Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 603

Agad na natulala si Luna. Hindi niya inaasahan na agad na mahuhulaan ni Joshua na alam niya kung sino si Hailey, kung kailan noong nakaraan lang ay pinaghihinalaan nito na siya si Hailey. Ang katalinuhan ng lalaking ito… ay higit pa sa imahinasyon ni Luna. Huminga siya ng malalim at nanatili siyang kalmado. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Mr. Lynch. Paano ko naman malalaman ang balita tungkol kay Hailey?” Tumawa si Joshua. Sumandal siya sa sofa at elegante siyang nag dekwatro. Kalmado ang tingin niya. “Paulit ulit ka niyang pinupuntirya. Nagsimula ito noong nasa Sea City tayo. Matagal at paulit ulit ka niyang pinuntiya, gusto niyang kunin ang buhay mo. Ayon sa pagkatao mo, imposible para sayo na umupo lang at tumahimik. Pero, mula sa impormasyon na nakuha ko, wala ka pang ginawa kay Hailey, na nagtatago lang sa dilim. Kaya, ang tanging posibilidad lang ay matagal mo nang alam kung nasaan si Hailey. Alam mo rin ang lahat ng sikreto niya. Ito

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.