Kabanata 12
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Bonnie kay Dwayne sa mukha nito. Pinandilatan niya ito.
Tumitig pabalik si Dwayne. “What the fuck?”
Galit niyang sinubukan na sunggaban ang dalaga.
Mabilis siyang sinampal ni Bonnie nang paulit-ulit.
Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya, umikot si Dwayne na parang trumpo, at nagsimulang mamaga ang mga pisngi nito.
“Motherf—” sigaw ni Dwayne.
“Ano? Gusto mo pa?”
Itinaas ni Bonnie ang kanyang kamay, at natakot si Dwayne.
Ngumuso si Bonnie, saka tumalikod at umalis.
Si Dwayne ay nagngangalit ang mga ngipin at sinundan ng tingin na may nagliliyab na mga mata ang dalaga.
“Maghintay ka lang, bitch!
“Pagsisisihan mo ‘to!”
***
Ika-20 iyon, ilang araw bago ang press conference.
Ang bawat pangunahing news outlet ay sinakop ng balitang tungkol sa bagong nanomaterial na pambihirang tagumpay.
Habang kumakain sila noong gabing iyon, nanonood ng balita ang mga Shepard sa TV.
“Maagang bahagi ng buwang ito, matagumpay na nakabuo ang research team na pinamumunuan ni Ms. Bonita ng bagong nanomaterial pagkatapos ng isang taon ng walang humpay na mga eksperimento. Nagdulot ito ng sensasyon sa Arvandor at nagpadala ng shockwaves sa buong mundo!”
Hinangaan ni Gresham ang balita at sinabing, “Ibang klaseng tagumpay iyon, hindi ba? Ang makabuo ng bagong nanomaterial sa loob ng isang taon.
“Nabalitaan kong sobrang bata pa ni Ms. Bonita. Mga kasing edad siya ni Trina.”
“Talaga?”
Nagulat si Trina.
Ipinasa ni Vera ang isang piraso ng inihaw na baka kay Trina. “Overachiever ka na, honey. Hindi mo na kailangang ikumpara ang sarili mo kay Ms. Bonita, na nasa sarili niyang liga.”
“Tama ang nanay mo. Kailangan mong mag-aral ng mabuti ngayon, para makasali ka sa research team ni Ms. Bonita sa junior year internship mo.” Pinasa ni Gresham kay Trina ang mashed potato.
“Huwag kayong mag-alala. Presidente ako ng Scientific Research Club ngayon, at alam ng lahat na magaling ako sa research.
“Sinabihan rin akong talentado ng mismong propesor ko at nag-alok na irekomenda ako sa research institute ni Ms. Bonita para sa internship ko.”
Nilingon ni Trina si Bonnie na may masamang tingin sa mukha. “Magaling din naman si Bonnie.”
Mukhang nalungkot sina Gresham at Vera nang banggitin ni Trina si Bonnie.
Kumunot ang noo ni Vera at nagtanong, “Bakit mo nasabi ‘yan?”
“Ambisyosa kasi siya! Diba sabi mo papasok siya sa Pyralis University?”
“At gusto rin niyang maging top scorer sa entrance test. Ibang klaseng layunin!
“Ako? Halos hindi na ako magkanda-ugaga sa college.”
Kinurot ni Trina ang sariling hita habang inaasar si Bonnie para pigilan ang sarili sa pagtawa.
Naging malungkot si Vera, at natahimik si Gresham.
Patuloy ni Trina, “Hindi ba tayo naimbitahan sa press conference? Dapat isama natin si Bonnie para lumawak ang kanyang pananaw.”
“Buweno...”
Nag-alinlangan sina Gresham at Vera.
Alam nila kung anong klase si Bonnie.
Madalas siyang lumiliban sa mga klase, nasasangkot sa pakikipag-away, at mahilig magpakitang-gilas.
Minsan na niyang ipinakita sa kanila ang tropeo mula sa isang internasyonal na kumpetisyon at sinabing siya ang nanalo nito.
Gayon din ang ginawa niya sa isang medalya sa kompetisyon ng chess at marami pang iba.
Kung dinala nga nila si Bonnie sa press conference, baka magkalat siya doon.
Seryosong sabi ni Vera, “Malapit na ang college entrance test, Bonnie. Huwag mo nang isipin ang pagpunta sa press conference, okay? Dito ka na lang sa bahay at mag-aral.”
Tumaas ang isang kilay ni Bonnie at tiningnan si Vera na parang mangmang ito, ngunit hindi siya umimik.
***
Ang ika-25 ay ang kaarawan ni Sacha.
Kinuha ni Dwayne ang pinakamahal na VVIP room sa Regal Karaoke.
Hinawakan ni Eda Howard ang kamay ni Bonnie at humihingi ng paumanhin, “Pasensya na kung pinapunta kita, Bonnie, pero mababagot kasi ako kung wala ka.”
“Sige na, para saan ba ang mga kaibigan?”
Sa sandaling sinabi iyon ni Bonnie, nanuya si Tilda Garraway, “Huwag kang umasta na parang mas angat ka sa amin, Bonnie.
“Ano naman kung maganda ka? Kung hindi dahil kay Sacha, hinding-hindi tayo makakatambay sa ganoong kagarbong lugar.” May iba pang mga estudyante na sumisingit, sinusubukang sumipsip kay Dwyane.
“Bigyan mo naman siya ng utang na oob. Ang lalaking sumundo kay Bonnie noong isang araw ay nagmaneho ng Maybach, hindi ba?”
“Ay, puwede ba! Malalaman naman natin kung boyfriend niya talaga iyon. Kahit sinong may utak ay makakapagsabi kung ano iyon.
“Malamang ay binayaran siya ni Bonnie para magpanggap sa harap nating lahat. Bakit hindi siya nagpakita nitong mga nakaraang araw?”
“Nag-book si Dwayne ng pinakamagagandang VVIP room sa pinaka-marangyang karaoke sa Pyralis. Tiyak na gagawin ni Bonnie ang lahat para makapasok.”
Napatingin si Bonnie sa kwarto sa dulo ng corridor.
Yung VVIP room? Maraming beses na siyang nakapunta rito.
Nakita ni Dwayne si Bonnie na nakatingin at inakala niyang gusto nitong pumasok sa loob.
Natuwa siya dahil natitiyak niyang malapit na itong bumigay sa kanya.
Sa sandaling iyon, dumating ang manager.
“Pasensya na, Mr. Dwayne, pero may ibang nag-book ng VVIP room.”
Si Sacha, na nakasandal sa mga braso ni Dwayne, ay nagsabing, “Ay, hindi. Nangako ako sa mga kaklase kong doon kami.”
“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala.” Bahagya siyang kinurot ni Dwayne, tapos tinitigan niya nang masama ang manager. “Maaga akong nagpa-reserve. Akin ang putanginang room na ‘yon!”
“Pasensya na, pero may VVIP na gumagamit noon. Paano kung dalhin ko na lang kayo sa ibang kuwarto?”
“VVIP? Diba VVIP din ako?” ganti ni Dwayne.
Inalalayan siya ng iba.
“Oo nga, tatay ni Dwayne ang nagmamay-ari ng Caesar Hotel, okay?”
“Umalis ka na lang sa daraanan namin kung gusto mong panatilihin ang trabaho mo!”
“Wag mo siyang pansinin, Dwayne. Pasok na lang tayo.”
Tumingin si Dwayne sa iba, at ang kanyang tingin ay nananatili kay Bonnie.
Kinuyom niya ang kanyang mga ngipin, nilampasan ang manager, at binuksan ang pinto.
“Akin ang kwartong ‘to. Tabe—”
Nang makita niya kung sino ang nasa loob, napatigil si Dwayne sa pagkaalarma.
Nagtinginan ang ibang mga estudyante, nagtataka.
May ilang lalaki at babae sa sofa. Tumayo ang isang mukhang mayabang na dalaga.
“Dwayne Moss? Anong ginagawa mo?”
Namutla si Dwayne.
Nilapitan niya ito nang marahan. “Pasensya na, ma’am. Hindi ko alam na nandito ka.
“Karapat-dapat akong parusahan, hindi ba?”
Sinuntok ni Dwayne ang sariling mukha.
Napayuko si Sacha at ang ibang estudyante.
Kahit si Dwayne ay hindi naglakas-loob na banggain ang babaeng iyon!
Habang nagtataka sila kung sino siya, napatingin sa kanila ang dalaga at natigilan siya.
“Ikaw ba ‘yan?”
Nagmamadali siyang lumapit sa babaeng nakatayo sa likuran nila at mariing inilahad ang kanyang mga kamay.
“Pakiusap, i-mentor mo ako, ma’am!”