Kabanata 8
Sa sumunod na sandali, hinampas ni Gavin si Hamilton gamit ang tungkod niya at pinagalitan siya, “Ikaw na bata ka! Ang lakas ng loob mo na imbestigahan si Andrew? Gusto mo na ba mamatay? Kung gusto mo, gugulpihin na kita ngayon at tutuparin ang hiling mo!”
Nagkaroon ng bukol si Hamilton sa noo, nainis siya dahil dito. Ngunit, matapos makita ang galit ni Gavin, umatras siya sa takot.
“Bakit mo ako sinaktan bigla, Ama? Iniisip ko lang naman ang kapakanan ni Doria. Hindi naman ganoon kaseryoso ang desisyon mo!”
Habang malagim ang ekspresyon, suminghal si Gavin at sinabi, “Hindi seryoso? Huwag na huwag mo mamaliitin si Andrew. Masuwerte ka dahil wala ka ng nalaman na iba pa. Kahit ako hindi kita mapoprotektahan sa kahihinatnan mo! Ang kailangan mo lang malaman ay ang kasal ay malaking pabor para sa aatin. Tumigil ka na sa pagiimbestiga mo!”
Matindi ang awtoridad ni Gavin. Malinaw na hindi siya nagbibiro.
Matapos marinig ang babala ni Gavin, nagbago ang ekspresyon ni Hamilton.
Si Kenneth Thompson, ang nakababatang kapatid ni Hamilton at ama ni Doria, ay hindi pa umuuwi ng matagal na. Marahil nasa lihim na misyon siya dahil sa espesyal niyang papel. Naghihinala si Hamilton na si Kenneth ay nakarating na siguro sa rank na commander sa mga oras na ito.
Base sa reaksyon ni Gavin, mukhang mas mataas ang posisyon ni Andrew doon. Bigla niya napagtanto, “Ama, si Andrew ba ay may kinalaman sa Josonian—”
“Ngayon at alam mo na, siguraduhin mo na hindi ito kakalat.”
Nakumpirma ang hinala ni Hamilton sa ugali ni Gavin. Napahinga siya ng malalim dahil ang kasal na ito ay halos imposible para sa pamilya nila.
Naguluhan si Susan, pero hindi siya nagtanong. May tiwala siya kay Gavin at naniniwala na makabubuti para sa kanila ang kanyang desisyon.
Si Doria na nakakapit sa braso ni Andrew ay pumasok sa kuwarto ng malapad ang ngiti, “Nandito na ako, Lolo, Tito Hamilton.
“Ma! Nandito ka din!” nakita niya si Susan at dumiretso si Doria sa kanya.
“Siyempre, kailangan na nandito ako.” Malambing na tinignan ni Susan si Doria bago tumingin kay Andrew. “Ikaw siguro si Andrew.”
Mukhang malayo si Andrew, dahil nagkukunwari sila. Sa totoo lang, kinakabahan siya na baka mahuli sila, alam niya na maliban sa maiinis ang pamilya Thompson, magiging masama ang dating nito kay Lucas.
“Mr. Thompson Senior, Mrs. Thompson at Mr. Thompson.” Matapos batiin ang lahat, ibinaba ni Andrew ang mga regalo.
“Parte ka na ng pamilya ngayon, kaya huwag ka maging pormal. Maupo ka sa tabi ko, Andy. Naayos na ba ninyo ang marriage certificate? Titignan ko.”
Sabik na kinuha ni gavin ang marriage certificate na inabot ni Doria at natuwa siya.
“Mabuti. Aalis na ako, aayusin ko agad ang kasal ninyo mismo. Bilisan ninyo, at bigyan ako ng cute na apo! Mamamatay ako ng masaya doon.”
“Lolo!” nahihiyang sinabi ni Doria, namumula siya.
Masaya ang dinner. Pero, out of place ang pakiramdam ni Andrew.
Mukhang tunay na natutuwa si Susan sa kanya, mainit ang pagtanggap niya. Ngunit, hindi mapigilan ni Andrew ang pagbabago ng ugali ni Hamilton sa kanya. Kakaiba dahil palakaibigan si Hamilton sa kanya.
Natapos ang dinner noong 9:30pm. Inutusan ni Gavin si Doria na ihatid si Andrew pauwi para may oras sila magkasama.
Hind inaasahan, nastuck sila sa traffic, dalawang kanto ang layo mula sa Starlight Grove.
“Ibaba mo na lang ako dito. Nasa residential area tayo at madalas na traffic sa ganitong oras. Puwede na ako maglakad mag-isa mula dito,” ideya ni Andrew.
Ngunit, iniliko ni Doria ang sasakyan sa tabi at pumarada doon. “Maglalakad ako kasama ka. Kasal na nga naman tayo. Kailangan ko malaman kung saan nakatira ang asawa ko.”
Natawa si Doria. Masyado siyang absorbed sa papel niyang “asawa”.
Naintindihan ni Andrew na nagbibiro lang siya. Hidni niya alam kung hanggang kailan nila kailangan na magkunwari, kaya hindi na masama na kilalanin nila ang isa’t isa. “Tara na.”
Si Doria at Andrew ay magkatabing naglakad sa tabing kalsada. Mukhang natural ang lahat, hangang tumingin ang mga nakakasalubong nila sa kanila.
“Buhay na buhay dito. Marami bang bakante sa Starlight Grove? Mukhang maganda tumira dito minsan,” sambit ni Doria, nilalasap niya ang masiglang paligid.
Sumagot si Andrew, “Nagbebenta sila ng lupa noon. Sa kasamaang palad, nabili na ang lahat at hindi na nagpaparenta sa publiko.”
Espesyal ang mga estado ng mga residente sa Starlight Grove. Kahit na mura ang mga halaga, hindi ito bukas para sa kung sino lang.
Matapos marinig ang mga salita ni Andrew, naging interesado si Doria at sinabi, “So, hindi ka pangkaraniwang tao. Well, may sense nga naman. Dahil miracle doctor ka, madali siguro para sa iyo na makuha ang gusto mo.”
Hindi na nagkumento si Andrew doon. Isinama lang niya si Doria papasok sa bahay. Pero bago sila dumating sa pinto, nagulat siya. Nakatayo doon si Bernice.
“Bernice? Paano mo akong nahanap?”
Matapos makita si Andrew, hindi rin natutuwa si Bernice. Ang mood niya ay sumama ng makita ang isang babae na nakatayo sa tabi ni Andrew. Para mas lumala pa ang sitwasyon, mas maganda ang babae sa kanya.
Dahil sa impluwensiya ni Bernice at koneksyon sa Thenswy, hindi mahirap para sa kanya na hanapin si Andrew. Hindi niya alam na may sorpresang nakahanda para sa kanya.
“Hindi ko talaga ito inaasahan, Andrew. Kakahiwalay lang natin, ay may iba ka ng babae na iiwui. Bulag ba talaga ako sa kung sino ka, o magaling ka lang itago ang tunay mo na sarili?”
Mapanghamak na tinignan ni Bernice si Andrew at sinabi, “Mukhang may nakita ka ng iba. Baka dapat mas maaga akong nakipaghiwalay sa iyo. Hindi na sana ako naging sagabal sa iyo.”
Pinagdikit-dikit ni Doria ang impormasyon sa pag-uusap nila. Kumapit siya ng malambing sa braso ni Andrew at ngumiti ng malapad kay Bernice.
“Ikaw siguro si Bernice. Nabanggit ka na ni Andrew. Bakit ka naparito? Kung hindi ito mahalaga, baka puwedeng sa ibang araw ka na bumisita.”
Matapos ito sabihin, ngumuso si Doria kay Andrew. “Honey, nagugutom pa ako. Bumalik na kaya muna tayo, at ipagluluto kita?”
Kinilabutan si Andrew sa malanding panglalambing ni Doria! Para siyang sirena!
Maganda si Doria at pati ang katawan niya, pero mukhang hindi niya alam kung gaano kapaektibo ang paglapit niya kay Andrew. Ang pangkaraniwang lalake ay mahihirapan sa ganitong sitwasyon.
Habang pinapanood ang eksena, malinaw na naniinis si Bernice. Pakiramdam niya may sumugat sa puso niya. Habang mas matagal na pinapanood ni Bernice si Andrew, lalo siyang nagiging estranghero sa kanya. Ang tatlong taong pagsasama nila ay parang ilusyon na lang.
“Naparito ako para sa isang dahilan, Andrew. Sinaktan mo ba ang nanay ko at si Favian dahil sa galit? Dahil ba sa hiniwalayan kita?” gusto ng paliwanag ni Bernice mula kay Andrew.
Samantala, may napagtanto si Doria. Tinignan niya si Bernice at walang pakielam na sinabi, “Mali ka. Hindi sinaktan ni Andrew ang nanay mo. Ako iyon!”