Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie! Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon. “Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.” Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango. Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club. Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho. “Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumin ko na ito!” Ang kanyang mga luha ay nagsimulang tumulo bago pa man siya magsimulang uminom. “Sandali lang.” Isang malalim na boses ang mabagal na nagsalita mula sa kadiliman. Ang likod ni Jane ay nakatalikod sa madilim na kantong ito, ngunit ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig ng malakas ay hindi niya sinasadya sa mga sandali na marinig niya ang boses na iyon. Gumapang ang takot sa kanyang mga mata at ang kanyang paghinga ay lalong bumigat, “Tumalikod ka,” utos ng boses na nasa kadiliman. Ang mga binti ni Jane ay kasing bigat ng bakal at hindi siya makakilos, paulit-ulit na sinasabihan ang kanyang sarili, ‘Hindi niya ako kinakausap.’ “Isang beses ko na lang itong uulitin muli. Tumalikod ka. Cleaner.” “Uhh...” Pakiramdam ni Jane na sinapak siya sa puso, ngunit alam niya na kailangan niyang gawin ang sinabi niya. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at tumalikod siya ng mabagal, nabbalot ng makapal na mga damit. Ang kapaligiran ay talagang kakaiba. Masasabi ng lahat na mayroon bagay na hindi tama ngayon. Ang mayabang na master ay nilagay ang kanyang mga daliri sa kanyang labi at sumipol ng masaya. “Nakakatuwa ito.” Ang isa sa mga lalaki sa couch ay sumigaw, “Tumahimik ka nga, Ray. Huwag mong guluhin ang palabas.” “Kung gayon, bwisit ka, Elior White. Masama ka talagang tunay.” Ang mga mata ni Jane ay napupuno ng takot. Gusto niyang tumakbo palayo sa lugar na ito! Nakulong siya ng tatlong taon. Iyon ay 1,095 na araw na buhay sa impyerno. Matapos na makalaya sa walang katapusang kawalan, wala siyang lakas ng loob na magkaroon pa ng romantikong pagasa para kay Sean Stewart. Ang nararamdaman na lang niya para sa taong ito ngayon at tunay na pangamba at takot. Kahit na kung siya ay mayroong iba pang pakiramdam ng pagmamahal o kagustuhan para sa lalaking ito, matagal na niya itong ibinaon ng malalim sa kanyang puso, sa kung saan hindi na ito muling sisikatan ng araw. “Itaas mo ang iyong ulo.” Ang mabagal na boses ay utos sa kanya at si Jane ay sumusunod sa kanyang bawat salita tulad ng isang manika. May kadiliman dito at ang lalaking iyon ay nakatago sa isang madilim ng gilid. Wala siyang lakas ng loob na tumingin sa paligid ng pumasok siya sa kwarto, kaya hindi nakakapagtaka na hindi niya ito nakita. Si Sean Stewart ay nakaupo sa couch sa isang kanto na parang isang hari, ang kanyang mahaba at balingkinitang mga braso ay nakalagay sa gilid ng couch. Nakapatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang kamay, elegante at maginoo, ngunit ang mga mata sa likod ng gintong salamin ay nakatitig sa kanya tulad ng isang gutom na lobo, handang sumunggab sa kanya at atakihin siya sa anuman sandali. Ang tatlong taon ay hindi nagpalipas sa kanyang kinang. Sa halip, ang pagdaan ng panahon ay lalo lang nagpakinang sa kanya, lalo siyang mas naging nakakasilaw. Ang mukhang iyon ay medyo natatakpan ng kadiliman, na para bang natatakpan ng gintong ilaw. Nakaupo lang siya doon, nagpapakita ng nakakabighaning aura. Gayunpaman… hindi siya naglakas loob na tumingin sa kanya! Desperado niyang tinago ang kanyang mukha sa makapal na damit sa kanyang dibdib. “Pfft.” Natawa si Sean, malamig na katuwaan ang makikita sa kanyang mata habang nagsasalita siya, “Matagal tagal na ding hindi tayo nagkita. Anong problema? Hindi mo ba ako babatiin?” Sobrang putla na ni Jane. “Mr. Stewart.” Sinubukan ni Jane na alisin ang takot sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga daliri ay nakabaon ng maigi sa kanyang mga binti at pinipilit niya ang kanyang sarili na magmukhang kalmado. Subalit, ang lalaki sa couch ay madaling napansin ang mga ito sa kanyang bawat kilos. Nanliit ang mga mata ni Sean ay sinuri si Jane… Kung hindi niya nakasalubong ito dito sa East Emperor, siguradong halos makakalimutan na niya na buhay pala siya. Hindi na niya ito mamukaan. Kung ang tagapagsilbing iyon ay hindi tinawag siyang ‘Jane’, hindi niya aakalaing siya nga iyon. Ang ilaw ay medyo madilim, kung kaya hindi niya gaanong makita ito ng maayos. Gayunpaman, hindi mapigilang aminin ni Sean na siya ay nagbago ng higit pa sa kanyang inaasahan. “Saan ka pinakawalan?” Kaswal na tinanong ni Sean. Biglang kinabahan si Jane, ang lahat ng dugo sa kanyang mukha ay natuyo. Itinaas niyang bigla ang kanyang ulo at nagmamakaawang tinignan ng lalaki… “Nagmamakaawa ako sayo, huwag mong sabihin iyan. Huwag mong sabihin sa mga taong ito na nakulong ako, nagmamakaawa ako sayo!” — Malinaw niya nababasa ang mga salitang iyon sa kanyang mga mata! Itinaas ni Sen ang kanyang kilay. Bago pa man malaman ng kahit na sino ang nangyayari, tinuro niya ang bote na hawak ni Susie at binigyan si Jane ng malamig na ngiti. “Alam ko ang sinasabi mo. Sige. Pagbibigyan kita sa kahilingan mo kung tuluyan mong mauubos ang bote ng alak na hawak mo ng tuluyan.” Tinignan ni Jane ang bote ng vodka na hawak ni Susie, at namutla na parang patay ang kanyang mukha. Ito ay Bots Vodka, isa sa mga kilalang brand ng vodka. Mayroong itong 40% na alcohol content. Nakatitig si Jane sa bote ng vodka, puti na parang papel at binuksan ang kanyang bibig sinusubukang may sabihin. Ang lalaking nasa couch ay parang isan mangangaso na nakikipalaro sa laruan na kanyang tinatapakan. Ang kanyang itim na mga mata ay nakatuon ng maigi kay Jane. “Ang aking pasensya ay may hangganan.” Ang pamilyar na boses na iyon ay lalong nagpaputla kay Jane. “H… Hindi ko kayang uminom.” Ng marinig niya ang kasinungalingang iyon, namanhid ang anit ni Jane. Ang tingin na iyon ay talagang nakakamatay o kahit papaano ay umuubos sa kanya. Hindi niya nakikita, tahimik niyang sinara ang kanyang mga kamao… Na parang bilanggong nasa death row na inaantay ang kanyang hatol, pinigil niya ang kanyang hinga sa pagaantay sa huling hatol. “Mr. Stewart, s-sige na patawarin niyo na ako.” Itatapon ni Jane ang kanyang dignidad kung ibig sabihin nito ay mabubuhay siya. Lumuhod siya at nagmakaawa, “Nagmamakaawa ako, pagbigyan niyo ako ng isang pagkakataon. Gagawin ko ang kahit ano hanggat hindi ko kailangan inumin ang alak na iyon.” Gusto niyang mabuhay, dahil kailangan niyang mabuhay kung gusto niyang bayaran ang kanyang mga utang. Tama ka diyan, mayroon siyang malaking utang na kailangan bayaran. Subalit, ang pinagkakautangan niya ay hindi si Rosaline Summers. Nakatago sa madilim na sulok, ang itsura ng lalaki ay napuno ng gulat, ngunit ito ay biglang nawala sa isang iglap. Matapos nito, walang pakiramdam na sinabi ni Sean, “Isang bote lang yan ng alak, ngunit nagmamakaawa ka sa lapag dahil sa ayaw mo itong inumin? Jane Dunn, ano ang nangyari sayong kiallang pride? Asan na ang dignidad na hawak mo hanggang sa pinakahuli?” Dignidad? Ang mukha ni Jane ay nakadikit na sa lapag, na may bahid ng duda at kalungkutan. Ano ang dignidad? Nakakain ba ito? Maaari ba nitong hayaan siyang mabuhay? Lumuhod siya hindi dahil sa gusto niyang iwasan ang bote ng vodka, ngunit dahil—gusto niyang mabuhay! Pinikit niy ang kanyang mga mata, dahil sa mga sandaling gawin niya ito, nakikita niya ang isang mukha na puno ng kahihiyan sa kanyang isipan. Mayroon lamang isang eksepsyon pero ang babaeng iyon ay namatay sa isang madilim at basang kulungan! Dahil kay Jane! Lahat dahil sa kanya! Sobrang batang buhay, halos dalawampung taong gulang pa lang, ang rurok ng kanyang kabataan. Pero siya ay nalanta at namatay sa ganoong klaseng lugar, ng ganoon na lamang. Itong lahat ay dahil sa kanya, lahat dahil kay Jane! Iyon ang kasalanan ni Jane, ang kanyang utang, bagay na hindi niya kailanman na mababayaran! Wala siyang utang kay Rosaline Summers na kahit na ano, ngunit may utang siya sa babaeng matapang na humarap para protektahan siya sa kulungan, ang babae na namatay sa walang kwentang kadahilanan! Hindi tumitigil sa panginginig ang katawan ni Jane.Pakiramdam niya na nakikita niya ang duguang katawan ng babaeng iyon na nakahiga sa kanyang mga braso muli, tinatawag ang pangalan ni Jane habang sinasabi kay Jane ang tungkol sa kanyang kinalakihang bayan at ang kanyang mga pangarap sa matamis na boses na narinig ni Jane… habang siya’y nakahigang namatay.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.