Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Narinig ni Elise ang pinaguusapan ni Bernard at Darlene. Pumunta siya sa kanyang kuwarto at maingat na isinarado ang pinto at inilabas ang kanyang phone para tawagan si Andrew. … Samantala, si Andrew at Doria ay nasa Rayonner Teahouse. Nakaupo sila ng magkaharap. Ang floor-to-ceiling window sa tabi nila ay nagawang ipakita sa kanila ang night view ng Thenswy. Kasabay ng musika ang magandang pakiramdam sa paligid, pero nanatiling walang emosyon si Andrew. May kaunting komunikasyon sa pagitan ng dalawa, at wala rin naman silang masyadong mapag-uusapan. Mukhang napagkasunduan nila na ang bagay tungkol sa VitaCare Pharmaceutical Group ay hindi sapat para pag-usapan nila. Habang kumakain sila, nakatanggap si Doria ng tawag mula kay Gavin. “Hi, Lolo. Nasa labas kami ni Andrew, kumakain. May mga bagay siyang aasikasuhin ngayong gabi. Huwag mo na ito alalahanin, Lolo. Aayusing ko ito.” Ibinaba ni Doria ang tawag at nahihiya ang itsura niya. Pagkatapos, sniulyapan niya si Andrew. “Si Mr. Thompson Senior ba iyon? Anong sinabi niya?” Narinig ng kaunti ni Andrew ang pinaguusapan nila sa phone pero nagtanong pa din siya. Namula si Doria at sinabi niya, “Hindi ba’t kakahiwalay mo lang? Nag-aalala si Lolo na baka wala kang matutuluyan, kaya sinabi niya na iuwi kita.” Maaaring hindi ito malinaw na sinabi ni Doria, pero naintindihan agad ni Andrew. Walang dahilan para ang mga bagong kasal ay matulog ng magkahiwalay. Marahil gusto ni Gavin na may mangyari na sa kanila sa lalong madaling panahon. “Kung hindi mo gusto na nakatira ka sa Starlight Grove, puwede ka lumipat sa amin. Ang villa namin ay maraming kuwarto. Kung hindi, baka maghinala si Lolo sa mga susunod na araw,” ideya ni Doria bago sila naging tahimik pareho. Hindi sumagot ng direkta si Andrew. Sinabi lang niya, “Kaya dapat mo gamitin ang pagkakataon na ito para ipaalam sa kanya.” “Gaano ka ba katanga? Hindi ba talaga ako ganoon kaganda?” bulong ni Doria matapos marinig ang sagot ni Andrew. Kumpiyansa siya lagi sa ganda niya. Hindi mabilang ang dami ng mga lalake na gusto siyang ligawan. Si Andrew lang ang kaya maging ganito sa kanya na tila walang pakielam. Nararamdaman niya na ang pride niya bilang babae ay hinahamon. Umirap si Doria. Pakiramdam niya gusto niyang biruin si Andrew ng may tumunog bigla na phone, nagulo ang pinaplano niya. Sumimangot ng kaunti si Andrew ng makita ang caller ID. Tinanggihan niya ang tawag. Pero, tumunog ito ulit bago pa niya maibaba ang phone. Walang tigil ito. Mukhang walang intensyon ang tumatawag na sumuko. “Bakit hindi mo sagutin ang tawag? Baka emergency ito,” suhestiyon ni Doria. “Andy! Alam na ni Bernard at nanay ko kung saan ka nakatira. Pupunta sila doon para gumawa ng gulo. Hindi ka dapat umuwi. Humanap ka ng matataguan sa ngayon. Sasabihan ko si Lolo kung makakaisip siya ng solusyon.” Mukhang nababalisa si Elise at kinakabahan. Nag-aalala siya na baka masaktan si Andrew. “Naiintindihan ko. Hindi mo na kailangan makielam. Hindi pa magaling si Lolo Ed, kaya huwag mo siyang abalahin hanggang sa gumaling na siya. Tumigil sandali si Andrew bago bumuntong hininga, “Elise, huwag mo na ako tawagan para sa mga ganitong bagay sa hinaharap. Wala ng namamagitan sa amin ng kapatid mo.” Si Andrew at Elise ay parang magkapatid. Bukod pa dito, ang pag-amin ni Elise ay gumulat kay Andrew. Hindi pa niya napapagdesisyunan kung sino siya para sa kanya. Ngayon at wala na siyang koneksyon sa pamilya Collins, ang pananatiling nakokontak siya ni Elise ay abala. Kailangan ni Andrew na linawin sa umpisa pa lang at hindi na kailangan patagalin; masasaktan lang ang lahat. Nararamdaman ni Elise na dumidistansiya si Andrew. Kahit na nararamdaman niyang tinutusok ang puso niya, pinilit niyang ngumiti. “Hindi ako nakikielam sa inyo ni Bernice. Hindi ko na talaga kaya manatili dito. Hindi ko lang gusto na makita kang nasasaktan. “Hindi pa alam ni Lolo na hiwalay na kayo, pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko ito kayang ilihim. Welcome ka pa din para bisitahin si lolo anumang oras.” Ibinaba ni Elise ang phone, natatakot siya na baka mabigo siyang pigilan ang pag-iyak niya. “May nangyari ba? Makakatulong ba ako?” tanong agad ni Doria ng makita ang pagbabago sa mood ni Andrew. “Wala ito. Kaya ko ito asikasuhin,” sagot ni Andrew at sumenyas siya. Hindi siya nababagabag sa maitim na balak ni Bernard at Darlene. Ang bumabagabag sa kanya ay guilt niya kay Edward. Sa tatlong taon nilang pagsasama ni Bernice, inalagaan siya ni Edward ng husto, itinuring niya na sariling anak niya si Andrew. Masama ang pakiramdam niya. Matanda na nga si Edward, at lumala ang kalusugan niya sa nakalipas na mga araw. Naisip ni Andrw at napagtanto na isang buwan na simula ng huli niyang bisitahin si Edward. Mabilis na natapos ang first date nina Andrew at Doria ng 9:00 pm. Tumanggi si Andrew sa alok ni Doria na ihatid siya pauwi. Nag-taxi siya pauwi. May tatlong sasakyan sa entrance ng Block 13. Sa loob ng isa sa mga itim na commercial vehicles, si Bernard ay kausap si Mike Gambino, lalakeng may buzz cut. “Mr. Clarke, gusto ko muling kumpirmahin na si Andrew Hughes ay hindi maimpluwensiyang tao. Ang mga nakatira sa lugar na ito ay mga mula sa maimpluwensiyang mga background. Kung may mangyari nga talaga, hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kay Joshua.” “Wala kang kailangan alalahanin. Ang hayop na iyon ay nakikitira lang sa asawa niya,” kumpiyansang sinabi ni Bernard. Nabigyan ng kasiguraduhan si Mike sa mga salita ni Bernard. “Okay. Wala na akong aalalahanin. Sa oras na dumating siya, babaliin ko ang isa sa mga binti niya.” Ang dalawang lalake ay ngumiti ng masama habang nakatingin sa isa’t isa. Makalipas ang sampung minuto, isang pamilyar na tao ang nakita ni Bernard. “Nandito na siya!” Noong lumapit si Andrew, bumukas ang pinto ng tatlong sasakyan ng sabay. Ilang nakasisindak na mga lalake ang bumaba. Si Darlene at Favian ay humarang sa daan ni Andrew. “Sawakas nandito ka ng hayop ka. Tignan natin kung sinong magliligtas sa iyo ngayon!” “Nasaan na ang babaeng kasama mo noong isang araw? Bakit hindi mo siya kasama?” galit na sinabi ni Darlene ng mapansin na hindi kasama ni Andrew si Doria. Dahil alam na ni Andrew na pupunta sila, hindi na siya nagulat sa pagpapakita nila. Sa halip, mapanghamak siyang nagtanong, “Mukhang ipinatawag mo ang buong baraggay, huh? Anong gusto mo?” “Anong gusto namin? Papatayin kita, ikaw na hayop ka!” galit na sigaw ni Favian, ang mga emosyon niya ay nag-aalab sa loob niya. “Ang sampal na inabot ko noong huli, pagbabayaran mo ito ng sampung ulit ngayon!” Hindi natakot si Andrew sa mga pananakot nila. Sa totoo lang, natutuwa pa siya. Lumapit si Bernard. Matindi ang galit sa mga mata niya, “Andrew, huwag mo sana isipin na bully ako. Bibigyan kita ng pagkakataon. Magmakaawa ka sa harap ko. At lisanin mo na ang Thenswy. Papatawarin kita pagkatapos.” Hindi takot si Bernard kay Andrew. Para sa kanya, tae lang si Andrew. Nandidiri siyang tignan ang tao sa harap niya. Ngumisi si Andrew ng marinig ang gusto mangyari ni Bernard. Tinginan niya ang lahat bago mapanglait na sinabi, “Sigurado ka? Sa mga kasama mong ito? Hindi ba’t masyado mong pinapangunahan ang sarili mo?” Nagalit si Mike at mga tauhan niya sa sinabi ni Andrew. “Gusto ko ng mga matitigas ang ulong tulad mo. Sana kaya mo pa din maging arogante kapag nagmamakaawa ka na sa akin mamaya.” Hindi gusto ni Mike na pinapatagala ang mga bagay. Nasiguro niya ang posisyon niya sa larangang ito dahil walang awa siya. “Baliin muna natin ang binti niya!” Noong natapos siya magsalita, ang ilan sa mga tauhan niya ay lumapit kay Andrew ng masama ang ngiti nila. Sa oras na ito, isang malalim na boses ang maririnig, ang sinabi nito, “Sinong nagbigay ng karapatan sa mga taong katulad ninyo na gumawa ng gulo? Mga walang sinusunod na batas!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.