Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4 Pagabala sa Isang Romantikong Engkwentro

Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng si Jane ay magsimulang magtrabaho sa East Emperor. Ng ang gabi ay dumating, ang sobrang abalang bayan na ito ay kikinang ng may mga mapangakit na matitingkad na ilaw. Kakalinis lang ni Jane sa suka ng isang lasing na babae. Kahit na mabagal siyang gumalaw, epektibo siyang magtrabaho. Matapos iyon, nagsindi siya ng mabangong insenso at iniwan ito sa isang tabi. Ang mop na kanyang hawak ay nilinis ang bawat isang cubicle sa banyo at pagdating niya sa dulong cubicle sa pinakalikod. Dito niya itinatago ang kanyang mga panlinis at nagpapahinga sa pagitan ng kanyang mga gawain. Ito ay napaka ayos at malinis. Ang tagapagsilbing na naghatak sa kanya dito para linisin ay matagal ng wala, ngunit walang pakialam si Jane. Inilagay niya ang mop at ang timba sa gilid ng maayos bago umupo sa tabing cubicle at nakatulala. ‘Jane, ang lahat ng ito ay ayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.’ ‘Jane, wala ka na ngayon. Wala na ang iyong pamilya na pinagmamalaki mo, wala na ang maganda mong itsura at ang iyong mahusay na kwalipikasyon sa edukasyon. Wala ka na ngunit dating bilanggo ngayon!’ ‘Jane, makinig ka na lang at sundin ang kung ano ang sinabi sayo. Huwag ka ng lumaban pa. Kung sabagay, sabi ni Mr. Stewart na ‘alagaan ka ng maigi’.’ ‘Jane, isa ka lang bilanggo sa kulungan, kaya bakit mo kailangan ang iyong parehong kidney? Kung ibibigay mo ang isa sa mga ito, maaari kang makasalba ng buhay kapalit ng iyong pinatay.’ ‘Jane… Sumuko ka na, huwag ka ng pumalag...’ Ang mga boses na iyon ay parang mga sumpa at ang mga mukhang iyon ay nagiibang anyo habang minumulto ang kanyang mga isipan. Hindi maalis ni Jane ang mga ito sa kanyang isipan gaano man niya kahirap na subukan. “Jane, lumabas ka na. Kailangan ka nila sa VIP room sa sixth floor, Roon 606.” Ang pintuan ng cubicle ay biglang bumukas at ang taong nandoon ay nakasimangot habang minamadali si Jane na kumilos. “Dalian mo at tumigil ka na sa pagbabagal mo. Kahit na ang top model dito ay hindi kasing yabang tulad mo, hay nako.” Si Jane ay mandalas tahimik at mahiyain at ginagawa niya ang lahat ng sabihin sa kanya. Hindi kailanman siya gumanti o nagsalita pabalik kahit na pinahihirapan na nila siya at ito ngayon ay bukas na sikreto sa club. Kahit na sino na nasa masamang pakiramdam ay maaaring ’ibuhos’ kay Jane sandali kung gustuhin nila. “Ang hostesses ang namamahala sa kanilang mga private rooms.” Sinabi lang ni Jane ang totoo, ngunit ang kanyang mga salita ay sa katunayan ‘pagtataksil’ sa mga tenga ng tagapagsilbi. Ang ekspresyon ng tagapagsilbi ay biglang nanlamig at pinag ekis niya ang kanyang mga kamay sa harapan ng kanyang dibdib. “Ang kliyente ay sumuka. Sinasabi mo bang dapat ayusin ni Luna ang nakakadiring bagay na iyon?” Ito ay nakakadiring gawain na hindi dapat gawin ni Luna, ngunit dapat gawin ni Jane. Ang tagapagsilbi ay walang bahid ng pakialam sa nararamdaman ni Jane. Tulad ng inaasahan, hindi na lumaban si Jane. Sinabi niya, “Ah, sige”, at lalo lang pinababa ni Jane ang tingin ng tagapagsilbi sa kanya. Ibinaba ni Jane ang kanyang mga mata at sinundan ang tagapagsilbi papunta sa elevator. Biglaan, siya ay tinulak palabas ng elevator. Naguguluhang tinignan ni Jane ang tagapagsilbi at ang tagapagsilbi ay tinignan siya ng masama.”Anong tinitingin tingin mo? Maghagdan ka. Pang anim na palapag lang iyon, hindi iyon sobrang taas. Sa totoo lang, ayos lang ito.” Nilalait na tinitigan ng tagapagsilbi si Jane, “Makakatulong pa ito sa pagbawas ng iyong timbang.” Si Jane ay hindi mataba. Sa kabaliktaran, siya ay hindi natural na mapayat. Subalit, nakasuot siya ng makapal na damit araw araw sa pagpasok niya, kaya nagmumuka siyang mataba at malamya. Ang tagapagsilbi ay malinaw sadyang pinapahirapan si Jane at kahit na sino ay gagawin ito away. Gayunpaman, ito ay si Jane na pinaguusapan natin. Ang tagapagsilbi ay sigurado na hindi ito mauuwi sa isang away. Tulad ng akala niya, si Jane ay masunuring umakyat ng hagdan. Ng ang mga pintuan ng elevator ay sumara, ang tagapagsilbi ay sinara ang kanyang labi. ‘Walang kwentang basura.’ Ang tanging tunog na maririnig mula sa madilim na hagdanan ay ang mga yapak ng paa ni Jane. Ito ang emergency staircase, kung kaya karamihan ng tao ay hindi pumupunta dito, sumasakay sa elevator diretso sa floor na kanilang pupuntahan. Ang luhar ay madilim, kaya maliban sa mga emergency, mayroon lamang isa pang beses na magpupunta ang mga tao dito— at ito ay kapag may patago silang pagkikita. Si Jane ay mabagal na naglakad, paakyat ng hagdanan. Siya ay medyo pagod na sa sandaling nakaabot na siya sa fifth floor, kung kaya huminto siya saglit para magpahinga. Iyon ay ng mayroon siyang marinig na inggay… Ang puso ni Jane ay kumabog at tumingin siya pataas at nakita ang isang lalaking nakayakap sa babae sa isang gilid, ang kanilang kilos ay mainit at nabigat., Kung saan siya nakatayo, nakikita niya ang likod na babae at kalahati ng itsura ng lalaki. Sinumpa niya ang kanyang swerte. Anong klaseng pangyayari ang nakasalubong niya. Paalis na sana siya ng tahimik ng ang nakapikit na mga mata ng lalaki ay biglang bumukas at tumitig sa kanya ng malagkit. Ang puso ni Jane ay kumakabog ng malakas ngayon at siya ay pumikit pabalik sa lalaki. Ang lalaki ay mukhang napansin ang kanyang tingin. Mula sa kanyang itsura sa gilid, nakita niya ang isa sa itim nitong mga mata na nakatitig sa kanya, kumikinang ng mas malakas pa sa bituin. Ang kanyang puso ay nabigla at yumuko siya, itinaas ang kanyang paa para bumaba sa hagdaanan. “Tumigil ka diyan.” Ang anit ni Jane ay namanhid ng marinig niya ang boses sa likod niya… Hindi niya gustong mapalapit sa gulo, ngunit wala siyang masasagbi tungkol sa kayang gawin ng mga mayayaman at makapangyarihang mga tao. Pinagisipan niya ito at tumalikod siya yumuko ng magalang. “Magandang araw, sir. Pasensya na sa pagabala ko.” Itinuro ni Jane ang emergency exit patungo sa sixth floor tulad ng sabi niya, “Ako’y cleaner na tinawag papunta sa Room 606. Nagkataon lang na nakasalubong ko kay at naabala ang inyong kasiyahan. Kung maaari lang na makadaan ako.” Subalit ang lalaki ay naging interesado, hindi nagulat sa kanyang magaspang na boses. “Isa kang cleaner? Kahit na sobrang bata mo?” Ang kanyang nakakaakit na mga mata ay tinignan siya Jane taas hanggang baba. “Kung gayon pupunta ka ng Room 606, huh?” Sasangayon pa lang si Jane ng ang lalaki ay nagbigay ng utos. “Halika, dadalhin kita doon.” Ha? .. Tumingin si Jane sa lalaki, nalilito at sinundan siya matapos ang sandaling pagdadalawang isip. Kilala ni Jane ang babae na kasama ng lalaki. Siya ang bagong model, na ang stage name ay Jenny. Ng makita ni Jenny na lumabas na ng emergency exit ang lalaki, sinundan niya ito. Ang lalaki ay biglang huminto at tumalikod, siabihan si Jenny, “Ang sabi ko dadalhin ko siya doon hindi ikaw. Hindi mo na ako kailangan sundan pa.” Sumimangot si Jenny sa lalaki, umiiyak; “Master Soros, iniwan mo na ba ako agad…?” Habang sinasabi niya iyon, isang check ang biglang lumitaw sa harapan niya at si ‘Master Soros’ ay nginitian siya. “Pwede ka ng umalis?” Kuminang ang mga mata ni Jenny at bigla niyang tinigil ang pagiyak, masayang kinuha ang check at nagpasalamat sa kanya. Nakita ni Jane na habang ang mukha ni Soros ay nakangiti habang inaabot ang check, ang kanyang mga mata ay puno ng pangungutya. Mukhang napansin ni Soros ang tingin ni Jane sa kanya at biglang tumingin pataas, pinapakita ang nakakaakit na titig sa kanya. “Anong problema Nahulog ka na ba sakin?” “Huh?” Si Soros ay pinakita ang mga muscles sa kanyang kayawan at bago pa man niya malaman ito, nasa kanyang harapan na ito. Siya Jane ay hindi gaanong matangkad, kung kaya naman sa sandaling makalapit si Soros, nagmukhang siyang mas maliit lalo. Nanliit ang kanyang mga mapangakit na mga mata, ibniaba ang kanyang tingin at tumingin sa maliit na ulo na may itim na buhok na nasa harapan ng kanyang dibdib. Bigla, bumaba siya ng kaunti at sinabi sa kanyang tenga, “Talaga bang nahulog ka na sakin? Mahal mo ba ako bilang tao o dahil sa aking pera?” Naramdaman ni Jane ang mainit na hinga sa kanyang tenga at ang kanyang mga tenga ay tuluyang namula ng biglaan! Bigla siyang napaatras, ngunit nakalimutan ang kanyang dating pinsala sa paa. Ng bigla siyang umatras, ang kanyang binti ay nanginig at nawala ang kanyang balanse. Sa sandaling iyon, handa na siyang gumulong. Subalit, isang malaking kamay ang biglang lumitaw sa kanyang baywang at nasalo siya sa tamang oras.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.