamilya Jefferson na hinunting siya at nahulog sa bangin dalawang taon na ang nakararaan. Maliban na lang… Tinitigan ni Mable ang bank card account na chineck. Sumingkit ang mga mata niya. Sapagkat namatay na ang mga magulang niya sa murang edad, bilang tagapagmana, pinakalaki siya ng lolo niya. Kapag namatay siya, mapupunta ang pagmana sa ikalawang pamilya. Noong inisip ito ni Mable, naintindihan na niya ang lahat. Kinuha ni Rahman ang wine mula sa cabinet at ipinagbuhos siya ng red wine. Ngumiti siya ng kaunti, “Mabes, marami akong tao na dala sa pagkakataong ito. Sapat na sila para burahin ang pamilya Jefferson!” Malamig siyang tinignan ni Mable, “Huwag ka makielam!” Naupo si Rahman sa sofa at nagtanong, “Anong problema? Hindi ka maghihiganti para dito?” Hinigop ni Mable ang wine. Ngumiti siya ng masama at nagtanong, “Mabait ba akong tao?” Pinitik ni Rahman ang mga daliri niya at nugmiti. “Kahit na nakita ko pagkalipas ng dalawang taon, hindi ka pa din nagbabago!” “Magimpake ka na. Babalik ako sa Ashdale bukas,” sambit ni Mable. … Sa sumunod na araw. Dahil hindi nakatulog ng maayos si Mable, nagsuot siya ng eye mask para magbawi ng tulog habang nasa eroplano. Noong nagising siya, 10,000 metro na ang taas ng eroplano. Tinignan niya ang orasan at nakita na may isang oras pa bago bumaba ang eroplano. Naupo ng diretso si Mable at pinatunog ang bell para tawagin ang flight attendant, humingi siya ng baso ng red wine. “Mable?” Nakarinig siya bigla ng pamilyar na boses sa tabi niya. Humarap si Mable at nakita ang guwapong mukha ni Blair. “Malas!” Sumingkita ng inaantok na mga mata ni Mable at nagtiim bagang, gusto niyang magmura. Mahirap para sa kanya na makita si Blair pagkatapos ng paghihiwalay. Bakit nakikita niya ngayon ang taong ito kung saan saan kahit na hiwalay na sila?! Interesadong tinitigan ni Blair si Mable. Nasa dalawang oras na flight sila pero hindi niya napansin kung sino ang katabi niya. “Sinabi ba sa iyo ni Tracey na papunta ako sa Ashdale para sa isang business trip?” kalmadong tanong ni Blair. Sumimangot si Mable. “Sa tingin mo sinusundan kita?” “Hindi ba?” umirap si Mable. “Blair, puwede ba tumigil ka sa pagiging walanghiya?!” Ang upuan ni Rahman ay sa kabilang side. Noong narinig niya ang boses ni Blair, inalis niya ang kanyang eye mask at tinignan siya. “Kamalas-malasan nga naman!” Hindi binigyan pansin ni Blair si Rahman at tinanong si Mable, “Bakit ka pupunta sa Ashdale?” Bago pa makapagsalita si Mable, nagsalita si Rahman. “Bilang dating asawa, anong karapatan mo makielam sa buhay ni Mable?!” Sadyang binigyan diin ni Rahman na si Blair ay dating asawa habang galit. Sinulyapan siya ni Blair ng malamig bago sinabi, “Hindi pa namin natatanggap ni Mable ang divorce certificate!” “Ibig sabihin ako pa din ang legal niyang asawa!” Ngumisi si Rahman. “Hindi ba’t may first love ka? Bakit ginugulo mo pa din ang Mabes ko?!” “Peste!” Nagdilim ang mukha ni Blair ng marinig ang tungkol sa first love niya. Sa oras na ito, may komosyon bigla sa rear cabin. “Isa itong hijack!” “Walang kikilos kung hindi papatayin namin kayo agad!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.