Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Sa loob ng rented apartment. Nakahiga si Luna sa sofa ng may malamig na mukha sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa lalaking busy sa loob ng kusina. Noong magkasama sila, kapag sinabi ni Joshua na gutom siya, tatayo si Luna para paglutuan siya sa kahit na anong oras, kahit na alas dos na ng madaling araw. Hindi pa siya nakapagluto dati . Hindi pa siya nakapasok dati sa kusina, ngunit ngayon, nagluluto siya ng seryoso, para lahat ito kay Nellie, na siyang nakilala niya lang ng wala pang isang araw. Pumikit si Luna. Tila marunong pala magluto si Joshua, ngunit hindi niya ito ginawa dati dahil hindi mahalaga si Luna para sa kanya. Mabuti na lang at mabuti ang pakikitungo ni Joshua kay Nellie. At least, hindi siya masama at malupit na tulad ng dati. … Sa Blue Bay Villa. Habang nakaupo si Nellie sa upuan na pambata, tiningin niya ang pangit na pagkain sa harap niya at tahimik na kinuha ang cookies na ginawa sa kanya ni Luna. “Hindi na po ako gutom, Daddy, kaya’t ito na lang po ang kakainin ko.” Sumimangot si Joshua at tumingin siya sa cookies na mas malaki lang ng konti sa mani. “Sapat na ba ‘to?” Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi, natatakot siya na ipakain sa kanya ang pangit na lutong ito, mabilis niyang tinakpan ang plato. “Bata lang po ako at hindi po ako kumakain marami, kaya’t higit na po sa sapat ‘to!” Pagkatapos, tumingin siya sa itim na luto habang may bahid ng takot sa kanyang mga mata. Binasa ni Joshua ang bawat kilos at ekspresyon ni Nellie, may lumabas na bahid ng irita sa kanyang mga kilay. Pagkatapos ng ilang minuto, naubos na ang munting babae sa mga cookies niya. Nilapag niya ang plato, ngumiti, at tumingin sa matangkad na lalaki. “Daddy, aakyat na po ako sa taas para matulog!” Tumayo si Joshua, kinarga si Nellie, at umakyat ng hagdan papunta sa taas. “Gusto ko pong pakinggan ang istorya ng little mermaid.” habang nakahiga siya sa pink na kama, kumurap ang malaking mga mata ni Nellie sa lalaking nakahiga sa tabi niya. “Daddy, magaling ka po bang magkwento ng mga istorya?” Binuklat ni Joshua ang fairy tale book. “Siguro.” Matapos ang ilang saglit, sumimangot ang lalaki at nagsimula na siya, “Once upon a time, sa ilalim ng dagat, may isang grupo ng mga magagandang sirena na nakatira dito…” “Daddy.” tumingala ang munting babae para tumingin sa kanya. “Masyado pong matindi ang pagbabasa niyo!” Nabigla si Joshua. Sinubukan niyang hinayan ang malamig at malalim niyang boses, kaya’t nagsimula ulit siya, “Isang araw, ang isang munting sirena…” “Daddy, hindi po ba kayo marunong magkwento ng istorya?” Binulong ng munting babae na tila na agrabyado siya, “Malakas ang Daddy ni Nellie, pero hindi niya kayang magkwento ng mga istorya…” Tumahimik si Joshua at huminga siya ng malalim. “‘Wag na tayong makinig sa mga istorya. Matulog na lang tayo, okay?” “Hindi po okay...:” Tumulo ang luha sa mga pisngi ng Little Princess. “Kapag hindi po ako nakinig sa isang istorya, magkakaroon po ako ng masamang panaginip…” Lumambot ang puso ni Joshua habang nakatingin siya sa luhaang mukha ng munting babae. Malambing niyang ginulo ang buhok ng babae. “Naalala ko na hindi mahilig umiyak ang nanay mo. Itong ugali na ‘to na mabilis umiyak, kanino mo ‘to nakuha, hmm?” Ngumuso si Nelle. “Mahilig din pong umiyak si Mommy. Nung maliit pa po ako, tuwing gigising ako ng madaling araw, makikita ko po na palihim na nagpupunas si Mommy ng mga luha niya.” Tila nasuntok si Joshua dahil sa sinabi ng babaeng ito. Tumitig siya ka kay Nellie, sinabi niya ng medyo namamaos, “Ang Mommy mo… Madalas ba siyang umiyak?” “Opo.” Tinikom ni Nellie ang mga labi niya. “Pero dahil sinabi ni Daddy na hindi mahilig umiyak si Mommy, baka nga po tama ka. Baka po ang ugali ko na madaling umiyak ay nagmana sayo, Daddy!” Hindi alam ni Joshua kung tatawa o iiyak siya. Sinabi niya lang, “Hindi umiiyak si Daddy.” Sumandal sa ulo ng kama si Nellie habang sumesenyas ang mga kamay niya, na tila nagdadalawang isip siya na magsalita. Matapos ang ilang saglit, tumingala siya at tumingin sa malamig na mukha ni Joshua. “Nung iniwan ni Mommy si Daddy, hindi ka po ba umiyak?” Napahinto si Joshua sa mga salitang ito. Tumingin siya kay Nellie ngunit hindi na siya nagsalita. Matapos ang ilang saglit, tumayo si Joshua, “Matulog ka na, may mga gagawin pa akong trabaho.” Tinikom ni Nellie ang kanyang bibig at humawak siya sa dulo ng kumot niya. “Pero Daddy…” “Mag pakabait ka.” Tumingin ang lalaki sa pinto ng hindi lumilingon sa likod. “Hahanap si Daddy ng tamang tao na mag aalaga sayo.” Pagkatapos sabihin ito, naglakad na palayo ang lalaki gamit ang mahaba niyang mga binti. Nakahinga si Nellie sa maliit na kama habang gumugulong gulong, nag aalala siya at nalilito. Anong pwede niyang gawin? Tila galit nanaman ang Daddy niya sa kanya... …… Naghanda ng simpleng tanghalian si Luna para kay Neil; wala siyang ganang kumain. Kahit na nagsend ng mga message si Nellie sa kanya upang masigurado na ligtas siya, ito pa rin ang unang pagkakataon na wala ang anak sa tabi niya, at nag-aalala talaga siya dahil dito. Pagkatapos ng tanghalian, binitbit ni Neil ang kanyang bag at umalis na siya. “Mommy, hinihintay po ako ni auntie Anne sa baba. Pupunta na po ako sa school!” Tumango si Luna habang sinamahan niya pababa si Neil. Matalinong bata si Neil. Bago sila nakauwi, nag sign in na siya para sa art lessons. Malapit sa hospital ni Anne ang center, kaya’t sinundo niya si Neil habang papunta sa trabaho. Panatag si Luna na ipasama ang anak niya kay Anne. Kung sabagay, magkasama sila sa mga sitwasyon na halos mamatay na siya. Pagkatapos magpaalam kay Neil, umuwi na si Luna at naghugas siya ng plato pagkatapos ihatid si Neil, ngunit pagkatapos niya, tumunog ang doorbell. Kakalipat niya lang kahapon. Sino ang bibisita sa kanya? May nakalimutan ba si Neil? Nagbuntong hininga siya at binuksan ang pinto para magreklamo, “Kailan ka ba matututo na…” Naputol ang pagsasalita niya nung bumukas ang pinto—may matangkad na lalaki na nakatayo sa labas. May suot na gray jacket si Joshua. Tila malamig siya at walang pakialam. “Hello.” Iba ang pag uugali niya kumpara sa mapagmataas niyang ugali na ipinakita sa Blue Bay Villa, kalmado lang siya. “Ms. Luna, gusto kong makipag usap sayo.” Humalukipkip si Luna habang nakasandal siya sa pinto habang nakatingin siya sa ng kalmado sa mukha ni Joshua. “Ano pong meron?” Masikip at madilim ang corridor ng rental apartment, at may basa ring amoy sa ere, naging hindi komportable si Joshua dahil dito. Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. “Pwede ba nating pag usapan sa loob?” “Hindi.” nagbago ng postura si Luna at hinarangan niya si Joshua. “Mr. Lynch, kung ano man po ang sasabihin niyo, dito niyo na lang po sabihin.” “Isa po akong single na babae, at sa tingin ko po ay mas mabuti na hindi ko po kayo papasukin, kung sakali lang po na isipin niyo na pinababalakan ko kayo.” Mas kumunot ang noo ni Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Siya ang unang babae na kumausap kay Joshua ng ganito, at ang babaeng ito ay ang katulong na nag apply sa kanya para alagaan ang anak niya! Sa mga normal na sitwasyon, lalayas na lang siya agad, babantaan na alamin niya kung sino ang kinakausap niya. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Naalala niya pa rin na ang babaeng nasa harap niya ay ang paborito ni Nellie, kaya’t sinabi niya ng walang pakialam. “Luna, tinanggap ka na namin. Simula ngayon, magpapatuloy ka sa pag alaga kay Nellie.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.