Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 16

Nasa labas si Bernice ay nakikipaginuman sa mga kliyente niya ng matanggap ang tawag ni Darlene. Matapos marinig nag nangyari, itinigil niya ang kanyang ginagawa at nagmadaling tumungo sa ospital. Habang nagmamaneho siya, halo-halo ang mga emosyon niya. Bakit ba laging si Andrew? Bakit lagi siyang nakikielam sa buhay niya? Lalong nagalit si Bernice ng makita ang bugbog saradong kundisyon ni Favian. Dahil binaluktot ni Darlene ang katotohanan, si Andrew ang ginawa na masamang tao na umatake sa kanila. Pero, kahit na galit siya, nanatili siyang tuwid sa pag-iisipin. “Ma, bakit ninyo hinanap si Andrew?” Dahil kilala niya ang kanyang nanay, alam niya na may impormasyon na hindi nabanggit. Kita ang guilt sa mga mata ni Darlene bago niya iniba ang topic ng pag-uusap. “Huwag mo na iyon isipin. Ang mahalaga ay inatake kami. Hindi ba’t binalaan na kita tungkol kay Andrew? “Sa Andrew ay inggratang sinusuklian ang kabaitan ng kasamaan. Sa nakalipas na mga taon, mabuti ang trato natin sa kanya. Pero tignan mo kung anong ginawa niya simula ng maghiwalay kayo.” Nagkaroon ng pagdududa sa isip ni Bernice dahil sa sinabi ni Darlene. Maaaring si Andrew ang tunay na masamang tao tulad ng sinasabi ng nanay niya. “Ma, huwag mo na ito isipin. Makikipagkita ako kay Andrew bukas at pagpapaliwanagin siya.” Matapos bantayan si Favian sa gabi, tumungo si Bernice agad sa Starlight Grove pagkatapos ng almusal. 7:30 AM, si Andrew at Raymond ay nag-aalmusal sa batong lamesa sa park. Habang nag-uusap sila, may mga nalaman si Raymond tungkol sa relasyon ni Andrew sa pamilya Collins. Hindi nagbigay ng payo si Raymond tungkol sa relasyon. Nagbigay lang siya ng ideya, “Bilang lalake, dapat self-reliant ka. Mapa pisikal na lakas ito para protektahan ang mga mahal mo sa buhay at bansa o abilidad na kumita ng pera, kailangan ang pagtatrabaho ng mabuti para umani ng respeto.” Pagkatapos, nagbigay siya ng suhestiyon para sa pagbabago ng routine ni Andrew. “Ang payo ko ay kalimutan mo na ang workout mo at samahan ako sa pag-eensayo ng martial arts.” Hanga siya sa self-discipline ni Andrew, naniniwala si Raymond na kahint na mahina ang pangangatawan ni Andrew, may potensyal siya na gumaling sa cultivation. “Pag-iisipan ko ito,” kaswal na sagot ni Andrew. Hindi pa niya ganoon kakilala si Raymond, kaya wala siyang dahilan para magpaliwanag. Bigla, tumunog ang phone ni Andrew, nagulat siya. Sinong tatawag sa kanya ng ganitong pagkaaga-aga? Ang tumatawag ay walang iba kung hindi ang lolo ni Bernice, si Edward Collins. Sinagot ni Andrew ang tawag. “Lolo Ed!” “Nakikita ko na naalala mo pa ako. Matagal na kitang hindi nakikita. May nangyari ba?” Kahit na may bakas na pinapagalitan siya sa boses ni Ed, may pag-aalala din dito, kung saan naramdaman ito ni Andrew. “Naging abala ako, bibisita ako sa iyo sa loob ng dalawang araw,” sagot ni Andrew, balak na magpalusot at tagalan ang pagbisita niya. Ngunit, nakita ni Ed ang plano niya. “Tumigil ka na sa pagtatalo mula sa akin. Hindi pupunta dito si Elise kung hindi mahalaga. Pumunta ka na ngayon din!” Hindi pa tapos magsaltia si Edward ng marinig niya ang boses ni Elise mula sa kabilang linya na nagrereklamo. “Hindi ba ako puwede bumisita dahil sa gusto ko?” Habang nakikinig sa pagtatalo nila sa kabilang linya, napangiti siya. Bumuntong hininga siya ng mababaw at sumangayon. Noong nilisan ni Andrew ang Starlight Grove, dumating si Bernice, at nagkasalisihan sila. … Ang Collins residence ay madalas na tahimik, si Edward lang at housekeeper ang nandito. “Lolo, may mga ubas dito,” alok ni Elise, inilagay ang mga prutas sa bibig ni Edward ng maingat, mabuting apo ang dating niya. Nilasap ni Edward ang atensyon at nag relax sa rocking chair niya, pinapaypayan ang kanyang sarili habang nagtatanong, “Elise, kumusta ang job hunt? Mapilit ka pa din sa hindi pagpasok sa kumpanya ng kapatid mo?” “Hindi ako magtatrabaho para sa kanya. Maraming kumpanya na ang kumontak sa akin at nag-aalok, pero hindi pa ako nakakapagdesisyon.” Kahit na si Elise at Bernice ay kambal, magkaiba sila ng landas na tinahak sa buhay. Hindi nagtagal bago grumaduate si Bernice, nagpakasal siya kay Andrew at nag simula ng kumpanya niya. Ibinuhos niya ang lahat enerhiya niya sa pagkita ng pera. Sa kabilang banda, si Elise naman ay nag-aral ng mabuti at nagkaroon ng PhD sa scientific research. Madali para sa kanya ang makahanap ng trabaho. Ito mismo ang dahilan kung bakit may personality gap sa pagitan nilang magkapatid. Bukod pa dito, dahil sa pagtrato ni Bernicek ay Andrew sa nakalipas na tatlong taon, naging dahilan ito ito para magtanim siya ng sama ng loob sa kanyang kapatid. Lolo, anong sa tingin mo kung magsisimula ako ng sarili kong kumpanya?” bigla nakaisip ng ideya si Elise. Natwa si Edward ng marinig ito, sinabi niya, “Balak mo makipagkumpitensiya sa kapatid mo? Sa kasamaang palad, masyado kang inosente para sa mundong ito. Masasaktan ka lang kung makikihalubilo ka sa lipunan.” Ang pagkakaroon ng business ay sobrang iba sa pagiging empleyado. Kailangan mo makilala ang iba’t ibang klase ng tao. Isang mali lang at maaari ka mapunta sa sitwasyon na hindi ka na makakabalik. “Kung hindi ko ito mismo kayang gawin, puwede ako humingi ng tulong kay Andy. Siguradong gagawin niya ito ng mabuti,” biro ni Elise. Ikinunsidera ito ni Edward at tumango siya. “Totoo, magaling si Andy. Seryoso siya sa kanyang trabaho at mas maganda ang pananaw kaysa sa inyo ni Bernice. May kakayahan siyang magtagumpay. Pero ang focus lang ni Andy ay si Bernice. Baka hindi siya sumangayon na tulungan ka.” Dahil dumating na siya sa edad niya, mas magaling siyang kumilatis ng tao kaysa sa iba. Kahit na hindi ito binanggit ni Andrew noon, may kutob si Edward na si Andrew ay may papel sa tagupay ni Bernice. Natawa si Elise. “Hindi sasangayon si Bernice. Sa mga mata niya, walang kuwenta si Andy at walang kakayahan.” Bago pa siya nakapagpatuloy, naramdaman niya ang pamaypay as ulo niya. Pinagalitan siya ni Edward, “Itigil mo ang kalokohan mo.” Nasaktan si Elise at ngumuso. Nakatulog si Edward habang nakabilad sa araw. Makalipas ang kalahating oras, duamting si Andrew sa hardin. “Andy, nandito ka na!” matapos hindi makita si Andrew ng ilang araw, emosyonal siyang tinignan ni Elise. Pinilit ngumiti ni Andrew at tumango bago lumapit kay Edward. “Kakatulog lang ni Lolo. Ikukuha muna kita ng tubig. Maupo ka,” bulong ni Elise. Pero sumenyas lang si Andrew sa alok niya, ang ekspresyon niya ay malagim ng mapansin ang pawis sa noo ni Edward sa sikat ng araw sa umaga. Napansin din ni Elise ang pagbabago sa kundisyon ni Edward. Tinginan niya si Andrew habang nag-aalala ang kanyang ekspresyon. Matapos maramdaman na may katabi siya, iminulat ni Edward ang mga mata niya. Umubo siya sandali bago bumulong, “Andy, nandito ka.” Gusto niya sana na maupo ng tuwid pero dahil mahina ang katawan niya, napahiga siya ulit sa upuan. “Mahiga ka lang at huwag gumalaw,” sambit ni Andrew. Pagkatapos, tinignan niya ang pulso ni Edward. Pagkatapos, tinignan ni Andrew ng seryoso si Edward. “Hindi mo iniinom ang gamot mo sa nakalipas na dalawang araw, tama? Hindi ba’t sinabi ko na hindi ka dapat tumigil sa gamot mo? Kung hindi, mahihirapan ang katawan mo na gumaling.” Si Elise, na naktayo sa tabi ng lamesa, ay may naalala. Sumimangot siya at sinabi, “Sabi ko na at may nakalimutan ako. Noong pumunta ako kahapon, napansin ko na wala ng gamot sa medicine box.” “Baka hindi nagpapadala ng gamot si Bernice?” Noong nalaman ni Bernice na si Andrew ay isasama si Edward sa doktor, hindi siya nagkumento, inassume na tungkulin ito ng asawa niya. Pagkatapos, si Bernice na nag naghahanda ng kanyang gamot. Lagi niyang sinisiguro na may gamot at hindi magkakaproblema kapag ipinadala niya ito. Hindi siya nabigo na icheck sa nakalipas na tatlong araw, hindi naantala ang pagdating ng gamot. Noong magtatanong si Andrew tungkol dito, nagpakita si Bernice sa pinto. Nanigas si Bernice ng makita si Andrew. Pagkatapos, pinagalitan niya si Andrew, “Ang lakas ng loob mo na bumalik dito!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.