Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 19

“Mommy! Ang romantic!” Habang nakaupo siya sa Ferris Wheel, lumuhod si Nellie sa upuan at tumingin siya sa tanawin ng buong amusement park. Sabik siyang pumalakpak. “Hindi ko alam na malaki po pala ang amusement park!” Nagsayaw ng masaya ang batang babae na sumakay sa Ferris Wheel ng unang beses. “Kapag tumaas pa tayo, kasing liit na ng mga langgam ang mga tao sa amusement park!” Nakaupo si Luna sa tabi niya at tinapik niya ng mahina ang likod nito, napuno ng emosyon ang puso niya. Nagdusa ang tatlong anak niya, lalo na si Nellie. Mabait ba bata siya, at kung hindi siya pinanganak sa ganitong pamilya, siya ay magiging isang Little Princess na minahal ng lahat. Ang unang pagbisita niya sa amusement ay hindi sana nung anim na taong gulang na siya. Hindi sana siya pupuntiryahin ng isang tao na tulad ni Aura. Namuo ang kalungkutan sa lalamunan ni Luna habang iniisip ito. Huminga siya ng malalim, tinaas ang kanyang kamay para yakapin si Nellie, at nilapag ang kanyang ulo sa leeg ng batang babae. “Pangako sayo ni Mommy na kapag natapos ang lahat ng ‘to, sasamahan kita hangga’t sa gusto mo, okay?” Lumingon si Nellie at tumingin siya sa mga mata ni Luna. “Gagaling din po ang sakit ni Nigel, hindi po ba?” Tumango ng seryoso si Luna. “Oo.” “Mommy…” nilabas ni Nellie ang kanyang maliit na mga kamay at niyakap niya ng sabik si Luna. Nang magyakapan ang mag ina, napunta sa pinakataas na punto ang sinasakyan nilang car sa Ferris Wheel. Crack! May malakas na tunog, nanginig at tumagilid ang Ferris Wheel. “Ah!” hindi nakahawak si Nellie sa handrail habang gumulong siya sa sahig, hindi makatayo ng matatag ang katawan niya dahil sa malakas na pag alog. Nang makita ito ni Luna, natakot siya at halos tumalon ang puso niya mula sa dibdib niya. Inabot niya ang kanyang kamay para kumapit ng mahigpit kay Nellie. “‘Wag kang matakot!” Kahit na nakahawak sila sa handrail ng buong lakas, umalog pa rin sila sa loob ng car, at nung lumipas lang ang ilang saglit bago tumigil sa pag alog ang Ferris Wheel. Pero, nakatagilid pa rin ang car. Habang nakatagilid ang buong caar, nasa ilalim nila ang pinto, at gumewang ang pinto na para bang bibigay na ito. Kapag nasira ang pinto, at kapag naubos na ang lakas nila, mabibitawan niya ang handrail at mahuhulog sila mula sa nakatabingi na car! Nanginig sa takot si Nellie sa mga kamay ni Luna. Napuno ng lamig ang mga mata ni Luna. Ito pala ang plano ni Aura! Inisip niya na gusto lang saktan ni Aura si Nellie—para turuan ito ng leksyon—at para balikan lang siya. Hindi niya inaasahan na papatayin silang dalawa ni Nellie ni Aura! Humigpit ang puso ni Luna habang iniisip ito. Ginitgit niya ang kanyang ngipin, naglabas ng pinakamatatag na backpack strap, at ginawa itong safety belt. Tinali niya si Nellie sa isang window bar habang ginamit niya ang kanyang damit bilang isang tali at tinali niya ito sa kanyang braso. “Mommy…” tila nanghihina ang boses niya at paiyak na siya. “Hindi po tayo malalaglag? Kasalanan ko po! Hindi ko na po dapat kayo niyaya sa Ferris Wheel… Mommy, natatakot po ako…!” “Magiging ayos lang tayo.” hinimas ni Luna ang likod ni Nellie at nilabas niya ang phone niya gamit ang nanginginig niyang kamay. Walang signal. Mahigpit ang hawak niya sa phone, namumutla ang kamay niya sa kakulangan ng sirkulasyon ng dugo. Ngayon, muli niyang minaliit ang kalupitan ni Aura at ang pagkagusto ni Joshua sa kapatid niya. Boom! May malakas na tunog, nasira ang pinto ng car at nalaglag ito sa ere. Sa taas ng 100 metro, ang nakita lang nila ay ang itim na anino sa ere nung nalaglag ang pinto. “Mommy…” umiyak na si Nellie, hindi niya na pigilan ang sarili niya. Nalaglag na sana siya kung hindi siya tinali ng Mommy niya! Huminga ng malalim si Luna habang pinagaan niya ang loob ni Nellie, ngunit kahit na nagisip siya ng mga salita, walang lumabas sa kanyang bibig. Blanko ang utak niya. Sa mga sandaling ito, nagkagulo ang mga tao sa amusement park. “May taong nakulong sa taas!” “Natanggal yung pinto ng car! Hindi mahuhulog ang mga tao sa loob, tama?” “Kung nalaglag sila sa ganyan kataas, magiging parang meatloaf sila…” Habang nakikinig sa boses sa paligid niya, naging mas komportable si Aura sa kanyang upo. Lumingon siya at tumingin siya sa bodyguard na nasa tabi niya. “Tawagan natin si Joshua. Sabihin mo na ang katulong, si Luna, ang nagpilit na sumakay sa Ferris Wheel kasama si Nellie, at nangyari ang aksidenteng ito.” Nagdalawang isip ang bodyguard, “Pero…” Gumulong ang mga mata ni Aura. “Pero ano? Sa tingin mo ba ay makakaligtas ang babaeng ‘yun? Magiging totoo ang kung anong sabihin natin. Pati, sabihin mo sa amusement park staff na ipeke ang pagliligtas. Aayusin na lang ang Ferris Wheel kapag nalaglag sila at namatay.” “Opo, Ma’am!” Pag alis ng bodyguard, pinaypayan ni Aura ang sarili niya habang nakatingin siya sa direksyon ng Ferris Wheel habang may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. “Luna, Luna… Sa tingin mo ba ay kaya mo akong hamunin sa pagpadala ng batang babae na tulad niya? Isang pagkakamali ang bwisit na batang ‘yan. Ngayon at pinauwi mo siya dito, ‘wag mo akong sisihin na hindi kita binigyan ng pagkakataon!” ... “Mommy, Nellie.” Sa Ferris Wheel, may kalmado na boses ng batang lalaki na nanggaling sa necklace sa leeg ni Nellie. “Nigel?” lumaki ang mga mata ni Luna. “Ako po ‘to. Pinakialaman ko po ang necklace ni Nellie. Pinalakas po ang signal para makapag usap po tayong tatlo kung sakaling may emergency.” Matatag ang boses ng batang nasa phone. “Hinack ko po ang surveillance system ng amusement park, at nakikita ko po kayo.” Sa kabilang dulo ng karagatan, may payat at maputlang bata na nakaupo sa hospital bed habang nakatingin siya sa computer screen sa harap niya na may maraming frames. “Nag usap po kami ni Neil. Pumunta po siya ng control room sa sandali na mapunta po kayo sa aksidente. Hindi po magtatagal ng limang minuto bago pa maging matatag ang car, kumapit lang po kayo.” Kinagat ni Luna ang kanyang labi at natuwa siya. “Baby, magaling ang ginawa niyo.” Tahimik ng ilang saglit si Nigel. “Mommy, umuwi po kayo dahil sa akin. Matagal ko na pong sinabi na wala po akong pakialam kung mabubuhay pa po ako ng maraming taon, pero pinilit niyo pa rin po na bumalik… kapag may nangyari po sa inyo…” Kumirot ang puso ni Luna habang pinakinggan niya ang boses ng anak niya. “‘Wag mong sabihin ‘yan.” “Nigel…” Mahina si Nellie mula sa kakaiyak. Nakasabit lang siya sa bintana gamit ang strap ng backpack, ngunit matatag ang boses niya, “Kasalanan ko ‘to, hindi ikaw, Nigel. Hindi ako nagsisisi na bumalik para tulungan ka. Pero nagsisisi ako na dinala ko si Mommy dito…” “‘Wag na nating gawin ‘to ngayon, okay?” narinig ang pagod na boses ni Neil sa loob ng necklace. “Nigel, nasa master control room ako ngayon, nasaan ang controls ng Ferris Wheel?” Nang marinig ni Nigel ang boses ni Neil, bumalik sa siya sa sarili at nagpatuloy siya sa pag gabay, “Sa kaliwa.” “May dalawang tao na nanonood ng video. Nakalock ang pinto at hindi ka makakapasok, pero sa sulok ng hagdan, may dalawang security guard na nagkwekwentuhan.” “Okay!” Huminga ng malalim si Neil, nilapag ang necklace, naglabas ng dalawang pulang ticket mula sa kanyang bulsa, at mabilis na umakyat ng hagdan. “Hello. Gusto niyo po bang mapromote at kumita ng malaki?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.